CHAPTER TWENTY-FOUR

Medyo naasiwa na si Lalie sa tuwing kasama niya sa iisang silid si Mauro. Para bagang may kung anong nabago simula nang maganap ang seremonya ng kasal. Naisip niya lang, totoo kaya iyon? Hindi kaya gawa-gawa lang iyon ng damuho at kinakutsaba lang ang alkalde ng Muntinlupa para kunwari'y legal niyang matatawag? Paano kung ginawa lamang iyon ng lalaking iyon para ganap nang mapasakanya pati ang minana niya kay Fernando?

Sumikip bigla ang dibdib ni Lalie. Hindi maaari! Pinaghirapan din niya kahit papaano ang perang iyon. Tiniis niyang makasal sa matanda kahit na labag sa kalooban ng kanyang pamilya. Sinuway niya ang kagustuhan ng Itay at Inay niya para lang magkaroon ng sarili niyang pera.

Kailangan niyang makausap ang Mauro na iyon!

Dali-daling nagtungo sa dressing room si Lalie at nagpalit ng suot. Pinili niya ang masikip niyang blue denim jeans na may butas sa kalagitnaan ng hita at tuhod. Tinernuhan niya ito ng white long sleeves dress shirt. Ang right side ay tinuck-in niya at ang isang side naman ay hinayaan na lamang niyang nakalabas. Sinuot niya ang kabibili lamang niyang silver cross strap platform heeled sandals. Umikot-ikot siya sa harap ng salamin ng closet. Ang ganda niya tingnan!

"Kailan ba pumanget ang isang Eulalia Masangkay?" nasabi pa niya nang malakas.

"Nung isang araw po pagkatapos n'yong kasal ni ser, madame. Nakabukaka po ang higa ninyo sa kama at grabe ang hilik ninyo. Nakupo, daig n'yo pa ang pagod na pagod na kargador sa palengke. Kaya po siguro ang agang nagising ni ser dahil ang lakas-lakas n'yong humilik!"

Nagulat si Lalie sa narinig. Paglingon niya ang humahagikhik na Mamerta ang nasa likuran. May dala itong tray ng umuusok na kape. Kumulo agad ang dugo niya pagkakita rito na bumubungisngis. Pero sa isang banda, inisip niya ang mga sinabi nito at biglang kinabahan. Humihilik siya? Hindi pwede! No!

Sinikap ni Lalie na hindi paapekto sa sinabi ni Mamerta. Tinaasan niya ito ng kilay.

"Eh kung ibuhos ko iyang kape sa pagmumukha mo? Sino kaya ang lalong papanget?"

"Eh di ako, madame!" At bumungisngis na naman ito.

Dali-daling lumapit dito si Lalie. Hindi na makontrol ng huli ang inis sa katulong. Halos tumakbo naman si Mamerta pabalik sa silid at kaagad na pinatong sa footboard ng kama ang tray.

"Nagbibiro lang ako, madame. Kayo naman. Ang totoo niyan, hindi natulog sa silid na ito si Ser Mauro. Saka, madame, kahit tulog po kayo at nakabuyangyang, super ganda pa rin ninyo," bawi ni Mamerta nang nasa bandang pintuan na ito. Pinaalam din sa kanya na kung gusto raw niyang magpahatid na lang ng pananghalian sa kuwarto ay pwede rin. May bisita raw kasi ang kanyang ser sa ibaba. Ang sosyal at napakagandang architect ng mansion.

Nakalimutan bigla ni Lalie ang iba pang sinabi ni Mamerta. Lumipat ang pokus ng kanyang isipan sa huli nitong tinuran. Kailan ba titigil sa kakabisita sa kanila ang malanding babaeng iyon?

"Ah, hindi pala ako pwedeng bumaba dahil nandoon ang bruha ngayon. Tingnan natin!"

