CHAPTER TWENTY-THREE

Titig na titig si Mauro kay Lalie. Feeling tuloy ng dalaga mayroong deperensya sa kanya. Napahawak ito sa pisngi. Baka may kung anong dumi roon na tinititigan ng antipatiko niyang stepson. Wala naman siyang nakapa. Napahawak siya sa bandang dibdib at napayuko pa roon, pero wala rin siyang nakitang deperensya roon. Napalingon siya sa dalawang katulong na ramdam niya'y nasa likuran pa rin niya. Kumindat ang mga ito sa kanya na tila tinutukso siya bago masayang nagpaalam matapos masabi kay Mauro na saksis daw ang pagpapababa sa kanya.

"Ehem," tikhim ni Mayor Biazon. Ang maybahay naman nito'y lumapit sa kanya at magiliw siyang sinalubong. Nakangiti ito.

"Ang ganda mo talaga, hija. Naku, kung buhay lang si Don Fernando magiging proud na proud siya ssa iyo." Tumigil ito bigla na tila may naalala. Tinapunan ito ng kakaibang tingin ng asawa na tila baga pinapatigil sa pagsasalita.

Alam ni Lalie kung bakit ganoon ang reaksyon ng alkalde. Hindi naman kasi siya anak ng don. Bagkus, dati siyang asawa nito. Asawa! Ang panget nga ng sitwasyon nila ni Mauro. Nakakaasiwa.

Bumati rin sa kanya ang maybahay ng direktor ng ospital pati na rin si Director Damiles mismo. Lahat sila'y nagsasabi na ang ganda-ganda niya raw sa suot niyang trahe.

Of cors! Kailan pumanget ang isang Eulalia Masangkay?

Nagpasalamat naman sa kanilang lahat si Lalie kahit na itinitirik niya ang mga mata sa kanyang utak. Hindi siya makapaghintay na makaalis doon kung kaya pumwesto na siya sa harapan ng piano. Kailangan na niyang matapos ang pakay doon. Gusto raw ng alkalde na kumanta siya. Well, pagbibigyan niya ito kahit wala siya sa mood.

"Sinabi sa akin nila Mamerta at Aurora na nagre-request po kayo ng kanta?" pagkompirma ni Lalie sa alkalde. Tumingin din siya kay Dr. Damiles at sa maybahay nito. "At kayo rin daw po. 'Yaan n'yo pagbibigyan ko rin po kayo."

Iniwasan ni Lalie mapatingin kay Mauro. Sa tuwing gawin niya iyon, kumakalabog nang todo ang puso niya sa excitement. Hangga't maaari ayaw niyang mangyari iyon. Nawawala ang momentum niya. At nakakalimutan niya na naiinis siya rito. Baka tuluyan na niyang ibigay ang lahat ng parte niya sa mana. Ayaw na ayaw niyang mangyari iyon.

"Gusto n'yo raw po, mayor, ang kanta ni Rey Valera na Kahit Maputi Na ang Buhok Ko sabi nila Mamerta at Aurora. Gusto n'yo po kantahin ko na iyon sa inyo?" At nagtipa na sa piano si Lalie.

Nakita ng dalaga na napatingin sa stepson niya ang alkalde. Pati na rin ang nalilito nitong maybahay. Katunayan, lahat ng bisita nila ay nakabaling na ang atensyon kay Mauro tapos napatingin sa kanya. No'n lang pumagitna si Mauro. Nakapagpalit na rin ito ng suot. Naka-Amerikana na ito at nakasapatos ng itim na leather shoes. Ang overal look nito'y tila dadalo sa isang magarbong pagtitipon. Kanina pa ito pinagtataka ni Lalie pero ipinagkibit-balikat niya lang. Kung siya nga nakasuot ng trahe, eh kakanta lang naman siya sa harapan ng mga bisita, si Mauro pa kaya na umiistima sa mga ito at nagpapasipsip para makuha agad ang permiso ng mayor sa pinaplano nitong negosyo sa Muntinlupa?

