Part Four
Hindi ako puwedeng magpabulag-bulagan na hindi ko siya nakikita dahil walang taong hindi makakapansin kay David—sa kulay ng blonde niyang buhok, sa maputi niyang balat at sa height niya na mas halata sa baba ng kisame namin sa sala. Pero kahit subukan ko pa, hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya, lalo na habang nagtatalon ang puso ko sa tuwa matapos ang mahigit isang linggong hindi kami nagkita.
Dahan-dahan siyang tumayo, may ngiti sa pagod niyang mukha. This time, hindi niya suot ang formal business suit niya na nasanayan kong makita sa kanya. Nakasuot siya nang simpleng blue na T-shirt at maong na pantalon. Halos hindi mo siya mapagkakamalang abogado. Parang bumata siya nang maraming taon, kahit ang ngiti sa mukha niya magaan.
"Hello, Diana," bati niya sa usual na tahimik niyang paraan. Kumunot ang noo niya na para bang hindi niya alam kung paano ako magre-react.
Napansin rin ni Nanay na hindi pa ko kumikibo at pumalakpak siya para makuha ang atensyon naming lahat. Nagsalita siya—in English—ang Tagalog accent nandoon pa rin at medyo self-conscious nang konti. "Well, now that everyone's here, we can have dinner. I made Diana's favorite dishes which David told us are also his favorites. You will have to stay and join us, David."
Mas matangkad ako kay Nanay ng four inches pero hindi siya nahirapang mapa-oo si David na six-feet tall. Nag-cheer ang mga kapatid ko—si Luis nagrereklamo na kanina pa siya nagugutom at si Abigail binangga ako ng konti sa braso at binigyan ako ng ngiti na puno ng kahulugan bago siya pumunta sa hapag-kainan.
Tinuro ni Nanay si David sa silyang katabi ko bago kami lahat nagsiksikan sa palibot nang maliit naming mesa. Si Luis nanghiram pa ng stool galing sa kabilang kuwarto para makaupo kasama namin. Hindi naka-set nang pormal ang mga kubyertos at nagtaka ako kung ano ang iisipin ni David pag napansin niya na hindi kami gagamit ng dinner knives kung di kutsara at tinidor lang. O kung minsan, ang iba samin ay kakain nang nakakamay lang. Talagang casual ang 'casual dining' dito sa Pinas. Si Abigail ang nag-lead nang maikling panalangin bago sumabog ng usapan sa mesa at nagsimula ang lahat na kumain.
"Don't be mad at me," bulong ni David nang tumagilid siya sa direkyon ko habang inaabot ang kanin.
"I'm not mad at you," sagot ko kasama ang iling ng ulo ko. "I'm just not sure if this is a dream."
Sa ilalim ng mesa, hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito nang konti. "It's not a dream, Diana. I'm really here."
Nabigla ako, yes. Pero hindi ako galit. Hindi lang ako makapaniwala na sinundan niya ko sa Pilipinas.
Dahan-dahang bumalik ako sa normal, ngayong walang duda nako na nadito talaga si David kasama ko. Magaan at masaya ang usapan ng pamilya ko kay David at kahit na kinailangan nilang mag-English, hindi sila tumigil nang kakakuwento sa kanya tungkol sakin, lalo na nang lumalaki ako. Kahit hindi makapagsalita si Tatay, may ngiti sa mga mata niya habang nakikinig samin.
"You know I love your cooking," bulong ulit ni David sakin nang patapos na kaming kumain. "But your mother's cooking is waaaaay better."
Tumawa ako at nawala ang kung anumang natira na shock ko sa biglaang paglitaw ni David. Ngumiti lang siya sakin, ang floursecent na ilaw sa hapag-kainan namin maaaninag sa mga asul niyang mata.
