xlix. hole-and-corner
Jongin
Naabutan ko si Tamara sa dining, hawak ang isang wine glass. Ipinasok ko muna si Taeoh sa kuwarto bago sya nilapitan. Hindi ko maexplain ang expression sa mukha nya; halo-halo. "Kumain ka na ba?" tanong nya, "Sandali lang at hahainan kita!" sabi nya na tila natataranta. Kumuha sya ng plato dahil sa panginginig, nabitawan nya ito. Pinigilan ko syang damputin yun.
"Tamara, ako na."
Hindi sya humarap sa akin. Dinampot ko yung bubog. Natahimik kaming pareho ng ilang minuto. Bumalik sya sa dining at ininom ang natitirang wine. "Pinuntahan mo ba sya?" Hindi ako makasagot, "...at sinama mo si Taeoh dun?" Nanginginig ulit na dinagdagan nya ang laman ng wine glass at dali-daling ininom. Agad na pinigilan ko sya then, she started sobbing like a kid. "How dare you, Jongin!?" Lumapit sya at pinaghahampas ako.
Pinabayaan ko lang na ilabas nya ang sama ng loob nya hanggang sa onti-onti syang nanghina. Niyakap ko sya. "I'm sorry, Tam, I'm sorry. I know I'm being unfair to you. I'm one of the reason why you are hurting. Ples, don't cry 'cause I'm not worth it. Isa ka sa mga taong umukit sa buhay ko and those memories, are unforgettable. I love you but," I took a deep breath, "...in a different way. I'll protect Taeoh. I can give him my name but," Humiwalay sya sa akin at tinitigan ako, "I can't give you my heart."
✘✘✘
Kyungsoo
"San ka pupunta?" B asked.
"Iiwan mo na kami?" ani ni Luhan.
"Paano na ako, hyung? Makokontak pa ba kita kapag may tanong ako?" Binatukan ko si Taehyung. Bakit ba kasi ako ng ginugulo nya kapag may tanong syang out of this planet? Mas expert kaya si B sa akin. Yan pa, sya nagsulat ng kamasutra. Dejoke. "Ayoko ng mabuhay! Patayin nyo na ko!"
Inabutan sya ni B ng kutsilyo, "Oh itong kutsilyo, tingina mo ka! Maglaslas ka na! Anong gusto mong kanta?! Papatugtugin ko para makapaglaslas ka." Sapilitan na inaabot yun kay Taehyung. Si Taehyung naman, takot na takot ang mukha. Haha. Napatigil ako dahil naaalala ko si Yoda. I know he's still bothered dahil sa sinabi ko tungkol kay Chanyeol. Sinira ko ang barko nila but he needs to know right? Argh! Inis.
"Luh oh bakit, Kyungsoo? May sasabihin ka pa ba sa akin? Parang ang lalim ng iniisip mo? Don't worry. I'm -- okay. I'll be okay." Pilit na ngumiti sya, "Wait, don't tell me you're checking out on me ah? Yuck, hindi tayo talo! Kadiri lang talaga!" Nangisay kuno sya sa pandidiri. Natawa nalang ako.
"Gagu!" I hit his head, "Feeler, hindi kita papatulan kahit na maging kamukha mo pa si Bread Pitt! O kahit na magkaABS ka pa sa mukha no!" I rolled my eyes. On the second thought, Baekhyun is still fearless. Ano kayang gagawin nya kay Yoda kapag nagkita sila? "I'll stay in the province for a while. Gusto kong magkapagisip. I want peace -- world peace and peace of mind."
"Sa cementeryo, mahahanap mo yun."
Leche 'tong si Luhan. Ang gagu.
Niyakap nila ako. Napatingin ako sa relos ko. Malapit na ang last trip nung bus na nakuha ko. "Hyung, pasalubong namin." My face crumpled. Leche ka, Taehyung! "Hyung, kung ang sabon ba nadumihan, sasabunin ko rin? Kung ang downy ba nagexpired, mamamaho? Kung merong anti-bac, meron din kayang anti-front? Grabe, naguguluhan na ako. Gusto kong gumawa ng thesis nito. Naeexcite ako!"
Parang binagsakan kami ng langit at lupa sa katanungan ni Taehyung. Goodluck sa gagawin nyang thesis, ewan ko lang kung makapasa sya. Pagbukas namin ng pinto. Bumungad sa amin si Chanyeol with this sadness in his eyes. Hindi ko magawang magalit o patayin man sya sa isipan ko. Hindi ko matanggap yung ginawa nya.
Napatingin sya kay B. "Baekhyun," He whispered pagkatapos tumingin sya sa akin. He gave us this apologetic look but I dunno what to feel. I dunno what to think.
"Umalis ka na!" sigaw ni B, "Hindi namin kailangan ang tulad mo. May mga kasama ka ba ha? Isama mo sila!" Napayuko sya, "Bakit Yoda?" He added with a brittle tone, He's about to cry now. "We trusted you. Bakit ikaw pa? Pinapagana mo na naman yang balls mong tingini mo ka!"
"Let me explain -- ugh! Aray!" Napayuko si Chanyeol kasi tinuhod sya ni Baekhyun sa ano nya. Napangiwi kami. Ang sakit nun. "Bh3, wala namang ganyanan. Ang sakit!"
"Sge na, Kyunggie. Baka abutan ka pa nila dito." Nagdadalawang isip ako. Itinulak nya ako nang hindi ako kumilos at muling binalingan si Chanyeol, "Wag mo akong mabh3 dyan kung sino ka mang sumapi kay Yoda ko. Si Yoda ko lang, ang Yoda na kilala ko lang ang syang pwede tumawag sa akin nun. Ikaw -- hindi na kita kilala."