Bumalik si Lalie sa harapan ng dresser at nilinis ang kahihilamos niyang mukha. Naglagay siya ng moisturizer. Nang malagyan na niya lahat ay sinunod niya ang primer saka liquid foundation. Bumubulung-bulong siya habang nag-aayos sa sarili.

"Dapat kinuha na akong modelo ng Revlon! Aba'y lalo kong pinapaganda ang kanilang produkto. Sa tuwing ilalagay ko sa mukha, bumabagay talaga sa akin." At napabungisngis na naman siyang parang bata. Parang kailan lang pinapangarap lamang niya ang pinaglalagay niya ngayon sa mukha. Katunayan, noong mga bata pa sila ni Perping, dinurog na petals ng gumamela ang ginagawa nilang foundation kunwari. Iyong ang pinagpapahid nila sa mukha.

Nang maalala niya ang kaibigan, no'n din sumagi sa isipan ang kanyang ama at Kuya Danilo. Ang balita ni Perping, kumilos na raw ang mayor ng kanilang lugar para matulungan ang dalawa. Noong huling bisita raw nito kasama ang nanay niya, masayang naibalita ng kapatid na personal pang nagsadya roon ang mayor para ipaalam ang mabuting balita.

Napabuga siya ng hangin at natigil sa pag-aayos ng sarili. Akala niya noon kung magkakaroon siya ng maraming pera, sasaya at gaganda ang buhay niya. Hindi niya sukat-akalain na gaganda nga siya pero ang panlabas na kaanyuan lamang dahil ang kaloob-looban niya ay makakaranas pala ng ibayong lungkot at pangungulila sa pamilya.

**********

Halos napa-double take si Mauro nang makitang dumaan sa harapan nila ni Denise si Lalie. Kunwari'y hindi sila nakita nito nang pasimpleng naglakad patungo sa kusina. Nakasuot lamang ito ng denim jeans na butas-butas pa nga sa bandang hita at tuhod saka ang white dress shirt na half-naka-tuck in at half nakalaylay, pero ang class tingnan. Naisip agad ni Mauro na ang class at elegance ay hindi pala nurtured kundi likas sa isang tao. Mahirap man ang pamilyang pinanggalingan ng madrasta, hindi ito mababanaag sa hitsura dahil magaling magdala ng damit at mag-ayos sa sarili. Siyempre, h'wag lang siyang pagsalitaain dahil mahahalatang galing talaga sa hindi magandang background.

Umasim ang mukha niya nang ma-realize na lately ay hindi niya masabi ang salitang 'squatter's area' kapag naiisip ang pinanggalingan ng madrasta. Para bagang may kurot sa puso niya sa tuwing naiisip iyon. At hindi niya iyon gusto.

"Oh, hi, Mrs. Dela Paz. Or, should I call you Lalie?" magiliw na bati ni Denise. Napasulyap agad dito si Mauro mula sa blue print na tinitingnan sa harapan nila. Siya ang naasiwa sa sitwasyon. Ang alam ni Denise ay byuda ng papa niya si Lalie kaya ganoon ang pantawag. Hindi pa nga niya pala nasasabi rito ang nangyari noong isang gabi.

"Ay, andyan ka pala," kunwari'y nagulat na sagot ni Lalie. Saglit itong sumulyap kay Mauro bago taas-noong, nagsabi ng, "Mrs. Dela Paz ba kamo? Ako iyon!" natutuwa nitong pakli. Ngumiti pa ng ubod-tamis kay Denise.

Niluwagan ni Mauro ang necktie niya. Pakiramdam niya'y nasasakal siya bigla.

Ngumiti rin nang mapakla si Denise sa kanyang madrasta. "Kumusta na po?"

"Heto, lalong gumaganda," nakangiti ring sagot ni Lalie.

Nagsalubong ang mga kilay ni Mauro. Ano ba'ng nais palabasin nitong madrasta niya? Mukhang iniinis ang architect niya. Heto nga, nahuli niya ang pag-twitch ng punong bahagi ng lips ni Denise na tila nayamot sa sagot ni Lalie.