"Ah, hija, mamaya na lamang iyan," malumanay na sagot ng alkalde. Tiningnan nitong muli si Mauro at sinenyasan na pumagitna na.

Nilapitan ng dalawang ginang si Lalie at hinawakan siya ng mga ito sa magkabilang braso. Ang mga ito ang naghatid sa kanya sa tabi ni Mauro. Nalito siya. Ano'ng nangyayari?

"Bueno, narito na rin lamang tayong lahat, simulan na natin ang seremonya ng kasal."

"Ano po?!" naibulalas ni Lalie. "Kasal? Sino pong ikakasal?" Napabaling siya kay Mauro.

Nagkasalubong ang mga mata nila. Nabinbin sa ere ang gusto pa sanang sabihin ni Lalie. Tumahip na naman bigla kasi ang kanyang dibdib at tila naengkanto pa siya sa mga titig ng lalaki. Hindi na niya narinig kung ano pa ang sinagot o naging reaksyon ng alkalde sa naibulalas niya. Nang masuyo siyang sagutin ni Mauro ng, "Tayo. Tayo ang ikakasal," natahimik na lamang siya.

**********

Madalian ang naging seremonya ng kasal. Wala pang dalawampung minuto ay natapos ito. Himala sa himala. Tahimik at mukhang nakipag-cooperate naman ang kanyang madrasta sa kanya. Hindi na ito nagsalita pa liban sa dapat niyang sabihin.

Nang banggitin ng mayor ang mga katagang, "You may now kiss the bride," simpleng dampi lang sa noo ang binigay niya rito. She looked at him with a serious expression on her face. Naramdaman din niya ang bahagyang panginginig nito. He dismissed it by thinking it may be because of the cold room. Malakas ang aircon sa music room. Nakakapanginig ng katawan.

"Okay, cheers to the new couple!" sigaw ng alkalde.

Si Director Damiles na ang nagbukas ng champagne. Simpleng ngiti lang ang binigay sa kanilang lahat ni Lalie. Himala uli. Hindi na ito nagpakita ng kagaspangan ng ugali. Behave ito masyado. Naisip uli ni Mauro na baka nga pino-proseso pa nito ang buong pangyayari. He couldn't wait to be done with everything. Tatawagan pa niya si Attorney Zamora. Sayang at hindi ito nakadalo. He would surely be amused. Aayaw-ayaw siya sa plano nito pero isinagawa rin ora-orada. Kung bakit naman kasi nagmadali ang ninong niya. Nataranta siya tuloy sa pinagawa nito sa mga tao kanina sa Daang-Hari. Hindi na siya makakapayag na maulit ang pangyayaring iyon. Now that Lalie is his legal wife, he would do everything in his power to protect her.

Natigilan siya sa naisip. He will protect her...?

"Ano'ng drama ito, Mauro?" gigil na gigil na sita sa kanya ni Lalie pagkaalis na pagkaalis ng mga bisita. It was the first time he heard her say her name. Hindi niya maipaliwanag kung bakit parang may hatid iyong kiliti sa kanyang pakiramdam.

"You know what that was for. I want to be able to legally protect you."

Pinangunutan siya ng noo ni Lalie. Nakaligtaan niyang mahina pala ang pang-unawa nito sa Ingles. Tinagalog niya ang sinabi.

"Poprotektahan mo ako? Kanino?" duda nitong sagot.

"Sabi ko nga sa iyo noong isang araw, may masamang tangka sa iyo ang ninong. He wants to get---gusto ka niyang makuha sa kahit na anong paraan, pwera na lang ang pakasalan ka. Alam mo naman sigurong kursunada ka ng matanda noon-noon pa, di ba?"

Namaywang na si Lalie at galit siyang sinagot. "Ang sabihin mo, gusto mo lamang makamkam ang binigay na mana sa akin ni Fernando! Matagal mo na kasing pinag-iinteresan iyon, eh. Hindi ako bobo, damuho ka. Pinagplanuhan n'yo siguro ako ni Atorni, no?"