"Let's go walk in the backyard," sabi ko kay David matapos kaming maghapunan at hindi kami pinayagan ni Nanay na tumulong magligpit. Hindi ko pinansin ang mga tumutuksong ngiti nila ni Abigail at sinamahan si David na maglakad patungo sa bakuran namin. Maliit lang ito na parte ng lote namin, may konting damo at may simpleng bakod gawa ng kawayan. Walang ginaw sa hangin at puno ang langit nang nagkikislapang mga bituin.
"So, tell me," sabi ko habang palapit ako sa lumang swing na ginawa ni Tatay para sakin matagal na panahon na. Nakakabit ito sa malaking sanga ng puno ng sampalok at gawa lang ng kahoy at lubid. "What are you doing here?"
"Well, I've heard so much about the world-renowned Philippine beaches and thought I'd check them out. I haven't gone on vacation in a long time," ang seryosong sagot niya kahit na alam kong nagbibiro siya.
Nagtaas ako ng kilay. "We're not really close to those world-renowned beaches you mean so you might be in the wrong city."
"Fine," sabi niya sabay nang pagkibit-balikat niya. "I'll visit the beaches later. I'm here for the people. Filipinos are known to be extremely friendly and hospitable. I met so many of them last week when I was trying to track you down. Everyone in Prestige Services was very nice to me, by the way."
Natuwa akong marinig siyang umamin na ginawa niya ang makakaya niya para mahanap ako pero walang may lumabas na salita sa mga bibig ko nang lumapit pa siya nang lalo sakin at hinaplos ang mukha ko. "But as much as I'm here for the people, I'm really here for one woman—the one who'd stolen my heart one sticky note at a time."
Iisang dahilan lang ang nagdala sa kanya rito sa Pilipinas. Ako ang dahilan na yun.
Huminga ako nang malalim, lahat ng sakit na naramdaman ko nang umalis ako at iniwan siya bumalik sakin nang sabay-sabay. "David, I'm sorry. I didn't want to hurt you but I had to go."
"I know that, darling." May pang-unawa sa ngiting binigay niya sakin. "I know you needed to be here. I had no problem with that. And in a way, I'm glad you left when you did. When I thought I'd never see you again, I realized that the one thing I wanted the most in the world was a life with you. So I came here."
Naintindihan ni David na kinailangan kong umuwi at makasama ang pamilya ko—ang posibilidad na hindi maka-recover si Tatay ay nandun na sa simula pa. Ang maging malayo sa kanila sa mga sandaling yun ay hindi isang bagay na gusto kong malaman. Hindi ko susubukan ang tapang at katatagan ko sa ganung paraan dahil alam kong hindi ko yun kakayanin. At alam ito ni David at wala siyang galit o sama ng loob sa pag-alis ko. Sa halip na magalit siya, namulat ang mga mata niya sa isang katotohan—na ang buhay na pinapangarap niya ay ang buhay sa piling ko. At kung kailangan niyang maglakbay sa kabilang dulo ng mundo para makasama ako, gagawin niya yun nang walang pagdadalawang-isip. Yun ang dahilan kung bakit nakatayo kami at kaharap ang isa't isa sa sandaling ito.
At kahit na bumilis ang pintig ng puso ko sa lahat nang sinabi niya, pinilit ko ang sarili ko na manatiling logical—kahit saglit lang hanggang pareho naming maunawaan ang pinapasukan namin. "How do you know you're not making a mistake? You haven't known me for that long, David. Despite the time we spent together, I don't know that you know exactly what you're signing up for."
Kinailangan kong itanong ang lahat ng yun dahil kahit gustong sumuko ng puso ko sa lahat nang hinihingi niya, gusto kong masigurado na alam ni David ang ginagawa niya—na hindi niya ito pagsisisihan dahil ang pagsang-ayon ko ay mangangahulugan nang napakaibang buhay para sakin.
May pang-unawa sa ngiti ni David, na parang naintindihan niya kung bakit nagdadalawang-isip ako. At sa totoo lang, na-frustrate lang ako dahil bakit hindi siya nalilito tulad ko? Bakit wala siyang pag-aalinlangan tungkol sa isang desisyong babago rin sa buhay niya?
