xliv. unbearable pain

"Haha." I faked a laugh, "C-Congrats bro!" Tinapik ko ang braso ni Jongin. Ngayon, BRO nalang? Tingini. "Una na ako, Tamara. Ang sakit kasi ng tyan ko, e. Alam mo na. Congrats!" Sinulyapan ko si Jongin. Gusto kong pigilan nya ako e, but he never did. Umuwi ako't kinuha ang gamit ko sa unit nya. My spare key na kasi ako. Pinuntahan ko sila Luhan. I know, delikado but I need them right now. I need my best friends.

"Gagu yun ah!?" bulyaw ni Luhan.

"Luhan, huminahon ka. Magkakawrinkles ka nyan, sige ka." Pinaupo ni Baekhyun si Luhan sa couch kung saan ako umiiyak. Nakasampa ako dun. Hindi pa nga ako nagpapalit ng damit, e. "Pitingini! Saan va yung kkamjong na yun at nang mabaril ng bulge at baba ni Sehun -- aray ko naman!?"
Binatukan ni Luhan si B, "Dinadamay mo pa dito si Hunnie. Aish! Umupo ka nga! Naiirita ako sayo!" sigaw nito kay B. Ang ingay nilang dalwa pero ako, ito iyak lang nang iyak. Gulong-gulo ang isip ko. Hindi ko lubos akalain na sa isang araw, he will changed his mind in just a snap. Bakit ba? Bakit ginagawa ni Jongin sa akin 'to? My mind couldn't process it all; parang hindi na ito gumagana. "Kinausap mo ba sya? Let him explain! Ganito ang nangyayari sa koreanobla, Kyungsoo. Ganitong-ganito! Misunderstanding, chuva eklavom! In the end, you know what's left? Re -- grets!"

Sino ang anghel at devil sa dalawa?

"Magsisinungaling lang sya! What makes you think na hindi? He already did it na nga 'di ba? Kasama nya si Tamara nun pero ang sabi nya, SYA lang. Argh! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ngayon edi sana, pinasabog ko na ang eroplano ni Tamara bago pa lumapag dito." inis na inis na sabi ni Baekhyun, "Ang gagu ni Jongin! Hindi ka man lang nya napanindigan! Kasalanan ko 'to e, bakit ko pa kasi kayo tinulungan?"

Hinawakan ko ang kamay ni B.

Kung hindi nya ako tinulungan, hindi sana nangyari yung nangyari sa Santorini. All I could ever think of about that astonishing place are the good memories Jongin and I, shared; the rest, I buried in the back of my head. Luhan gently caressed my back while Baekhyun rested his head on my shoulder. How lucky I am to have them as my friend. Atleast I'm not alone. A loud knock on our door startled us. Nagsisisigaw si Jongin.

"Kyungsoo, let's talk."

Tumayo si B, "Ako ng bahala." Sumiksik lang ako sa dulo ng couch. Sinundan ni Luhan si B dahil paniguradong raratratin nito si Jongin. "Go away, Jongin! Wala kaming yelo!" impit nito, "Gagu ka ah?! Alam mo yun? Kapal ng libag mo! Wala si Kyungsoo, kung sya ang hinahanap mo! Umakyat sya sa Mt. Everest dahil -- sayo with exclamation point!" Napafacepalm ako sa pinagsasasabi ni B. Juice colored.

"B, huminahon ka nga." sita ni Luhan dito, "Sige na, Jongin. Umuwi ka na muna ples lang. 'Wag muna ngayon. Kung hindi ka aalis ngayon, tatawag na ako ng pulis." sambit nito. Kilala ko si Luhan, kapag sinabi nya gagawin nya talaga pero kilala ko rin si Jongin, hindi sya aalis hangga't hindi nya ako nakakausap. What to do?

"Just let me talk to him, Luhan. 'Wag nyo syang itago sa akin! Kyungsoo!" sigaw ni Jongin, "Please, magusap naman tayo oh. Alam kong nandyan ka sa loob. Alam kong hindi mo ako matitiis, Kyungsoo. Please, kausapin mo na ako dahil hindi ako aalis hangga't 'di ka lumalabas. I'll wait here."

Tumayo ako at lumapit sa pinto.

"Okay na, bruh. Kakausapin ko lang sya." Nangunot ang noo nila Luhan pero wala ring nagawa sa desisyon ko. I shutted the door behind me. "So, anong gusto mong sabihin, Jongin? I'll give you five minutes. Just five minutes and then leave." sabi ko ng hindi makatingin sa kanya. Hinawakan nya ang magkabilang kamay ko. Pinigilan ko ang luha ko sa pagbagsak. I won't cry.

"Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sayo, Kyungsoo. Naiipit ako. I don't know which side to take." Ipinatong nya ang noo nya sa noo ko. I looked down, avoiding his gaze. He took a deep breath. "Tamara is dying. She needs me. They need me."

They.. that got my attention.

"Oh tapos?" I paused, "Ako, hindi ba?"

"We could still continue what we have."

"Hanggang kelan naman? Hanggang kelan natin itatago kung anong meron tayo sa kanya, Jongin? Hanggang mamatay sya?! Hindi ako ganun kasama. Mahal kita pero hindi ibig sabihin nun kaya kong manakit ng iba." Hinawi ko ang kamay nya habang nakatingin ng diretso sa namamasa nyang mata. Lalo tuloy nanlambot ang tuhod ko.

"Remember your promise, Kyungsoo."

"I guess, promises really are made to be broken, Jongin." Nanginig ang labi nang lumabas yun sa bibig ko. Gusto ko mang bawiin pero huli na ang lahat. "Hindi ka pwedeng tumuhog ng dalawang lechon kung toothpick lang ang gamit mo. Now, sino ba talaga? Ako o Sya? Mamili ka."

