6. Temporary Secretary
***
“What?”
“You planned this,” akusa ni Berry kay Lirio. She was almost grimacing.
Tama nga ang suspetsa ng mga San Miguel boys. Na hindi talaga makakalusot si Lirio kay Berry kahit itago pa nito ang mga kalokohan nito sa kanya.
Pagkatapos ng wedding nila ilang months na ang nakalilipas, they settled in a house that he bought for them. Hindi lang niya inaasahan na katabi pa talaga sa bahay ng mga Sagara. Literal na kapit-bahay lang nila sina Daisy at Noah. She was quite touched that he liked to raise kids with their close friends. Lirio wanted to witness the friendships that will bloom soon if they have their own children someday.
“Fine, fine. But he needed a secretary. And he requested for my secretary. Specifically. Kahit na sabihing ayaw niya. I highly doubted him about that.”
They were both in the kitchen. Nagkataong naghahanda si Berry sa hapunan nila. Patapos na siya nang mabalitaan niya mula kay Ciara ang ginawa ng magaling nitong boss rito. Kung maaga pa niyang nalaman, baka pagkaitan niya ito ng hapunan.
“But why did you do it urgently? Na-shock tuloy si Ciara at hindi siya makapagtanggi because you are the boss, of course.”
“Fine, I’m sorry. Pero hindi ako maka-hindi kay Fourth because he was mad. Parang dragon yun pag galit at kailangan niya ng efficient na secretary and my secretary is efficient. So I offered my secretary to him.”
“May replacement ka ba kay Ciara?”
Doon lang natahimik si Lirio. Sinasabi na nga ba. Minsan talaga, umaandar ang pagiging impulsive decision-maker ng asawa niya. Saka na maiisip ang consequences pag tapos na. Unlike sa kanya na hindi pa nangyayari, iniisip na niya ang magiging consequences. Some of their relatives couldn’t believe their pairing because they were polar opposites.
“Maghahanap pa ako.”
“See? Wala ka ngang replacement. I doubt if may papalit na mas efficient pa kay Ciara. Fourth picked her, right? No one can compare her work ethic with a boss like you.”
He raised both of his hands as if he was surrendering.
“Mabait naman akong boss.”
Naningkit lamang ang mga mata niya. “Right. I know your antics as a boss and as a person in your workplace. Not because you are the boss, magsla-slack off ka. If wala kang mahanap na replacement, ako ang maghahanap para sa iyo.”
“But-”
“No buts. If walang replacement. Ako ang papalit.”
Nanlaki ang mga mata nito. “What?”
She put on her sarcastic smile and crossed her arms. “Whether you like it or not, I’m going to be your temporary secretary.”
***
Ikinuwento ni Berry ang kabulastugan ni Lirio. Sometimes, she was surprised about herself. Na kaya pala niyang i-express ang sarili niya na walang inhibitions. And this time, she was sharing it with Jenny, Shawn’s wife and Daisy, Noah’s wife.
Nasa isang cafe sila malapit sa Busay, overlooking ang greenery sa baba. Ang mga asawa naman nila ay malamang magkasama. They parted ways a while ago.
“Hindi na ako nagulat. Knowing, Lirio, kahit married na, di pa rin nagbabago. Loko-loko pa rin,” Jenny commented while sipping on her hot brewed coffee.
“I will be the one who will replace his secretary for the meantime at kapag hindi pa rin siya nakahanap. Let's see what will happen," ani Berry.
"Ano kaya ang magiging dynamics n'yong dalawa kapag kayo naging magkatrabaho?" Daisy wondered.
"I know. May kutob ako na under de saya ang lalaking 'yan. Ganoon din naman si Shawn sa 'kin."
"Well, wala silang magagawa kapag tayo na ang nagsasalita. Even Noah. Kapag ako na ang nagsasalita, halos tango na lang ang gagawin. Ewan ko ba, lately nasusubok lalo ang pasensiya ko. Even sa school."
"Di kaya'y you're carrying your child with Noah?"
"Hindi ko alam."
"Those lucky guys. Tayo magbubuntis tapos in the end, magiging carbon copy lang nila. 9 months sa tiyan tapos magiging kamukha lang nila? It's very unfair."
They silently agreed with Jenny's words. Sabay pa silang napabuntong-hininga. Those lucky guys.
***
"San Miguel, wake up." Niyugyog lang ni Berry si Lirio para gumising na. He was still sleeping. Tulog-mantika ito at nasanay na siya sa mumunting ingay nito pag natutulog. Weird pero naging lullaby na niya iyon para makatulog rin siya.
Iisa lamang ang kuwarto nilang dalawa. In the middle of it was a queen bed fit for the two of them. Umungol lang ito at nagtalukbong lang ng kumot. Berry almost sighed at the sight of her husband, sleeping soundly. Kaya ang ginawa niya, marahas niyang kinuha ang kumot nito. She opened the window. Iginilid niya rin ang kurtina kaya mas lalong nabulabog ang tulog nito. Napameywang siya.
"Bangon na diyan, may trabaho ka pa."
"What?" Groggy pa ang boses nito. Wala itong suot na shirt at naniningkit pa ang mga mata nito.
"If hindi ka babangon diyan-"
Pinutol nito ang mga salita niya. He even rolled over, facing her with his bed hair and sleepy chinky eyes. "Bakit? Ikaw ang liligo sa akin?"
Naitirik niya ang mga mata niya. "Hindi. Itatapon kita sa bintana pag hindi ka pa kumilos diyan. This is my first day as your secretary. Temporary secretary. Bumangon ka na diyan at maligo. Lalamigin ang breakfast mo. Nakahanda na rin ang suit mo dito. I don't like a tardy boss. Get up now."