"Being a lawyer, I'm a very logical person, Diana," paliwanag niya. "And while I'm very good at being a lawyer, it hasn't made me as happy as you have. So I'm not going to be a lawyer about this. I'm going to be just a man who had fallen for a woman long before he met her. It doesn't matter how long I've known you—I would've felt the same way. And I would've still made the decision to come here for you."
Yes, your honor.
So ang super-seryoso at palaging logical na abogado ay hindi ang magdedesisyon dito ngayon. Pinili ito ni David dahil kahit na kakaiba ang mga pangyayaring nagdala samin dito, ito lang ang nagpasaya sa kanya—hindi ang pagkakaroon ng sagot sa bawat tanong o ang pagkakaintindi sa lahat ng bagay. Nandito siya dahil isang araw sa hindi malayong nakalipas, nahulog ang loob niya sa isang babaeng hindi pa niya minsan nasilayan. At kahit man nabigyan kami nang maraming taon o iilang buwan lang, walang magbabago sa desisyon niyang sundin ang puso niya sa kung nasaan man ako.
Pinigilan ko ang mga luha ko bago sila pumatak at sinubukang pakalmahin ang puso ko bago ito sumabog palabas ng dibdib ko. "Well, now that you're here, you've seen my life. You've met my family. You've seen my home. A life with me, David, will have to include all of this because no matter where I end up, I'll always be a part of this family. I'll be there for them through thick and thin and I know that sometimes, that's too much for someone to take on."
Nilahad ko ang lahat ng ito dahil kailangang maging malinaw sa kanya ang klase ng buhay na mahahanap niya sakin. Kahit na tumira ako sa kabilang dulo ng mundo, hindi maglalaho ang kaugnayan ko sa pamilya ko. Sa hirap man o ginhawa, may papel akong patuloy na gagampanan sa kanila at hindi yun palaging naiintindihan ng ibang tao.
Hinalikan ako ni David sa noo bago niya ako binalot sa isang yakap at hinila papalit sa kanya. "Your family is welcome to our lives, Diana. I wish I had the kind of family you have. I've gone on too long without being part of one and I wouldn't want you to lose any of that love and laughter I saw you share earlier tonight."
Nasaksihan ni David ngayong gabi ang pagkakalapit ng pamilya ko sa isa't isa—ang klase ng relasyon na hindi niya lubusang naranas sa piling ng sarili niyang pamilya. At may paghahanga siya sa pagkakalapit na yun at hinahangad niya ang parehong bagay para sa sarili niya.
Pinikit ko ang mga mata ko at sumandal sa dibdib ni David, maligaya at naguguluhan nang sabay-sabay. "Do you love me that much?"
Hindi ako nag-alinglangan sa tanong na yun dahil ang matinding kaso lang ng pag-ibig ang maaring dahilan sa lahat nang nagdala kay David sa sandaling ito kasama ko.
Dinampian niya ng halik ang tuktok ng ulo ko. "That and more."
Tumingala ako sa kanya. "I love you, too, you know?"
Ngumiti siya sakin. "I'm very happy to hear that. I was afraid I'd get here and you'd be so mad that you'll tell me to go back home."
Natawa ako dun. "You did take me by surprise. But my family seems to like you very much."
"If they do, then I'm very lucky," sabi niya. "They're very important to you. I would want them to be happy for you."
Na may pakialam siya sa opinyon ng pamilya ko ay mabuting palatandaan. Pero kahit napasaya ako sa pahayg na yun, dinala ako nito pabalik sa riyalidad.
Lumuwag ang puso ko ngayong pareho na naming naamin ang nasa puso namin pero iisa lang ang ibig sabihin nito—kailangan ko nang madesisyon.