"Ikaw, kumusta ka?" balik-tanong naman ni Lalie at lalong nilawakan ang ngiti. Sa bisita niya ang tingin. Tila hindi siya napapansin ng babae.

Ngumiti nang pagkatamis si Denise bago sumagot ng, "Heto, mas maganda." Binalingan pa siya nito sabay sabi ng, "Right, Mauro?"

Nangunot ang noo niya. Please stop with your impertinent greetings, both of you! Pero siyempre, hindi niya rin masabi iyon. Ayaw niyang isipin ng kanyang madrasta na nakikinig siya sa usapan. Gusto niyang isipin nito na abala siya sa nakalatag na blueprint ng plano sa harapan niya.

"Huh?" kunwari'y nalilito siya. Tapos tumingin siya uli sa lanai part ng blueprint at tinuro ito kay Denise, changing the topic. Saglit niya lang tinanguan si Lalie.

"See? Mauro here agrees," natatawang pahayag ni Denise.

From the corner of his eye, Mauro saw Lalie's expression changed. Kung kanina nakangiti ito ngayo'y nakabusangot na. Pero saglit lang din iyon. Kaagad iyong napalitan ng stoic expression. Nagpaalam agad ito kay Denise. Ni hindi siya isinali.

Nang wala na si Lalie, saka binaba ni Mauro ang blueprint at hinarap si Denise. "What was that for?" seryoso niyang tanong dito.

"Huh?" nagkunwa-kunwarian ding nalilito si Denise. Hindi nito sinagot ang tanong niya.

"Please respect her as well. Afterall, she's my dad's widow," malumanay niyang sabi.

"Why? What did I do?" May iritasyon na sa boses ni Denise.

"You know what you did," tila tinatamad niyang sabi saka binalingan na ang blueprint. Ayaw na niyang pag-usapan pa ang madrasta. "Anyways, take a look at this one. I'd like this part of the design changed. My father had told me once that our lanai is a very important of the house. This is Lalie's---I mean his wife's favorite spot in the house. Gusto ko ring maaliwalas ito. Iyong kapag nagpapahinga ang sinuman dito ay maiibsan ang kung ano man niyang alalahanin."

"Lalie's favorite part of the house?" nagngingitngit na sagot ni Denise.

Nag-angat ng tingin si Mauro at binalingan si Denise. Mukha itong galit. Napakurap-kurap siya. Nagseselos ba ito?

"I do not think I can continue being your architect. Maghanap ka na lang ng iba!"

Pagkasabi n'yon, tumayo na ito at padabog na nagtungo sa front door. Hindi siya agad naka-react. Sinundan niya ng tingin ang papaalis na dalaga. Nangunot lalo ang kanyang noo.

**********

"O, bakit sambakol ang mukha mo?" salubong sa kanya ni Rihanna. Iniwan nito sandali ang nire-rebond na customer. Nagpahalili ito sa isang tauhan.

Hinila agad ni Lalie ang kaibigan at dinala sa secluded area ng parlor.

"Nakalaya na sina Itay at Kuya!"

"O? Hindi ba dapat nagse-celebrate tayo niyan? Bakit mukhang hindi ka natutuwa? Pambihira ka naman, oo! Kung kailan tapos na ang pinoproblema mo saka ka naman nag-iinarte riyan!"

"Babawiin daw nila ako sa mga Dela Paz! Babalik na raw ako sa amin sa ayaw at sa gusto ko or else sila naman ang maghahabla sa mga ---kay Fernando Dela Paz ng kidnapping! At dahil patay na ang dati kong asawa sa kung sino ang pinakamalapit niyang kadugo!"

"Ang OA ng pamilya mo!" At bumusangot ang mukha ni Rihanna. "Pakisabi riyan sa ama mo't kapatid bawas-bawasan ang pride dahil hindi kamo bagay sa kanila. As if naman may pambayad sa abogado! Susko! Nang namudmod ng pride si Lord sinalo nang buong-buo ng pamilya mo!"

