CHAPTER THREE

Matapos mailibing si Don Fernando, hindi umuwi sa mansion si Mauro ng kung ilang araw. Ang binigay na rason ni Attorney Zamora kay Lalie ay kinailangan nitong mapag-isa muna habang nagdadalamhati na ikinataas naman ng kilay ng babae.

"Sa laki ng bahay na ito, maaari niyang gawin iyon dito kung gusto niya. Iyang sa liff weng ay walang nagamit. Gusto niya palang mapag-isa, eh di do'n siya sa liff."

"I'm sorry, what? Liff?" Nalito ang abogado. It took him a few seconds to understand what Lalie meant. Mukhang naintindihan na nito dahil bigla na lamang tumawa nang malakas. Nang makita ang pagtataka sa mga mata ni Lalie, bigla itong natigil sabay buntong-hininga. "Iyan nga rin ang sinabi ko sa batang iyon. Para hindi kayo magbanggaan dito, 'kako'y magkasundo kayong hatiin ang mansion na ito. Sa iyo ang right wing at sa kanya naman ang left wing."

Left wing, naisip ni Lalie. Iyon pala iyon? Buset! Ang bobo ko!

"Ang sabihin n'yo, Atorni, ang arte kamo ng lalaking iyon!" sagot ni Lalie. Hindi na binigyang-pansin ang pag-correct ng abogado sa kanyang sinabi. "Baka mamaya niyan ay may binabalak palang masama sa akin ang hudas na iyon. Hindi n'yo ho naitatanong, may nag-tip po sa aking pulis. Pinapaimbestigahang muli ng hinayupak na lalaking iyon ang pagkamatay ng kanyang ama. Hindi niya matanggap na wala akong kinalaman sa lahat!" Napahalukipkip si Lalie habang naka-pout nang isumbong iyon sa abogado.

Pinangunutan ng noo si Attorney Zamora. Hindi agad ito nakapagsalita. Tila bagang pinroseso pa muna ang mga sinabi ng kaharap. Mukhang hindi kasi nito ma-connect na ang Mauro na ubod ng bait at magalang sa matatanda ay the same Mauro na tinutukoy ni Lalie na gumagawa ng sneaky ways para 'maiganti' ang ama.

"Sigurado ka?"

Itinirik ni Lalie ang mga mata. "Siguradong-sigurado, Atorni. Hindi maaaring magsinungaling sa akin ang ka-tropa kong pulis."

"Salamat sa impormasyon, iha. 'Yaan mo't kakausapin ko."

"Ay, naku, h'wag, Atorni! Baka isipin niyang sinabi ko sa inyo at baka may gawin siya sa aking masama. Wala pa naman akong kakampi sa pamamahay na ito."

"Paanong walang kakampi? Hindi ba't ikaw ang nag-hire sa mga bagong katulong? Natural na sa iyo ang simpatiya ng mga iyon."

"Haist, Atorni! Malalandi ang mga shungang iyon! Buset sila! Lahat sila kinikilig sa hinayupak na lalaking iyon! Paano ko sila magiging kakampi?" Itinirik pa ni Lalie ang mga mata.

Bigla na namang natawa ang abogado. "Bueno. Sige. Makakaasa kang hindi malalaman ni Mauro ang tungkol dito sa sinabi mo. Ako na lang ang gagawa ng paraan na makumbinse siyang h'wag nang uriratin pa ang tungkol sa pagkamatay ng ama dahil na-rule out nang wala iyong foul play. O, siya, mauuna na ako, ha? Don't worry about the TV and radio reporters. Naibilin ko na sa mga gwardiyang maging alisto. Bawal ang magpapasok ng kahit sino nang wala tayong pahintulot."

Napatangu-tango si Lalie saka tahimik na sinamahan palabas ang butihing abogado.

Nang mga panahong iyon, ang hinahanap nilang binata ay prenteng nagpapahinga sa isang beach resort sa Batangas. Dalawang bagay ang pinunta roon ni Mauro. Una sa lahat, gusto niyang makita ang isa sa mga pinagkagastahan ng kanyang ama nang ito'y nabubuhay pa. Ang beach na pinuntahan niya ay ang latest project ng papa niya na mariin nilang pinagtalunan. Ayaw kasi sana niyang ma-stress pa ang matanda sa isang panibagong negosyo dahil pinag-iingat ng doktor sa kanyang kalusugan. Minsan na kasi itong na-stroke. Subalit, wala rin siyang nagawa dahil naging mapilit ang ama. Kaya heto at natuloy ang proyekto.

