Part Two
Bagong araw, bagong bisita sa bahay ni David at heto ako, nag-iisip na naman ulit nang iisang bagay lang—pag-ibig. Love.
Dalawang oras akong nasa telepono kagabi, kausap ang pamilya ko. May landline kami sa apartment na ginagamit naming lahat para tumawag sa mga minamahal namin sa Pinas. Mas mura kasi kesa cellphone. May lima akong roommates na mga temporary foreign workers rin at lahat kami nagtitipid sa kahit anong paraan.
Pinapasalamatan parin ako ng mga magulang ko sa ipinadala kong pera para sa anniversary nila. Sabi nila hindi ko kanailangang regaluhan sila at ang dami ko nang ginawa para sa kanila. Pero natutuwa parin silang magkaroon ng oportunidad na pumunta nang Baguio sa unang pagkakataon. Nagplano silang magbakasyon bago Pasko pero nagkatrangkaso si Tatay tapos nagka-bronchitis. Na-postpone ang bakasyon nila sa umpisa ng March. This time, hindi ang mga magulang ko ang dahilan kung bakit pinag-iisipan ko ulit ang mga panuto ng puso.
Ang nakababatang kapatid kong si Abigail ang nagpaikot sa ulo ko ngayon matapos niyang inamin sakin last night sa telepono na nahanap na niya ang lalaking mamahalin niya habang-buhay—si Anton, science teacher sa high school na pinagtuturuan niya.
Siguro dahil mas matanda ako, at siguro dahil wala nang mga bituing bumubulag sa mga mata ko, na hindi ko napigilan ang sarili ko at pinag-babalaan siya na maging maingat. Akala ko magiging defensive siya pero tinanong niya lang ako kung na in-love na ba ako before. In-love as in habang-buhay, hanggang kamatayan, walang katapusang klase ng pag-ibig. Medyo madrama ang kapatid ko eh. Sabi ko sa kanya na dapat alam na niya ang sagot dun since kilala niya si Bryan at alam niya ang pinagdaanan namin. Boyfriend ko mula ng college si Bryan pero sa huli, hindi kami nagtagal dahil ayaw niyang tanggapin ang desisyon kung magtrabaho abroad. Hindi sumang-ayon si Abigail. Sabi niya, hindi magandang halimbawa ang relasyon namin ni Bryan sa klase ng pag-iibig na tinutukoy niya. Ayaw ni Bryan na tumayo sa tabi ko habang hinaharap ko ang mga pagsubok ng pamilya ko. At hindi ko kayang isuko ang mga responsibilidad ko para lang pasayahin siya.
Sa huli, naisip ko na baka ganito lang talaga dapat ka-simple ang pag-ibig—ang hangarin ang lahat nang mabuti, masaya at maganda para sa isa't isa.
At hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung may pag-asa pa bang mahanap ko ang ganitong klaseng pagmamahal sa labas nang pamilya at mga kaibigan. Kung mahahanap ko ba ito sa isang tao na galing sa napakaibang buhay at nakapakaibang mundo.
"Speaking of napakaibang buhay..."
Pumasok ako sa bahay na naging ibang mundo para sa amin ni David mula nang nahuli niya akong natutulog sa sofa niya two nights ago.
Nung gabing yun, si Diana at David lang kami—dalawang tao na kahit nagmula sa dalawang magkaibang mundo, ay nauunawaan ang isa't isa na parang magkasama na sila nang matagal na panahon.
May kinakanta ako nang pumunta ako sa kusina kung saan ako palaging nagsisimula. Natigil ako sa chorus nang nabasa ko ang nobelang sinulat ni David na nakadikit sa refrigerator.
Weather forecast says there won't be a snowstorm to keep you here but I hope you'd stay for dinner with me.
I'll be home 5:30PM sharp.
You know I don't cook so we can go somewhere nice.
Or, if you're up for it, you can fulfill that promise to cook me something. We can shop for supplies.
