3. Tale of Scarlet's Letters
"To Lirio, akala namin ay manggugulo ka na lang sa kompanya at patuloy na papasakitin ang ulo ng mga elders dahil sa trahedyang nangyari noo . Ang Lirio na kilala namin noon ay mas naging malala ngunit akala ko hindi ka na makakaahon pa. Akala lang namin. To, Lirio. Congratulations! Nawa'y magiging masaya at kontento ang buhay mo pagkatapos mong baguhin ang apelyido ni Berry," speech ni Nylon sa mikropono. Nasa elevated platform ito, may hawak pang kodigo.
Ang iingay na naman ng magpipinsan. Panay ang sigawan at kantiyawan nito kaya napapailing na lamang ang mga matatandang San Miguel. Tila natutuwa naman ang mga kamag-anak ni Berry na mga Sanchez at Luzano.
Katabi ni Berry si Lirio na natatawa na lang sa mga hirit ng pinsan nito habang si Berry nama'y napapangiti na lamang lalo na pag nanukso na naman ang mga ito tungkol sa pagkakaroon ng bagong henerasyon ng San Miguel. Ang totoo'y gusto na niyang matapos ang engagement party na dinadaos ngayon sa malawak na bakuran ng San Miguel Manor. Hindi dahil sa na-bored na siya kung di sa 'laglagan' portion.
Palamuti sa paligid ang mga orchid flowers at ibang summer flowers kaya mahalimuyak. Nakalatag ang walong bilugang mesa kung saan nakapuwesto ang mga kamag-anak nila. Family event lang talaga ito at bagama't mga relatives at family lang, pakiramdam ni Berry ay drain na drain na siya. Kanina pa silang alas kuwatro ng hapon nagsimula at alas sais na ngayon. Walang dull moments sa angkan ng mga San Miguel at nakisabay naman ang mga Sanchez-Luzano. Ang pinakamasaya sa lahat ay ang mga magulang nilang dalawa.
Habang nagspe-speech ang pinsan ni Lirio na si Rory ay sinipat siya ng tingin ni Lirio. Kanina pa ito nakiramdam sa kanya at maging si Daisy na katabi lang ng table nila ay idinaan na lamang sa ngiti ang lahat. Katabi nito si Noah na hawak ang kamay nito. May mga kaibigan din silang nandoon sa engagement party.
Lihim na napangiwi si Berry nang tumuntong na sa stage si Klint. Nawala rin ang ngiti ni Lirio, ramdam na mukhang may balak na hindi maganda si Klint sa pagkakangisi ng tukmol.
"Nagsisi ako na niyaya ko ang buwisit na 'yan," may gigil sa boses ni Lirio kahit na bulong iyon. Napahawak na si Berry sa mukha niya.
"Oh, please," pagsusumamo ni Berry sa langit. Ngunit alam rin naman niya kung ano magiging consequence ng pag-imbita ni Lirio kay Klint. Andoon rin naman si Marc at katabi nito ang kapatid niyang si Freya na nakahilig pa talaga ang ulo sa balikat ng binata. Official na ito sa pamilya nila at tuwang-tuwa naman ang elders sa personality ni Marc.
Gustong kaltukan ni Berry si Freya dahil noong mga bata pa sila ay sinabi pa nitong hindi ito magkakagusto sa mga lalaki at magfo-focus na lamang sa pagtulong sa environment bilang biologist. Kaso naisip rin niya na pareho lang sila ng kalagayan. Ang akala nilang hindi sila mag-aasawa ay heto tinamaan ng pana ng pag-ibig at ngayo'y isang hakbang na lang ay ikakasal na.
"Laglagan portion na!" Hiyawan ang mga tao nang sumigaw si Klint sa microphone, akala mo ay host ito. "Hi! Ako si Klint. Berry and Lirio were my batchmates and my close friends. Seatmate ako ni Berry sa English. Bago pa man naging paborito niya si Lirio ay una niya akong paborito."
Tawanan ang lahat. May iba namang nang-asar lang. Ang presko lang kasi ng dating ng damuho. Napa-face palm na lang si Berry at napasinghal naman si Lirio, nanlilisik ang mga mata kaya si Berry na ang humawak sa braso nito. Mahirap na kung magiging bayolente ito, sanay pa naman itong nakikipag-wrestling kay Marc at Klint.
"Oo na, oo na. Noon kasi, masama talaga ang timpla ni Berry kay Lirio." Napalingon ang lahat kay Berry at ang huli'y nahihiyang napangiti. Nakabitin ang ngiti ni Berry pero sa isip-isip niya, sinasaksak na niya sa mga mata si Klint. "Kung bakit? Nagsimula 'yan sa Scarlet's Letters."
Ang ibang elders doon na hindi alam ang ibig sabihin ng sinabi ni Klint ay binulungan ng mga may alam. Napapikit na lang si Berry nang may maglabas ng libro niya. Ang Scarlet's Letters. Nagmula ang libro kay Lester.
For a private person like her, it's a horror to spill your secrets in front of a crowd. Alam naman niyang unavoidable ang ganitong eksena dahil engagement nga nilang dalawa.
"Berry, are you okay? You look like you're about to faint," Lirio whispered with a worry in his voice. Mataman itong nakatingin sa kanya.
"But I am not referring to this book. I am referring to her letters to Lirio." Bulung-bulungan ulit.
Oh great. The Scarlet's Letters.
"Ikuwento mo na! Hindi alam ng iba ang lovestory ng dalawa," sigaw pa ni Marc. Ginatungan pa talaga. And Berry saw her sister chuckled like she knew something. Of course, kung si Marc ba naman ang boyfriend nito, tiyak na marami na itong natuklasan.
Freya noticed her looking at her so Freya just winked at Berry. Rolling eyes lang ang isinagot ni Berry.