"What? Where the hell did that come from?"

"Hwag mo akong ini-Ingles dahil sa impyerno ka nga pupulutin sa oras na tanggalan mo ako ng mana, bwisit ka!" mangiyak-ngiyak nitong sagot sa kanya.

Napabuga ng hangin si Mauro sabay hilot sa kanyang sentido. Inisip pa naman niya kanina na nagbago na ito, na naambunan na niya ito ng finesse at good manners. Hindi pa rin pala.

Dali-dali itong lumabas ng music room at tumakbo papunta sa silid sa second floor. Hindi na niya ito hinabol pa. Saka na lang niya ito kakausapin. Kailangan niyang maibalita sa abogado na naisakatuparan na niya ang pinapagawa nito sa kanya.

"Hello?" inaantok na sagot sa kabilang linya. Boses iyon ni Attorney Zamora at mukhang nagising niya sa mahimbing na tulog.

"I'm sorry for waking you up, Attorney. This is Mauro. I did what you asked me to do. I married her!"

"You did what?" tila naalimpungatan ito. Nawala bigla ang antok sa tinig. Napalitan ng pagkagulat.

"I married my stepmother, Attorney." At sinalaysay na niya rito ang lahat ng kaganapan mula sa pagtatambang kay Lalie ng mga tauhan ng ninong niya kanina sa Daang Hari. Binalita rin niya na pumayag na ang alkalde ng Muntinlupa sa binabalak niyang pagtayo ng isang condotel malapit sa Asian Hospital.

"One at a time, hijo. So---you finally married Lalie. That's good news! Pero sana hinintay mo man lang sana akong makabalik ng Manila. I would've love to be in your wedding." At tumawa na ito.

"It was horrible, Attorney. You didn't miss anything."

"I doubt it. I know it was a joyous occasion. I'm pretty sure you had fun."

"Far from it, Attorney."

"O, ano'ng ginagawa mo't nakikipag-usap ka pa sa akin ngayon? Why don't you enjoy your wedding night? Makakapaghintay ang pag-uusapan natin. Have fun!" At binaba na nito ang telepono.

Napatingin sa awditibo ng telepono si Mauro at sinimangutan ito. Ang dami pa sana niyang gustong sabihin sa matanda. Tumayo na siya pagkababa sa telepono. Sinalansan muna niya ang mga papeles sa ibabaw ng desk niya sa study room bago lumabas na rin doon.

**********

Saglit na nagtaka si Lalie kung bakit nakasuot siya ng gown pagkagising nang umagang iyon. Nang maalala kung bakit, awtomatikong sumilay ang ngiti niya sa labi saka napahipo-hipo pa siya sa noo kung saan siya hinalikan ni Mauro nang ihudyat ng alkalde ang kiss da bride. Nang mapagtanto ang pinupuntirya ng kanyang isipan, dali-dali niyang pinilig-pilig ang ulo. Tinampal-tampal pa niya ng kamay ang magkabilang sentido na animo'y nalagyan ng tubig ang tainga.

Hindi ako dapat nag-iisip ng ganito! Baka ginugulangan na ako ng lalaking iyon at kunwari lang ay gusto akong protekhan! Shet na malagket! Ano ba ang ginawa ko kagabi!

Naudlot ang pagdadrama niya nang may marinig na katok. Awtomatiko kasi siyang napahawak sa dibdib sa pag-aakalang ang asawa niya ang dumadalaw sa kanyang silid. Nang maisip nga iyon, dali-dali siyang bumangon at tiningnan ang hitsura sa salamin. Hindi pala niya naalis ang make up kagabi pero mukha namang hindi nagkalat. Tumakbo na lang siya sa closet at naghanap ng shorts at T-shirt. Baka isipin no'n napakawalang kwenta niyang babae at natutulog ng hindi nagpapalit ng damit.