"This is the latest income statement, sir. Pero kung gusto n'yo ng last three years, nandito lang po sila sa folder na ito," anang chief accountant ng resort

Natigil sa pagsipsip sa piña collada niya si Mauro at napatingin sa folder na nilapag ng accountant sa counter. Nasa bar siya no'n at kausap ang manager. Hindi naman iyon pormal na meeting. Nakikipagkuwentuhan lang siya rito tulad ng isang guest sa isang tagapamahala ng resort. Nagsabi na siya sa mga taga-roon na hindi niya gagambalain ang routine ng mga ito kung kaya h'wag silang kabahan. Titingin-tingin lang siya sa paligid to feel the ambience.

Nang makita ni Mauro na nakatayo pa rin sa kanyang gilid ang accountant na parang naghihintay ng kanyang tanong habang binubuklat-buklat niya ang binigay nitong mga dokumento, sinenyasan na niya ito na umalis na at ipapatawag na lang niya kung mayroon siyang mga tanong. "Thank you, Neneth," sabi pa niya para makaalis na rin ito nang tuluyan.

Mayamaya pa'y iniwan na rin ng binata ang kausap na manager para magtungo sa tinutuluyang silid na kaharap ng dagat. Hindi ito ang pinakamahal na suite ng kanilang hotel sa resort subalit iyon ang kanyang pinili. Komportable rin naman at maganda ang tanawin mula sa balkonahe nito. Gusto niyang ipabatid sa lahat na hindi siya pihikan at maarteng amo na nagnanais ng pinakamagandang amenities mula sa pag-aari nilang resort. Dahil doon, mabilis na kumalat sa kanilang mga empleyado na hindi lang daw guwapo at simpatiko ang anak ni Don Fernando, down to earth pa raw. Nagustuhan niya ang mga narinig na papuri sa kanya. Sa loob-loob niya'y hindi siya mahihirapan para magtanung-tanong sa mga ito tungkol sa babaeng napangasawa ng ama na doon daw napulot ng matanda.

Nang maalala ni Mauro si Lalie, sumulak na naman ang dugo sa kanyang ulo lalo na nang makita sa lumang record ng resort kung kailan ito ipinanganak. Mas matanda pa siya ng mga tatlong taon!

Napailing-iling si Mauro. Paanong nagawa ng isang kagaya ng babaeng iyon na pumatol sa isang matanda? Halos kabe-beinte dos pa lamang ng Lalie na iyon nang makilala ang sitenta anyos niyang ama tatlong taon na ang nakararaan. Kung pera ang habol, maaari rin naman itong kitain kung gugustuhin talaga ng babae. Though he hate to admit it, she's got the looks. Hindi lang isang ordinaryong babae si Lalie. Nakaaangat siya sa lahat. Bukod sa matangkad at may makinis na kayumangging balat, maganda pa. Agaw-pansin din ang tuwid na tuwid nitong lampas-balikat na buhok. Kung pagmo-modelo ang gusto nitong pasuking larangan, puwedeng-puwede dahil may height. Tantiya niya'y nasa limang talampakan at pitong pulgada ito dahil nang magtakong ng mga apat na pulgada's kaunti na lang ang tinangkad niya rito gayong nasa anim na talampakan at dalawang pulgada siya. Dahil sa ganda ng buhok, maaari rin itong maging modelo ng shampoo. Kaya bakit kinailangan nitong magpakababa at pumatol sa isang matanda?

Napaismid si Mauro nang maisip ang dahilan.

Tamad! She just wanted an easy way out of poverty! Palibhasa, bobo!

Natawa siya nang maalala ang mga pinagsasabi nito noong mga nakaraang araw. Saka ang mga misunderstanding nila sa tuwing nagsasalita siya ng Ingles. Kahit kasi simpleng, "how do you do?" ay hindi ito nakakaintindi. Hay.

Natigil ang pagmumuni-muni niya nang makarinig ng tunog ng buzzer. Nang tingnan niya ito sa monitor malapit sa pintuan, nakita niya ang isang babaeng naka-uniporme ng pang-Inner Glow Spa nila. Pinindot lamang niya ang isang button sa monitor at tinanong ang nasa pintuan.

"Yes?"

"Sir, Mr. Ignacio sent me here. Baka raw gusto n'yo ng masahe?"

"No. Thank you, though." And he left the door.

