Part One


Ako ang tipo ng tao na palaging nag-iisip ng trabaho at ang bawat centimo na kinikita ko. But today, isang bagay lang ang nakatanim sa utak ko—pag-ibig. Love.

Siguro dahil bente-singko anyos nako—ang edad ni Nanay nang pinakasalan niya si Tatay.

Ngayong araw na to ang anibersaryo nila. Bukas pa rito ang actual date kasi advanced nang isang araw ang Pilipinas sa Canada.

Tatlong dekada na ang lumipas since sinumpa ni Nanay ang puso at tiwala niya sa iisang lalaki panghabang-buhay. Romantic pakinggan pero na-realize ko na walang lalaki sa buhay ko ngayon na katulad ni Tatay—karapat-dapat sa lahat nang pinangako ni Nanay sa kanya.

In short, wala akong love story.

Pero hindi dahilan yun na maging malungkot ako.

Sa totoo lang, wala akong dahilan na magreklamo sa buhay ko ngayon.

Dalawa at kalahating taon na matapos kong iniwan sa Pilipinas ang pamilya at mga kaibigan ko, pati na rin ang mga pangarap ko, para magtrabaho sa Edmonton at siguraduhing maka-graduate ng college ang dalawa kong nakababatang kapatid. Mapalad naman ako na ginawa nila ang makakaya nila para tulungan akong tuparin ang pinangako ko sa kanila. Natapos na ni Abigail ang degree niya last year at kasisimula niya lang magturo nang full-time sa high school doon sa amin. Si Luis mag-ga-graduate na nurse sa tatlong buwan. Pagkatapos nun, pwede ko nang tapusin ang kontrata ko dito at umuwi sa Pilipinas for good.

Or, pwede kang magtagal rito nang isa pang taon at tuklasin kung saan ka dadalhin ng buhay. Malay mo, thirty years from now, i-ce-celebrate rin ng anak mo ang wedding anniversary mo at ng maswerteng lalaking mamahalin mo.

Tumigil ang bus ko sa kanto at nagmadali ako sa bangko.

Buong linggo, sinubukan kong mag-decide, once and for all, kung ano ang isasagot ko kay Dolores, ang boss ko. Inalok niya ko na i-extend ang kontrata ko na magtrabo dito nang isang pang taon. Tatlong taon lang ang pinlano ko. Hindi ko pa alam kung anong gagawin ko. May time pa naman akong mag-isip bago niya sisimulan ang mga papeles. Hindi ko kailangang pasakitin ang ulo ko nang kakaisip today.

Kahit na alam kong gagaan ang bank account ko pagkatapos kong pumunta sa bangko, pumasok ako sa CIBC na nakangiti. Sorpresa to sa mga magulang ko, para sa anniversary nila. Lahat ng ipon ko rito, pinapadala ko sa Pilipinas para sa tuition ng mga kapatid ko. Pero naka-ipon ako nang extra galing sa mga tips at overtime na tinrabaho ko.

Matiyagang nag-hintay ang bank teller habang binibilang ko ang cash na dinala ko para idagdag sa nadeposito ko na extra.

Ngumiti ako sa teller habang pinoproseso niya ang money transfer ko. "Gift ko to para kay Nanay at Tatay. Gusto kong makapunta na sila nang Baguio once and for all."

Sinabi ko ang lahat nang yun in Tagalog at ngumiti sa akin si Maricris—ang pangalan ng teller na Pinay rin katulad ko. "Maganda sa Baguio ngayon. Mas malamig at strawberry season pa."

Tumawa ako. "Ayaw ni Tatay sa malamig kahit na hindi niya talaga alam ang tunay na kahulugan ng salitang malamig—hindi tulad natin na nakatira rito sa winter city. Pero magugustuhan niya ang mga strawberries. At ang tanawin. At siyempre, ang mga ngiti ni Nanay."

Lumambot ang ngiti ni Maricris. "Masuwerte ang mga magulang mo sa iyo."

"Ako ang masuwerte."

