PAGLALAKBAY 3



CAI's POV

                  Araw ngayon ng lunes at maaga akong nagising dahil may trabaho pa ako at isa pa bawal ang malate  kaya kahit na inaantok pa pinilit kong bumangon at kumuha ng towel at dumeretso sa aking banyo, pagbukas na pagbukas ko sa shower malamig na tubig agad ang pumukaw sa aking natutulog na katawan ........  

                 Pagkatapos kong naligo dumeretso naman ako sa kusina upang mag agahan, pagdating ko sa kusina naabutan ko sila mommy't daddy na masayang nag uusap, kaya tumikhim ako ng kaunti upang makuha ang kanilang atensyon.

    "Goodmorning mom, dad!" bati ko a kanila habang may ngiti sa labi                                                    

"Goodmorning son" si dad                                                                                                                                           

"Goodmorning handsome" si mom, kahit kailan talaga to si mama ehh!       

umupo na lang ako at saka nag simulang kumain, nasa kalagitnaan na ako nag pagkakain ng biglang tumunog ang aking cellphone na nakalagay sa aking bulsa, kaya agad ko rin yung kinuha at binasa kung sino ang caller, at ng makilala ang caller ay agad naman akong nagpaalam kina mommy at daddy na sasaguting ko muna ang tawag. tumayo ako at sinagot na ang tawag ni ralph  

"oh napatawag ka bro?! " biglang sabi ko kay ralph.

"ahh, bro i would like to invite you at my party tonight if you're free, bukas na kasi ang alis ko papuntang paris para doon ko gawin ang next project as architect." sabi nya sa kabilang linya... ahh kaya pala bakit ngayon lang niya 'to sinabi sana kahapon pa.... haysssss.. 

"okay bro don't worry i'll be there, what time btw? si caleb ba pupunta rin ba?" tanong ko kay ralph sa kabilang linya. 

 " yeah pupunta siya mamaya, 6:30 bro, see you later !"                                                                             "yeah see you later, okay baba ko na baka malate pa 'ko sa trabaho, bye thanks btw!." 

Yun na lang at binaba ko na ang phone ko at bumalik na sa dining table, pagdating ko sa dining table tinanong agad ako ni daddy kung sino yun.

" sino yun anak, girlfriend mo ba yun hehehe " tanong ni daddy sa akin na may halong pang aasar sa akin

 " 'di dad eh! sayang nga !"  nakikisakay na lang ako sa biro ni daddy at humalakhak naman siya si mommy naman ay ngiting ngiti.

" so meron ka palang gilfriend Cai bakit di mo sinabi sa akin"  nagtatampo kunyaring sabi ni mommy sa akin, kaya umiling na lang ako sa kalokohan nila ni daddy . Di ko na lang pinansin ang kanilang mga sinabi at mabilis na inubos ang aking pagkain. Pagkatapos kung kumain ay nagpaalam na ako kina mommy't daddy.

"mom, dad alis na po ako" paalam ko ko sa kanila sabay halik sa kanilang pisnge 

"ingat son/ ingat" sabay sabi nila mommy at daddy sa akin 

Umalis agad ako sa kusina at dumeretso sa aking sasakyan, pagdating ko sa  aking sasakyan agad ko  namang pinaandar at umalis na agad sa bahay.Nasa kalagitnaan ako nang pagbibiyahe ng may biglang tumawid  kaya agad akong napatigil, mahigpit ang hawak ko sa aking manibela mabilis ko namang  naapakan ang break ng aking sasakyan. Halos mabunggo pa ang aking ulo sa manibela  dahil sa biglaan kong pagpreno, agad naman akong lumabas ng sasakyan upang puntahan ang babae, paglabas ko  nakita ko ang babae na nawalan ng malay mabilis akong lumapit sa kaniya .

"Miss?! miss!?". tawag ko sa kaniya tinapik ko pa ng pisnge niya nagbabasakali na magkaroon siya ng malay, doon ko lang namalayan na parang umiyak kaya siguro di niya alam na tumatawid siya, agad ko namn siyang binuhat at dinala sa aking sasakyan, mabuti na lang at hindi masyadong marami ang dumaang sasakyan at tao sa paligid.  pagsakay ko sa aking sasakyan ay mabilis ko naman pinaandar ang aking upang dalhin siya sa hosital, kahit na wala siyang galos nag alala pa rin ako sa kaniya, nasa kalagitnaan kami nang pagbibiyahe nang maramdaman kong gumalaw siya kaya mabilis akong tumingin sa kaniya at nakita ko pa ang unti unti niyang pagmulat sa kaniayng mata, gulat naman siyang napatingin sa akin. 

