CHAPTER TWELVE
"O, ba't ganyan na naman ang pagmumukha mo? Daig mo pa ang Biernes Santo!" salubong sa kanya ni Rihanna pagkapasok niya sa parlor nito sa SM Southmall. Sumulyap lang ito sa kanya tapos binalik na agad ang tingin sa ginugupitang matrona.
Naupo si Lalie sa bakanteng upuan sa tabi ng customer ni Rihanna. Lumapit agad ang isang baklang tauhan ni Rihanna at sinabihan siyang may pila. Pinaningkitan ito ni Lalie ng tingin.
"Eksyus me?" mataray na sagot dito. Pinamaywangan pa ang bading.
Sasagot pa sana ang bakla nang umawat na agad si Rihanna. "Okay lang iyan. Kaibigan ko ito."
"Sabihan mo ang baklang iyan kung sino ako! Nakakaimbyerna! Baka sa kanya mahulog ang bendisyon ko!" At pinandilatan pa nito si Rihanna habang kumukumpas-kumpas sa galit. Hapung-hapo si Lalie habang nagsasalita. Daig pa niya ang tumakbo ng kung ilang hundred meter dash.
"Anyare sa iyo, sistah?" pabulong na tanong ni Rihanna. Iniwan pa saglit ang customer para masuyong haplusin sa likuran ang kaibigan.
Na-touch si Lalie sa gesture na iyon at napangawa na lang siya bigla. Nataranta naman si Rihanna. "Hoy, ano ba?"
Hinila si Lalie ng kaibigan sa isang tabi at pinakalma. Wala nang pakiaalam ang babae na pinagtitinginan na siya ng mga parokyano roon. Kiber. Gusto niyang ilabas ang sama ng loob.
"Bumisita ako sa bilibid kanina. Sinabihan ako ng mga pulis na nilipat sina Itay at Kuya Danilo sa maximum na selda."
"Maximum na selda? Ano iyon?"
"Hindi ko rin alam! Pero parang mabigat na parusa iyon! Ramdam ko habang nagpapaliwanag ang warden sa akin. Kinakabahan ako para sa kanila!"
Pinangunutan ng noo si Rihanna at tila napaisip ito. Mayamaya pa'y umilaw ang mga mata nito at napapitik pa ng daliri.
"Ang ibig mo bang sabihin ay maximum security prison cell?"
Si Lalie naman ngayon ang pinangunutan ng noo. Tila may inaalala. Napasigaw ito sa kaibigan na parang timang. "Tumpak! Iyan! Katunog niyan ang sinabi sa akin!"
"Enebe! Sigaw ka nang sigaw, bakla ka. Teka nga, labas tayo saglit. Kainis ka." At hinila siya nito palabas ng parlor. Naglakad-lakad sila sa kahabaan ng basement floor ng Southmall na magkahawak-kamay. "Akala ko ba ay naihanap mo na sila ng mga abogado? Anyare do'n?"
"Naloko nga ang lola mo, di ba? Ilang beses ko nang naikuwento sa iyo iyon."
"Iyong una, oo. Ang pangalawa?"
"Nadenggoy din. Naisip siguro na ang obobs ko kaya penerahan din ako ng swanget na abogadong iyon, pero hindi inasikaso ang kaso nila Itay at Kuya."
"Hay naku. Hindi ba't sinabi ko nang lumapit ka na kay Attorney Zamora? Mas marami iyong koneksyon kaysa nagtitiyaga ka sa kapupunta mag-isa sa mga law firms na iyan. Siyempre, isang tingin lang sa iyo, kuha nila agad na easy money ka. Ang hina talaga ng kukote mo!"
Napasimangot si Lalie kay Rihanna. Natigil din ito sa paglalakad.
"O? I meant well, Eulalia. Alam mo iyan."
"Kaibigan ka ba o laitera?"
Niyakap siya ni Rihanna. "Ikaw naman, oo. Siyempre, bespren." Nagkengkoy-kengkoyan pa ito. Nang hindi pa rin ngumingiti si Lalie, nagseryoso na rin si Rihanna. "Ganito na lang. Sasamahan kita sa Monday at dalawa na tayo ang maghahanap ng mapagkakatiwalaang abogado para sa mga Itay at Kuya mo, okay? H'wag nang malungkot. Pumapanget ka!"