Hope you're still here when I come home.
-David
So walang snow ngayong gabi, walang dahilan na magtagal ako rito pagkatapos kong maglinis. Pero gusto ni David na maghintay ako para makapag-dinner kami. Kumain man sa labas o mamili ng grocery para makapagluto kami, kahit ano, game siya.
Siyempre ngumiti ako. Mahirap hindi makilig kung iisipin ko na ang seryoso at medyo mahiyaing si David ay naglakas-loob na tanungin ako. Madaling i-imagine ang torpeng ngiti sa mga mata niya sa huling linya.
Kasi ini-magine mo rin na para bang uuwi siya sa iyo.
Haay... Ang bilis lumipad ng imahinasyon ko sa simpleng sulat.
Nag-enjoy kaming mag-usap nung nakaraang gabi. Para sa taong palaging nagtatrabaho araw-gabi, gusto niya lang sigurong may makausap at kasamang magpalipas ng oras.Hindi ko kailangang bigyan nang ibang kahulugan ang simpleng imbitasyon na samahan siyang mag-dinner.
At dahil hindi ito big deal (as if), pumunta ako kaagad sa isang Asian supermarket na malapit lang dito habang nililista ko sa ulo ko ang lahat nang kakailanganin kong mga ingredients na alam kong hindi ko mahahanap sa kusina ni David. Mabuti na lang at ito na ang huli kong assignment for the day. Meron akong tatlong oras para maghanda. Tinext ko ang isa sa mga roommate ko to tell them na hindi ako makakauwi nang maaga—again. At siguradong kukulitan nila ako pag-uwi ko dahil alam nila ang dahilan kung bakit natagalan ako last time maliban sa snow storm—ang Prince Charming na si David according sa kanila. Sumilip silang lahat nung gabing yun mula sa bintana ng kwarto namin na nakaharap sa daan kung saan nag-park si David. Siyempe, umarte akong denial queen—na magkaibigan lang kami ni David. Pero ganyan ang mga kaibigan di ba? Di ka titigilan hanggan masiraan ka nang bait?
Halos isang oras ang lumipas bago ako nakabalik sa bahay ni David bitbit ang tatlong grocery bags.
Lumaki ako sa kusina ni Nanay kung saan siya ang nag-iisang reyna. Siya ang nagluluto at nagpapatakbo ng carinderia namin at tumutulong kami ng mga kapatid ko paminsan-minsan. Palaging mabango ang kusina na yun nang kahit anong niluluto ni Nanay—kanin man o maraming klaseng ulam.
Parang kusina ni David ngayon—puno ng amoy nang mga paborito kong pagkain.
I'm sure matutuwa si Nanay kung makikita niya lang ako ngayon.
"This is what I've been missing out on?"
Lumingon ako sa pwesto ko sa stove at tumawa sa shocked pero nakangiting ekspresyon sa mukha ni David na para bang kadidiskubre niya lang sa paraiso.
"It's almost done," sabi ko sanya habang hinahalo ang niluluto ko one last time.
"I hope so because if this tastes anything like it smells, I'm dying to eat it." Iniwan niya ang suit jacket niya sa isang silya bago lumapit sakin, naka-focus sa mga iba't ibang cookware na nasa stove niya. "I could smell it from the driveway. I thought I was at the wrong house."
Hindi ko napiligang tumawa. "Well, you did tell me I could cook. I don't know if you've ever had Filipino food before but I hope you give these a chance."
"I already love it." Sinabi niya yun nang walang pagdadalawang-isip kahit hindi pa niya natikman kahit isa mang lang sa mga niluto ko.
"We'll see if you're telling the truth," biro ko sa kanya.
"I always tell you the truth," sabi niya nang walang biro. Mahina nang konti ang boses niya at nang tumingala ako, nakita ko kung gaano kami kalapit sa isa't isa. May ngiting lumiliwanag sa mga mata niya na parang humihila sa puso ko palapit sa panganib. "And here's another truth for you—you're beautiful, Diana."
