CHAPTER TWENTY-FIVE
A/N: Pasensya po sa matagal na hindi pag-update. Sana ay nandito pa rin kayo. Please paramdam. Hehe. Happy New Year, everyone!
**********
Sumulak ang dugo sa ulo ni Lalie pagkakita ng matamis na ngiti ni Mauro. Para bagang mayroon siyang nasabing biro na ikinatuwa nito nang husto. Napangiwi siya sa lalaki. Pinamaywangan din niya ito.
"Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" pasuplada niyang tanong. Nakataas pa ang isa niyang kilay.
Hindi sumagot si Mauro. Sa halip, patuloy itong sumipsip sa inumin na tila bagang walang narinig mula kay Lalie. Lalong nanggalaiti ang huli. Pakiramdam niya kasi ay pinagtatawanan siya ng stepson. Naisip agad niya ang get-up. Nakasuot lamang siya ng pinutol na maong pants na kulay itim. Lampas lang ito nang kaunti sa panty lines at maiksi kung maiksi. Pero sa Bora nga sila eh! Ang ibang parokyano nga ng bar ay halos naka-panty at bra lang. Saka kahit may kaiksian ang shorts niya, at least hindi naman litaw ang kanyang kaluluwa sa halter top na kulay itim din. Iyon nga lang, kita ang tiyan.
Kahit na alam ni Lalie na maganda ang pusod niya at hindi baliktad gaya ng iba riyan, na-conscious pa rin siya habang nakatayo sa harapan ni Mauro. Pakiramdam niya kasi inurirat iyon ng damuho, hindi lang nagpahalata. Hindi na tuloy niya nahintay ang sagot nito. Dumeretso si Lalie sa silid ng mga staff at doon na tuluyang lumabas ng bar. Hindi niya alintana ang bumubuntot na manager na labis ang pagtataka sa biglaan niyang pag-eskapo. Ang usapan sana nila ay kakanta siya roon sa loob ng limang araw, pero first night pa lang at umayaw na siya agad.
"Miss Dela Paz!" habol pa sa kanya ng manager. "You made a commitment!"
Iwinasiwas ni Lalie ang kamay habang walang patid ang paglakad nang mabilis. Ang ibig niyang sabihin, wala siyang pakialam.
May humablot sa braso niya.
"I will sue you!" galit na asik sa kanya ng binabaeng manager.
Napaatras si Lalie, hindi sa takot kundi sa bantot ng hininga ng kumag. Nagtakip pa siya ng ilong. Wala siyang naintindihan sa sinabi ng bakla kundi iyong 'sue' lamang. Lagi niya itong naririnig sa mga palabas sa TV na isinisigaw ng mga pasosyal na bidang babae kapag nasukol na sa galit. Pinaliwanag na sa kanya ni Rihanna ang ibig sabihin niyon. Nang maalala ang kahulugan ng salita, pinaningkitan niya ng mga mata ang kaharap.
"Ah, susuhin mo ako? Di gawin mo kung gusto mo! Buti nga pinatulan ko kayo, eh. Dalawang libo lang naman kada gabi ang bayad mo sa akin! 'Kala nito!" At inagaw niya ang braso saka dinabugan pa ito.
"I will make sure you pay for this!" pahabol pa ng manager.
Nilingon ito ni Lalie at binelatan bago dali-daling tumakbo papunta sa nirentahan niyang hotel. Bago pa niya marating iyon, may humablot na naman sa braso niya. Dahil sa akalang manager pa rin iyon ng bar, hinampas na niya agad ito sa ulo. Sinalo nito ang mga hampas niya at ikinulong ang magkabila niyang pamulsuhan sa isa nitong kamay.
"Bakla! Tigilan mo akong bakla ka!"
"What?!" anang nagulat na pamilyar na tinig. "I'm not---bakla!"
Nag-init ang mukha ni Lalie nang mamukhaan kung sino ang nanghablot ng braso niya nang mga oras na iyon. Si Mauro! Hindi siya agad nakahuma. Buti na lang at medyo mahina ang ilaw sa parteng iyon ng Bora. Tingin niya hindi nakita ni Mauro ang pamumula ng pisngi niya.