Wala akong may nasabi kaagad pero may nakita si David sa mukha ko. "Don't give me an answer right now, Diana. It's your life and as much as I'd like to share it with you, I want you to choose for yourself this time. Not for me, or for your family, but for yourself. Choose what will make you happy and those of us who love you will be happy for you no matter what."
Kahit alam niya ang nararamdaman ko para sa kanya, gusto ni David na madesisyon ako habang iniisip ang sarili ko at hindi ang ibang tao. Gusto niyang piliin ko ang tunay na magpapasaya sakin at maiintindihan ito ng mga taong nagmamahal sakin kahit hindi man sila ang mapili ko.
Mahalaga ito sakin dahil mahabang panahon na rin mula nang nagkaroon ako ng pagkakataong pumili ng sarili kong landas. Ang manatili sa Pilipinas ay ang lubusang magpaalam kay David. Ang buhay kapiling ni David ay mangangahulugan ng buhay na malayo sa pamilya ko.
Siguro, kung nagkakilala kami ni David sa mas ordinaryong paraan, hindi namin kailangang magmadali sa ganitong kalaking desisyon. Magkakaroon kami nang normal na relasyon gaya ng ibang tao—makakalabas sa normal na mga dates at makakarating sa desisyong tulad nito nang walang pag-aapura.
Pero hindi normal ang sitwasyon namin. Alam na namin sa simula pa na seryoso kaming pareho para magbigay nang klase ng commitment na kailangan ng isang tao para baguhin ang buong buhay nila para sa isa't isa. Mas malalim ang pagkakakilala namin sa isa't isa kung ikukumpara sa ibang tao na magkasama nang mas mahabang panahon kesa samin. Wala sa mga plano namin ang mahanap ang ganitong klaseng pag-ibig at saya pero nakita namin ito kaagad nang dumating ito sa buhay namin.
Tama si David.
Hindi importante kung gaano kahaba kaming magkakilala—darating parin kami sa sandaling tulad nito, puno parin ng damdaming tulad nang umaagos mula sa puso namin.
Ang kailangan na lang naming tiyakin ay kung sapat ba ang nararamdaman namin para sa isa't isa para baguhin ang buhay na akala namin ay ang tadhanang naghihintay samin.
"I'm staying at a hotel nearby for the next three weeks," sabi ni David bago niya itinaas ang kamay ko at hilakin ito. "I'll come and see you every day, spend time with your family, get to know you and the parts of your life that make you who you are. I'll be here until you're ready with an answer."
Hindi titigil sa mga salita si David. Sa susunod na dalawang linggo, araw-araw siyang bibisita ang magiging parte ng buhay ko para lubusan niyang maintindihan ang lahat ng bagay na bumubuo sa kung sino ako. Gagawin niya yun para walang dudang matitira sakin na alam niya ang pinapasukan niya at para bigyan ako ng panahong magdesisyon.
At hindi siya nagsinungaling.
Pumunta siya sa bahay namin araw-araw.
Tumulong siya nang ilang beses sa carinderia nang naging busy dun, kahit na umabot lang siya ng pagkain sa mga customers o makipag-usap sa ilan sa kanila kahit na hindi ganun kadali sa kanilang magsalita ng English. Sa tulong ni Abigail, marami na ring natutunang Tagalog si David kahit na sinasabi niya ang lahat ng ito sa parehong Amerikanong accent niya. Tinuruan siya ni Luis nang ilang larong Pinoy—sungka, sipa—kahit na ang pagpapaaway sa mga gagamba kahit hindi ito ang paboritong laro niya matapos gumapang ang isang gagamba sa braso niya nang ilang beses. Nanood siya kasama ng buong pamilya ng isang laban ni Pacquiao at pinaalam pa kami na halos naglalaho ang crime rate sa Metro Manila sa tuwing may boxing match si Pacquiao. Siyempre alam na namin yun—sinong Pilipino ang hindi uupo at manonood kay Manny?
