7. Partners at Work
***
The thing about the corporate world, you have to compromise and be sports on such matters. It's not all winning. May mga loses din. But thankfully, maganda naman ang resulta ng lunch meeting nila with Mr. Tan. Sinabihan pa nito si Lirio na he's lucky he has a quick-witted, smart and intelligent wife. Well, she's quite lucky to have a dependable husband. Ito ang tagasalo ng frustrations niya sa work bilang secretary nito lalo na pag napansin niyang ma-attitude rin ang ibang department heads. Doon lang niya nakita ang seryuso at supladong mukha ni Lirio. Tapos katabi pa siya nito na poker face, walang magagawa ang ibang heads.
"They're exhausting. That's why I quit the corporate world." Berry was referring to the kinds of people you've met in the corporate. Hindi naman lahat may kaaya-ayang ugali. Ilang linggo pa siya roon hanggang ma-settle down na ang bagong secretary ni Lirio.
"On-going pa naman ang paghahanap ko ng secretary. Para makabalik ka na sa foundation."
"I survived the corporate. I can today. As your secretary. Hindi ka rin naman incompetent na boss."
"Of course, pagkakatiwalaan ba ako ng San Miguel elders sa pamamahala kung incompetent ako? You want to hear the tales that I've done here?"
"What? Narinig ko na iyan before. Gusto kong marinig kung paano kayo ipinagkasundong dalawa ni Yelena."
Dahil sa pagiging taklesa at chismosa ng mga babaeng empleyado ng Accounting ay narinig niya ang usap-usapan ng mga ito na nakakagulat na ang nakatuluyan ni Lirio ay ibang babae. Siya. At hindi si Yelena. She knew Yelena. Family friend at mukhang iba naman ang gusto, hindi ang asawa niya.
Saglit itong napangiwi. "Oh that? They only do that to get me out of my grief era with Eden Sofia but it's not really effective. Kung alam mo lang na ipinamukha talaga ni Yelena sa akin na hindi niya ako type. Ako? Hindi niya type? Saksakan kaya ako ng guwapo. Mas lamang lang ng paligo si Iver."
"Wait, si Iver ang gusto niya?"
Para talagang waterfalls ang bibig nito. Nadudulas ito. Si Iver ang pinsan nito at kasama sa 'triad' ng mga masusungit na San Miguel. He shrugged his shoulders.
"Wala naman iyong engagement. Nag-alala lang ang mga matatanda at siguro gusto rin nilang may connections sa pamilya nila Yelena. May vineyard at winery ang family ni Yelena sa Austria.
"Sa Austria? Wow?"
"Wag ka nang magselos."
"Wow. It's in the past. At wala ako noong mangyari iyon. Bakit naman ako magseselos eh asawa mo ako?"
Lumawak lang ang ngiti nito at siya nama'y inirapan lang nito.
"Baby." Akmang yayakapin siya nito nang lumayo siya rito para bumalik sa cubicle. Tapos na siya sa ibang papeles na kailangang asikasuhin.
"Pati ba naman dito, pagkakaitan mo ako?"
"Back to work, boss."
Napapakamot na lamang ito sa ulo.
***
"What? You approved this without consulting me?" she asked while holding a white folder with some documents on it.
"What? What's the problem?" he asked, putting down the paper he was holding. Ibinigay niya rito ang puting folder.
"Hindi mo nakita ang decrepancies rito?"
"Calm down, Berry. Saan ba?"
She showed him the details that he missed and he cursed in Bisaya. "That man. Tuso rin siya ah. Sige ako na ang bahala."
"What? Ikaw lang ang pupunta roon? How about me? Gusto mong lamunin ng mga matatandang iyon?"
"Hindi nila ako maooverpower. I know some ways to threaten them. Lahat ng mga anomalies, may mga mata at tainga ako Berry. Trust me. If you really want to, come with me."
"Fine, I'll come with you."
Tila sumuong sila sa giyerang dalawa nang lumabas sa opisina. May mga naughty employees ang narinig nilang dalawa na baka naghimala silang dalawa ni Lirio sa opisina nito. Hindi na maipinta ang mukha niya nang marinig ang malisyosong komento ng dalawang empleyado at ang mukha naman ni Lirio ay ganoon din. His expression darkened. He fired the two employees. Napaiyak ang mga ito sa lamig ng boses ni Lirio.