Ten minutes later, umalis ako ang bangko at tinext ang nanay ko na may sorpresa akong ipinadala sa kanila. Mabilis ang money transfer. Naghihintay ang pera hanggang magising sila at mabasa nila ang text ko.

"Diana. Tatawagan pa lang kita," sabi ni Marilou sa telepono matapos ko siyang i-dial habang naghihintay ako sa bus stop. Routing manager si Marilou sa Prestige Services, ang cleaning company kung saan ako nagtatrabaho. Isang Pinay at ang Canadian niyang asawa ang mga may-ari—sina Dolores at Harry Barrowman. Si Dolores ang in-charge sa hiring kaya maraming Pilipino sa staff. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako masyadong nahirapang makapagtrabaho rito sa Canada. Best friend siya nang Tiya ko nung high school sila.

"Talaga? Bakit? May bago ka bang shifts na gusto mong gawin ko?" tinanong ko siya habang ni-review ko sa ulo ko ang work schedule ko. Dati akong naglilinis sa binggo hall kasama ang apat na staff bago yun permanenteng nagsara nung nakaraang linggo. Wala pa akong bagong assignment. Natatanggap ko pa rin ang suweldo ko pero malaking tulong ang mga tip at extra na overtime kung puno ang schedule ko, lalo na pagkatapos kong magpadala ng pera today.

"Nag-resign na talaga si Rowena kaninang umaga. Sabi niya, uuwi na raw siya sa mga anak niya for good," pinaliwanag ni Marilou. Matagal ring nagtrabaho si Rowena sa kumpanya pero mas madalas siyang nahihirapan dahil sa rayuma niya. "So... dahil dito, may dalawang bahay akong kailangang i-assign. Isa lang ang ibibigay ko sayo kasi yung ikalawang bahay mag-co-conflict sa accounting office na nililinis mo sa umaga."

Muntik ko nang kinanta ang pagsasalamat ko kay Marilou na tumawa lang. I checked the name and address na tinext niya sa akin kasama ang mga detalye ng assignment.

David Kemble ang pangalan ng kliente—abogado raw. Based sa address niya, mayaman rin. Naka-schedule akong maglinis tatlong beses linggo-linggo—Monday, Wednesday at Friday. Medyong extrabagante ang magpalinis nang tatlong beses sa isang linggo. Hindi sa nagrereklamo ako. Bakit hindi, diba, kung kaya niya namang magbayad?

Sumakay ako ulit ng bus pabalik sa maliit na opisina ng Prestige Services para kunin ang susi sa bahay ni Mr. Kemble.

Hindi nako nag-aksaya pa ng oras at pumunta agad sa address. Hanggang sa gate lang tumigil ang bus. May security code para makadaan sa gatehouse. Naglakad ako nang ilang bloke, humahanga sa mga magagandang bahay na dinaanan ko, bago ko narating ang address sa dulo ng Thorncliffe Lane. Napaka-moderno ng disenyo—halos lahat ng structure gawa sa glass and steel. Nakatayo ang bahay sa bangin na hindi naman masyadong mataas. Pinalilibutan ito nang maraming puno. From here, may view ng river valley na dumadaloy sa gitna ng Edmonton.

Hindi naman napakalaki ng bahay—intimidating lang. Katulad nang may-ari.

Lumapit ako sa pintuan pero hindi ako pumasok kaagad. Sabi ni Marilou, nagtatrabaho buong araw ang may-ari at hindi umuuwi until gabi na. Dahil dun, pwede kong i-adjust ang schedule ko na maglinis dito in case may ibang assigment ako sa araw na iyon.

Tumingala ako ulit sa mga bintana. Madilim at talagang walang tao sa loob ng bahay. For some reason, kahit hindi ko kilala ang may-ari, alam ko lang na nakatirang mag-isa si Mr. David Kemble dito sa napakaganda pero napakalungkot na bahay niya.

Finally, pumasok ako at iniwan ang boots, jacket at backpack ko sa front hall. I turned on the lights bago ko nilibot ang first at second floors. Malinis at maayos ang buong bahay. In fact, pwede itong pumasa na museum sa laki at kulang nang kalat na para bang walang may nakatira rito. Kahit picture frame, walang may naka-display.