Parang may bagyong nag-uumpisa sa dibdib ko—puno ng kulog at kidlat na nakakatakot at mahiwaga at the same time. Pinagmasdan ko ang bawat hugis at parte ng mukha ni David. Sa unang tingin, iisipin mong ordinaryo silang lahat at naunawaan ko na hindi ang mga bahagi na ito ang dahilan kung bakit mahalaga si David sakin. Ang dahilan na yun ay nasa ngiti na kumikinang sa asul ng mga mata niya, sa tawang palaging nakahintay na tumunog mula sa mga labi niya, sa mga sandaling nasusulyapan ko ang torpe sa ilalim nang seryoso at successful na abogado na nakikita ng buong mundo.
Hindi ko alam kung ano ang nakikita niya habang tinititigan niya ako. Ang unang reaksyon ko palagi kapag tinatawag akong maganda ay magkunwaring wala akong narinig o ibahin ang usapan. Sa mga mata ko, ordinaryong babae lang ako pero hindi ko makuhang sabihin yun nang malakas—at least not right now na pinagmamasdan ako ni David na para bang ako ang pinakamagandang babae sa mundo.
Kailangan kong umatras nang konti bago ako lubusang mahulog.
"You can try what I made, you know?" Sinubukan kong pagaanin ang tono ko, na hilahin kami pabalik sa riyalidad bago namin parehong makalimutan na simpleng dinner lang to between two friends. Uh-huh. "You don't need to bribe me with compliments first."
Kahit walang suhol o papuri, alam kong gagawin ko parin ang lahat nang to para sa kanya.
Mabuti na lang at hindi na niya sinubukang tuklasin ang mga dahilan sa lahat nang ito. Tumawa lang siya at ibinalik ang atensyon niya sa mga handa ko. "Alright. Why don't you enlighten me on the feast you have waiting for us."
By Filipino standards, hindi mo matatawag ang hinanda ko na fiesta pero proud ako sa mga recipe na pinili ko—lahat pagkaing Pinoy na kilala sa buong mundo.
"This is Chicken Adobo—it's practically the national dish of the Philippines and my personal favorite." Inalis ko ang takip ng adobo para maamoy ni David ang mabangong kumbinasyon ng patis, suka, bawang, kasama ang konting tamis. Sigurado akong maamoy niya to kahit saan sa loob ng bahay. "I made some white steamed rice to go with it. It's a crime to have it with anything else."
"I think this will wipe out any other food from my memory," sabi ni David bago niya pinikit ang mga mata niya at huminga nang malalim. "It smells ridiculously good."
Pabiro ko siyang siniko sa tiyan. "You have to leave room for rest of the food." Tinuro ko ang kawali na halos umaapaw ng pancit, baboy, repolyo, carrots, bell peppers at sibuyas dahon. "This is my mother's own version of the Filipino Pancit. There are over a dozen varieties depending on where you are in the country but this is the recipe closest to my heart."
"It looks like you cooked for an entire army and I'm only one man," sabi ni David habang nagnanakaw ng tikim ng baboy. "But don't worry. I'll gladly make the sacrifice to finish this for you."
Tumawa ako at pabiro kong pinalo ang kamay niya nang sinubukan niyang tumikim ulit. "There's still dessert. It's in the fridge. Come on. It's a classic."
Sa loob ng refrigerator, may plato nang pinakapaborito kong dessert—makremang custard na hugis oval at nakabalot sa malapot na caramel. "This is Leche Flan—kind of like our version of creme brûlée but better, of course, in my honest opinion."
Talagang mukhang impressed si David, kahit naisara ko na ang refrigerator. "How could've you have possibly made all of these? I don't even have any of these pots and pans you used here."