Hinayaan niya ring ipakita sa kanya ni Nanay ang halos kalahating dosenang photo albums naming magkakapatid, ang mga articles na sinualt ko sa school paper at pati lahat ng mga awards at certificates ko. Sinamahan niya ko sa palengke nang ilang beses para mamili nang mga kakailanganin ni Nanay sa carinederia. Naghahapunan siya palagi kasama ng pamilya ko at sinasamahan si Tatay na manood ng balita habang tinutulungan ko si Nanay na magligpit sa kusina. Hindi parin makapagsalita si Tatay at nakadepende parin siya sa papel at lapis niya. Pero patuloy lang na makikipag-usap sa kanya si David dahil kahit na walang masabi si Tatay na naiintindihin ninuman, klaro parin ang pandinig niya. Manonood rin ng teleserye si David kasama naming lahat at minsang nagsabi na naiintindihan niya ang halos kalahati ng mga linya dahil puno ang mga ito ng Tag-lish, ang kumbinasyon ng mga Tagalog at English na salita. At gabi-gabi, bago siya bumalik sa hotel niya, lumalabas kami sa bakuran para magpalipas ng oras na magkasama at mag-uusap tungkol sa kahit ano.
Sasabihin ng ibang tao na ginagawa lahat ito ni David para lang ma-impress ako—at siguro isa yun sa mga dahilan niya—pero alam kong buong-puso niyang tinatamasa ang bawat sandali. Mas lumalim ang kulay ng balat niya habang naging mas blonde ang buhok niya dahil sa panahong pinalipas niya sa ilalim ng araw. Parang bumata siya nang ilang taon—at lalong sumaya.
"Alam mong in-love na in-love sa iyo ang lalaki na yun, diba?" biglaang tanong ni Nanay sakin isang araw habang tinutulungan ko siyang itabi ang pagkaing inihanda niya para sa maliit na selebrasyon ng pamilya pagkatapos ng graduation ni Luis.
Lumipas ang dalawang linggo nang walang maraming tanong galing kay Nanay tungkol kay David matapos kong ipaliwanag sa kanila kung paano kami nagkakilala sa Canada. Alam ko na gaya ng lahat ng nanay, curious siya kaya nasorpresa ako na napigilan niya ang sarili niya. Pero nasa punto na kami ngayon na kailangan nang malaman ng lahat kung saan ang lahat ng ito papunta.
"Alam ko," sabi ko sa kanya.
"At ano?" tanong niya sabay nang pag-scoop nang matamis na Filipino-style na spaghetti sa lalagyan. "Ano na ang gagawin mo ngayon?"
"Hindi ko pa alam." Nagbuntong-hininga ako sa pag-amin na yun at hinayaan ang sarili kong bigyan ng boses ang lahat nang pinag-iisipan ko nitong nakaraang dalawang linggo. "Hindi ito ganun kadaling padesisyunan."
Isinantabi ni Nanay ang pagkain at hinarap ako. "Alam mo kung ano sa tingin ko?"
Si Nanay ang pinakamatapang na babaeng kilala ko at matapos ang lahat nang pinagdaanan niya sa buhay, pakikinggan ko ang kahit anong payong maibigay niya sakin. "Ano sa tingin mo, Nay?"
Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. "Sa tingin ko, alam mo na ang gusto mong gawin pero pinipigilan mo ang sarili mo dahil nakatali ka parin sa responsibilidad mo samin—responsibilidad na hindi naman talaga nandun."
"Nandun ang responsibilidad na yun, Nay. Hindi ko in-imagine yun. Nagtrabaho ako nang halos tatlong taon sa Canada dahil sa responsibilidad na yun."
Nagbuntong-hininga si Nanay. "Alam ko yun, Diana, at nagpapasalamat kaming lahat sa ginawa mo para sa pamilya natin. Pero may responsibilidad rin kami sayo, Diana. May responsibilidad kaming siguraduhin na maligaya ka rin. At kung ang kaligayahan na yun ay nasa piling ni David, sa kabilang dulo ng mundo malayo samin, edi sundin mo yun. So ano kung nasa ibang bansa ka? So ano kung hindi ganun kadali sa ating mag-usap? Hindi ibig sabihin nun na hindi na tayo magkapamilya. Nakaya natin to nitong nakaraang tatlong taon. Kakayanin parin natin ito ulit."