Sa master bedroom, may sign na at least may natutulog dun. Maayos ang bed sheets pero hindi perfect katulad ng mga kama sa hotel. May laman rin and refrigerator pero konti lang. Feeling ko, hindi mahilig magluto si Mr. Kemble. Siguro, kung nasa bahay siya, sa opisina lang niya siya tumatambay kasi yun lang ang kwarto sa buong bahay na makalat.

Hindi magiging mahirap linisin ang buong bahay lalo na kung lilinisin ko to nang tatlong beses linggo-linggo. Nag-sign up sa premium package si Mr. Kemble which means na may extra akong kikita-in. Nice!

Nagsimula akong magplano kung anong gagawin ko sa extra income ko bago ko ni-remind ang sarili ko.

Hintayin mong maging sisiw ang mga itlog mo bago mo bilangin ang kikita-in mo. Sige na, magtrabaho ka na nga.

Nagbuntong-hininga muna ako bago ako nagsimulang maglinis—nakangiti, of course.

Nung first time kong nag-scrub ng kubeta nang ibang tao, umiyak ako nang todo-todo. Na-realize ko na napakamalayo nang bagong buhay ko sa buhay na pinlano ko.

After that, pinahiran ko ang mga luha ko, nilakasan ko ang loob ko at nagtrabaho non-stop. Kailangan kasi eh.

Lumampas ang isang linggo nang walang problema sa bago kong assignment. Sinunod ko ang routine ko sa buong bahay bago ako nagtagal sa office kung saan kailangan nang extra care.

Walang dudang workaholic si David—masyadong formal ang Mr. Kemble­ so si David na siya ngayon sa utak koat kahit nasa bahay, wala siyang ibang ginawa kung di magtrabaho pa rin. I mean, palaging may mga papeles and folders na nakakalat sa desk niya. Hindi ko pinpakailaman yun. Nililinis ko lang ang surrounding area, nililigpit ang mga tasa ng kape na iniwan niya at nagpupulot ng mga ballpen at iba't ibang office supplies na nakakalat kung saan-saan sa office niya. At suspetya ko, hindi kumakain si David maliban na lang sa kape, canned food at caramel candies. Palaging may mga candy wrapper na nakakalat sa desk niya. Bago ako umuwi pagkatapos nang bawat bisita, sinisimulan ko ang brew sa coffee pot niya at ni-re-refill ko ang glass bowl sa office niya with candy para at least naman may maka-in ang tao, kahit napaka-unhealthy. Hindi naman siya nagrereklamo—at least kung pagbabasihan ko ang tip na iniiwan niya sa counter para sakin.

Everything was going according to plan—hanggang nakita ko ang note na iniwan niya for me.

Nakadikit ang note sa trash can sa isang corner nang office na malapit sa desk niya—mas malapit na ngayon pagkatapos kong itong in-adjust nang konti sa kanan nung naglinis ako last time.

Why did you move the trash can? -D

Siyempre, sumulat siya ng English. Canadian si David.

Hindi ako dapat sumagot pero inisip ko, kung nag-askaya siya nang ilang segundo para lang tanungin ako, considering kung gaano siya ka-busy, tama lang na bigyan ko siya nang konting eksplanasyon—kahit na magalit siya.

Nag-reply ako in English. Canadian, remember?

There's always way too much crumpled paper around it. Thought if I moved it a little, your shots would improve in accuracy. -D (but for Diana)

Magaling at mayaman siya na abogado pero hindi siya basketbolista.

Pero hindi ibig sabihin na matutuwa siya sa honest na opinion ko.

Nagsimula akong mag-alala pagkatapos ng araw na yun.

Pero may bagong note the next day.

So I just have to improve my odds and not my skills. -D (for David)

Nothing wrong with that. Use whatever you have at your disposal. –Diana

Doesn't feel like a true win. –David

Life doesn't always let you win. Sometimes, you have to go and take your victories where you can. -Diana

So ganyan kami nag-umpisa.