Ngumiti bigla si Lalie, pero siniko niya muna si Rihanna. "Ang katulad ko ay hindi kilala ang salitang panget! 'Lika na at feel kong kulayan ng matingkad na asul ang buhok ko!"
**********
Nagpapaliwanag si Mauro kay Denise tungkol sa gusto niyang design ng living room nila na nais niyang ipabago nang biglang dumating ang madrasta at maarte itong naglakad papunta sa living room. Nang makitang may bisita siyang babae ay nagtaas agad ang kilay nito. Then she glanced at Denise with a curious look. Napatingala si Denise sa tinitingnan niya. Nang makita nito si Lalie ay napasulyap ito sa kanya na tila nagtatanong ang mga mata. Napilitan tuloy si Mauro na ipakilala ang weird niyang madrasta. Kung noong isang linggo ay monochromatic green color ang kulay ng buhok, ngayo'y iisang shade na lang at matingkad na matingkad na kulay asul pa.
Pagkarinig ni Denise sa salitang madrasta, kitang-kita ni Mauro na umilaw ang mga mata nito. Kusa na itong tumayo at hinarap pa si Lalie.
"Hi there! I think we have already met in one of the parties my parents hosted. Remember my dad's birthday party at San Lorenzo Village?"
Akala ni Mauro iisnabin ni Lalie si Denise dahil likas naman itong walang breeding kung kaya namangha siya nang lumapit din ito kay Denise at nakipagkamay pa.
"Oo. Nakita na rin kita noon." At ngumiti pa ang loka-loka.
Pinangunutan ng noo si Mauro. Purong Ingles ang sinabi ni Denise pero mukhang naintindihan ng madrasta. Hindi kaya nagkukunwari lang itong walang alam sa salitang Ingles? Para yatang ginu-good time lang siya ng babaeng ito, ah.
"Where have you been? It's almost ten o'clock," malumanay na sabat naman ni Mauro. Ipinasok niya ang mga kamay sa bulsa ng kanyang denim jeans habang hinaharap ang madrasta.
Nang mapatingin sa kanya ang huli, mukhang nagbago ang ekspresyon nito sa mukha. Kung kanina ay nakangiti ito nang pino kay Denise, ngayo'y nakasimangot na sa kanya. Inulit niya ang tanong.
"Where have you been at this hour?"
"Ayb bin to London to bisit the kwin!" At naiinis na pakembot-kembot itong nagtungo sa hagdan. Nagdabog pa ito. Nakagat ni Mauro ang lower lip. Hindi niya malaman kung maiinis o matutuwa sa kawalan nito ng magandang asal.
Nang out of earshot na si Lalie, napahagikhik si Denise.
"Your stepmom is funny," anito.
"She's not. She's obnoxious."
Bumalik na si Mauro sa inuupuan nito kanina sa mahaba at malaking sofa tapos pinagpatuloy niya ang pagpapaliwanag ng gusto niyang mangyaring pagbabago sa kanilang living room. Mataman namang nakikinig sa kanya ang architect niya. Pero mayamaya ay humawak ito sa kanyang kamay.
"You have a one-track mind, Mauro. Hindi ka pa rin nagbabago. Why don't we take a break for a while and have some wine?"
Ngumiti pa sa kanya nang ubod-tamis ang babae. She leaned towards him so he got a good view of her smooth and enticing cleavage. Biglang lumipad ang isipan niya kung anong cup size nito. For a while ay nag-init ang kanyang katawan. Pero kung gaano iyon kabilis nag-react sa hantarang pagbibigay ng motibo sa kanya ni Denise, ganon din kabilis nagbago. For some reason, naisip niya ang walang modong madrasta. At hindi niya maipaliwanag kung bakit he felt some kind of loyalty. Napasulyap tuloy siya sa hagdan sa hindi kalayuan na para bagang doon naghanap ng kasagutan.
Napatingin siya sa bandang itaas nito nang may marinig na tila kalabog. From the corner of his eye, nakita niya ring napasulyap doon si Denise.
"What was that?"