Ouch, sakit nun.
Umalis na ako. Inantay ko ang bus sa terminal. Maya-maya lang ay dumating na ito. Saktong pag-upo ko at ang pagandar ng bus, nakita ko si Jongin sa tapat ng pwesto ko, gustong pahintuin ito. He's shouting something which I couldn't clearly hear it. Nag-iwas ako ng tingin.
I'm sorry, Jongin.
Ipinikit ko ang mata ko habang nasa byahe kami. A day and an hour ang byahe kaya paguran to the max. Si Jinsu ang nagsabi ng lugar; his hometown. He offered their old house. Wala na raw nakatira dun dahil nasa ibang bansa na ang magulang nya. Caretaker nalang daw ang nangangalaga dun. Gusto nya akong ihatid but I said no. Gusto kong pumunta ng mag-isa lang, e.
After a long trip, nakarating ako sa address na binigay sa akin ni Jinsu. Tinawid ko pa ang dalawang bundok, ang ilog na may mga buwaya at bulkan. Chos. Feeling ko kasi ganun ang pinagdaanan ko, e. I criii. Hinawakan ko ang door knocker na silver and to my surprise, bumukas ang pinto in it's own accord. Ganito napapanuod ko sa horror movies! May multo, pitingini.
"Ikaw si Kyungsoo?"
Nagbow ako sa dun sa lalaki. May edad na sya. Wala na syang hair. Mukha syang may sakit kasi ang tamlay nya pero nakangiti sya sa akin. Pero naaamoy ko sya. He is DYOsa like me -- like us. "Opo, ako yung friend ni Jinsu na tutuloy dito ng ilang araw? Buwan? Taon? Dekada? Ewan ko, depende sa feels ko. I'm Do Kyungsoo."
"I'm Yi Beng." I-Yi beng nyo ako.
Pagpasok sa loob, ang laki ng bahay. Sya lang ang tumutuloy dito all these years? Umakyat kami sa taas at pinakita nya sa akin ang magiging kuwarto ko. Queen sized yung bed at kompleto pa sa gamit. 42" inch ang TV. Ang laki rin ng cabinet. Ayoko na umalis dito! Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong magring.
Si Park Chanyeol. Hindi ko sinagot yun but instead, pinatay ko ang phone ko. What do he expect 'di ba? Sasagutin ko ang tawag nya? Ano ako gagu? Traydor sya! I'll deal with him later. Nakakalungkot isipin na nagtitibag na ang CHANBAEK. No. I'm too tired to move a muscle. Nakatulog agad.
"Kyungsoo, kakain na." Napabangon ako dahil sa pagtapik ni Yi Beng sa akin. "Ang tagal mong nakatulog. Magaalas-sais na kasi ng gabi." Nanlaki ang mata ko. Hindi nga? I arrived at noon tapos six na? I was really tired. "Halika na." Sumunod ako sa kanya. I'm somehow positive na mabait sya. Yun din kasi ang sabi ni Jinsu sa akin. Mapagkakatiwalaan ko raw si Yi Beng.
"Hindi ba kayo nalulungkot?"
"Bakit naman ako malulungkot?"
"Mag-isa lang kayo dito, e."
Napangiti sya, "Okay lang. Ang alagaan ang rosas sa backyard na lang ang ikinasasaya ko. Kumain ka ng marami." sabi nya saka inabot sa akin ang plato ng kanin, "Mukha atang mahalaga ka kay Sir Jinsu. He gave us a lot of money to spend habang nandito ka." Napa-what ako. Bakit nya ginagawa yun? May pocket money naman ako dito?
"Ibalik nyo po o, sa inyo nalang." Umiling sya but never spoke a thing, "Ilang taon na po kayo dito? Simula ng umalis ang mga magulang ni Jinsu?" Tumango sya, "Ah, inalagaan nyo po talaga ng maigi itong bahay ano? Hindi mukhang haunted, e."
"Importante kasi sa akin ang bahay na 'to dahil na rin sa dating may-ari. Maraming ala-alang hindi ko makakalimutan." I saw his eyes sparkled, "Ala-alang hindi ganun kadaling burahin." Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko parang pareho kami ng kalagayan. "Onga pala, darating dito ang pamangkin ko. Maya-maya lang siguro ay nandito na sya." Napatingin sya sa relos.
"Gusto ko syang makilala." sabi ko.
Pagkatapos kumain ay nilibot ko ang kabuohan ng bahay. May ibang parte na bakas na ang pagkaluma. Napahinto ako sa isang kuwarto. Kuwarto yun ni Jinsu. Ang cute ng mga baby pictures nya dun. Paglabas ko, nadatnan ko si Yi Beng na may tinitignang litrato sa isang kuwarto. Marahil ito ang pansamantalang silid nya.
"Yi Beng, ano yan?" tanong ko.
"Si Jongyeon." Lumapit ako, "Sya ang anak ng dating may-ari nitong bahay na ito." Ipinakita nya sa akin yung litrato at nanlaki ang mata ko. Napaatras ako dahil dun. Tingini. "Oh, Yi Xing! Nandyan ka na pala!" Napalingon ako sa taong binati nya sa likuran ko. Si Lay! Pitingini. Bakit ang sikip ng mundo para sa amin? Fvck oh.
Tatakbo dapat ako pero hinawakan ako ni Lay sa braso. "Don't. I guess, you have the right to hear the whole story. Don't judge me just because I did it to you, Kyungsoo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top