Nakapagpalit na siya ng suot at hina-hang na ang trahe sa handle ng closet nang maramdaman niyang may pumasok. Tumahip ang dibdib niya sa antisipasyon. Nang malingunan si Mamerta at Aurora, para siyang binuhusan ng malamig na yelo. Napasimangot siya agad.

"Kayo lang pala! Ang aga-aga n'yo ah?" asik niya sa mga ito.

"Anong ang aga, madame! Alas dose y medya na po!" At humagikhik si Mamerta.

Alas dose y medya?!

Napasulyap siya agad sa wall clock at totoo ngang pasado alas dose na ng tanghali.

"Kakapalit n'yo lang pala ng damit," komento naman ni Aurora. Tumingin pa ito saglit sa trahe niya na maayos nang naka-hang sa door handle ng closet.

"Kagabi pa," nayayamot niyang sabi at nauna nang bumalik sa pinakasilid.

"Anong kagabi po? Nadatnan ka pa namin ni Mamerta ritong nakatihaya sa kama nang nakatrahe at mahimbing ang tulog," natatawang sagot ni Aurora.

"Pinahatiran po kasi kayo ni ser ng almusal kanina. Kaso kinuha na rin namin kaninang bandang alas dies dahil malamig na po. Dinalhan ka na lang namin ng pananghalian ngayon. Baka gutom na kayo, madame?" ani Mamerta.

Natigil sa paghakbang si Lalie nang marinig ang pangalan ni Mauro. Pinahatiran siya ng pagkain. Hmm. Nag-aalala sa kanya ang mokong? Bumilis ang tibok ng puso niya, hindi lang siya nagpahalata sa dalawa.

"Pero madame---" Si Mamerta uli. "Ba't gano'n? Ikinasal na kayo ni ser, ah, bakit dito pa rin kayo natulog kagabi? Di ba dapat doon na rin kayo sa kuwarto ni ser?" At napangisi pa ito.

"Oo nga po, madame. Sayang naman. Nakaiskor na sana kayo kay ser kagabi," sabat naman ni Aurora.

Pinamaywangan niya ang dalawa.

"Kung tutuluyan ko kayang sisantehin kayo rito mga pakialamera kayo?"

"Madame naman, hindi na mabiro! Nasa ibabaw po ng bidsayd tibul ninyo ang inyong fud for tanghalian," ani Mamerta at hinila na si Aurora palabas ng silid niya.

Ang mga pisti! Ang aga akong binwisit!

Sinulyapan ni Lalie ang sinasabing food ng mga katulong. Nakita nga niyang may isang tray na nakapatong doon. Hindi niya alam kung ano ang laman niyon dahil may takip. Naaamoy lang niya ang tila nilagang karne. Biglang humilab ang kanyang tiyan, pero hindi niya iyon pinansin. Sa halip ay pumunta siya uli sa dressing room at tiningnan ang trahe niya. Bumaba siya kagabi sa pag-aakalang kakantahan lamang niya ang alkalde at ang misis nito. Hindi niya inisip na makakasal na sa lalaking naging laman ng panaginip niya nitong mga nakaraang araw. Nakakaasiwa ang sitwasyon nila pero hindi niya mapigilan ang kilig sa tuwing nakikita ito. Ano kaya ang gagawin niya? Kapag nalaman nito ang tunay niyang saloobin, natitiyak niyang pagtatawanan siya nito o di kaya lalong maliliitin.

**********

After Mauro's talk with Attorney Zamora

Ingat na ingat na binuksan ni Mauro ang silid ni Lalie. Wala naman siyang balak na tabihan ito gaya ng sinabi ng pilyong abogado, pero nais laman niya itong tsekin. Nakiramdam muna siya kung tulog na ito o gising pa. Nang makitang himbing na himbing na ito sa pagtulog, saka lamang siya pumasok sa loob. He looked at her whil she was sprawled on a huge bed in her wedding gown.