Binigyan ko siya nang pinaka-inosente kong ngiti. "I might have shopped for a thing or two. Consider them gifts. That way, you have them when you feel like making any of these next time."
Tumaas ang isang kilay niya. "We both know I can't even fry an egg without burning it. If you insist on making me keep these, I'll have to insist that you come included."
This time, dalawang kilay ko ang tumaas, kahit na sinubukan kong labanan ang kabog ng dibdib ko. Kailangan ko na talagang umatras at manatili sa likod ng linyang kailangan naming maalala na namamagitna sa amin. Pero ni isa bagay, hindi ko ginawa. "Are you negotiating, Mr. Kemble?"
Hindi ko kailangan i-memorize ang buong English dictionary para maintindihan ang ibig niyang sabihin. Hindi lang ang pagkain o ang mga gabing katulad nito ang hinihingi niya.
"Negotiating is what I do best, Ms. Robles. I am a lawyer, after all," sagot ni David bago ako kininditan—ang torpeng si David kumindat sakin!
"You don't look like a lawyer right now. You just look like a man who could use a good dinner," sabi ko bago ako ngumiti, tinulak siya nang konti sa tabi para kumuha ng mga plato. "Come on. Let's eat."
Sabihin nalang natin na malaking tagumpay ang dinner namin—at least kung pagbabasihan ang mga ooohh at aaahh ni David sa bawat kutsara ng pagkain sa sinimot niya. Habang kumakain kami, kinuwentuhan ko siya tungkol sa mga makukulay na customers ni Nanay sa carinderia. Marami akong masasayang alaala at mahirap hindi pansinin ang malinaw na katotohanan na hindi kasing swerte ko si David sa parehong bagay. Pero nakuntento siyang makinig, magtanong, at tumawa kasama ko.
At gaya ng hula ko, malalim na ang gabi nang matapos kaming magligpit. Isinantabi ko ang mga tira sa refrigerator matapos siyang nangako na uubusin niya itong lahat bago siya bumalik sa kakakain ng canned food.
"Come on. I'll drive you home," sabi ni David bago siya tumungo sa front hall at naghintay hawak ang coat ko.
Hinayaan ko siyang tulungan akong isuot ang coat at ngumiti lang habang inayos niya ang knitted winter beanie ko sa ulo ko na para bang maliit akong bata. "It's a clear night with just the moon and the stars in the sky. I can grab a bus home without a problem."
Isang tingin sa mukha niya at alam kong hindi nagustuhan ni David ang suggestion na yun. "This isn't a negotiation you're going to win, Diana. I'm seeing you home."
Hindi pa ko handang sumuko. "Why? Is this your repayment for dinner?"
"No." Seryoso na talaga siya ngayon. "It's because I want to spend as much time as possible with you tonight. So please, let me drive you home."
Wala na kong natirang argumento dahil ayaw ko ring matapos ang gabing ito. Wala lang akong lakas ng loob tulad niya na aminin ito sa kanya.
At napakaganda ng gabi—na para bang tinadhana ito na maging isang gabi na hindi namin malilimutan. Puno ang maitim na langit nang mga nagkikislapang bituin at nakabalot ang mga sanga sa ice crystals na umaaninag sa tanglaw ng buwan. Maginaw ang mga klarong gabing tulad nito pero ibang klaseng sigla at saya lang ang naramdaman ko habang nasa loob ako ng sasakyan kasama ni David, na nag-uusap lang na para ba kaming mag-asawang tumanda sa piling nang isa't isa.
Natatakot ako.
Lahat nang ito ay parang palatandaan nang isang pagkakataon kung saan ako pwedeng maging maligaya—isang bagay na hindi ko minsan man lang naranasan. Wala ito sa mga plano ko nang nadesisyon akong pumunta rito halos tatlong taong nakalipas. Akala ko, isang bagay ito na maghihintay pa nang maraming taon bago dumating sa buhay ko. Na kailangan ko munang tuparin ang mga responsibilidad ko. At na hindi ito isang bagay na mahahanap ko lang nang biglaan sa sulok ng mundong malayo sa pinanggalingan ko, sa piling nang isang lalaking may napakaibang buhay sakin.