Simpleng tanong tungkol sa trash can hanggang sa pinag-uusapan na namin ang buhay at ang mga makukulay na elemento na bumubuo nito—ordinaryo man o seryoso o nakakatawa.

Where's the blue sweater I left on the armchair? -David

Hanging in your closet. The cheese is expired so don't eat it. I left you a coupon with $5 off for a new one. -Diana

There's a baby cactus plant on my desk. It looks ugly and it probably won't live past a week. -David

I'm taking care of the cactus so it will live a long, full life. Not that it wants to at this point since you called it ugly. -Diana

I will not apologize to the cactus. And a little self-acceptance will only make it stronger in life. -David

Why can't the cactus just live in blissful ignorance? -Diana

Because it's a cactus and I don't think it cares as much as we do. -David

You should write a grocery list and I'll take it to the store. I'll probably even cook you something—I'm a good cook. Man can't live on coffee, caramel candies and canned ham alone. -Diana

This man will have to since he can't cook. -David

It's a week before Christmas and the whole street is lit up. Do you celebrate it? -Diana

I thought Christmas was still three weeks away. Thought I had time. -David

I found the Christmas tree in the basement with a box of decorations. Hope you don't mind that I put it together. -Diana

The tree looks lovely. Thank you for the card. -David

Thank you for the box of chocolates. My waistline doesn't share the sentiment. -Diana

Dalawang buwan ang lumipas at hindi tumigil ang pagsusulatan namin. Kahit hindi ako nagtrabaho nang Christmas at New Year, sumulat kami nang at least dalawang dosenang notes sa isa't isa. Madalas hindi kami nakukuntento sa isang note sa bawat shift ko. Nag-iiwan kami nang iba't ibang notes sa iba't ibang parte nang bahay.

Hindi ko masyadong pinag-isipan kung ano ba itong pinasukan namin. Parang friendship—obviously hindi professional relationship—at kahit na alam ko na mas mabuti sigurong wag ko na tong palakihin pa, hindi ko makuha ang sarili na tumigil.

Harmless lang to, sabi ko sa sarili ko, hanggang sa hindi na.

May malakas na snowfall na dumating sa Edmonton sa dulo nang winter. Katatapos ko lang maglinis nang nakita ko sa cellphone ko na na-cancel ang mga bus routes dahil hindi pa naklaro ang mga daan. Pwede akong mag-taxi kahit mahal pero according sa mga report online, naghihintay nang at least dalawang oras ang sinumang tumawag ng taxi saan man sa siyudad. Pwede kong tawagan si Edgar, isa sa mga roommates ko, na sunduin ako kasi may kotse siya pero based on the time, kakarating lang niya sa downtown office na lilinis niya ngayong gabi.

Fifteen minutes bago mag-alas kuwatro. Maaga pa. Gabi na dumarating si David sa bahay niya according sa job report na binigay sakin ni Marilou nung nagsimula ako dito. Pwede akong maghintay hanggang nadispatya na ang mga snow plows at naklaro na ang mga daan.

Naghintay ako sa sofa sa office niya. Yun kasi ang paborito kong parte nang bahay—siguro dahil dito ko siya mas nakikilala.

Para hindi ako masyadong ma-bored, naghanap ako nang mababasa pero parang lahat ng libro sa malaking bookshelf niya ay tungkol sa iba't bang aspeto ng law. Di nako na-sorpresa pero sinulatan ko siya ng note.

Do you ever lose yourself in stories? Try it one day. –Diana

Pinili ko ang libro na nag-feature nang iba't ibang case studies na nakaugnay sa media.

At least, interesado ako rito...

Ang pinaka-unang bagay na pumasok sa isip ko matapos kong buksan ang mga mata ko ay—mainit. Hindi mainit na pinag-papawisan ako. Mainit sa sense na napakumportable ko.

Tapos narinig ko ang fireplace—ang kaluskos nang nagbabagang kahoy habang patuloy nitong pinupuno ang kuwarto nang napakasarap na init sa maginaw na gabi.

Gabi.

Fireplace.

Mainit.