Namuo ang mga luha sa mata ko kahit na ngumiti ako sa deklarasyon ni Nanay. Magiging matigas ang ulo niya tungkol dito at hindi siya aatras sa punto niya.
"Talagang magiging malayo ako sa inyo ni Tatay," sinubukan ko paring mangatuwiran. "Paano kung biglaan niyo akong kakailanganin? Paano kung magkaproblema si Luis o si Abigail? Paano kung—"
Inalog ako nang konti ni Nanay sa balikat. "Diana! Bente-singko anyos ka pa lang. Bata ka pa at maganda at matalino at matatag at ipinagmamalaki ka naming lahat. Ang pinakahuling bagay na gusto namin ay ang sayangin mo ang buhay mo sa pag-aalala samin. Tapos na ng college ang dalawa mong kapatid at kaya na nilang alagaan ang sarili nila. Kahit na tumatanda na kami ng Tatay mo, kaya pa rin naming lampasan ang lahat ng pagsubok gaya nang ginawa namin sa nakaraang tatlumpong taon. Huwag ka nang masyadong mag-alala para samin."
Bumukas ang bibig ko para magsalita pero hindi pa tapos si Nanay. "Mami-miss ka namin sa bawat araw na hindi ka namin makikita pero mas pipiliin namin yun kesa makita ka namin araw-araw at makitang hindi ka masaya. Wag kang mag-alala na hindi tayo makaka-stay in touch. Nagawan rin natin ng paraan yun sa nakalipas na halos tatlong taon. Magtatawagan parin tayo, makaka-email sayo ang mga kapatid mo para samin ng Tatay mo, at puwede rin nilang i-set-up ang video chat kung gusto nila. Sila ang magaling sa mga high-tech na bagay na to."
Natawa ako sa huling linya niya dahil alam kong hindi interesado si Nanay sa pag-gamit ng email o webcam kahit na turuan pa siya ng mga kapatid ko.
"At wag ka nang mag-alala pa kung may mga biglaang pangangailangan na pinansyal. Nalampasan natin ang lahat nang yun sa pamamagitan nang global na money transfers at palagi namang mabilis at madali yun. Pero ayaw kong patuloy mong ipadala ang lahat ng pera mo rito samin. Ipunin mo yun, Diana, para sa sarili mong pamilya."
Matagal na panahon na rin nang huling naging strikto nang ganito si Nanay sakin at na-miss ko to nang kahit papano. "At kung simulan ko ang sarili kong pamilya, Nay, paano mo makikita ang mga apo mo?"
Lumiwanag sa saya ang mga mata ni Nanay sa pagbanggit ko ng mga apo niya. "Puwede mo naman kaming bisitahin paminsan-minsan. At malay mo? Baka gusto rin naming makabisita ng Canada someday. Hindi magugustuhan ng tatay mo ang lamig pero ako, gusto kong makakita ng snow bago ako mamatay."
This time, napatawa ako nang malakas.
Niyakap ko si Nanay at tinapik niya ako sa balikat, ang tono niya mas marahan at malumanay. "Ang punto ko, Diana, ay gusto naming maging maligaya ka. Wag kang matakot na hindi ka nakauwi pabalik sa pinanggalingan mo. Ang tahanang yun ay kung nasaan man ang puso mo at mahahanap mo yun pareho sa amin na pamilya mo at kay David na nagmamay-ari sa puso mo."
Pareho kaming napaiyak at muntik nang mapahagulgol pero wala kaming pakialam. Magaan na sa wakas ang dibdib ko na para bang naglaho ang takot na nakakadena sa puso ko noon. Matapos naming mapahiran ang mga luha namin, tinulungan ko siyang tapusin ang pagliligpit sa kusina bago ako pumunta ng sala.