"So---you think I'm gay. Is that because I wasn't like other men making advances toward you?"
Ano ba'ng pinagsasabi ng damuhong ito?
Bago pa mahulaan ni Lalie kung ano ang gagawin ni Mauro, nakalapat na sa kanyang bibig ang malambot at mainit nitong mga labi. Namanhid ang buo niyang katawan. Masahol pa siya sa nakuryente ng ilang libong boltahe. Mabilis na kanina pa ang tahip ng kanyang dibdib dahil sa presensya nito, pero lalo iyong bumilis dahil sa halik kahit na halos tila dampi lang naman ang ginawa nito.
"There. Does it feel like I am gay?" pabulong nitong tanong. Halos magkadikit pa rin ang kanilang mga labi. Katunayan, nagkikiskis nang bahagya ang dulo ng kanilang ilong. At amoy na amoy niya ang mabango nitong hininga.
Nanlambot ang mga tuhod ni Lalie. Nakaramdam siya ng kakaibang tensyon. May isang parte ng utak niya na nagtutulak sa kanyang ingudngod na ang nguso sa mga labi nito, pero ang malaking bahagi naman ay nagsusumigaw na lumayo na siya roon hangga't kaya pa niyang rendahan ang sarili. Bago pa siya makapag-desisyon kung ano ang gagawin, binitawan siya nito.
"We are leaving Bora right now. I have chartered a private jet to take us back to Manila. I will have someone pick you up at your hotel. Get ready. He will be there in five minutes."
Pagkasabi niyon, binitawan na siya agad ng damuho. Na-off balance si Lalie at muntik na siyang matumba nang patihaya kung hindi nahawakan ng isang dumaan.
"Oh, careful, honey," anang lalaki. Nang tingalain ito ni Lalie nangunot ang kanyang noo. Mukhang pamilyar ang mama. Hindi lang niya matukoy kung saan niya ito nakita noon. Hindi na niya inalala pa kung kilala niya ito o hindi. Mas nanaig ang galit niya kay Mauro. Wala siyang naintindihan sa sinabi nito kundi ang Manila at hotel. May kutob siyang gusto nitong pabalikin siya sa kanila nang ora-orada. Nanggigil siya sa paraan nito ng pag-uutos.
Ano ang tingin niya sa sarili? Hari? 'Tangina! Ang tatay ko nga hindi ako inuutusan nang gano'n-gano'n lang! Damuhong iyon!
Hindi na siya nakapagpasalamat sa mama. Dali-dali na lang siyang lumiko at naglakad-takbo pabalik sa kanyang hotel. Pagdating niya roon, gulat na gulat siya. Nasa lobby na ang kanyang kulay rosas na Globe-Trotter luggage. Hindi siya maaaring magkamali. Kanya iyon dahil siya lang naman siguro ang magkakabit doon ng kulay rosas ding Hello Kitty plush doll keychain.
"Miss Dela Paz, pasensya na po!" tila nagsusumamo na salubong sa kanya ng isa sa mga hotel staff. "Tumawag po rito ang may-ari ng hotel at sinabihan kaming impakehin na ang mga gamit nyo't susunduin na daw kayo ng inyong asawa dito sa hotel."
"At naniwala naman kayo?" asik niya rito.
Lumapit sa kanila ang manager. Nagtinginan sila ng staff. Nag-usap ang mga ito sa kanilang lenggwahe sa mahinang tinig. Nainis naman si Lalie sa kanila.
"Hindi ako aalis dito! Ibalik ang bagahe ko sa room ko!"
"Ma'am, si Miss Dela Paz daw po?" anang bellboy. Kabuntot nito ang isa sa mga tinakasan niyang bodyguard. Napatapik sa noo si Lalie.
"We have to go, Miss Dela Paz," puno ng awtoridad ang tinig ng lalaki.
"Sino ba ang amo mo? Hindi ba ako?" pagtapang-tapangan niya sa mama kahit na deep down medyo may kaunti rin siyang ilag dito lalo pa't ang dinig niya sa tsismosa nilang mga katulong, muntik na raw itong masisante nang mapag-alaman ni Mauro na natakasan niya nang gano'n gano'n lang.