No'n naman dumating si Mamerta na may dala-dalang apple juice. Nang mailapag ng babae sa isang tabi ng malawak nilang glass center table ang tray ng drinks, inutusan niya itong tsekin kung ano ang kumalabog sa bandang itaas lamang ng hagdan.
"Baka po pusa natin, ser. Teka po, tingnan ko si Mingming sa lungga niya."
**********
Gigil na gigil si Lalie nang sa paglingon niya sa dalawa ay makitang halos magdikit na ang mga mukha nilang nakatunghay sa malapad na papel sa center table. May guhit-guhit na kung ano ang papel na iyon. Kalkalin man niya ang kapiranggot niyang utak, wala siyang maisip na kasagutan doon sa tanong niya kung ano ang pesteng papel na iyon. Mayamaya pa bigla na lang niyang nakitang umunat ang kamay ng haliparot na babae at pumatong sa isang kamay ni Mauro. Tapos tila pinagduldulan pa nito ang suso sa pagmumukha mismo ng kanyang stepson.
"Hoy bruha! Kap B ka lang! Kap B! 'Kala mo naman kalakihan iyang dede mong buset ka!" pabulung-bulong niya habang nakasilip sa dalawa. No'n naman gumalaw ang ulo ng hayop niyang stepson at nang mahulaan niyang titingin sa kinaroroonan ng hagdan ay mabilis pa sa alas kuwatro na napatakbo siya paakyat. Nadulas siya sa pinakahuling baitang at nasubsob sa sahig.
"Dapak!" galit niyang mura sa mahinang tinig.
Dahil sa pagmamadaling bumangon, nawalan na naman siya ng timbang at natumba una ang pang-upo. Sa galit ay nahubad niya ang sapatos ni Christian Louboutin at hinagis sa pasilyo. Saktong bumagsak ito sa harapan lang din ng kanyang silid.
Nang maramdamang may pumanhik sa itaas, dali-dali na siyang gumapang papunta sa silid. Hindi na siya nakapag-isip pang tumayo sa pag-aakalang iyon ay ang kanyang hinayupak na stepson.
"Ma'am Lalie? Anyare po sa inyo?"
Pagkarinig sa boses ni Mamerta, nabunutan siya ng tinik. Natigil siya sa paggapang at napaupo sa sahig. Hindi niya napigilan ang sariling magbuntong-hininga.
"Nawawala ang mga hikaw ko!" pagsisinungaling niya. "Hindi ko sila makita. Suut-suot ko lang ang mga iyon kanina, eh. Tulungan mo nga ako. Baka kung nalaglag ko lamang dito sa pasilyo."
Narinig niyang napabungisngis si Mamerta. "Ma'am Lalie naman. Magkaedad lang po tayo, di ho ba? Bakit nag-uulyanin na kayo? Hayan ang mga hikaw n'yong hugis lampara! Suot-suot n'yo pa!"
Hinipo ni Lalie ang mga hikaw at napaismid siya sa katulong. Tingin niya naghihinala na ang loka-lokang ito. Tumayo na lang siya at walang lingon-likod na iniwan ito sa gitna ng pasilyo. Para pagtakpan ang pagkapahiya, nilingon niya ito at inutusan.
"Dalhan mo ako ng mainit na gatas. Dali!"
"Opo, ma'am." At mabilis itong tumalilis.
**********
Sinundan niya ang taxi na sinakyan ng kanyang madrasta. He didn't feel good stalking her stepmom, pero palagay niya ngayon niya malalaman ang buong detalye kung bakit naghahanap ito ng abogado. May pakiramdam siyang dadalhin nito sa korte at iko-contest ang clause sa last will and testament ng dad niya. Hindi pwede. Dapat mapaghandaan niya iyon. If ever totoo ng kutob niya ay maghahanap na rin siya ng magaling na abogado na maaaring magtanggol ng karapatan niya bilang isang legal na tagapagmana ng ari-arian ng kanyang ama pati na rin iyong inatas sa kanyang tungkulin na kontrolin ang finances ng gastador niyang madrasta.
Nangunot ang noo ni Mauro nang makitang papunta sa bilibid ang sinasakyang taxi ni Lalie.
"What the hell is going on?"