Napakurap-kurap pa ito. Tila ngayon lang nagsink-in rito na siya na muna ang papalit kay Ciara dahil sa kalokohan nito.
"Fine. Fine. Maliligo na."
Tinungo lang nito ang private bathroom nilang dalawa. Ang ihahanda na lamang niya ang briefcase nito. Kagabi naman ay inihanda na niya ang sarili niya sa mga gagawin niya ngayong araw. Ciara told her about the transactions, the things that need to be done, the meetings, and everything. May lunch meeting pa kasama ang isang maselan na client na sana'y mai-close nila ang deal.
Ilang sandali ang lumipas ay nakabihis na si Lirio. Mahigpit naman ang security ng neighborhood at nagro-robing naman na security guard sa neighborhood nila kaya safe nilang iwan ang bahay na wala na munang tao. Kadalasan kasi sa mga may-ari ng mga bahay roon ay pamilyado at dapat safe rin ang mga bata roon. Naghintay lang siya rito na makalabas ang sasakyan mula sa garahe. Nang makalabas na ay saka siya sumakay bitbit ang mga dalahin nila.
"Naks, ang ganda ng secretary ko ah. It's my wife."
Tiyak na magsisisi ito na siya ang temporary secretary nito.
"Let's see. I'm curious to know what's your work ethic." Saka naman ito napangiwi.
"Will you allow me to have a meeting with only my shorts on?"
Naitirik niya ang mga mata niya. "You can't do that."
"Pag tayo lang dalawa? Payag ka? You know, I don't like wearing pants nowadays. Mas gusto ko mag shorts."
"Lirio San Miguel. Focus on driving," nasabi na lamang niya.
***
Naglingunan lahat ng mga empleyado sa lounge area ng building kung saan doon namamahala ang kanyang asawa. Halos lahat nasorpresa nang dumako ang mga mata ng mga ito sa kanya. Si Lirio naman ay panay lang ang greet sa mga empleyado nito. Mas magiliw pa nga sa kanya at tanging ngiti lang ang reply niya sa mga nag-greet sa kanya. Hindi na siya Miss Luzano kungdi Miss San Miguel. Sa mga pirma naman niya laging may maiden name niya at dash saka surname ng kanyang asawa.
When they reached his office, she went to Ciara's cubicle. Doon siya mag-oopisina muna.
"Puwede kayang itabi na lang ang lamesa nating dalawa para madali na kitang makita mula rito?"
"Mr. Lirio San Miguel. Huwag mo muna isiping asawa mo ako. We need to focus at work."
"But I can't. You're so beautiful."
Kahit kailan talaga, gusto lang nitong i-segway ang aktong panenermon niya.
"Bahala ka. Dito na muna ako sa station ni Ciara. Aasikasuhin ko na muna ang mga nakabinbing mga trabaho." Tiningnan niya ito na parang ito ang may kasalanan ng lahat.
He deposited his briefcase on his office table. "Fine, work shift it is. Parang gusto ko nang umuwi."
"Later, San Miguel."
"Yes, Mrs. San Miguel," ganti nito.
Siya ang nag-aasikaso sa mga urgent paperwork. Crucial talaga ang role ni Ciara kay Lirio. Knowing him, kailangan nito ng second opinion sa mga major decisions sa loob ng kompanya. Kailangang i-filter. Agad naman siyang may napansin na isang sulat mula sa lower department. Sumakit lang ang ulo niya nang may mabasang grammar at typo error doon.
"What is this? Who typed this? Ipaulit mo ito sa kanila."
"Anong nangyari?" Lumapit naman kaagad si Lirio sa kanya.
"Wife, nasosolve naman ito. Ipapatype ulit natin ito sa nag-type. Baka nagmamadali sila dahil urgent na ito. Kailangan ng approval at pirma ko para makapag-proceed."
"Kahit na. Whoever typed this need to present this in a professional manner. Di sa nagmamadali."
"Baka stress lang ang nag-type. Akina. Ako na ang bahala."
"Wait. Magno-note lang ako sa kung ano ang dapat baguhin sa mga ito."
Ang nangyari, marami siyang mga notes sa iba ring papers. Napapakamot na lang sa ulo si Lirio at ipinasauli ang documents sa departments. Meticulous kasi talaga mag-work si Berry at kahit ilang errors, di niya pinapalagpas. Ayon kay Lirio, si Ciara din naman ganoon din hanggang sa nagsawa na si Ciara at ito na ang nagfi-fix.
Bumalik na sila sa pagtatrabaho at may kinokonsulta naman siya kay Lirio. Tinuruan naman siya nito kung ano ang puwede i-approve at kung ano ang dapat pa pag-isipan lalo na kung may kinalaman ang malalaking projects ng kompanya.
"Ayoko ng shortcuts. Kapag nalaman ko na substandards ang nakapasa sa bidding. Ive-veto ko talaga at saka nila ipapasa ulit sa akin."
She was quite amaze of his work ethic. Hindi naman sila nagkalalayo.
"Questionable din naman iyon. Dapat lang. "
"I really like to have lunch with you privately pero may lunch meeting pa tayo kasama ang clients. They're older and please stick to me. Kumikinang ang mga mata niyon kapag nakakakita ng maganda."
Napapailing na lang siya. "Fine. But let me do my ways rin. Hindi tayo puwedeng pumalpak kay Mr. Tan. Fourth will probably threw a fit. Close family friend sila sa mga San Miguel, di ba?"
"Yes, particular din siya sa pagkain at may paborito siyang restaurant. Maselan siya. Huwag mo rin pakitaan siya na takot or na-intimate ka sa kanya."
"Okay."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top