Hindi siya pinatulan ng lalaki. Sa halip, dinampot lang nito ang bagahe niya at dinala na sa naghihintay na kulay puti na sasakyan sa labas. Nagsulputan pa ang dalawa nitong mga alalay. Ang isa ay nakipag-usap sa front desk para bayaran ang bills niya at ang isa nama'y nagtatanong sa isa pang staff kung wala na siyang gamit na naiwan sa room niya.
Napakuyom na lamang ng mga kamay si Lalie. Gusto niyang sumigaw sa protesta pero nang lumitaw ang dalawa pang bodyguards at marinig ang sinabi ng pinuno nila na kaladkarin siya nila kung kinakailangan, nagdabog na siya papunta sa naghihintay na sasakyan.
"Makikita n'yo pagdating sa Manila!" galit niyang asik sa mga ito.
Sinulyapan lang siya ng mga ito at naglakad sa magkabilang gilid niya.
"Please, Miss Lalie. H'wag na po ninyong ulitin ang ginawa ninyo. Muntik na po kamign masisanteng lahat. Kailangan namin ang trabahong ito, Miss Lalie. May pinapag-aral kaming mga anak sa kolehiyo," anang medyo may edad na bodyguard.
Pinaningkitan ito ni Lalie ng mga mata. Hindi na siya sumagot pa.
**********
Lihim na nagdiwang ang puso ni Mauro nang makita ang pagsulpot ng madrasta sa entrance ng maliit na eroplanong magdadala sa kanila sa Manila. Hindi maipinta ang mukha nito sa galit, pero aminado siya na kahit ganunpaman, hindi iyon nakapingas sa angking kagandahan ng babae.
Sinunod nga ng mga bodyguards ang iniutos niya sa mga ito. Dali-dali nilang sinundo si Lalie sa hotel. Ni hindi na nga ito nakapagbihis pa. Naka-flipflops lang ang madrasta at walang ni anong bahid ng make up ang mukha. It looks refreshing. He finds it adorable.
Nang ma-realize kung ano ang pinag-iisip, pinilig-pilig niya ang ulo. Hindi siya dapat nag-iisip ng ganoon tungkol sa madrasta. Tumikhim-tikhim siya para ihanda ang boses na sasalubong sa babae. Kailangan maramdaman nito na galit pa rin siya rito sa pagtakas sa mga bantay.
"Mabuti't nandito ka na. Masunurin ka rin naman pala, eh."
"Tigilan mo ako. Hindi ako sumunod sa mga gwardiya mo dahil sa iyo. Kinonsensya lang ako ng isang matanda riyan," at tinapunan nito ng galit na tingin ang medyo nahihiyang may edad na gwardya. Bahagya itong yumuko sa direksyon ni Lalie bago bumati sa kanya.
Dinala na ng pinuno ng mga bodyguards si Lalie sa kanyang upuan. This is opposite Mauro's. Pagkakita ng babae kung saan siya mauupo, kaagad itong nag-react.
"Ayaw ko riyan! Ang layo ng Maynila! Hindi ko kayang tumingin sa isang asungot diyan! Lalong nasisira ang gabi ko."
Lihim na napangiti si Mauro sa pag-aaktong tila bata ni Lalie. Hindi na niya ito pinatulan. Sinenyasan na lamang niya ang gwardya na sundin ang pag-iinarte nito.
Doon siya pinaupo sa kanyang likuran. Dahil magkadikit ang likod ng sofa na inuupuan nila, paminsan-minsan ay nararamdaman ni Mauro na tila sinasadya ng madrasta na sumandal nang biglaan sa sandalan ng upuan para maalog din ito sa harapan. Hindi napigilan ni Mauro ang mapabungisngis nang mahina.
"Boss?" anang guwardya na nasa katabing isle niya.
Sumeryoso si Mauro. Halos isang metro ang pagitan ng inuupuan niya sa upuan nito pero narinig ang kanyang bungisngis. Ibig sabihin ay napalakas ito. Sigurado siyang narinig din ito ng madrasta. Hindi na niya kailangan pang tanungin ito kung tama ang kanyang sapantaha dahil narinig niya itong tila may binubulong at gumalaw-galaw na naman ito sa likuran para maalog na naman siya sa harapan.