Nang tuluy-tuloy nang pumasok sa loob ng bilibid ang taxi ay kinabahan na si Mauro. Kaagad niyang tinawagan ang ninong niyang warden ng jail doon. Sinabi niya rito na bibisita siya. Nagulat ang kanyang ninong pero natuwa rin sa biglaan niyang pagdalaw.
He put on his dark glasses bago niya pinasok ang sasakyan sa loob ng bakuran ng bilibid. Dahil kakilala niya ang warden doon, sinalubong siya ng dalawang gwardya. Hinihintay na raw siya ng ninong niya sa opisina nito.
Pinalayo niya muna nang kaunti ang madrasta bago rin sumunod dito. Mayamaya pa'y lumabas ang warden at ito mismo ang sumalubong sa kanya sa bukana ng gusali. Malugod siyang tinanggap nito at dinala agad sa opisina. Hindi na siya nagsinungaling pa rito. Deretsahan niyang tinanong kung alam nitong nandoon nang mga sandaling iyon ang kanyang madrasta.
"Ang batang-bata na asawa ng iyong ama?"
Napakamot siya ng ulo sa tanong nito. Tiningnan niya ang mukha ng matanda at mukhang wala naman itong gustong ipahiwatig kaya hindi na lamang niya pinansin ang unnecessary comment na iyon.
"Eulalia po ang kanyang pangalan."
"May binibisita nga iyan dito."
Bago pa ito makapagpaliwanag ay may narinig silang komosyon sa labas. Dali-dali silang lumabas ng opisina para alamin kung ano iyon. Nagmula sa silid kung saan nagtatagpo ang mga preso at mga bisita nila. Mula sa mga sinisigaw ng mga gwardya na humahangos papunta roon para tulungan ang kanilang mga kasamhang natoka roon, napag-alaman ni Mauro na may nagwala na preso.
"Stay right here, iho. Ako na lang ang pupunta roon."
Tumangu-tango si Mauro, pero nang makalayo nang kaunti ang warden, sumunod na rin siya rito. Nasa pintuan pa lang ng visitor's area, nakita niya agad ang kaguluhang sinasabi ng mga ito. May isang lalaki roon na halos ay naghuhuramentado. Pinagsisipa nito ang mga upuan at tinatapon ang tingin niya'y mga pagkaing dala ng kanyang madrasta.
Aminado si Mauro na may naramdamang kung ano nang makita ang lalaking nagwawala na maluha-luhang pinapakiusapan ng kanyang madrasta. Kung hindi lang ito preso, masasabi niyang may laban ito sa kanya kung mukha at pangangatawan ang pag-uusapan. Matangkad ito sa karaniwan at ang morenong kulay ay halatang natural. Kung ito ang umuubos sa perang binibigay ng kanyang ama sa madrasta, may rason nga ang huli na mahumaling dito. Kaso preso? Bakit sa lahat ng lalaking pwedeng gawing boyfriend, bakit isang taga-bilibid pa ang napili ng babaeng ito? Ganito na ba ito ka walang taste? Napakuyom ang mga palad ni Mauro. Galit siya sa hindi maipaliwanang na dahilan.
"Umalis ka rito! Lumayo ka sa amin ngayon din! Hindi namin kailangan ang pera at pagkaing kinuha mo sa pagpuputa!"
Nalito si Mauro sa narinig.
"Warden! Ibalik n'yo kami sa maximum security prison!" sigaw pa ng lalaki pagkakita sa ninong niya.
"Calm down, Danilo."
Danilo.
Humagulgol si Lalie. Natukso naman si Mauro na lapitan ang madrasta na ngayo'y pinagtitinginan na ng lahat ng mga nandoon. Gusto sana niyang aluin ito at ipagtanggol sa lalaking tila umaalipusta sa kanya kaso bigla na lang itong pumihit na parang tatakbo palabas ng silid na iyon. Nang masigurong iyon nga ang gagawin ng babae, dali-dali na rin siyang lumayo roon at lumabas ng bilibid. Sa isipan niya kailangang hindi makita ni Lalie ang kanyang Strada sa lugar na iyon. Baka maghinala itong sinundan niya. Mahirap na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top