Pero kahit na magulo ang utak ko habang nagpupumilit ang puso ko, wala akong may sinabi nang nagpara si David sa harap ng apartment at binuksan ang pinto ng sasakyan sa side ko. Hindi ako nagsalita o gumalaw nang hinarap ako ni David na may kinang sa mga mata niya. Pareho naming alam na ang linyang naghihiwalay sa amin ngayon ay malapit nang mabura.
Walang salitang namagitan sa amin. Ang alam ko lang nang mga sandaling yun ay ang init ng kamay niya habang hawak ang pisngi ko at ang pagtigil ng oras at hininga namin nang pinikit ni David ang mga mata niya at hinalikan ako.
Hindi ko inisip ang hinaharap at hindi ko hahayaan ang sarili ko na pagsisihan ang nangyari ngayong gabi. Dahil sa mga sandali na yun, halos abot-kamay ko na ang klase ng ligaya na minsan lang natin mahahanap sa buhay.
Nanatili akong nakatayo kahit na nanghina ang mga tuhod ko dahil hindi lumuwag ang yakap ni David na para bang hinding-hindi niya ko pakakawalan kahit kailan man. Na kahit na nagmula kami sa magkaibang sulok ng mundo, walang maghihiwalay sa amin.
First kiss namin yun.
And hindi yun ang huli.
At least twice a week three weeks since ng gabi na yun, nag-di-dinner kami ni David sa bahay niya. Magluluto kami, manonood ng TV, mag-uusap tungkol sa kahit anong bagay, tatambay sa office niya, maglalambingan, at minsan, kung hindi masyadong maginaw, magkahawak-kamay kaming maglalakad sa park malapit sa bahay niya.
Sa katapusan nang bawat gabi, hinahatid niya ako pauwi sa apartment. Bibigyan niya ko ng goodnight kiss bago kami lumabas ng sasakyan dahil tinutukso parin ako ng mga roommates ko. May isang beses na talagang malamig ang gabi at binuksan ni Patricio ang bintana para sigawan kami, "You should come in before you freeze your noses off. We promise, we won't bite."
Ngumiti lang si David at tumuro sa pintuan. Wala siyang problemang makilala ang mga taong parang ng pamilya sakin dito sa Canada. May lima akong roommate—dalawang lalaki at tatlong babae. Medyo nagsisiksikan kami sa maliit na two-bedroom apartment namin. Hinati naming apat na babae ang dalawang kwarto at sa sofa beds sa salas natutulog ang dalawang lalaki. Hindi ito ang pinakakumportableng sitwasyon pero wala kaming reklamo dahil alam naming lahat na temporaryo lang ito at isang araw, makakauwi rin kami sa mga pamilya namin at sa buhay na sana ay mas maunlad at masagana kung ikukumpara sa buhay na iniwanan namin. Masaya naman kami rito kahit papaano. Palaging may nanonood ng teleserye. Palaging may nasa telepono o nasa computer, nagcha-chat sa pamilya at mga kaibigan sa Pinas o naka-online banking para makapagpadala ng pera para sa maraming bagay—pambayad ng tuition, o gamot, o pagpapaayos ng bahay. Yun ang punto kung bakit nandito kami nagtatrabaho sa ibang bansa. Alam namin na hindi kami magtatagal dito at ginagawa namin ang lahat nang makakaya namin na siguraduhing wala kaming may sinasayang na oras at pagkakataon—para sa pamilya namin, sa hinaharap, sa posibilidad nang mas magandang buhay.
Hinarap lahat ito ni David nang may ngiti at pagbati para sa bawat roommate ko na pinakilala ko sa kanya. Nagustuhan siya nila kaagad. Si Ate Helen nagpa-two thumbs up pa sakin nang hindi nakatingin si David.
