Part Five
Maraming tao ang sasang-ayon na kahit planuhin natin ang buhay natin, minsan, may sariling plano ito para sa atin.
Tinigil ko ang paghabol ko sa mga pangarap ko nang nagdesisyon akong magtrabaho sa kabila ng mundo para sa pamilya ko. Akala ko, pagkatapos nun, makakabalik ako sa dating buhay ko na parang kasing dali lang nang pagsuot ng lumang T-shirt. Pero kahit na nag-iba ang mga plano ko, mukhang nakatadhana parin akong mahanap ang lalaking mamahalin ko buong buhay ko sa iba at malayong bansa. Hindi ako sigurado kung nag-iba nga ba talaga ang mga plano ko o ito talaga ang landas na lalakbayin ko at ang lahat ng ito ay simpleng pagtupad lang nang nakatadhana.
"Diana, kamusta ka na?" May sigla sa tanong ng bank teller sakin habang palakad ako sa counter niya. "Ang tagal na ring hindi kita nakita."
Ngumiti ako kay Maricris. "I know. Halos lahat online ko na ginagawa nang mga nakaraaang buwan. Mahirap kasing lumabas ng bahay at pumunta nang kung saan-saan."
Tumawa lang si Marciris dahil alam niya ang situwasyon ko nang nakaraang ilang buwan. "Mabuti naman at kahit papaano nabibisita mo rin kami dito sa branch. Ano bang kailangan mong gawin today?"
Sa sobrang excitement, kinuskos ko muna ang mga kamay ko bago ko inilabas ang bank card ko. "Magpapadala ako ng pera sa Pilipinas—may trip kasing pinaplano ang buong pamilya ko."
"Talaga? Saan sila pupunta?"
Abot tenga ang ngiti ko. "Dito sa Canada."
"Wow! Magandang balita yan, Diana! Siguradong napa-excited nila ngayon!" sabi ni Maricris na napangiti rin. Dumating sa Canada ang asawa at dalawang anak niya nung nakaraang taon kaya alam niya ang nararamdaman ko.
"Talagang excited. Bibisita lang sila pero dito sila magpa-Pasko," sabi ko bago ko kinuwento sa kanya ang pinag-usapan namin sa telepono nang nakaraang ilang gabi. Nagsiksikan ang buong pamilya ko sa telepono para makagatong sa usapan habang nagpaplano silang lahat nang sabay-sabay. "Excited si Nanay na makakita ng snow sa unang pagkakataon. Si Abigail, gustong pumunta sa lahat ng mga malls. Si Luis, gustong subukan ang lahat ng mga bagong pagkain. May suspetya ako na magiging busy kami ngayong holidays."
Habang kinukumpleto ni Maricris ang global money transfer ko, kinuwentuhan niya ko ng mga first experiences ng pamilya niya nang dumating sila ng Canada. Hindi ako nahirapang ma-imagine ang magiging reaksiyon ng pamilya ko once madiskubre nila ang lahat nang kakaiba ang bagong mga bagay dito sa Canada.
Bago ako umalis, tumigil ako sandali at binigyan si Maricris ng huling ngiti. "Naalala mo ba mga ilang taong nakaraan nang dumating ako rito na halos mawawalan ng bait dahil nagka-stroke si Tatay?"
Tumango lang si Maricris.
"Sinabi mo sakin na magiging maayos rin ang lahat," pinaalala ko sa kanya. Siya ang unang taong nagsabi sakin nun ng araw na yun nang nagising ako sa masamang balita. "At oo, mahirap paniwalaan ang payo mo ng araw na yun pero tama ka. Naayos rin ang lahat sa huli."
Nasa mga labi ko parin ang ngiti ko ng lumbas ako ng CIBC. Lumawak lang ang ngiti na yun habang lumakad ako papunta sa kabilang dulo ng parking lot.