"Don't, don't make me choose." Niyakap ako ni Jongin habang binubulong nya yun sa tenga ko. Bakit ba nahihirapan syang mamili sa amin? Ibig sabihin, importante pa rin si Tamara sa kanya? Pero sabi nya, tapos na sila? Their chapter has already ended but the joke is on me, I guess? Hiatus lang pala. Ako pa ang kontrabida.

"Sino, Jongin?" Hindi sya sumagot. Inantay ko ang sagot nya pero wala. "Congrats." I said, "Maging masaya sana kayong dalwa." pagkatapos kong sabihin yun, pumasok na ako ulit. Nahirapan ako dahil pinipigilan nya ako pero nagawa ko pa rin. Iyak lang ako nang umiyak ng gabing yun. Masakit. All of this, ended with nothing. Talo ako.

Talo ako. Hindi na sya sa akin.

✘✘✘

Dinukot ko ang cellphone ko sa ilalim ng higaan nang biglang tumunog ang phone ko. Ilang araw na akong nagkukulong sa kuwarto. Tatayo lang ako ng madaling araw kapag gutom na gutom na ako. Sa ilang araw na yun, naliligo pa naman ako. Humanap muna ako ng pansamantalang mauupahan. Ang hirap palang mag-isa. Binuksan ko ang mensahe at muntik ko pang maibato ang cellphone ko sa inis. Dapat binoblock na ang ganitong text!

.

.

.
From: Unknown

Si Kryst4l Jun6 'to. W3t, b@s4hin m0e at 'w@6 m0eng bubur4h!n, Kyun6soo. C0m3 to H3nn4n R3sid3nc3s. I'll s3nd u the @ddr3ss r!6ht 4ft3r this ms6. I w4nt to tell u s0m3thing in p3rson. I'll 3xp3ct u to com3 at 3pm. See you then @ da lobby!

Ang jejemon amputs.

Binuksan ko ang sunod na mensahe. Yung address ng Hennan. Pinagiisipan ko kung pupunta ako o hindi. Kung pupunta ako, ano namang sasabihin nya sa akin at kailangang in person pa? Magsosorry ba sya or something? Halos isang oras ko rin pinagisipan ang desisyon ko pero parang may tumutulak kasi sa akin na pumunta ako. In the end, napagdesisyunan kong pumunta. Nagayos ako at nagcommute lang papunta dun, feeling nervous.

Pagpasok ko sa lobby, nakita ko agad si Krystal sa may sofa set dun. Nakadress sya na itim, sunglasses at handbag na itim din. Galing ba sa lamay 'to? Pati sapatos nya rin kasi itim din, e. Luh. But wait, there's more -- Pati ang budhi nya pala itim din. Tumayo agad si Krystal nang makita ako.

Wait, may dala syang cake?

"Akala ko, hindi ka pupunta."

I rolled my eyes, "Anong sasabihin mo?"

"Follow me," tipid na sabi nya.

Hindi kami sinita nung guard. Dire-diretso lang kami sa elevator. Siguro nasabi na nya kung saan kami. "Bakit naka-all black ka?" tanong ko sa kanya nang makapasok kami sa loob ng elevator. "Bagay sayo ang kulay na yan. Keep it up, Krystal. Black is good."

"Nagluluksa kasi ako." sagot nya, "Ikaw? Bakit naka-black ka rin?" Nakangising tanong nya sa akin. Sinuri ko ang sarili ko. Hindi ako naka-all black. Black polo lang. Leche. Ganito ba kapag broken-hearted? Black ang favorite color? Tumawa sya ng malakas. Tingini nito. "Nagluluksa rin?"

"Oo, nalagasan ako ng buhok."

Napangiwi lang si Krystal sa sagot ko. Asa pa syang kakausapin ko sya ng matino no. Bumaba kami sa 25th floor at huminto sa isang unit malapit sa may fire exit. "We're here, Kyungsoo." sabi nya and then, a silly smile appeared on her face. "Hindi ka ba nacucurious kung anong meron at kung sino ang nasa loob ng condo unit na yan? Magdoor bell ka. Btw, kailangan mo 'to as props." Inabot nya sa akin yung cake na hawak nya. Props? Cake? Pitingini lang! Nakakadepruta talaga 'tong babaeng 'to.

"Krystal!" sigaw ko ng layasan nya ako. She left me there with my lips parted. E, akala ko ba may sasabihin sya sa akin? I guess, naloko ako. Napatitig ako sa pinto. I'm thinking thrice kung magdodoor bell ako o hindi. Curiousity is killing me. Ano bang meron dito? I pushed the button.

Maya-maya lang, bumukas ito.

"Oh, Kyungsoo? Wow. Sinurprise visit nyo naman ako." NYO? Ibig sabihin may nauna pa sa akin? "Hindi ka pumunta sa birthday ng twins ko the other day. Akala ko nga sabay kayo ng kapatid ko pero iba ang kasama nya. Halika pasok ka," Ngumiti ako bago pumasok. "Btw, si Top nga pala -- my husband and my twins, Maine and Jacky."

"Hello." sabi ko, "Ako si-" Napatigil ako sa sasabihin ko nang lumabas sa isang pinto si Jongin at sa kusina naman sa kaliwa ko si Tamara na naka-suot ng apron. Sabi na nga ba, e. Kanina pa ako kinukutuban ng hindi maganda. The three of us breathing the same air. This is suicide. PITINGINI!:(

Pakyu ka, Krystal. Sagad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top