Paglalakbay 4
Cai's POV:
"Engage na kami ni laurin!" masayang pag anunsyu ni Ralph sa amin, sabay taas ni laurin sa kaniyang kamay na may singsing, para naman akong napako sa krus nang marinig yun, parang nawalan ako ng lakas, pero di ko pinahalata na naaapektuhan ako ang sakit pala, di mo man maamin na mahal mo sya, grabi ang hirap at sakit na dulot .....
"Omo!!, really!? I heard it right? hala kailan lang ?!" sunod sunod na tanong ni alice sa kanila na parang di makapaniwala, ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.
"kahapon..." masayang sagot ni laurin habang nakatingin kay Ralph
"Wow! Congrats sa inyo!!" magiliw na bati ni alice sa kanila
"Yown! Congrats pareng Ralph hahaha!" masayang bati ni caleb sa kanila habang nakaakbay kay alice na ngiting ngiti
"Congrats ralph, laurin" kahit masakit pinilit ko pa ring ngumiti upang hindi nila mahalata na nasasaktan ako, lumingon na man ako kay amber na nakatingin na pala sa akin ngayon agad naman niyang iniwas ang kaniyang paningin ng mapansing nakatingin rin ako sa kaniya at bumati kila laurin
"Congrats laur and Ralph, I'm happy for you !" nakangiting bati ni amber sa kanila at nagyakap si laurin at amber, ngayon ko lang napansin na medyo magkahawig pala sila ni laurin, okay na kaya siya, pero napansin ko na medyo namumugto ang kaniyang mga mata.
"Thank you Xy" nakangiting pasasalamat ni laurin kay Amber
"Wow grabi kayo, bakit di mo sinabi sa amin kahapon Ralph?". nakangiting sabi ni Alice sa kaniya ..
"Para surprise din sa inyu hahaha!" ngiting sagot naman ni ralph
" so, kailan ang kasal pareng Ralph" tanong ni caleb sa kaibigan
"sa pagbalik ko na diba hon ? " sagot naman ni ralph sa kaibigan habang hawak ang kamay ni laurin
"kailan ka babalik ralph" tanong ko.
"2 years from now kaya nga pinormahan ko na si laurin para walang makaagaw" sagot niya habang nakaakbay kay laurin. Masaya ako para sa kanila pero may sakit parin na dulot, di ko naman masasabing paubaya to dahil di ko naman nasabi kay laurin ang totoong nararamdaman ko sa kaniya, kaya di ako naghahanap ng magiging girlfriend ko kasi kala ko may pag asa pa ko yun pala wala.....
"tara na, lets the party begin na paring ralph" pabirong pag anyaya ni caleb sa amin kaya natawa na lang kami sa kaniya, at si Ralph ay tumango na lamang at pumunta na sa may mesa at inalalayang makaupo si laurin sa kaniyang tabi, katabi ni alice si caleb, pero si amber medyo lumayo siya amin, nang makaupo na ako di ko maiwasang di sulyapan si amber, may times nga na nahuli ko siyang nakatingin sa akin tapos ang makikita mo sa mga mata niya ay yung lungkot, di ko alam para ring nasasaktan ako sa tuwing makita ko ang kaniyang mga matang malungkot..........
" Amber bakit ka naman nandiyan dito ka sa tabi ni Cai " sabi ni laurin sa kaniya kaya tumango na lang siya, tumayo na siya at tumabi sa akin, di ko alam kung ano ang nararamdaman ko, nang tumingin ako sa kaniya ay nakatingin rin pala siya sa akin, bago siya nag iwas ng tingin ay ngumiti na muna sya sa akin kaya ngumiti rin ako sa kaniya kahit di nya na yun makita dahil nakaiwas na sya, ang mga kabigan ko naman ay busy rin sila sa isa't isa, nang masulyapan ko si laurin di ko rin mapigilan ang aking nararamdaman .........
AMBER POV:
Di ako mapakali sa aking kinauupuan para bang naiilang na ewan, di ko alam, kanina nu'ng tiningnan ko si Cai parang may lungkot na nakahalo sa kaniyang mga mata habang nakatingin kay laurin kahit na nakangiti siya ay di ko paring maiwasang tumitig sa kaniyang mga mata, parang napansin niya akong tumitig sa kaniya, bago ako nag iwas ngumiti muna ako sa kaniya, grabi ang tahimik niya parang di siya marunong magsalita kung magsalita man ay kunti lang. Gusto ko nang umuwi pero ano naman ang gagawin ko? iiyak na naman.