Nakatayo si David sa tabi ng silver naming SUV, guwapo sa mga mata ko habang suot ang mahaba at gray niyang overcoat at dark blue na scarf. Kahit tapos na ang summer, may mga light parin na streaks sa buhok niya na medyo mas mahaba ngayon kesa nakasanayan niya. Ang tahimik, mahiyain at seryosong David ay nandoon parin pero may kagaanan na sa ugali niya nitong nakaraang mga taon. Mas madalas siyang ngumingiti at tumatawa ngayon. Sa eksaktong sandaling ito ay humahalakhak siya habang sinusubukan siyang yakapin sa leeg ng maikli at chubby na mga braso.
Apat na buwang gulang pa lang si Alexandra Jade Robles Kemble pero maganda at makulit na siyang baby. Makapal na ang buhok niya at kulay caramel brown ito, kumukulot ng konti at masisilip sa ilalim ng hood ng pink niyang fleece na onesie na may mga bunny ears.
Kahit sinong ina siguro ay katulad ko—magmamalaki na ang anak nila ang pinakamagandang baby sa buong mundo. Sasang-ayon si David nang walang pag-aalinlangan dahil nakabalot rin siya sa maliit na daliri ng anak niya.
Ngayong mga araw na to, palagi siyang umuuwi on-time, minsan nga mas maaga pa, at magkukuwentuhan at maglalaro sila ni Alexandra sa kusina habang nagluluto ako ng hapunan. Nakatuon ang buong mundo niya sa baby, at tatawa siya sa mga pinagagawa ni Alex bago niya ito puriin sa pagiging matalino na baby. May mga ilang gabi na uugain niya ang sanggol, at kakantahan ito sa malumanay pero malalim niyang boses hanggang sa makatulog ito sa balikat niya.
Bawat gabi, bago kami maidlip, yayakapin niya ko, hahalikan sa noo at sasabihan nang: "Thank you, love. For giving me our own wonderful family. For making me so happy."
Hindi lang siya ang masaya.
Sa tuwing inisip ko ang hinaharap—ang kaligayahan na umasa akong mahahanap ko dun—hindi ko na-imagine na ito ang kalalabasan. At kahit hindi naging diretso o madali ang landas na nagdala samin dito, wala akong ni isang bagay na babaguhin.
Sa huling linggo namin ni David nang sinundan niya ko sa Pilipinas, pumunta kami ng isang beach sa Palawan at pinalipas ang oras namin sa dalampasigan na puno ng puting buhangin, nilalanghap ang sariwang hangin, nilalasap ang init at sikat ng araw at nilalangoy ang berdeng-asul na dagat. Bumuo kami ng mga sandcastles, kumain nang sari-saring pagkaing Pinoy, naglakad sa tabing-dagat na magkahawak-kamay, at humalik sa isa't isa sa bawat paglubog ng araw. Mahiwaga ang panahong yun para sa aming dalawa. Alam na namin sa wakas ang talagang gusto namin—kung kailan ito lahat mapapasaamin ang tanging naiwang tanong.
Sabay kami ni David na bumalik ng Canada. Hinabaan ko ng isang taon ang kontrata ko sa Prestige Services. Hindi ako pinigilan ni David. Kahit na hindi ito ang pinaka-eleganteng trabaho, marangal ito at nirespeto niya yun lalo na't alam niya na nagpupursigi ako para sa sarili ko naman.
