special chapter |vkookhope|
Note: Taehyung's time to shine!;)
Taehyung
"Eomma, nakapulot ako ng pera." Bungad ko kay Eomma Baek na nanunuod sa sala. Tumabi ako sa kanya at nginitian sya ng malapad. The square smile kung san ako kilala. Umayos sya ng upo at ngumuya ng popcorn na kinakain nya. Magisa lang sya.
"Oh? Magkano?" He asked.
"Isang libo."
"Wow, saan mo napulot?"
Ngumiti ako, "Sa wallet mo. Hihi."
Nangunot ang noo nya at agad na hinablot ang buhok ko. "PITINGINI MO! IBALIK MO YUNG PERA KO! PANG-SOGO PA NAMIN YUN NI YODA! GAGU KA!" Napaungol lang ako sa sakit. Huehue. Hihiramin ko lang naman kasi may date kami ni Jungkook. Gusto ko kasing bilhin yung gusto nyang cundum. Hindi ko alam kung ano yun. :(
Itatanong ko nalang sa cashier.
"PAHIRAM LANG AKO, E!"
"At bakit? Saan ka pupunta?"
"May date ako."
"At sinong bisugo ang kasama mo?"
Hinampas ko ang balikat ni Eomma. "Sya pa rin. Si Jungkook." Kinikilig ako. Akala ko talaga pinagpalit na nya ako nun, e. Nung tinawagan ko kasi sya, babae ang sumagot at sabi ba naman; the number you dialled is busy at the moment. Please try your call later. Aba gagu. Balak pang solohin si ilong. "Pinakilala ko na sya sa inyo 'di ba? Gwapo naman po 'di ba? Tutol ba kayo sa kanya?"
"Gwapo yung butas ng ilong nya."
"ANG SAMA NYO EOMMA AH! Bakit ganyan nalang kadali sa inyo na laitin si Jungkook? Oo, malaki ang ilong nya pero dahil dun ay nainlove ako sa kanya. Masyado kasi akong nasilaw, e. I've never seen a human hippo in my entire life cycle of living peacefully, now I do believe that NOSE can conquer all humanity. Kahit higupin nya pa ako gamit ang ilong, okay lang yun kasi mihil ki siyi."
Isang batok ulit ang natanggap ko.
"Shabu pa, Taehyung ah? Lumaklak ka pa. Kulang pa ang daily dosage mo, damihan mo pa. Ewan ko sayo. Bayaran mo yan ah? Dyan sa isang libo na yan nakasalalay ang yadong namin ni Chanyeol." Pabirong na tinulak ko sya, "Lumayas ka na! Kairita ka. Pasalubong ko. Uwian mo ko ng chicken. Subukan mo lang umuwi ng walang dala."
"Anong gagawin nyo?"
"Papaliparin kita pabalik sa nemic!"
Napaatras ako nang iangat nya ang kamay nya. Grabe, hilig talaga nya akong saktan. Napangiti nalang ako. Nagayos ako tapos tinext si Jungkook. Nakipagkita ako sa kanya. Inantay ko sya sa may park. Kahit madilim na, okay lang. Hindi naman ako takaw reyp gaya ni Luhan and Kyungsoo hyung. Napatingin ako sa relo ko. Twenty minutes na akong nagaantay pero wala. Nasaan na kaya sya? Bakit ang tagal nya?
To: Jungkook
Where are thou?
Sent: 05:20PM
From: Jungkook
Thou are your heart is where.
Received: 05:25PM
Pitingini. Ano? Sakit sa gilagid ni Suga.
Google translate: Sa puso mo.
Naglupasay ako sa ground. Langhiya oh. Kinilig ako kahit hindi ko nagets yun. Hihi. Anong meron sa puso ko? Nakasinghot na naman 'tong si Jungkook. Tanong ko lang naman kung nasaan sya. Ang tagal nya, e. Nalulusaw na 'tong ice cream na dala ko para sa kanya. Dinidilaan ko nalang pati yung kanya. Harhar. Sarap ng flavour! :D
"Taehyung!"
Napalingon ako, "Jungkook." Pero bakit iba ang expression ng mukha nya? Umupo sya sa tabi ko't tinitigan ang kalangitan na nagsisimula ng kainin ng dilim. "Ah, ito nga pala ice cream, tunaw na pero 'wag kang mag-alala, dinilaan ko pa yan para sayo." Nahihiyang kinikilig na sabi ko, ang ganda talaga ni Jungkook. Ang laki ng ilong nya.
Hindi nya ito tinanggap. Awts.
"Taehyung, I'm sorry. Break na tayo."
"Ha? Bakit? May bago ka na ba? Nahulog ka na ba sa ABS nung unano na yun? Ano? MagpapaABS din ako kung yan ang gusto mo. ABS SA MUKHA PARA MAS KITA MO!"
Hinawakan nya ang kamay ko.
"It's not chu, it's me, myself and I."
"Pero-"
"Masyado raw akong matalino para sayo sabi ng nanay ko. Humanap daw ako ng panget at ibigin ko ng tunay." Napayuko sya. Hindi ito ang ineexpect ko, e. Excited pa naman din akong makita sya. BAKIT NAMAN KASI NGAYON PA KUNG KELAN MAGPAPASKO? "I'm so sorry, Taehyung." Binitawan nya ang kamay ko, "I love you, goodbye. Pero tumatanggap pa rin ako ng gifts sa pasko baka may regalo ka sa akin?"