"S-sino k-ka?"  kabadong tanong niya sa akin na medyo naluluha pa

"ahh, di mo na ba naalala miss, bakit bigla ka na lang tumawid sa daan alam mo namang may paparating na sasakyan?!, mabuti pa nga at ako yun dahil kung sa iba yun malamang bali na yang mga buto mo!".  inis kong sabi ko kaniya habang ang paningin ko ay nasa daan, bakit di na niya maala ang nangyari sa kaniya kanina ang bilis naman niyang makalimut, ipinarada ko na lang ang sasakyan sa tabi at tingnan ko siya sa mga mata, medyo umiyak naman siya, malapit na talaga akong malate. kaya tinanong ko siya ulit. " okay ka na, sorry di ko naman intensiyon ang mainis sayo, nainis lang ako sayo dahil ang tanga mo, babae ka pa naman." inis na sabi ko sa kaniya tahimik lang siyang umiiyak at tumingin sa akin.  " miss saan ka nga pala nakatira ihatid na lang kita sa inyo".  doon na siya lumingon sa akin.   

"s-sorry sir kung sa t-tingin mo ay t-tanga ako, pero dito na lang po ako,s-salamat."  humihikbing sabi niya sa akin  di agad ako nakapagsalita, akmang bubuksan na niya pinto nang hawakan ko siya sa kaniyang braso kaya napatingin siya sa'kin. 

"a-ahh........" simula ko. "h-hatid na lang k-kita s-saan ka pala n-nakatira" parang nahihirapan kong sabi sa kaniya  

"w-wag na po sir, ayoko ko ng umuwi sa amin.." umiiyak pa rin niyang sabi sa akin  

"sige hatid na lang kita kung saan mo gusto"  hindi ko alam kung bakit ako ganito sa babaeng 'to, para bang nasasaktan ako sa tuwing may tumutulong luha sa kaniyang mga mata. 

"wag na po okay lang ako "  sabi niya sa akin, ngayon ko lang nakita na nakangiti na pala siya  sa akin.

" sige na miss, ako nga yung muntik ka ng mabangga so, okay lang ba na ihatid kita?!"  parang nag mamakaawang sabi ko sa kaniya  

"sana binangga mo talaga ako, y-yung pinakamalakas na impact para di na ako mabuhay pa !"  seryoso niyang sabi sa akin.

"miss di ako nagbibiro dito, hatid na lang kita asan mo ba gustong pumunta"  seryosong sabi ko sa kaniya .

"sige na nga!" mataray niyang sabi sa akin "sa park mo na lang ako ihahatid kung okay lang sayo"  sabi niya sa aking, ngayon nakangiti na talaga siya sa akin, ngayon ko lang napansin na mabait pala siya. sinimulan ko nang magdrive patungo sa park, habang nasa biyahe di ko mapigilang magtanong sa kaniya. 

"ahm, miss, bakit ka nga ba umiiyak kanina ?"  parang wala naman siyang balak sumagot so di na lang ako nang tanong pa uli, ioon ko na sana ang music sa sasakyan ng bigla na lang siyang nagsalita.

"sila daddy  kasi balak na nilang ipakasal ako sa taong gusto nila.!"  deretsong sagot niya sa akin,  parang iiyak na naman siya, pero bago pa  niya mailabas ang kaniyang luha ay naiparada ko na ang aking sasakyan sa harap ng park.

"nandito na tayo?!"  nakangiting sabi ko sa kaniya, pagsabi ko nun sa kaniya ay dali dali siyang lumabas sa aking sasakyan, paglabas niya ay humarap naman siya sa akin ng nakangiti. 

"M-maraming salamat po s-sir" magalang sabi saakin bago niya sinara ang pinto, hahabulin ko pa sana siya kaso mabilis siyang nakapasok sa loob kaya hinayaan ko na lang siya, 

'Sana magkita pa tayo ulit' nakangiting bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kaniya na naglalakad patungo sa loob, pinaandar ko na ang aking sasakyan ng mapansing malapit na pala akong malate.... mabilis din naman akong nakarating sa opisina. Pagkaupo ko bigla na lang nagring ang cp ko kaya kinuha ko agad at sinagot.

"bro!"  bungad ni caleb sa kabilang linya 

"oh bro! napatawag ka?! "  tanong ko sa kaniya 

"nasabihan kana ba ni ralph na may kaunting salo salo mamaya sa kanila?" tanong niya sa akin

"Oo,tinawagan niya ako kanina!"  sagot ko naman sa kaniya 

"ahh, ganoon ba, sige kita na lang tayo mamaya, on time bro ha?... don't forget to bring your camera Mr. Cai------" di ko na tinapos ang ang tawag dahil may kumatok sa pintuan ng opisina ko. 