Hindi naging ordinaryong taon yun. Sinimulan ko ang mga papeles ko para mag-apply ng permanent residence. Sinuko ko ang assignment ko na maglinis sa bahay ni David at ibinigay yun kay Belinda, isa sa mga mga staff member namin na parang pangalawang ina na sa amin. Patuloy akong tumira kasama ng mga roommates ko. Magkikita kami ni David nang ilang beses sa isang linggo, usually pagkatapos naming magtrabaho, at madalas rin kaming magkasama kung weekends. Kahit papaano, halos naging normal ang relasyon namin sa maikling panahong yun—lalabas kami on dates, manonood ng pelikula, magpapakilala sa isa't isa sa mga kaibigan namin. Nang Paskong yun, sinamahan ko si David sa Ottawa kung saan nakatira ang mga magulang niya. Pareho silang human rights lawyers na naging aktibo sa United Nations bago sila rumetiro. Sabi sakin ni David minsan na palaging busy ang mga magulang niya nang lumalaki siya pero mabubuti silang tao at nakita ko kaagad kung gaano rin nila na-miss ang nag-iisang anak nila. Mainit ang pagtanggap sakin nina Lauren at Henry Kemble sa tahanan nila at pareho silang pumalakpak at nag-cheer nang lumuhod si David sa harap ng Christmas tree, hawak ang diamond ring sa kamay niya, at hiniling na pakasalan ko siya.
At sigurado akong alam niyo na kung ano ang isinagot ko—siyempre oo!
Apat na buwan pagkatapos nun, lumipad kami ni David pabalik ng Pilipinas kasama ang mga magulang niya para sa kasal namin. Sa tulong nina Abigail at Nanay, naplano namin ang lahat mula sa simbahan hanggang sa reception. Pinadalhan ko sila ng mga lista at pera at sila na ang bahalang umasikaso sa pag-order at pagbayad ng mga supplies namin para mahanda ang lahat sa kasal namin isang linggo pagkatapos naming dumating ng Pilipinas.
Nagpakasal kami sa Santa Ursula Parish Church. Mahigit sa dalawang-daang taon nang nakatayo ang simbahan na yun pero ipinagmamalaki parin nito ang lahat ng orihinal na arkitektura nang makalumang panahong pinanggalingan nito. Nag-imibita kami nang halos one-hundred-fifty na bisita—karamihan mga kaibigan at kamag-anak ko, siyempre. Ako ang bumawi sa liit ng pamilya ni David para samin. Nasa malapit na hotel ang reception at na-impress si David sa laki ng handa namin sa buffet, lahat lutong Pilipino—including ang tatlong buong lechon. Nag-alala ako nang konti na baka mabigla ko nang masyado ang mga magulang niya pero dahil dinala sila ng trabaho nila sa iba't ibang bansa para sa samot-saring mga humanitarian projects, bukas ang isip ng mag-asawa sa iba't ibang kultura at sa tingin ko naman, nag-enjoy sila sa selebrasyon. Nagkasundo sila ng mga magulang ko kahit na may language barrier nang konti. Medyo bumalik kay Tatay ang kakayahan niyang magsalita pero para maintindihan nang mabuti, kailangan niyang magsalita nang dahan-dahan. Pero sa tulong ko at ng mga kapatid ko, hindi mahirap i-translate ang anumang sinabi ni Tatay.
Pagkatapos ng kasal, pumunta ang mga magulang ni David sa Hong Kong kung saan sila tumigil ng ilang araw para magbakasyon. Ang mga magulang ko naman ay pumunta ng Baguio sa wakas.
Kami naman ni David, nanatili ng Pilipinas. Nag-honeymoon kami sa Gota Beach sa Caramoan Island kung saan nagrenta kami ng beach-front na cabin. Medyo maluho nang konti ang pakiramdam ko nun pero kinulit ako ni David na hayaan siyang i-spoil ako ng kahit papaano, kahit itong minsan lang kaya hinayaan ko na. Pagkatapos ng sampung araw, pareho kaming medyo sunburned at namumula sa mga pisngi, at masayang-masaya na magsisimula na sa wakas ang buhay naming magkasama.
Pagkatapos naming bumalik sa Edmonton, lumipat ako sa bahay ni David kung saan nagsimula ang lahat. Tinapos ko ang natitirang limang buwan sa kontrata ko habang pinag-iisipan ko ang susunod kong gagawin. Pagkatapos ng kontrata ko at habang pina-process ang permanent residence ko, hindi ako puwedeng magtrabaho o mag-aral pero nagsimula akong magka-interes na matuto ng mga immigration laws at ang iba't ibang mga issue na hinaharap minsan ng mga foreign workers na gustong maging permanent resident sa Canada.