May kung anong humaplos sa puso ni Mauro nang makita ang inosenteng mukha ng madrasta na ngayo'y asawa na niya. He was so tempted to give her full lips a kiss, but he tried his best to control the urge. Mahirap na. Eskandalosa pa naman ito. Mamaya niyan, magsisigaw ng rape.

Napangiti siya nang ma-imagine ang reaksyon nito. Aminado siyang madalas man siya mabwisit sa kawalan nito ng sense kausap, naa-amuse din siya sa mga antics nito. Kakaiba ito sa mga babaeng nakilala niya. Naalala niya bigla ang kanyang architect. Noong isang araw ay nagparamdam na ito ng pagkabagot. Ito pa ang nagpahayag ng proposal sa kanya. Okay lang daw na gawin niya itong fling o short-time lover. She wouldn't demand for anything sabi pa, pero siyempre, hindi niya iyon sinunggaban. Ayaw niyang paghaluin ang business at personal affair.

Kumilos bigla si Lalie at nalilis ang suot nitong damit. Dahil nga may mahaba itong slit, na-expose nito ang undies ng babae. Bumilis ang tibok ng puso ni Mauro nang masilayan ang white panties nito. Dahil medyo manipis din iyon, nahalata ang hugis ng hiwa. Bigla siyang tinigasan. Bago pa niya malimutan kung ano ang sitwasyon nila ni Lalie at bakit sila nagpakasal, dali-dali na siyang lumabas ng kuwarto. He felt so bad. Pakiramdam niya ang baba-baba ng kanyang pagkatao for taking advantage of a woman in her deep sleep.

Napasandal siya saglit sa pintuan ni Lalie habang tinatampal-tampal ang dibdib.

"Ser Mauro? Ser."

Napakurap-kurap si Mauro kay Mamerta. May dala itong tray na may lamang isang tasa ng Chamomile tea. Mukhang dadalhin ito sa kuwarto ni Lalie. Kaagad niya itong pinigilan. Mahirap nang makita nito ang sitwasyon ni Lalie. Baka kung ano pa ang maisip lalo pa't nakita nitong doon siya galing.

"Ibaba mo na lang iyan. Hindi na kailangan."

"Po? Rikwist po ito ni madame, ser."

"Hindi na nga kailangan. Tulog na. At matulog ka na rin," matigas niyang sabi rito. Nang matanaw si Aurora na may dala-dalang isang baso naman ng gatas pinangunutan na si Mauro.

"What the hell are you guys up to?"

Nilingon ni Mamerta ang kaibigan. "Tange! Ba't nagdala ka pa ng gatas? Tsaa nga ang rikwist ni madame, di ba? Tsaa hindi gatas! Susko!"

Nagpalipat-lipat ng tingin si Mauro sa dalawa. Duda na siya sa sinasabi ng mga ito. Tingin niya gusto lang masiguro ng dalawang tsismosa kung sa kuwarto pa rin ba nito natulog si Lalie o lumipat sa room niya. Napailing-iling siya sa pagka-tsismosa ng dalawa.

"I cannot believe your obsession with gossips, guys." At napailing-iling uli si Mauro. "Pinag-iisipan ko na tuloy kung ibibigay ko pa sa inyo ang thirty thousand na pangako ko."

"Ser naman! Ser, ideya ito ni Aurora!" Binalingan ni Mamerta si Aurora. "Ikaw kasi eh! Ano ba sabi ko sa iyo? Dadahan-dahanin ni ser si madame!"

"What?"

Napatakip ng bunganga si Mamerta. Daig pa nito ang nahuling nagnakaw. Ngumiti ito sa kanya nang alanganin saka ilang beses na yumuko sa harapan niya.

"Ser, patawad po, ser! Patawad po!"

Nagsisihan ang dalawa habang dali-daling lumayo. Nang wala na ang mga ito, saka napangiti si Mauro. Palagay niya basang-basa ng dalawa ang damdamin niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top