"Cai, ikaw anong plano mo sa buhay, hanggang ngayon di mo pa pinapakita sa amin ang jowa mo!, pakita mo na pare." doon nawala aking pag iisip ng magsalita si Ralph, teka may jowa na si Cai.
"Do you have a girlfriend Cai?" masayang tanong ni laurin sa kaniya. " bakit di namin alam yan,uyy!" dagdag pa ng pinsan ko.
paglingon ko kay Cai ay umiling ng umiling siya . " Soon pakilala ko sa inyu, don't worry, tonight lets celebrate for Ralph's new project in paris, right ralph?" nakangiting sabi niya sa barkada.
"Yeah, basta pakilala mo sa amin ha " sang ayon ni ralph na may halong asar.
"How about you xylyne do you have a boyfriend?" tanong ni Alice sa akin, kaya umiling lang ako. " do you have a ex?" tanong na naman niya sa akin kaya tumango lang ako, siniko naman agad siya laurin ng mapansing naiilang ako sa kanila, ngayon ko lang kasi sila nakilala, do'n ko napansin na nakatingin pala silang lahat sa akin, nang tumingin ako kay Cai agad rin niyang iniwas ang kaniyang paningin sa akin ganoon rin ang ginawa ko at tumingin kay laurin, ngumiti lang siya sa akin ako naman ay yumuko nalang.
"Xylyne kain ka lang dyan wag kang mahiya sa kanila ganyan lang talaga sila, mahilig magtanong" nakangiting paliwanag ni laurin sa akin kaya tumango lang ako at ngumiti. Kumuha ako ng kanin at steak dahil gutom na talaga ako kanina pa, linagyan ni ralph ng wine ang wine glass namin.
"cheers guys" maligayang sabi ni alice at itinaas ang kanilang mga wine glass kaya sumunod rin ako sa kanila, kahit nag alin langan, sabay rin nilang nilagok ang laman ng kanilang wine glass kaya wala akong nagawa kung ang pumikit at inumin, pero nasa dila ko pa lang ay inilagay ko na ang wine glass sa mesa, kaya napatingin sila sa akin, ngumiti lang ako sa kanila.
"Di ka uminon?" tanong ni caleb sa akin kay tumango na lang ako.
"Give it to me I'll drink it for you" nagulat ako nang magsalita si Cai di ko inaasahan yun ah!
"n-no! kaya ko na to unti untiin ko lang " nakangiting sabi ko sa kaniya, nakakahiya kaya!
"sige na xylyne minsan lang ganyan si Cai sige ka!" kumbinsi ni laurin sa akin, kaya wala akong nagawa ng tuluyan ng kinuha ni Cai ang wine sa harap ko, walang pag aalinlangang nilagok niya yun lahat, tiningnan ko lang siya hanggang maubos yun, pagkatapos niyang uminom ay nakangiti niyang ibinalik ang wine glass sa harap ko.
Maghahatinggabi na matapos na kami, nag uusap lang naman habang nag iinuman pero ay tahimik lang talaga, di ko pa kasi sila gaano kaclose.
"Ralph pwede bang dito muna ako matulog ngayon, siguradong mamimiss kita" paglalambing ni laurin kay kay ralph, kinurot muna ni ralph si laurin sa pisnge bago sumagot.
"Oo naman soon to be misis ko hahaha" paglalambing ni ralph sa kaniya
"Yieeeee, pero hatid ko lang si xylyne babalik ako promise." sabi ni kay ralph
"Bro!, ako na lang ang maghatid kay amber" nagulat nanaman ako ng magsalita si Cai sa may likuran ko.
"Talaga Cai? " gulat rin si laurin kaya tumango na lang si Cai. " thank you Cai!".
"Hindi na, pwede naman akong magtaxi lang laurin ano kaba, nakakahiya naman!" nakasimangot kong sabi kay laurin pero tinawanan lang niya ako, si laurin lang kasi ang kaibigan sa mga pinsan ko, well i have 3 cousins.
