lii. a tearful goodbye

Jongin

"Taeoh, come here." Lumapit sya sa akin at inabutan ko sya ng chicken. Sarap na sarap sya. Manang-mana talaga sa akin. Iniwan ko sya sa sala para sagutin ang tawag sa landline. "Hello? Oh, Luhan?" Muntik ko ng mabitawan ang telepono dahil sa narinig ko, "Anong nangyari kay Kyungsoo?! Tell me that's not true! No! Saang ospital sila nakaconfine? SAAN?! Papunta na ako!" Tinawagan ko agad si Eomma para papuntahin sa condo dahil walang magbabantayan kay Taeoh. Nasa ER pareho si Kyungsoo at Tamara. Ibinilin ko si Taeoh sa katabing unit at tinext ang nanay ko na kunin nalang si Taeoh dun.

Hindi ako mapakali habang nasa byahe na. I'm worried for the two of them. Nabangga ng truck ang sinasakyan nilang taxi at hindi raw biro ang tinamo nila. Iniisip ko palang, nanginginig na ang buong kalamnan ko, e. Nadatnan ko sila Baekhyun sa labas ng ER, all in their worried faces. Lumapit sa akin si Chanyeol at tinapik lang ang balikat ko. I could hear Luhan and Baekhyun's hiccup. Si Taehyung naman ay nakatayo lang sa gilid ni Baekhyun. Napaupo ako at sinapo ng palad ang mukha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala silang pareho.

"Makakaligtas din sila." sabi ni Taehyung, "All we could do now is pray. Huwag nga kayong umiiyak na parang wala na sila! Lumalaban pa silang dalawa dun sa loob! Let's all be positive." Napatingin kaming lahat sa kanya. Kilala namin sya as ALIEN. Laging out of this world ang tanong and here he goes, lecturing us about HOPES and positivity. "Hangga't may damo, may pag-asa pa. Hangga't hindi nabubuntis si Kyungsoo.. hindi sya-" Binatukan sya ni Baekhyun, "Arouchq naman, Eomma!!"

"Okay na sana yung dialogue mo kanina, dinagdagan mo pa ng kagaguhan. Akala ko nagbago ka na. Tingini. Ang epic mo talaga kahit kelan, Taehyung. Munggago! Ina mo ka!" Baekhyun pulled Taehyung's hair, "I criiii. Si Kyunggie. Dyosa ka! Hondi ka pa pwedeng mamatay! Walang iwanan 'di ba? Huehue. Mauuna muna si Taehyung!" Ipinadyak nya ang paa nya.

"Tingini mo, eomma! Bakit ka ganyan? Paki-explain, labyou!"

"Kyungsoo!" They all cried out.

Tumayo ako pero pinigilan ako ni Sehun, "Saan ka pupunta?" Hindi ko sya sinagot. Tinanggal ko ang kamay nya sa braso ko't dumiretso sa chapel. Dahil ang ingay nila, hindi ako makapag-isip ng tama. Hindi ko na alam. Ipinagdaop ko ang palad ko at tumungo. Sabi nila, humiling ka lang at tutuparin ni God. Kahit nga hindi mo raw sabihin, alam nya kung ano ang gusto mo.

God, not now. Buhayin mo sila. Alam kong marami akong pagkakamali. I have a lot of flaws, hurt a lot of people but please listen to this prayer. Don't take them -- not them. Tumulo ang luha ko habang nakaluhod pa rin ako. Minsan lang ako humiling. Minsan lang ako, tumawag sa kanya. Naririnig nya ba talaga? Nanatili lang ako sa chapel for who knows how long. Nag-angat lang ako ng tingin nang may tumapik sa balikat ko.

Si Jinsu.

"He'll be okay. You know him more than I do, Jongin. He's a fighter." sabi nya pero hindi ko sya sinagot. I only acted as if wala akong katabi. "I told him I like him but you know what he replied?" He paused for a few seconds, "Ikaw pa rin daw ang laman ng isip nya. He's still stuck in the maze you made for him. Hindi nya alam kung kelan sya makakaalis. He loves you so much."

Hindi ko na nacontrol ang pagbagsak ng luha sa mata ko. Kyungsoo, hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala sya sa akin. That will also be the death of ME. Not him. Not the two of them. Hear me out, please.

Pagbalik namin sa ER, nakita ko si Dad. I dunno what to think. Biglang nagblangko ang utak ko. Kinuwelyuhan ko sya. Galit ako. Galit na galit ako sa kanya. "Tell me, this is not your fault, Dad!" Pinigilan ako nila Sehun, "I never thought you'll be this cruel. From this day and forward, you are not my father! No, you never really were.

.

.

.
Hindi ko kayo mapapatawad!"