Napatigil ako sa paglalakad ko nang nakita ko si David na tinuturuan si Luis kung papano itali ang neck tie niya habang nakaharap silang pareho sa salamin malapit sa pinto sa harap ng bahay. Si Tatay nasa wheelchair parin niya at pinapanood ang parehong bagay sa kabila dulo ng sala.
Lumuhod ako sa tabi ni Tatay at ngumiti.
"Tay, okay lang po ba sa inyo kung piliin ko ang buhay kasama ni David sa Canada?" tanong ko sa kanya sa mahinang boses sabay nang pagpatong ko sa kamay ko sa braso niya. Dahan-dahang ginalaw ni Tatay ang ulo niya sa direksyon ko at kahit wala akong ni isang salitang naintindihan sa mga tunog na nanggaling sa kanya, may lambing sa mga mata niya. Inangat ng mga daliri niya ang lapis at nagsimula siyang sumulat sa papel kahit na nanginginig ang kamay niya. Tahimik akong naghintay hanggang inalis niya ang kamay niya para mabasa ko ang nakasulat sa papel.
Hiningi na niya ang kamay mo at pumayag ako. Maging masaya ka, Diana.
Wala na sigurong make-up na natira sa mukha ko para sa graduation ni Luis kaya pinigilan ko ang mga bagong luha ko habang may dinagdag si Tatay sa sinulat niya.
Gusto niyang dito ang kasal para makasama mo kami.
"Naku naman oh," sabi ko sa ilalim ng hininga ko habang sinubukang wag mapaiyak ulit. Hindi ako iyakin normally pero pakiramdam ko na parang lumaya ako sa nakaraan ngayong araw na to at handa nang habulin ang hinaharap sa wakas. "Mabuti naman at nagkasundo na kayo sa mga detalye ng kasal kahit na dapat tinanong niya muna siguro ako."
Hindi ako talaga galit.
Paano ako magagalit sa lalaking ginawa ang lahat nang makakaya niya para tiyaking alam ko na mahal niya ko at tanggap niya ang lahat nang bumubuo sakin? Hindi lang yun, ginawa niya rin ang lahat para panatilihin ang lahat nang importente para sakin.
"Salamat po, Tay," bulong ko sa ama ko bago ko siya hinalikan sa pisngi. "Salamat at ipinalaki niyo akong may paniniwala sa pag-ibig at sa kapangyarihan nitong malampasan ang hirap at ginhawang dadalhin sa atin ng buhay."
Tumayo ako at inayos ang palda nang old-rose na bestidang pinili ko para sa graduation ni Luis. Hindi ko alam kung bakit nahiya akong bigla pero dahan-dahan kong nilapitan si David at ang kapatid ko.
"Your tie looks perfect, Luis," sabi ko in English para maintindihan ako ni David. Ngumiti ako kay Luis at sa katunayan na binata na talaga siya lalo na habang suot ang formal niyang attire.
Namula ang mga pisngi niya kahit na mukhang proud naman siya. "Salamat, Ate."
By the way, alam na ni David ngayon ang ibig sabihin ng 'salamat' at 'Ate'.
Tinuro ko si Luis sa hagdan. "Now, go get your grad gown and cap so we can be on our way. You don't want to be late."
"Oo na," sabi niya bago siya umakyat sa taas.
Finally, hinarap ko si David at nahuli siyang nakatitig sakin, nakangiti habang inobserba niya ang suot ko. "You look lovely, Diana. Most importantly, you look happy."
Malawak ang ngiti sa mukha ko habang humakbang ako nang palapit sa kanya. "I am happy. And you're to blame for it."
Siya ang dahilan kung bakit parang lumulutang ako sa mga ulap ngayon.
Tinaasan niya ko ng kilay habang nakangiti parin. "Oh, yeah? Then sue me."