Nasulyapan ko ang makapal at malambot na kumot na dumadagdag sa init na masyado kong in-e-enjoy sa kasalukuyan. Ang huling alaala ko sa kumot ay nung tinupi ko ito at inilagay sa malaking armchair na katabi ng sofa...

Parang tren ang tumama sakin nang tumingin ako sa arm chair at nakita siyang nakaupo run, nagbabasa na parang walang pakialam sa nangyayari sa mundo—o sa opisina niya as if normal lang sa kanya na umuwi at matagpuan ang house cleaner niya na natutulog sa sofa na parang donya.

Siya—si David.

Let's just say na hindi katulad niya ang David Kemble na nasa imahinasyon ko simula nang nagpalitan kami ng mga sulat.

Suot niya parin ang pormal na black business suit niya maliban sa jacket na nasa mesa niya ngayon. Maluwag ang kurbata niya at bukas ang kwelyo nang puting dress shirt niya. Kahit na nakaupo si David, sigurado akong matangkad siya—six-feet, I think—at kahit na hindi siya kumakain nang tama, wala akong nakikitang ebidensya sa katawan niya. Dark blonde hair na kailangan ng suklay, matangos na ilong, square jaw na mukhang hindi na-shave nang isang araw.

Nang tumingala siya at tumingin sakin sa wakas, nakangiti ang pagod pero magandang mga mata niya na kasing asul ng langit sa maliwanag na araw.

"Hey."

Sa tono at lalim ng boses niya, may feeling ako na si David ang tipo ng tao na seryoso, tahimik at nagsasalita lang kung meron siyang importanteng sasabihin. Weird kasi hindi siya ang tipo ng tao na ini-magine ko nang nag-umpisa kaming magpalitan ng sticky notes na minsan makulit o nakakatawa. Pero hindi ko ma-deny, habang tinititigan namin ang isa't isa na walang may sinasabi, na pareho naming alam kung sino talaga kami.

"Hi." Steady ang boses ko kahit na medyo kinakabahan ako. At naalala ko in time na magsalita in English. "I know this looks bad. I'm sorry. I shouldn't have stayed—or slept on your couch—but I..."

"It's still heavily snowing outside. The drive home was a nightmare." Parang walang big deal lang sa kanya na natulog ako sa sofa niya na parang reyna. Actually, nakangiti siya nang konti. "The snow plows are out. Once the roads are better—and once you're better-rested—I'll drive you home."

Okay. Game ako. Ngumiti ako pabalik. "You know who I am, right?"

Lumiwanag ang mga mata niya, na parang nalimutan yata na pagod siya. Bumilis ang tibok ng puso ko. "The mysterious Diana who's been running my life for the past two months one note at a time. I'm very glad to finally meet you. David Kemble—at your service."

Aba, charming.

Tumawa ako. "You're not supposed to ever meet me."

Tinaasan niya ko ng kilay as if hindi siya nag-agree. "Of course, I was."

Seryoso ang lolo mo. I couldn't help it. Mas naging makulilt ako. "If I knew that, I don't think I would've written you any of the notes that I did."

Nabura ang serious na expression niya. Tinamaan ako sa ngiti niya this time. "And if you didn't, I would've never wanted to meet you. And that would've been a real shame."

Mahirap i-deny na sincere siya sa sinabi niya. Isang tingin lang sa mukha niya, alam ko na kaagad na hindi siya nagbibiro. Pero hindi tama na hayaan ko lang kung saan kami mapunta—lalo na kung hindi kami makakabalik sa dati.

"Not if you would've saved a whole stack of sticky notes." Pabiro ang tono ko pero may katotohanan din. Ang dami kaya naming sinulat sa isa't isa.

Sinara at isinantabi ni David ang libro bago niya ibinigay ang lahat ng atensyon niya sakin. Nakangiti na siya ngayon nang full-blast.

"I'd buy more if it means I could add to my growing collection of your notes."

Kinilig ang lola mo kahit na nagkunwari pakong naiinsulto. "I will not be the reason for your destiny as a note-hoarder."