"Meron," Naiiyak na sabi ko.
"Ano?"
"Cundum, yung gusto mo."
"Ha? Anong gusto?"
"Yung tinext mo sa akin?"
"Kelan?" Nangunot ang noo ko, "Dalawang buwan na akong walang load kaya paano kita natext? Sige na, mauna na ako. Merry Christmas and Happy New Year to you and your friends. Um, we could still be friends."
Masakit. SMP NA DIS.
Samahan Ng Pinagpala. :(
Pero teka, sino pala yung katext ko?
To: Unknown
Sino ka?
From: Unknown
'Di ako sinuka, inere ako sa pwet.
To: Unknown
Edi sino ire? Lels.
From: Unknown
Tumalikod ka.
Nagtataka man ay tumalikod ako. Nakita ko si Hoseok. Ang KABAYONG niluwa ng langit! All this time, sya lang pala ang katext ko? ANG TANGA KO! Lalo tuloy akong nainlove kay Jungkook dahil sa kanya. Lechugas. Kaya naman pala ayaw nya akong tawagan. Nasa California lang kami for a few months tapos si Hoseok pala. Akala ko naman nagpalit lang si Jungkook ng number. Pitingini lang!
"How dare chu Hoseok! Niloko mo ako! Pinaniwala mo ako na ikaw si Jungkook! Huehue. Ako nalang popoy! Ako nalang ulit!" Huminga ako ng malalim, "Sorry, nadala ako sa movie na yun, e. Pinanuod kasi namin kagabi." Napaupo ako ulit sa bench at napayuko, "Wala na kami. 'Di man lang kumota sa pasko. Masakit, e."
Naramdaman kong inakbayan ako ni Hoseok. "Nandito naman ako, e. Ako nalang, Taehyung. Gustong-gusto kita kahit BOBO ka! Wala akong paki-alam kahit BOBO ka! Kahit ikaw nalang ang nagiisang BOBO sa mundo, ikaw pa rin! Mahal kita kahit BOBO ka pa! Alam kong paulit-ulit na kasi BOBO ka! Ginising mo ang natutulog kong puso kahit BOBO ka!"
"Pitingini mo! Oo na. Bobo nagets ko."
"Aba, akalain mo yun. Hihi."
Pareho kaming natahimik. Naramdaman kong hinawakan ni Hoseok ang kamay ko. Bigla kong naramdaman yung tinatawag nilang SPARKS. "Hoseok ah? Huwag kang manyak ples lang. 'Wag daw muna akong lumandi ng sobra sabi ni Eomma Baek ko. Hoy!" Nilapit nya ang mukha nya sa akin pero tinulak ko ang mukha nya, "STOP IT! HINDI AKO MARUNONG HUMALIK ANO BE!"
Humagalpak ng tawa si Hoseok.
"I'll teach you."
Napangiti ako, "...how to dougie?"
"Gagu! Lumilipad ka na naman! Ang sabi ko," He paused for a few sec, "...tuturuan kitang humalik. Just follow my lead, yun lang. Nagets mo?" I nodded. Hinawakan nya ang pisngi ko at dahan-dahang nilapit ang mukha nya sa mukha ko. Kinabahan ako. Ganito pala ang first time ano?
Naglapat ang labi namin. Gaya ng sabi nya sinunod ko lang ang galaw nya. Ganito pala ang pakiramdam nito ano? All this feelings stirring inside is something new to me and nakakaoverwhelm. Nang maghiwalay ang labi namin. Parang 'di na ako makahinga.
"Ang sarap pala, Hoseok, lasang expired na kape ang labi mo. Ano kayang lasa ng labi ni Jungkook? Sweet as cherries kaya ano? Ay sorry, wala na nga pala kaming dalawa."
"Lakas mo makalait ah?" Hoseok said.
"Hoseok, ulitin natin." Napangiwi sya sa sinabi ko, "Ay wet nga. Ibabalita ko 'to kay mader dear. Hahahah." Tinawagan ko si Eomma Baekhyun. After three rings ay sinagot na nya, "EOMMA, HINDI NA AKO VIRGIN! MAGDIWANG TAYO! YEHEY! :DD"
Binabaan nya ako ng phone pagkatapos nya akong murahin ng malutong. Gosh. Baka palayasin na nya ako? Andwaeyo!:(
"Taehyung, we could start all over again. I'll mend your broken heart. I'll make you love me too 'cause me, I love you so much eventhough you're the dumbest person on earth." He gently cupped my face, "Ang mga ngiti mo ay sapat na para patubuin ang DAMO sa mundo ng mga kabayo. Ik4w lu4ngs, Taehyung, s@patsz na. MOA!" :D
Naiiyak ako.
"Oh, 'wag kang umiyak, shh."
.
.
.
.
"Paki-tagalog yung una ples lang."
"Mahal kita, yun ang sabi ko." ._.
Baka sa kabayong ito ko matagpuan ang hinahanap kong PAG-IBIG. PAG-IBIG na hindi ko nakamtan sa piling ni Jungkook. Ang lalim ng tagalog ko, pitingini. Bakit hindi ko sya bigyan ng pagkakataon? Balang araw, itataga ko sa gilagid ni Suga, makakalimutan ko rin si Jungkook. Gagapang din sya pabalik sa akin. :X
Chos.
"Susubukan ko, Hoseok. Tara, hanap tayong temerd."
"Saan?"
"Sa vending machine."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top