"wag ka nang magtaxi delikado na sa daan Xy, wag ka nang mahiya di ka naman kakainin ni Cai, hindi ba Cai?" sabi ni alice.
"Yeah!" sang ayon ni cai habang nakangiti sa akin, 'ehh naiilang kasi ako sa kaniya'. sabi ko sa isip.
kalaunan ay napapayag rin ako, nagpaalam na kami kina laurin at ralph at saka lumabas. Pagdating namin sa sasakyan ni Cai ay nagpaalam na muna siya sa kina caleb yun ang ginawa ko at nagbeso pa muna kami ni alice, mabait naman pala si alice medyo madaldal lang. naunang umalis sila alice kaysa sa amin, nagulat nanaman ako nang pagbuksan ako ng pintuan ni Cai sa frontseat, kaya wala na akong nagawa kung 'di sumakay na lang.
"thank you, Cai" nakangiting pasasalamat ko sa kaniya tumango lang sya at ngumiti, umikot siya sumakay na rin siya at binuhay ang makina ng sasakyan. walang nagsasalaita sa amin hanggang makalabas kami ng village.......
"ahm.. saan ka pala nakatira?" tanong niya sa gitna ng katahimikan namin, kaya dun ko narelize na nakasakay lang ako sa sasakyan niya pero di ko pa nabigay ang address ko.
"S-sa apartment mo na lang ako ihatid, dun sa south villa lang po!" nakangiting sabi ko sa kaniya, kaya tumango lang siya. tahimik nanaman ang loob ng sasakyan. Liningon ko siya grabi ang seryoso niyang magdrive, ang gwapo niya rin pati na rin sexy ang katawan niya, di ko inaasahan na lilingon pala siya sa akin kaya mabilis akong umiwas.
"okay ka na ba ?" tanong niya sa akin pero di ko magets ang tanong niya, anong ibig niyang sabihin 'okay ka na ba?". napaisip ako ahh baka yung kanina, matagal bago ako nakasagot sa tanong niya, di ko kasi agad nagets eh!
"ahm.. y-yeah " naiilang kong sagot sa tanong niya
"Saan ba dito apartment mo?" tanong niya ulit sa akin, di ko namalayan nakapasok na pala kami sa villa.
"doon pa sa unahan kunti na lang." sagot ko . " ahm, dito na lang po ako" sabi ko nang nasa mismong harapan na kami ng aking apartment ang sasakyan niya, Lumabas na agad ako liningon siyang muli . "Thank you Cai, ahm baka gusto mo magkape muna mukhang inaantok kana kasi !" alok ko sa kaniya pero umiling na siya.
"Wag na, para pagdating ko sa bahay makatulog agad ako." tanggi niya sa akin kaya kinuha ko na lang yung hindi ko pa nabuksan na dark chocolate sa bag ko at binigay sa kaniya kung sakali mang antokin na talaga siya. " Ito na lang sayo na to kung sakali mang makatulog ka sa daan, iwan ko lang kung magustuhan mo ang lasa nyan mapait yan." nakangiting sabi ko sa kaniya ngumiti muna sya bago niya kinuha sa kamay ko ang tsokolate.
"Thank you Amber, so aalis na ako, until next time see you, Goodnight!" matamis niyang sabi sa akin.
"Thank you rin, goodnight!" yun na lang ang sinabi ko at tuluyan ng sinara ang pinto ng kaniyang sasakyan. Nang makapasok ako sa apartment, di ko namalayan na nakangiti na pala ako, di ko akalain na dahil lang sa boses niya pansamantalang nawala ang mga problema ko, well ang swerte nang girlfriend 'ay di ka dapat matuwa xylyne may gf na yung tao ano kaba?'. sabi ko sa isip ko nakakalungkot lang na may gf na pala siya bakit di niya dinala kanina. Pumasok na ako sa kwato ko, bago ako natulog nagpunas muna ako sa aking katawan, pagkatapos ay natulog na ako.
A/N: Hi guys thank you for reading this story. I hope that you're enjoying this tory and please don't forget to vote or if you have suggestion about this story comment below or you can also messege me here in my acc. thank you so much....... VOTE AND COMMENT and also don't forget to follow me!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top