2. The Engaged Couple and Married Couple
Raspberry preferred to have a quiet engagement but she knew that her family would choose to celebrate it. Their family were ecstatic when they announced that they're engaged. Magulo at masaya. Natutuwa na rin naman siya nangyayari lalo na kapag ginugulo silang ng mga pinsan ni Lirio, na hindi raw makapaniwala na sinagot niya at magpapakasal pa. Ngiti lamang ang isinasagot niya sa mga ito. Maging sina Noah at Daisy, excited sa kanilang dalawa. Si Lirio ang nag-request na family friends lang, at sinang-ayunan naman ng mga magulang nila. Ang kaso, kahit family friends, marami-rami talaga ang dadalo.
"Hey," tawag nito sa kanya. Kaharap ni Lirio coffee table, inaasikaso ang paperworks nito. Ginawa na rin nitong tambayan ang bahay niya.
"Hhhmm?" Kasalukuyan siyang nagbabasa ng libro, nakaupo sa sofa di-kalayuan rito.
"Next week, baka kompleto ang mga pinsan ko." May kasama pang ngiwi ang pagsabi nito. "Isipin ko pa lang, sumasakit na ang ulo. At ang mga amiga ni Mama? Kung makilala mo lang ang mga iyon, parang gusto mo nang magtago."
Tipid lang siyang ngumiti. Naalala ang kalokohan at kakulitan ng mga pinsan nito. Biro nga ng mga tao sa Foundation, mas maiging may bumibisita sa mga ito sa kanya, may instant eye candies. Mga loka-loka talaga.
"Baka nakakalimutan mong magaling akong umiwas. I can dodge. Your cousins are okay, natutuwa nga ako sa kanila eh. They lighten up the mood in the Foundation."
Sandaling nangunot ang noo nito sa narinig. "Binibisita ka pa rin nila doon? Darn. Ano na naman kaya pinagsasabi ng mga iyon?"
Raspberry smiled knowingly. "The usual. It's not surprising news for me to know more about your naughty escapades when you're young."
Lirio's eyes squinted and shook his head while smiling. "Tuwang-tuwa ka naman."
"I can't help it." She chuckled. Madaldal si Nylon, marami itong nakukuwento at mukhang may hidden agenda ang pagpunta sa workplace niya.
Lirio put down his papers and tapped the floor beside him while intently looking at her. "Halika ka nga rito. Gumaganda ka na naman. Makaluya man ning bayhana."
Instead of sitting beside him instantly, she stood up just to teased him. "Kuha lang ako ng pagkain. Baka gutom ka na."
"Berry naman. Pagbigyan mo na ako. Kailangang kong mag-recharge." maktol nito na parang bata.
Ang clingy talaga ng lalaking ito. Napangiti na lamang si Berry, sabay iling saglit. Naghanda na lamang siya ng sandwich sakto para sa kanilang dalawa. At nagtimpla ng juice.
Nararamdaman niyang papalapit sa kanya si Lirio. At ayon, niyakap na naman siya. Backhug. Naglalambing na naman. She dicovered that he's really into physical touch. Siya na lang itong namumula sa hiya kapag umaandar na naman ang pagiging malambing nito, lalo na pag nasa public silang dalawa. Hindi naman sila fan ng PDA, sadyang may times na di lang mapigilan ni Lirio.
"Berry." His voice sounded tired. Siya na naman magpapatulog rito.
"Magpahinga na tayo after this."
"Tayo? Parang gusto ko 'yan."
Sanay na rin siya sa mga hirit at patutsada nito.
"Lirio, nakikiliti ako." mahinahon niyang pahayag nang maramdaman niya ang hininga nito sa batok niya.
"Bakit ang bango mo pa rin?" sa halip na sabi nito.
Ang nangyari, habang nag-aayos siya ng pagkain nila ay nakayakap lang ito sa likuran. Kapag naglalakad siya, naglalakad rin ito. They settled in the dining room but he remained hugging her from behind.
"Kain na muna tayo."
"Di pa 'ko gutom. Gusto ko nang matulog."
Magsasalita pa sana siya pero may nag-doorbell. May bisita?
"Parents ba natin mga 'yan? Naman talaga." Sumimangot si Lirio. Namumungay na ang mga mata nito sa antok. Marahan niyang inalis ang mga kamay nitong nakapulupot sa beywang niya at mahinang tinapik ang pisngi nito.
"Pagbubuksan ko lang."
Sana lang, hindi parents nila dahil masyadong advance mag-isip ang mga ito. Hindi niya alam kung mapre-pressure siya o matatawa na lamang. Akala mo kasi humihingi ng laruan kapag nagbabanggit ng apo.