Nagtagal si David sa apartment namin nang halos isang oras, nakikipag-usap lang sa mga roommates ko at nakinig sa mga iba't bang kwento ng buhay nila. Finally, dineklara kong time-out na kasi kailangan naming lahat na matulog na kung gusto pa naming magreport sa trabaho sa umaga. Lumakad ako kasama si David pabalik sa sasakyan niya. Niyakap ko siya nang mahigpit ang binigyan nang matamis na halik bago ko siya pinauwi. Naunawan ko ng gabi na yun na baka naiintindihan naman talaga ni David ang sitwasyon ko at na wala akong dapat pagkatakutan.
Mas lumalim ang relasyon namin matapos ang gabi na yun—kung matatawag mo ba talaga itong 'relasyon'. Ibinahagi ko kay David ang ibang parte ng buhay ko dito sa labas ng mundong nilikha naming dalawa sa mga oras na magkasama kami.
Hindi lubusang nawala ang pag-aalinglangan ko dahil alam ko na kung hindi ako handang baguhin ang mga plano ko sa hinaharap, hindi tama na hayaan kong magpatuloy ang anumang namamagitan sa amin ni David.
At malinaw kung ano ang gustong mangyari ni David. One night, walang pag-aatubiling sinabi niya sa akin ang intensyon niya, habang nakaupo kami sa loob ng sasakyan, sa labas ng apartment ko ulit, at habang sinusubukan naming maghiwalay at least para lang sa gabing yun.
"I want more for us than just sticky notes and evenings that are too short," bulong ni David matapos nang maikli pero matamis na halik. "They're just not enough anymore."
Ayaw niyang tumigil lang kami rito, na makuntento lang sa pagsulat at sa mga maikling gabing magkasama kami. Gusto niya ng buhay kasama ko at hindi lang ang iilang oras na ninanakaw namin bawat araw.
Nahirapan akong tingnan siya nang direkta sa mata pero pinilit ko ang sarili ko dahil kailangan ko ring maglakas-loob katulad niya. "What else can we possibly have, David, considering our circumstances?"
Ano pa ba ang pwedeng maging amin kung isasaalang-alang namin ang magkaibang sitwasyon namin sa buhay? Anim na buwan na lang ang natitira sa kontrata ko dito sa Canada. Uuwi rin ako. Ang buong buhay niya, ang career niya—nandito lahat.
Pero kahit na may balakid sa love story na to, ngumiti lang si David na para bang walang takot. "We can have the future, if you're willing to spend it with me."
Wala akong may maibigay na sagot sa kanya at hindi niya ako pinilit.
Pero habang nakahiga ako sa kama that night, pinag-iisipan ang buhay na gusto niyang ibahagi sakin, napangiti ako nang na-realize ko sa wakas na hindi nako masyadong natatakot ngayon.
Bawat araw nang nakalipas na dalawa't kalahating taon, iisang bagay lang ang naging importante sakin—ang tuparin ang lahat nang pinangako ko sa pamilya ko at umuwi. Sa isip ko, naghihintay ang kaligayahan sa pinagmulan mo dahil akala ko, nandoon ang puso kung saan mo iniwan. Mali pala ako.
Uuwi tayo sa kung nasaan man ang puso, at ang puso ay nandoon kung nasaan man tayo maligaya—maging ito man ang pinagmulan natin o ang destinasyon natin sa katapusan nang mahabang paglalakbay.
Mahahanap lang natin ito kung susundin natin kung saan tayo itinuturo ng puso.
Baka pwede talagang maging atin ang buhay na hinihingi mo, David. Malay natin.
Yun ang huling bagay sa isip ko bago ako natulog sa wakas.
Maaga pa nang sumunod na araw nang nagising ako sa text message ni Abigail.
Nagka-stroke si Tatay at baka hindi na niya makayang labanan ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top