"Ako ang kauna-unahang nakaalam tungkol sa notebook ni Berry. You see, the heroine here wrote letters to Lirio Marco. Ganoon din si Berry kay Lirio sa totoong buhay. Nagsusulat siya ng mga sulat na naka-address kay Lirio. Kung ang ibang babae ay kilig na kilig sa crush nila kahit nakasilay lang. Ibahin n'yo si Berry. She didn't. Trato niya kay Lirio? Parang hangin lang. Minsan pa ay nakikita mong nakakunot-noo kay Lirio. So, sinong mag-aakala na siya ang author ng nobela na 'to? Wala. Marami ang nanghula sa Alumni Homecoming pero walang nakahula, except sa mga taong may alam. Napansin ko lang, ayaw ni Berry sa mga kapritso ni Lirio. Schemer 'yan. Oh di ba, sang-ayon kayo lahat. Brokenhearted man o hindi, bubulabugin niya ang mga bagay at kontrolin 'yung mga sitwasyon na hindi mo aakalaing kaya ng isang Lirio San Miguel. Nadiskubre ko ang tungkol sa Scarlet's Letters noong nagalit o mas tamang sabihing nagalit si Berry sa ginawang scheme noon ni Lirio kay Daisy. Doon ko tinuldukan ang so-called crush ko kay Berry."
Napanganga na lang ang iba sa nalaman maging si Lirio ay hindi nakahuma. Si Berry nama'y hindi alam kung saan susuling dahil masama na ang tingin ng kanyang ina. Lirio gave her his jacket and she grasped on it.
"Nah, hindi ako ganoon kaseryuso noon. Teen. Puro lang naman ako laro at bulakbol minsan." Namaywang si Klint nang mag-ingay na naman ang mga tao. "Ipagpapatuloy ko na ba? Okay. Knowing this secret and observing Lirio at the same time spiced up my highschool life. Aminado naman na nagagandahan ang damuho kay Berry kaso suplada daw."
Nangingiting umiling-iling si Lirio sa kanya kaya inirapan lang niya ito ngunit nakakubli naman ang ngiti.
"Then, I watched the scenes unfolding. Thanks to me, Lirio knew about her as the author of this book. If you will read this, mapapailing na lang kayo kasi hindi naman mukhang hero material dito si Lirio. What I really admire with Berry is that she really remembers even a single little thing when she's into it. Basahin n'yo ang libro at nang malaman ninyo. Maybe, she was not aware that time because we were young. And for Lirio, Berry is a huge mystery. And still up to now, baka hindi pa rin 'yan makapaniwala na may matinong babae na minamahal siya."
Nahiya tuloy si Berry ngunit sinikap niyang maging neutral ang emotions niya outwardly pero hindi rin niya kinaya lalo na noong natawa si Lirio. Tawang natutuwa sa narinig. Kanina pa talaga ang isang ito.
"And Lirio? Alam naman natin ang isang 'to. Ibubuhos talaga niya ang lahat, halos wala ng natira noon. And he kept his promises. Kahit mga bata pa kami at mga immature pa, hanga ako sa katatagan ng kaibigan kong ito. Patawa-tawa lang 'yan, but deep inside, he's hurting. You're aware how he was after that tragedy, horrible. Kaya masaya ako na ngayo'y nagkatuluyan na ang number two love team ko. Sorry, nauna ang Shinoah at Daisy loveteam." Tawanan ulit.
Shinoah raised his glass, smiling while Daisy cover her mouth to suppress a smile. Ang kulit talaga ni Klint.
Somehow, nag-alala rin si Berry kay Klint. Was he faking his smiles now? After that heartbreaking news about him. Magkaibigan nga talaga sina Lirio, Klint, at Marc. Parehong idinadaan na lang sa kalokohan, tawa at mga ngiti ang problemang dinadala.
"Clyde! Kung nasaan ka man ngayon. Bayaran mo na 'yung kulang mo sa pusta natin noong highschool." Sabi na nga, nagpustahan ang mga loko na ginawa rin ng mga ito kay Shinoah at Daisy. "Thanks to this unplanned published book. Kung hindi man ay kami ang gagawa ng paraan upang magtagpo ang dalawang ito. Easy lang 'yan, mga disipulo kami ni Lirio."
Napatingin tuloy siya kay Lirio. "What?" he exclaimed.
"You and your never-ending schemes."
"Sus, natutuwa ka naman sa mga pinaggagawa ko noon. Di ba sabi mo sa letters?"
Nandilat ang mga mata niya. "Kinuha mo na naman ang notebook? Paano mo natunton?"
Ngumisi lang ito. "Berry. My raspberry. Madali lang 'yan sa Hari ng Schemes."
"At nangyari nga ang Alumni Homecoming. Ang daming nangyari sa Alumni Homecoming kasama na ang pagdiskubre ni Lirio kay Berry."
Nagpatuloy si Klint, may kaunting pause. "And the rest is history. Berry, may I ask something?"
Sa kanya na naman ang atensiyon ng lahat. Kailan ba matatapos ito?
"Ano?"
Klint smiled wickedly. "Do you still write letters to him?"
Nangingiti na ang parents nila at ang katabi naman niya'y ang lawak ng ngisi, na iba ang ibig ipakahulugan.
"Yes, I do."
"Letters of sermons lang brad," pag-amin ni Lirio.
Natawa tuloy ang iba sa pag-amin ni Lirio. Yes, she writes letters to him but letters of just simple things.
"To Lirio and Berry, humayo kayo at magpakarami."
Minura lang tuloy ito ng iba doon na sinaway ng ibang elders. Lihim na lang na napangiwi ang engaged couple, nag-iwasan tuloy sila ng tingin sa hiya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top