"Ano nga ang gagawin ko, girl? Magtatago ba ako? Ano?"

"Bakit ka magtatago? Eh di harapin mo sila. Ilang taon ka na ba? Ang tanders mo na, no! Hindi ka na bata kamo para diktahan sa gusto nilang mangyari. Kahit nga no'ng nagdesisyon kang pakasal kay Don Fernando, hindi ka na menor de edad no'n. Hayaan mo ang mga iyan! For all we know, hindi naman talaga si Mayor Aguilar ang tumulong sa kanilang makalabas ng bilangguan. Baka sa koneksyon ng pamilya Dela Paz at sila lang ang pina-front!"

No'n natigilan si Lalie. Ba't hindi niya naisip iyon? Oo nga no? Bakit biga-bigla ay magkakainteres sa kaso ang mayor ng Las Pinas? Ano lang ba ang kuya niya? O ang kanyang ama? Hindi sila mga kilalang tao. Wala ring mahihitang publicity ang mayor dahil ni hindi ito na-report ng media. Kahit nga itong paglaya nila ay pasekreto lang. Walang journalists na nakakaalam.

"O, di ba trulagen ang sinabi ko?" Proud na proud si Rihanna na mukhang siya lang nakaisip no'n.

"Kung sabagay, may punto ka, girl. Bakit nga ba ako magtatago pa? Ang tanda-tanda ko na!"

Napangiwi si Lalie sa huling tinuran. She even wrinkled her nose na tila baga'y kinaaayawan ang salitang tanda. Kung bakit hindi niya naisip ang naisip ni Rihanna. Bakit nga ba sila tutulungan ng mayor?

Nagpaikot-ikot si Lalie sa munting silid na iyon saka napabulalas ng, "Alam ko na!"

Kakitaan ng pagkagulat si Rihanna sa biglang pagsigaw ni Lalie at paghampas sa balikat nito. "Ano ba!"

"Magsara ka kaya ng salon mo? Punta tayong Boracay ng kahit isang buwan lang!"

"What? No! Hindi pwede! Kailangan ako ng mga tao ko."

"Sus! Tigilan mo ako. Kayang-kaya ng assistant mong pamahalaan ang salon kahit wala ka. Sige at tatawagan ko na ang dating sekretarya ni Fernando para bilhan tayo ng ticket at ayusin ang titirhan natin sa Bora. Sige, babush! Kitakits sa erport mamayang gabi."

"Hoy, anong kitakits sa airport!" habol ni Rihanna kay Lalie, pero mabilis na itong nakalabas ng salon. Pagkalabas nito, sinalubong na agad ng limang bodyguards at pinaikutan nila ang babae. Kahit si Rihanna ay hindi na nakalapit pa.

**********

Ang balak lamang ni Mauro nang sinundan niya sa Boracay si Lalie ay kakaladkarin ito pabalik ng Manila. Sinuway na naman kasi siya nito. Ang sabi niya hindi ito dapat lumalayo sa kanya dahil may danger pa rin ito at hindi pa nagpaparamdam ang ninong niya ng next move. Baka gugulatin lamang sila nito. Mahirap na. Hindi pwedeng may mangyaring masama kay Lalie. Hindi siya makapapayag!

Natigilan sa paglalakad si Mauro nang ma-realize kung ano ang naisip niya. Pinilig-pilig niya agad ang ulo at sinabi rin sa sarili na may rason kung bakit ayaw niyang mapahamak si Lalie. Inihabilin sa kanya ng ama ang babae. Kahit may pagkaloka-loka ito, napamahal ito sa papa niya na tila higit pa sa asawa. Para ngang---para na nga niya itong anak kung pagmalasakitan.

Napaisip na naman si Mauro. Anak. Hindi asawa. Iyon nga ang naging impresyon niya sa sulat na iniwan sa kanya ng ama. Puno ng pagmamahal kung banggitin n'yon si Lalie, pero hindi iyong para sa asawa kundi parang sa isang kapamilya---anak, gano'n. Gayunman, naniniwala siya na consummated ang marriage. Sa klase ng pag-iisip ng kanyang madrasta hindi nakakagulat kung pati matanda ay pinatos para lamang lalo itong mabaliw sa pagnanasa.