This time, tumawa siya nang all-out at parang nanlambot ang buong katawan ko sa tunog. Parang bigla akong sumaya. Bumalik ang mga mata niya sakin, ang ngiti niya may pagka-boyish nang konti na nagpalala lang sa kumakabog kong puso. "Some things in life are worth keeping, Diana, no matter how unexpected."

Muntik ko nang sinabi na ito, kung ano man ito—siya, ako, ang snowstorm na parang tinadhanang mangyari at ang dalawang dosenang notes na sinulat namin sa isa't isa—ito ang unexpected na sa kasamaang-palad, hindi pwedeng magpatuloy. Dahil wala itong papupuntahan. Praktikal akong klaseng tao. Hindi ako nananaginip sa ulap.

Pero bago ko pa man masabi ang nasa isip ko, tumayo siyang bigla. "It's almost six. I don't know about you but I'm very hungry. And before you suggest the caramel candies, or canned ham—let me proudly inform you that I got some groceries yesterday based on the list you gave me."

"Finally!" Kinalimutan ko ang lahat nang negatibong bulong nang utak ko at ngumiti kay David kasi sa wakas, nakinig rin siya sakin. Sinundan ko siya sa kusina, excited na parang batang magbubukas ng regalo. "I know you go out a lot for dinner but it doesn't hurt to have something healthy to eat when you're home and hungry."

Alam kong ngayong araw lang kami nagkakilala nang opisyal pero naging magkaibigan kami in some way sa dalawang buwan naming nagsusulatan. Hindi kami mahiyain sa isa't isa. Nag-click kami kaagad as if sanay na sanay kami na mag-usap, magbiruan at magpalipas ng oras na kami lang dalawa.

And no, hindi ako normally ganito. Ang Diana na kilala ko ay palaging sumusunod sa kung anong tama, sa kung ano ang nakabubuti. Pero at this moment, hindi ako ang Diana na yun.

An hour later, nakaupo kami sa breakfast nook, sinisimot ang natitirang ham and cheese sandwiches na in-assemble namin kanina.

"Do you ever get lonely here?" Hindi ko napigilan ang sarili ko magtanong. Bawat araw na naglilinis ako sa opisina niya at nakikita ko ang ebidensiya na walang ibang ginawa ang lalaki na to kung di pagtrabahuin ang buong buhay niya, hindi ko maiwasang magtanong kahit na wala siya dun para sumagot.

"I'm used to it," sabi ni David. "I was the only child of two people with very successful, demanding careers. I eventually learned to like my own company."

So dahil masyadong busy ang mga magulang niya, wala siyang ibang magawa kung di ang sanayin ang sarili niya na mamuhay mag-isa.

Hindi ko napag-isipan ang gagawin ko bago ko hinawakan ang braso niya as if kaya nang simpleng kilos ko na iyon na alisin kahit konti man lang ng lungkot na kinalakihan niya. "I grew up in a loud household with two younger siblings so I can't imagine what it must've been like for you being all by yourself. My family drives me crazy sometimes but I can't picture my life without them."

"Yet here you are, in a foreign country, thousands of miles away from them." Walang panghuhusga sa tono at boses niya. Sinabi niya lang ang simpleng katotohanan.

Alam ng lahat na ang karamihan ng mga Filipino temporary workers abroad ay nagpupursigi nang mag-isa sa kung saan man sila mapadpad. At hindi ako naiiba sa kanila.

Ngumiti ako kahit nakaramdam ako ng lungkot sa reminder na malayo ako sa pamilya ko. "It's just physical distance. I'm here because of them so they're still very much a part of my life."

Tiningnan niya ako na para bang pinag-aaralan ako. Marami siyang mga tanong pero parang hindi siya sigurado kung saan magsisimula. "You speak and write English very well. Why clean houses?"

Bakit nga ba?

Tinaasan ko siya ng kilay. "Because it's a job no one wants to do."

"But do you want to do it?"

Sinubukan kong basahin ang nakasulat sa mukha niya—kung tinitimbang ba niya ang halaga ko bilang tao sa mga desisyong kinailangan kong gawin o kung talagang gusto niya lang malaman ang mga dahilan ko kasi gusto niya lang akong maintindihan.