"No one talks about my wife that way behind my back. Get out of this company."
Nagkataon lang talaga na narinig nilang dalawa at di napansin ng mga ito na nasa likod lang sila. It was humiliating for those two women but they deserved it for putting a malicious gossip about them. Iyon pang nakarinig silang dalawa ni Lirio. Nang kausapin naman nila ang particular na manager ay nag-deny naman ito.
"Look, you can't lie, Mr. Manalo. My wife noticed the wrong details about this project. Dangan lang saka ko lang napansin. I won't approve of this."
"But you already signed it, Sir. Besides, nakahanda na ang lahat. Nakakahiya naman kung hindi mapro-proceed, Sir." Not because he's older than them, they would approve of his decisions. Sometimes, they questioned the judgment of people older than them. They should be wiser.
"Excuse me, Sir. I'm Raspberry Luzano-San Miguel. Wife and the temporary secretary of the man that you are talking to, Sir. I want to discuss this with you and the details that we have found. May we take a seat, Sir?"
Kulang na lang mapanganga ang ibang empleyado roon sa pagiging straightforward niya at may proud smile sa mga labi ni Lirio. They discussed about the crucial details that her husband had missed. In the end, walang magawa ang mga ito ngunit binigyan ito ng chance ni Lirio na baguhin ang proposal at maghanap ng ibang alternatives.
"Kapag nagloko na naman ang matandang iyon, hindi ako mangingimi na ilipat siya ng ibang kompanya at magsisimula siya sa maliit. Ang ayoko sa lahat ay ang mas arogante pa ang ugali sa akin. Pinagbigyan ko lang siya dahil malapit siya sa Tiyo ko."
After shift, to relieve their stress, they eat out in a nearby restaurant. Drained na rin siya upang magluto pa ng dinner nilang dalawa.
"Akala ko talaga palalagpasin mo na lang sila basta-basta. When it comes to business, you have to be straightforward and cutthroat. No sugarcoating of things and details."
"You're fiercer than I thought. I'm proud of my wife. Alam mo bang mas lalo kang gumanda nang magsuplada ka sa kanya. You should've seen your face then." He brushed away something on her hair and she let him. "You know that I'm dying to hug or hold you when we're together in the office? Parang gusto kong totohanin yung suspetsa ng dalawang tsismosa na iyon."
Natawa na lamang siya. "No. It will be obvious. The lipstick stain."
"I won't mind."
"Mapapahamak tayong dalawa sa instrusive thoughts mo. We should be professionals at dapat role model tayo ng mga empleyado mo. It would be unprofessional kapag nakita nila tayong naglalampungan. Besides, I'm not that kind of woman."
"Bawi ka na lang ngayong gabi."
"Lirio San Miguel."
Mas lalo itong natawa. "Ang cute mo talaga kapag tinutukso kita. Namumula ka."
"Kumain na nga lang tayo."
***
Maayos naman ang synergy nilang dalawa bilang workmates pero di talaga maiwasan ang mumunting arguments lalo na pag may kinalaman sa management, operations, projects at iba pa. Pati ang mga employees roon walang magawa kundi tingnan silang dalawa na nagsasagutan pero harmless naman. Di naman sila scandalous. They have their own reasons and they can come up with solutions.
Magtatatlong linggo na siya nang makakita na sila ng papalit kay Ciara. It's a guy. Si Berry mismo ang nag-interview. Matino naman ito at hindi mahangin. Bukod sa ayaw niya nang mahangin, gusto rin niya yung capable at efficient. Si Lirio at siya ang magtr-train rito for a week. At kapag nakapasa ito sa kanilang dalawa ay babalik na siya sa Child Hope. Nagrereklamo na si Dominique sa workload. Baka daw matanggal ang matris nito at di mapakinabangan nila ni Klint. Loka-loka talaga.
"You'll be fine with Lirio. May habit lang siya na magsusuot ng casual clothes pag papasok. Ngayon lang yan nag-pormal," imporma niya kay Ronan.
"Boss, puwede rin mag-casual clothes?" tanong naman ni Ronan kay Lirio.
"Sure."
Ang isa pa, magka-wavelength ang dalawa. Kampante na siya na magkakasundo ang mga ito. Baka nagsawa na ang mga employees na makita silang nagtatarayan at nagsusungitan ni Lirio.
Makakabalik na siya sa Foundation sa wakas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top