Kyungsoo

I was dazzled by the sunlight streaming through the window. Ang liwanang ng paligid. Ang gaan-gaan sa pakiramdam. Napatingin ako sa taong may hawak ng kamay ko sa gilid ng kama. Si Jongin. I instantly lifted the corner of my lips as I reached for his soft hair. Ang makita ang mukha nya sa umaga, buo na agad ang araw ko. Hinawakan ko ang kamay nya. Pero sa gulat ko, the place turned dark.

"Jongin, gumising ka!"

"Jongin, natatakot ako!"

"Jongin, ples.. naririnig mo ba ako?"

"Jongin, hindi kita makita!"

Sigaw ko hanggang sa onti-onting nilamon na ang buong silid ng dilim. Nawala na si Jongin. Umiyak ako nang umiyak as I was trying to find him. Natakot ako ng sobra. Onti-onti kong naimulat ko ang mata ko dahil sa masamang panaginip na yun. I thought, totoo na. Nakita ko si Eomma na natutulog sa couch. Gumalaw ako pero napangiwi sa sakit. Nakabenda ang paa ko't ganun din ang braso at sa may noo.

"Eomma." I called.

Isang tawag ko palang ay nagising na sya. Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa mukha. "Okay ka na ba? May masakit ba sayo? Saan? Sabihin mo sa akin?" Niyakap nya ako, "Salamat naman at nagising ka na. I-Ilang araw na kaming nagdarasal, e. Akala ko, iiwan mo na talaga kami, anak."

"Ma, kailangan pa ng mundo ang DYOsang katulad ko. Wala ng maganda sa mundo kung mamamatay agad ako 'di ba?" I still l managed to joke. I groaned. Ngayon ko pa lang nararamdaman ang sakit sa tagiliran. Magsasalita pa sana ako pero napatingin ako sa taong pumasok sa pinto. Si Jinsu.

"Iwan ko muna kayo." sabi ni Eomma.

Umupo si Jinsu sa gilid, "I won't ask you kung okay ka lang, Kyungsoo. That would be a stupid and non-sense question for sure." I only smiled kahit na masakit ang katawan ko, "Naabutan mo ba si Jongin.. dito? Nang magising ka?" 'Di ako sumagot. Wala sya dito kaya for sure nandun sya kay Tamara. "...lagi kasi syang nandito. Not even moving an inch. Hindi na ata ngcCR. Hindi na kumakain. Hindi na naliligo, e."

"I didn't," Napahinto ako nang maalala si Tamara. Magkasama kami sa aksidente. Okay lang kaya sya? "Teka, s-si Tamara?"

Matagal bago nakasagot si Jinsu. "She is still in her deep sleep, Kyungsoo." Nauna pa pala akong nagising sa kanya, "No one knows kung magigising pa sya. The doctor said, her body is slowly giving up dahil na rin sa sakit nya. Kung tatanggalin na yung makina, she might not be able to make it."

Napayuko ako. No, that can't be.

Paano na si Taeoh?

Muling gumawi ang tingin ko sa pinto nang bumukas yun at pumasok si Jongin. "Um, mauna na ko." Paalam ni Jinsu at tinapik ang balikat ni Jongin, "He's all yours." He said. Umupo si Jongin sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ko. Natahimik kami ng ilang minuto. Seeing him with this kind of expression, I suddenly want to hug him.

"Glad you're awake." He whispered.

Hindi ako tinanggap sa langit..

MASYADO AKONG MAGANDA.

"Jongin-"

"I missed you.. more than you could ever imagine," He added, sniffing. "I thought I'd lose forever. God really heard my prayers." Hinalikan nya ang kamay ko at may kinuha sa bulsa nya na maliit na box, "I'll ask you here and now, Do Kyungsoo.. This whole thing made me realize one thing, hindi ko kaya ng wala ka. Feels like I'm paralyzed. Marry me, Kyungsoo. Take this ring. Say yes, say yes 'cause I need to know;

.

.

.
...mababaliw na ako if I can't have you. I can't think of nothing else but to be with you. I love you. I love you. Please, I won't take 'no' for an answer." Tinitigan ko sya.

I held my breath. Nagulat ako but I bowed my head. This is not the usual reaction I picture in my head when I'm daydreaming about him asking this kind of question. I'm overwhelmed but I just can't say what he wants to hear. "Hindi ko alam na ganyan ka pala kaselfish, Jongin. How can you possibly ask and think I'd say 'yes' when there's someone lying there still fighting?" Binawi ko ang kamay ko sa kanya, "Don't make me feel like I'm already replacing her. Buhay pa sya, Jongin." Nagulat sya.

Napatingin naman ako sa bintana nang may dumapong kalapati dun. "This whole journey made me realize that LIFE is full of THORNS. It's not always beautiful as it may seem. Do you believe that people who are destined are like magnets? Even if they're apart, they still have this attraction that would bind them closer together. If we are really destined, magkikita tayo ulit and I'll answer your question. Until that day came;

.

.

.
..keep this tiny box, Kim Jongin."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top