**********

"Grabe, bakla, ang sosyal na ng taste mo!" kilig na kilig na tili ni Rihanna, ang kaibigang bakla ni Lalie habang umiikot sila sa isang high end shop ng mga kung anek-anek sa Makati. Ito ang tagadala ng mga pinagtuturo ng babae.

"Well, ibahin mo ako, mader. Sinabi ko sa iyo noon, I'll dreem to live." At humalakhak itong parang timang. Napanganga naman sa sinabi niya si Rihanna. Nalito pa ang huli.

"Ano? Ano'ng dream to live ka riyan! Bruha!" Humalakhak na rin ito at dali-daling bumuntot sa kaibigang walang humpay sa pagtuturo ng LV, Chanel, at Gucci bags sa estante. Tuwang-tuwa naman ang sales girl na nag-aassist sa kanila.

"Dzai, okay ka lang dito? Itong LV bag mo palang ay nasa one hundred thousand pesos plus na. Idagdag pa iyang chanel purse mo at ninety-five thousand plus your Gucci at---"

Natigil sa pagkukuwenta ang bakla nang ilagay ni Lalie ang hintuturo nito sa bibig. "Sshh. Nakakawalang gana ka namang kasama mag-shopping."

"Eh kasi naman! Dati namamahalan ka na sa Secosana." At humalakhak ito. Nahawa na rin si Lalie.

"H'wag mo nang ipaalala ang aking foor days."

"Ano? Baka poor days?" nakangising sagot ng bakla.

"Gusto mo bang isoli ko ang Gucci sling bag na iyan? Sige, isoli natin! Total naman regalo ko lang naman sana sa iyo iyan!"

"Hoy, girl, h'wag kang ganyan! Niloloko-loko lang kita. Ikaw naman, ang dali mong magtampo."

Inirapan ito ni Lalie saka nauna na sa cashier. Nakabuntot sa kanila ang sales girl na tila tuwang-tuwa dahil ang daming nabentang high-end bags sa kanila. Makikita sa mukha nitong tila nagkukuwenta na ng komisyon. Halos nagkakahalaga kasi ng isang milyon ang mga hinakot ng dalawa na tila bagang no'n lang nakapunta sa ganoong klaseng tindahan kung kaya takot maubusan.

"It's nine hundred ninety-eight thousand pesos, ma'am," nakangiting sabi ng cashier kay Lalie. Pagkarinig sa halagang iyon, nagbirong hinimatay si Rihanna sabay sign of the cross.

Proud namang humugot ng black card sa Hermes purse niya si Lalie. Nakangiti pa ito nang iabot iyon sa cashier. Malugod naman itong tinanggap ng huli at ini-swipe sa kanilang card machine. Mayamaya nang kaunti, makikitang pinangunutan ng noo ang kahera.

"Ma'am? May---may iba pa po ba kayong ---card?"

Nalito sa narinig si Lalie. "Akala ko ba pwede ang card dito?" sagot niya agad. Tinuro pa ang sales girl na nag-assist sa kanila na ito raw ang nagsabi kanina.

Tumangu-tango ang kahera at ang sales girl. "Yes po," nahihiyang sabi ng kahera. "Kaso---ano po---declined po ang card n'yo," bulong pa nito.

Napanganga si Lalie sa narinig. Hindi siya maalam sa Ingles pero alam na alam niya ang salitang 'declined' dahil dati na siyang nagtrabaho sa isang resort. Tsini-tsismis nilang mga masahista ng Inner Glow Spa roon ang mga socialites na kung umasta ay kung sisino tapos kapag bayaran na ng bills ay declined naman pala ang mga credit cards.

"Lalie, declined daw ang card mo," nahihiyang bulong din ni Rihanna sa kaibigan. Pasimple pa itong napatingin-tingin sa paligid na para bagang sinisino ang nasa hearing distance.

"Narinig ko!" mataray na sagot ni Lalie. Nagpa-panic na ito sa loob-loob niya dahil may kung ilang tao nang nasa likuran nila at pumipila sa cashier na iyon.

Huminga siya nang malalim saka humugot ng dalawa pang cards. Ang mga ito ay may kalahating milyong credit limit lang kada isa. Nakangiti niya uling inabot ang mga iyon sa kahera. Gayunman, sa loob-loob niya'y nandoon na ang takot. May kutob na kasi siya kung ano ang nangyayari. Nang sabihin na naman ng kahera na declined ang dalawang cards, napamura na siya ng malutong na P.I. Napamulagat ang babae pati na ang mga nasa malapit.