"Stop being childish," sabi niya rito.
"Tumahimik kang bwisit ka!"
Hindi na niya ito pinatulan. Binuksan na lamang niya ang laptop at nagsimula nang magtrabaho. Mayamaya pa'y narinig niya ang madrasta na tila may inaaway sa telepono. Ilang beses niyang naulinigan itong may minumura.
"Ikaw kasing bakla ka hindi mo pa ako sinamahan, bwisit ka!"
Pinangunutan ng noo si Mauro pagkarinig na naman sa bakla. Bakit tila galit ang babaeng ito sa mga bakla gayong may kaibigan namang bakla, naitanong niya sa sarili. He made a mental note to tell his detective to check on Lalie's older brothers. One of them might be one. Baka iyon ang dahilan kung bakit may sama ng loob ang madrasta sa mga bading.
Gustung-gusto sanang sawayin ni Mauro ang madrasta sa kakatalak dahil naghahanda nang lumipad ang inarkilahan niyang private jet. Gayunman, sinikap niyang habaan pa ang pasensya dahil baka kung ano na naman ang sasabihin ng babaeng ito. Nakakahiya sa mga bodyguards.
Hindi natapos ni Mauro ang gusto sanang gawin dahil biglang bumigat ang talukap ng kanyang mga mata. Bago pa siya tuluyang maidlip, itinabi niya ang laptop at sumandal na sa sofa. Maya't maya ay inaalog-alog ito ni Lalie, pero hindi na niya pinansin pa. He caught the head of her bodyguards smiling at them, but he made no comment.
Nagising na lamang si Mauro nang biglang napalakas ang pag-alog ng eroplano at sabihin ng piloto na nag-landing na sila sa NAIA. Alerto na rin ang mga gwardiya. Nang tuluyang huminto ang eroplano, alisto ang mga ito para alalayan sila sa pagbaba. Tumayo na rin si Mauro nang ihudyat ng piloto na safe na ngang alisin ang seatbelt. Nilingon niya si Lalie. Tulog pa rin ito at naka-curl position pa sa sofa. Larawan ng kainosentehan ang madrasta. Naisip nga ni Mauro na tila ito'y isang anghel. He smiled at her.
I could look at you forever.
May narinig siyang tumikhim. Napakurap-kurap siya at nagkunwaring nagpapagpag ng dumi sa balikat. Gigisingin niya sana si Lalie but he changed his mind. Inutusan niya na lang ang isa sa mga bodyguards na ito na ang gumising sa babae.
**********
Nagising si Lalie sa isang komosyon. Tila may kaguluhang nangyayari sa paligid. Maya't maya pa'y may putukan siyang narinig. Nalimpungatan siya kung kaya napasigaw siya nang matinis.
"Shhh." May kamay na tumakip sa kanyang bunganga. At hindi na siya nakaupo sa malambot na sofa kundi nakadapa na sa carpeted floor. Tumingala siya para alamin kung nasaan na sila, pero may humawak sa ulo niya para manatili itong nakalapat sa carpet.
"Ano ba ang nangyayari? Saan na tayo?"
Biglang gumalaw ang kinaroonan nila at naramdaman na lamang niya ang tila pag-angat nila sa ere. Naisip niya, kanina bago siya pumikit nasa himpapawid na sila. Ano't parang ngayon pa lamang sila lumilipad? Nananaginip lamang ba siya kanina?
Mayamaya pa, kumilos ang taong dumadagan sa kanya at yumakap sa kanya nang mahigpit. Tila may binubulong ito. Ramdam niya ang mainit nitong hininga sa kanyang leeg.
"Sino ka?" may ngarag sa kanyang tinig, pero nakaramdam siya ng tila kakaibang sensasyon. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, parang na-excite pa siya. Aminin man niya o hindi, tia nagustuhan niya ang paglapat ng matigas nitong katawan sa kanyang likuran. May dulot iyong kakaibang tensyon.
Dahil hindi sumagot ang taong nakadagan sa kanya, inulit niya ang tanong.
"It's Mauro."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top