"Yes come in ?!" sabi ko, agad namang pumasok ang secretarya ko na may dalang folder 

"Sir, may meeting po kayo ngayon  sa conference room"

"okay, let's go " naglakad na at lumabas sa aking opisina, pagdating ko sa conference room  completo na ang lahat,tumayo naman sila upang batiin ako kaya tinanguan ko lang sila, napatigil naman ako ng makita ko si Laurin bakit siya ang umattend ngayon diba dapat yung kapatid niya, nang makita ako ni laurin ay ngumiti naman siya sa akin kaya nginitian ko rin sya pabalik. Nagsimula na kami sa aming meeting .... ........................                                                            

Lunch break na matapos ang meeting namin kaya agad akong tumayo at nakipagkamay sa kanilang lahat, si laurin ang panghuli kong kinamayan, kaya nagbatian na muna kami.  

"Hi laurin" bati ko sa kaniya

"Hi Cai, punta ka ba mamaya sa bahay ni ralph ?!."  tanong niya sa akin kaya tumango naman ako at ngumiti 

" sabay na tayong mga lunch laurin?"  aya ko sa kaniya, umiling naman siya sa akin 

"Di na Cai, pupunta pa kasi ako sa pinsan ko" nakangiting sabi niya sa akin 

"ah, sige kita na lang tayo mamaya.."  tumatangong sab ko sa kaniya habang nakangiti 

" sige Cai mauna na ako sa'yo.."  paalam niya kaya tinanguan ko na lang siya, at tuluyan na siyang lumabas sa conference room... kaya lumabas na rin ako at  dumeretsong opisina...............  

wala na akong masyadong ginawa,  pagtingin ko sa wrist watch ko ay 5:11 pm na kaya lumabas na ako sa opisina at dumeretso sa parking lot, pagdating ko sa parking lot agad na sumagi sa isip ko ang babae'ng muntik ko nang masagasaan, 'kamusta na kaya siya umiiyak pa kaya siya' ' sana okay na siya '.  napailing na lang ako sa aking sariling iniisip ng maalala ko siya, haysss ... sumakay na ako sa sasakyan at agad na pinaandar ..................................       

pagdating ko sa bahay ay dumeretso naman ako sa aking kwarto may oras pa naman  ako, 5:54 pa lang  kaya agad akong nagbihis, simple  lang ang sinusuot ko isang pantalon at black round t-shirt at tsaka leather jacket, total sa bahay lang naman nila ralph, paglabas saktong alas sais na nang gabi naabutan ko pa  sila mommy sa sala.

"Mom, Dad punta  lang ako 'kila ralph"  paalam ko kila mommy't daddy

"ingat ka 'nak"  paalala ni mommy sa akin habang si daddy ay tumatango lang sa akin at ngumiti, lumabas na ako sa bahay at agad na pumunta sa aing sasakyan..  

Dumating na ako dito sa bahay nila Ralph at naabutan ko na agad ang sasakyan ni caleb at sasakyan ni laurin, nandito na pala sila mukhang ako na lang wala pa. agad  naman akong pumasok sa bahay nila Ralph, pagpasok ko sinalubong agad ako ni Ralph.

"Hey Cai, mabuti naman at pumunta ka may sasabaihin ako mamaya." nakangiting sabi niya sa akin, at dumeretso na kami sa likod ng kanilang bahay, naabutan ko naman sila Caleb na masayang nag uusap kasama ang mga girls, pero may nahagip ang mata ko na isang babae di ko mamukhaan kasi nakatalikod ito sa amin ni  Ralph. "Guys ?!." tawag pansin ni Ralph sa kanila kaya napatingin naman sila amin, agad naman tumayo si Caleb at lumapit sa akin   

"wass up Mr.Cai?" salubong ni Caleb sa akin

"hey, bro.." bati ko sa kaniya sabay tapik sa kaniyang balikat 

"Hi Cai" bati ni alice sa akin

"Hi al" nakangiting bati ko kay alice

"HI Cai!'' nakangiting bati ni laurin sa akin dun ko lang nakilala ang babae ito pala yung babae'ng muntik ko ng masagasaan. "By the way this is Xylyne Amber my cousin, Xy this Tristan Cai.."  pakilala ni laurin sa amin. 

"hi, nice to meet you by the way" nakangiting bati ko sa kaniya 

"H-hi" nahihiya niyang bati sa akin 

"okay guys, may sasabihin kami ni laurin sa inyo!.." excited na bulyaw ni Ralph sa amin 

"Ano yan Ralph, pati tuloy ako naexcite" masayang bulyaw ni alice sa kanila 

"Engage na kami ni laurin!" masayang pag anunsyu ni Ralph sa amin, sabay taas ni laurin sa kaniyang kamay na may singsing, para naman akong napako sa krus nang  marinig yun, parang nawalan ako ng lakas, pero di ko pinahalata na naaapektuhan ako ang sakit pala, di mo man maamin na mahal mo sya, grabi ang hirap at sakit na dulot .....


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #phynixz