He didn't like what he feels nang maisip na consummated ang marriage. Parang --- parang nagseselos siya. Hindi niya kayang isipin si Lalie na kasiping ng kanyang ama. Halos mabali ang leeg niya sa kapipilig sa ulo. Ayaw na ayaw niya kasing sumagi iyon sa kanyang isipan.

"Hi, sir!" bati sa kanya ng isang magandang dalagita. "Looking for fun, sir?" tumawa pa ito. Tinuro nito ang kasama. May sinabi ito sa kanya na pwede raw silang dalawa nang sabay. Nang maunawaan ni Mauro ang ibig sabihin ng dalawang dalagita kaagad siyang umiling-iling.

"Oh no! I'm not looking for that kind of fun. I'm actually looking for somebody NOT for --- fun."

"Oh! Somebody! We can be that somebody, sir," at kumindat pa sa kanya ang magandang dalagita.

Nalungkot siya nang natinging muli sa babae. Sa tantiya niya parehong menor de edad ang dalawa.

"How old are you guys?"

"I'm nineteen and she's eighteen," agad na sagot ng pinakamaboka sa kanila.

Umiling agad si Mauro. Hindi siya naniniwala. Tingin niya'y kinse at disisais anyos lang ang dalawa. Naawa siya sa mga ito. Dumukot siya ng pitaka sa bulsa at binigyan niya ang bawat isa ng limang libong piso. Tuwang-tuwa ang dalawa at na-excite pa. Pwede na raw silang sumama sa hotel nito ngayon din.

"No. You two go home, all right?" At kinawayan niya ang mga ito bago nagpatuloy sa paglakad. May namataan siyang bar at may kumakanta pang mga parokyano roon. Lalampasan sana niya iyon nang makarinig ng pamilyar na tinig.

Unang linya pa lang ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, nakilala niya agad kung mula kanino ang malamyos na tinig. Tama nga ang sapantaha niya. Kung saan may kantahan, tiyak na nandoon ang madrasta niyang matigas ang ulo.

Pasimple siyang umupo sa isang bakanteng mesa. May lumapit agad sa kanyang server ng bar at binigyan siya ng menu. Kakaorder lang niya ng drinks at makukukot, nang bigla na lamang narinig niya ang kanyang pangalan mula sa mikropono.

"Mauro! Ano'ng---"

Hindi naikaila ng madrasta ang pagkagulat nang mamataan siyang nakaupo sa isang sulok ng bar. Tumigil nga ito sa pagkanta at kaagad na lumapit sa kanya.

"'Tangina, ano ang ginagawa mo rito?" bungad agad nito sa kanya.

"Ako dapat ang nagtatanong sa iyo niyan. Hindi ba sinabi ko sa iyo na h'wag na h'wag kang lumayo nang hindi nagpapaalam? Iniwan mo pa ang mga bodyguards mo sa Manila."

Malumanay lamang ang tinig ni Mauro para hindi sila pagtinginan ng mga tao. Sinenyasan pa niya ang madrasta na maupo sa bakanteng silya sa harapan niya para hindi sila takaw-pansin.

"Talagang hindi mo matitiis ang beauty ko, no? Na-miss mo ako agad?" sarkastiko nitong sabi.

He knew she was trying to irritate him. Hindi siya sumagot doon.

"Anong nangyari do'n sa higad at makati mong arkitik?"

Natigilan si Mauro sa tanong. Nang ma-realize niya ang implikasyon no'n, hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi. Napamulagat si Lalie sa reaksyon niya. Hindi naman niya pinatulan ang pagsisintir nito, bagkus tahimik lamang siyang sumipsip sa dinala sa kanyang cocktail drink para lalo itong mainis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top