Lumipas ang anim na buwan bago ko nakuha ang residency ko pero hindi ako makabalik agad sa trabaho. Limang na buwan kasi akong buntis nun. Ipinanganak si Alexandra ng July.
Siguro, pagkatapos ng isang taon, mag-aaral ako ulit. Baka kumuha ako ng ilang classes o mag-focus sa communications degree ko para naman may magawa akong mabuti sa tulong nito. May kilala ako sa local na Filipino community dito na nag-iisip na magsimula ng isang online initiative para panatilihing magkalapit ang mga Pilipino na nagtatrabaho rito sa Canada.
Malay natin kung ano ang naghihintay sa atin sa hinaharap.
Ang alam ko lang ngayon ay ito ang pinamaligayang pahanon sa buong buhay ko at desidido akong lasapin ang bawat sandali nito.
"Look, Mommy's back, Alex," sabi ni David sa anak namin sabay pag-ikot nito sa kanya para makita ako ng baby.
Lumiwanag ang mga mata ni Alexandra ng nahanap niya ko, ang mga dimples sa pisngi niya lumalim habang nakangiti siya at inaabot ako.
Kinuha ko siya kay David at hinalikan ang noo niya sabay nang paghinga ko nang malalim sa sariwang bango niya. "Hi, baby! Did you miss, Mommy? I wasn't gone for very long."
Tumawa lang si Alexandra bago nilagay ang maliit niyang kamao sa bibig niya.
"I, for sure, missed you," sabi ni David habang niyakap niya ko at hinila palapit sa kanya. "I was counting the seconds you weren't here by my side."
Tumawa ako. "You're a drama king. I was probably only in there for twenty minutes."
Ngumiti si David at dinampian ng halik ang mga labi ko. "Twenty minutes is a long time to not see your face, Diana. It feels like the world is a lot less beautiful in those twenty minutes you're gone."
Nagsimula mang mahiyain si David pero mabilis siyang natutong makipag-flirt sakin sa nakaraang tatlong taon. Parang lubusan nang lumabas ang nakakatawa at makulit na David na nakipagpalitan sakin ng mga sticky notes nun.
"Well, I hope you've recovered now that I'm here," tukso ko sa kanya.
"I have," sagot niya bago malambing na pinindot ang ilong ni Alexandra. "You know you could've done this online at home, you know?"
Nagkibit-balikat ako habang nakangiti parin. "I know but sometimes I need to see people face to face. It makes a difference. I like real conversations. God knows where we could've ended up now if we'd just stayed content with swapping notes three years ago?"
Kung hindi kami nabigyan ng pagkakataon ni David na magkakilala ang magkausap nang harapan, magiging napakaiba siguro ng buhay namin ngayon.
Sumang-ayon si David. "Good point. I know that I wouldn't have wanted to miss the chance of meeting you."
Sumandal ako sa balikat niya at tumawa nang inulit ni Alexandra ang ginawa ko sa kabilang balikat ni David. "Aren't you glad now that you're not so good in basketball? That I had to move that trash bin so you wouldn't keep missing your shots?"
Kung naging mas magaling na basketbolista si David, hindi ko minsan mang maiisip na galawin ang basurahan niya.
"I might have missed those shots but I definitely didn't miss the girl," bulong niya bago siya ngumiti at binigyan ako nang maikli pero matamis na halik.
Nang nagsimulang maglikot si Alexandra at tinapik ang pisngi ni David nang mga maliliit niyang kamay, tumatawa kaming tumigil.
"Come on, let's get going," sabi ng asawa ko bago niya binuksan ang pinto ng SUV at tinulungan akong ilagay si Alexandra sa car seat niya. "We still have to go shopping for some jackets and boots. Your family's going to need it this winter."
Home.
Tahanan.
Ito ang sulok ng mundo kung saan ka susundan ng mga paa mo dahil dito ka itinuro ng puso mo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top