Bago pa man maka-react ang sales girl na pakwelang nag-assist sa kanila kanina, hinatak na ni Lalie palabas ng tindahang iyon ang kaibigang bakla.

"Miss, paano ang mga ito?" habol ng sales girl sa kanila. Itinuro ang mga pinaghahakot nilang naka-bag na sana sa counter. Maiyak-iyak ito.

Hindi na sumagot pa si Lalie at Rihanna. Ni hindi na sila lumingon dahil sa matinding hiya.

**********

PAAHON sa swimming pool ng mansion si Mauro nang dumating ang galit na galit na si Lalie. Nagmumura ito sa harapan niya at dinuduru-duro pa siya. Sa bilis ng mga pinagsasabi nito'y wala siyang naintindihan.

"Calm down, what's going on?"

"Sir, pinipigilan ko rin sana si Ma'am, pero---" anang nakabuntot na katulong. Mukhang nag-aalala ito kung kaya sinenyasan na niyang iwan sila nito.

"Magsabi ka nga nang totoo, lalaki ka! Sino ang nagsabi sa iyong putulin ang mga cards ko?!"

No'n lang lubos na naunawaan ni Mauro ang lahat. Mabilis na bumalik sa kanyang alaala ang pangyayari noong isang araw nang bisitahin niya ang kanilang bangko sa Makati. Ito ang nag-issue ng tatlong cards ng madrasta. Ang isa ay isang centurion card na walang credit limit, at ang dalawa'y may tag-kalahating milyong limitations. Nang mapag-alaman niya kung gaano ka lakas gumastos kada buwan ang babae'y kaagad niyang minanduan ang manager ng bangko na kanselahin agad-agad ang mga iyon. Kahapon pa nga niya inaasahan ang pagsugod nito. Ngayon lang pala lumabas at nag-shopping. How he wished he saw how she reacted when her card was declined. Buti nga rito. Hindi sanay gumastos, pero nang magkapera'y ang galing lumustay. Kulang tatlong milyon ang nagagastos nito kada buwan.

"Yes. I have your cards cancelled," pag-amin niya. Nang maalala na hindi nga pala ito nakakaintindi ng purong Ingles, Tinagalog niya iyon habang prenteng-prenteng nagpupunas ng basang dibdib. Hindi niya napaghandaan ang reaksiyon ni Lalie sa sinabi niya. Tinulak siya nito kung kaya nahulog siya agad sa pool with a huge splash. Awtomatiko ang naging reaksiyon niya. Hinila niya ang madrasta sa paa at nahulog din ito sa pool. Nagkumahog itong parang aso. Hindi naiwasan ni Mauro ang matawa sa paraan ng paglangoy nito. Ni wala man lang ka-poise-poise, naisip pa niya.

"Hayop ka! Tarantado ka!"

Nang makita niyang halos ay malunud-lunod ito sa kakakawag, nilapitan na niya at dinala sa tabi. Tinulungan na rin ito sa pag-akyat sa gilid.

"Nagsinungaling ang ama mo sa akin! Ang sabi niya ang bait-bait mo! Hindi ka lang pala walang modo, mamamatay-tao ka na rin!"

"What?" Natawa siya sa exaggeration nito. "Kung nais kitang patayin, hindi na sana kita inahon sa pool. You deserved what you got for pushing me there."

Nanginginig pa rin sa galit si Lalie. Tumayo ito at nagpatuloy sa pagduru-duro sa kanya.

Dahil nabasa ang kulay krema nitong above-the-knee skirt at ang kulay puting blusa, naaninag niya ang kulay itim nitong bikini panties at ganoon ding kulay na bra. Napalunok siya nang kung ilang beses sa nakita. Si Lalie naman ay mukhang clueless sa naging reaksiyon niya. Sige ito sa kamumura sa kanya. She was still shaking in anger. Huli na nang ma-realize nitong may epekto sa kanya ang naaaninag nitong kabuuan.

"Bastos! Manyak!" sigaw na ni Lalie nang mapagtantong nag-init siya sa nakita. Pagkasabi niyon ay dali-daling tumakbo papasok ng mansion ang babae.

Bago pa tumalikod si Lalie, nakita ni Mauro ang maumbok na pisngi ng pang-upo nito dahil ang suot na undies ay isang black thong lamang. Lalong nanuyo ang kanyang lalamunan nang ma-imagine pa ang hitsura ng mga ito kung tuluyang wala nang sapin. Bago pa tuluy-tuloy na umigkas si Manoy ay napa-dive na siyang muli sa tubig.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top