Pagbukas niya ng pinto ay ang nakangiting Daisy at Noah ang nabungaran niya. Mukhang galing ang mga ito sa date. Nakasuot ng yellow dress si Daisy. Si Noah ay asul na polo at pantalon. May bitbit na eco bag si Noah. Paboritong eco bag iyon ni Daisy na lagi nitong binibitbit kahit saan magpunta. Tinatawanan na lang ni Noah ang karay-karay lagi na eco bag ni Daisy.
Noah cleared his throat upon seeing Lirio and his disheveled hair. "Nakaistorbo ba kami?"
"Oo." walang-gatol na sagot ni Lirio sabay hikab at ngiwi. "Sorry, marami lang talagang inaasikaso sa opisina. Dinala ko na nga rito sa bahay ni Berry ang mga papeles. At 'yung preparations sa engagement party, kunti na lang mamumundok na ako sa kulit ng parents namin."
Noah snickered. "Kumusta ang engaged couple?"
"Kumusta ang married couple? Ano? May laman na ba?" pang-aasar ni Lirio.
Sa sinabing iyon ni Lirio, hinampas lang ito ni Daisy sa braso. "Loko ka. Nagdala kami ng pagkain. Galing sa restaurant ni Klint. Siya mismo nagluto nito, paborito ninyong dalawa ni Noah. Tinolang isda, blue marlin."
Nawala yata ang antok ni Lirio dahil bigla na lang itong napahalakhak. Si Noah nama'y naglaho ang ngisi. "Oo, paborito talaga namin 'yan. Noon pa. Confident ka, Noah? Bigyan na ba kita ng award?"
Silang dalawa ni Daisy, clueless sa palitan ng tingin ng dalawa.
"Ako na ang mag-iinit. Halika ka nga rito, usap tayo." Inakbayan lang ni Noah si Lirio sabay kaladkad rito patungo sa kusina, bitbit ang eco bag.
"Ano na naman kaya 'yon?" tanong ni Daisy.
"Hindi ko rin alam." Bahala na 'yung dalawa sa kung anong usapan nito.
"Daze! Tulong!" Pero tawa naman nang tawa si Lirio.
"Will you please shut up? Ikaw isalang ko rito sa stove, gusto mo?" Mukhang napipikon na si Noah pero may himig na pagbibiro. Tumawa lang si Lirio, rinig na rinig ang ingay ng mga ito sa sala.
"Pabayaan mo na 'yang mga 'yan. Nababaliw na naman." Raspberry said.
"Nasanay na ako. Kung alam mo lang, kulang pa ata ang lifetime para mas makilala ko pa si Noah. Totally different kapag kasal ka na. Kaya kung ako sa 'yo, pag-isipan mong mabuti kung okay sayong magising araw-araw sa pagmumukha ni Lirio."
Siya naman ang natawa. "Sigurado na ako, Daisy. Papakasalan ko ang tao eh. Wala nang pagdadalawang-isip."
"Sus, mahal mo na eh." nakangiting tugon ni Daisy. "Nakakabaliw no? When you realize that you can't base everything with feelings and emotions."
"You can't. It's more about principle and commitment. You're ONE with the man you choose and love."
"Yeah, abutin man ako ng siglo. Pipiliin ko pa rin siya."
"We already did that."
They both smiled.
From that moment when Daisy laid her eyes on Noah inside a jeepney.
From that moment when Raspberry wrote letters secretly for Lirio.
Nasa coffee table ang inihanda niyang pagkain para sa kanila ni Lirio. Tamang-tama ang dating ng bestfriends nila. Hindi na makapaghintay ang sikmura nila, kumuha na sila ng isang slice at kumain na.
"Si Klint nagluto nito? Ilan na kayang babae ang nadale niya no?" Si Lirio ang nagtanong.
"Tanungin mo siya."
"Malalagot ako sa fianceé niya."
"Wala na siyang fianceé."
"Ano?"
"Mag-ingat ka nga! Ang sabaw!"
"Bakit hindi ko alam ito? Bakit? Bakit? Huli na ba ako sa balita? Bakit?"
"Akin na nga 'yang bandehado. Masasayang 'tong tinola. Ngayon ko lang nalaman. Si Klint mismo nagsabi sa akin."
"Sabagay, kinasal na kayo, engaged pa rin siya. Long engagement? Nakakapagtaka nga. Huu, matanong nga siya bukas. Usisatin ko lang kung anong nangyari. Something fishy."
"Oo, something fishy nga. Nasa harap tayo ng tinolang isda. Bago 'yan, iinitin na rin natin ang kanin. Teka, di na to sakto sa atin. May bigas pa kayo riyan?"
"Ingat na ingat sa tinola ah. Memories?"
"Shut up."
Nagkatinginan silang dalawa ni Daisy at natawa. Naging comedic duo na naman ang mga ito. Kung nandoon si Shawn, baka sumakit na ang ulo at pinagbuhol na ang dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top