Tumawa ako sa corny niyang joke na idemanda siya sa sayang idinulot niya sakin dahil kaya niyang ipangtanggol ang sarili niya. Hindi man kumedyante si David, mahal ko parin ang lokong to.
Nilagay ko ang mga braso ko sa balikat niya at inangat ang sarili ko. "You know, I remember that you're waiting for an answer. But it's really hard to answer a question if it's never been asked."
May ilang sandaling mukhang nalito siya sa sinabi ko at naghintay ako habang ni-replay niya ang buong pag-uusap namin ng gabing yun nang dumating siya sa bahay namin dalawang linggong nakaraan. Sinabi niya sakin ang mga plano niya, ang gusto niyang mangyari at na maghihintay siya sa desisyon ko, pero hindi niya ako actually tinanong.
Nang luminaw na rin ito sa kanya sa wakas, lumiwanag ang ngiti niya habang hinila ako sa bisig niya. Mahinang nauntog ang mga noo namin habang binulong niya ang tanong niya sa akin, "Diana, will you share the future with me? Will you fill my house with your cooking, your smiles, your laughter, your love?"
Tumawa ako. "With sticky notes, too?"
Natawa rin siya sa dinagdag ko sa proposal niya. "I'll buy you enough supply to last us a lifetime."
Parang sasabog ang dibdib ko sa saya at huminga ako nang malalim para mailabas ko ang mga salita. "Before you got here, I'd already decided to stay in Canada for another year. My boss was going to start my paperwork. I wanted to see if life would take me somewhere new without you or if it was just going to bring me straight back into your heart if you could still find a place for me in it."
"You don't just have a place in it, Diana," sagot niya. "You have all of it."
Hindi lang ako may lugar sa puso niya—akin ito nang buong-buo.
Napangiti ako sa seryoso niyang tono na parang walang taong puwedeng magduda sa sinabi niya. Abogado nga talaga.
"So my answer is yes, David. I'll share the future with you because it's the only future I can see where we're both happy and I want nothing else for us but that."
Iisang buhay ang hinahangad naming pareho—ang buhay na magkasama kami at yun ang buhay na kakapitan namin para sa hinaharap.
Walang sandaling sinayang si David matapos ng sagot ko dahil hinalikan niya ako nang walang pag-aalinglangan.
Nagsimula lang akong tumawa habang hinahalikan siyang pabalik nang narinig ko ang palakpakan. Mabilis akong binitiwan ni David, ang mga pisngi niya namumula. Hindi ko alam kung dahil sa tingin niya konserbatibo ang pamilya ko o hindi lang siya sanay sa sarili niyang magpahayag ng nararamdaman niya sa harap nang ibang tao.
Nakangiti pero umiiyak sa tuwa si Nanay, si Luis at Abigail ngumiti at kumindat lang sakin, at si Tatay may luha sa mga mata niya. Walang paliwanag ang kailangan para malaman ng lahat kung ano ang nangyari—may suspetya akong matagal nang alam ng pamilya ko kung ano ang pipiliin ko sa huli.
"Ate," tukso ni Luis. "I thought you didn't want us to be late."
Natawa si David at iniling ko lang ang ulo ko sa kapatid ko bago ako tumuro sa pintuan na parang heneral.
Kami ni David ang huling lumabas ng bahay at habang hawak-kamay kaming naglalakad kami papunta sa sasakyan kung saan kami lahat magsisiksikan, bumulong ako sa kanya. "You know, I really missed my family but I think they're probably sick of me now. I think they won't mind if we spend our last week in the country checking out those beaches you said you came here for."
Sabi niya nung una siyang dumating na pumunta siya ng Pinas para sa beaches namin. Panahon na sigurong hayaan siyang makita kung bakit sikat sa mundo ang mga beaches namin dito. Panahon nang mag-enjoy kami na kami lang dalawa.
"We should start a list," sabi ni David na may kasamang ngiti. "After all, we'll be back a lot to visit."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top