Nagbuntong-hininga muna ako bago ako nagpaliwanag. "No, not really. I wanted to be a journalist. I had my entire future planned out but as soon as I grew up, I learned that life has plans of its own."

Marami akong pinangarap sa buhay ko pero may sariling plano ang buhay na minsan wala kang choice kung di sundin.

"What happened?"

"My family always managed financially—my mother owned and ran a roadside eatery with an attached sari-sari store."

Natulala siya sa sari-sari store at hindi ko napigilang tumawa. Walang sari-sari store sa Canada na pwede niyang pagbasihan so kinailangan kong mag-explain nang konti. "A sari-sari store is like a mini convenience store, usually found in residential neighborhoods. They sell everything from canned food to candy to dried fish—all through a large screened window."

Hindi yun ang pinaka-eksaktong deskripsyon ng sari-sari store pero papasa na.

"Interesting concept." At least, humahabol siya. "Keep going. I'll raise my hand to ask if I don't recognize something."

At this point, kailangan ko siyang bilhan ng Tagalog dictionary. Pero that's later na, pagkatapos kong i-kuwento ang buong buhay ko sa kanya. "My father drove his own taxi. We could afford school even though I earned my communication arts degree through a scholarship. And we probably would've continued to manage if my father didn't get into an accident that paralyzed him from the waist below. Healthcare there mostly came out of your own pocket. The hospital bills, the operation that did nothing to fix him—they drove my parents deep into debt. My world changed in an instant. Something was suddenly up to me to figure out. I looked for the easiest way to work abroad and earn a lot of money—even if it meant cleaning."

Malinaw pa rin sa isip ko ang araw na naintindihan ko, once and for all, na biglang nagbago ang buhay ko. Hindi na makakalakad si Tatay, lalo nang mag-drive pa ng taxi para kumita. Habang-buhay na siyang nakatali sa wheelchair niya. Hindi lang kami nawalan nang ikalawang kabuhayan—nalubog rin kami sa utang dahil sa lahat nang ginastos namin sa ospital, sa operasyon na wala na mang may naayos. Na-realize ko na kailangan kong tumulong. Na walang ibang masasandalan ang mga magulang ko kung di ako.

"You were probably still very young then."

"I was twenty-two, fresh out of college and working as an intern at a local paper. I wasn't making enough money. My parents' business could pay down the debts over time but there wasn't enough to keep my younger siblings in school. Abigail and Luis are good and smart kids. They deserve the chance to make something of themselves someday."

"I say you deserve the same thing yourself," sabi ni David sa tono na walang panghuhusga. Sinasabi niya lang ang alam niya, ang pinaniniwalaan niya.

"And I agree. But I was the eldest." Siguro hindi niya alam ang ibig sabihin nun sa Pilipinong pamilya pero nakita ko sa mga mata niya na naiintindihan niya ang posisyon ko. "I could wait for my turn. I'd have it someday soon."

Hindi ko kinuwento ang lahat nang ito para maawa sakin si David. Ibinigay ko sa kanya ang gusto niyang malaman—siguro para maintindihan niya ko at dahil gusto ko ring ipaalala sa sarili ko ang mga dahilan kung bakit pinili ko ang buhay na to.

At wala akong nakitang awa sa mga mata niya.

May ngiti sa mukha niya at kung hindi ako nagkakamali, parang pinagmamalaki niya ko.

This time, siya ang humawak sa kamay ko.

"If there's one thing you truly deserve, Diana, it's the chance to be happy."

At alam ko yun, kahit hindi niya pa sinabi sakin.

Ang hindi ko alam ay kung ano ang ibig sabihin nang pagiging masaya sa hinaharap.

Pero ngayong gabi, ang hinaharap na yun ay nakikita ko kay David, dahil sa dalawang oras naming nag-usap, at sa mahabang byahe namin nung hinatid niya ako pauwi habang nakabalot ako sa winter jacket niya dahil hindi siya sumang-ayon na kaya ng jacket ko ang ginaw, naging masaya ako. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: