CHAPTER THIRTEEN

"Lalie, naka-dalawang Red Horse ka na. Awat na." At inagaw ni Rihanna sa kamya ni Lalie ang pangatlong boteng kabubukas lang ng huli. Nasa apartment sila ng bakla sa Pilar Village sa Las Pinas nang gabing iyon. Doon dumeretso si Lalie matapos ang engkwentro nila ng Kuya Danilo niya sa Bilibid.

"Ano ba! Hindi pa ako lashing! Akin na nga iyan!" Marahas na inagaw ni Lalie sa kamay ng kaibigan ang bote ng pangatlo niyang Red Horse na 500 ML.

Napabuga na lamang ng hangin si Rihanna at walang imik na naupong muli sa sofa sa tabi ng kaibigan.

"Sabi mo mag-moob on ako at kalimutan ko ang pamilya kong wala nang binigay sa akin nitong huli kundi puro sama ng loob! Ang titigas ng puso nila! Grabe! Ba't gano'n sila?"

"You wouldn't like what I will say to you. H'wag mo na akong tanungin," pagtataray ng bakla.

"Pero hindi ko kaya! Hindi ko kaya!" At humagulgol si Lalie. Nataranta naman si Rihanna.

"Hoy, ano ba? Ang usapan, inuman lang, walang iyakan!"

"Hindi ko makalimutan ang ginawa ni Inay noong grade por ako. Para lang mayroon akong maisuot na bagong damit para sa Miss UN, nagbenta siya ng dugo! Kitang-kita ko ang isang supot ng dugo na nagmula sa mga braso niya! Hinimatay siya pagkatapos. Grabe ang takot ko noon. Akala ko'y namatay na si Inay!" Lalong nagpalahaw ng iyak si Lalie. Napailing-iling na lang sa kanya si Rihanna.

Tumungga muna si Lalie sa hawak niyang Red Horse bago nagpatuloy. "Si Itay naman---," tungga ulit, "alam mo ba na iisa na lang ang kidney no'n? Binenta niya rin para makapag-aral ako sa praybet skul. Gusto nila Nanay at Tatay na mabigyan ako ng mas maayos na edukasyon dahil nag-iisa nila akong prinsesa! Hindi bale nang walang gamit at hindi muna makapag-aral ang mga kuya ko basta ako'y may sapat na pangangailangan! Pero anong isinukli ko? Sinuway ko sila! Hindi ako pumasok sa iskul kahit na iginapang nila ang tuition ko. Niloko ko sila! At imbes na mag-aral, mas pinili kong mamasukan bilang waitress sa resort at magpakasal sa isang matandang mayaman na mas matanda pa sa tatay ko kahit na mahigpit na tinutulan ng buo kong pamilya. Ang nais ko lang naman kasi, masuklian ang mga sakripisyo nila para sa akin! Masama na ba akong anak dahil doon? Sumagot kang bakla ka! Masama na ba akong anak no'n?"

Napabuntong-hininga si Rihanna. "Hindi. Isa kang ulirang anak kaya itigil mo na iyang pag-inom mo." Nang kunin ni Rihanna sa kamay ni Lalie ang bote ng Red Horse, hindi na ito pumalag. Sa halip ay napasubsob na lamang ang babae sa kandungan ng kaibigan. Mayamaya pa, maririnig na ang tila panatag na paghinga ni Lalie. Tulog na siya.

**********

Nakailang tingin na sa wall clock sa living room si Mauro, pero wala pa rin ni anino ng kanyang madrasta. Nag-aalala na siya. Kahit kasi kung saan-saan ito nagpupunta ay umuuwi naman bago mag-alas dies ngunit ngayo'y magha-hatinggabi na. May kinalaman kaya ang mga lakad nito sa Danilong iyon?

Tumunog ang kanyang cell phone. Si Attorney Zamora. He was disappointed. Inakala niya na ang palengkera na niyang madrasta iyon. When he realized what he felt, he reprimanded himself secretly before answering the call.

"Iho. Pasensya na at ngayon lang ako naka-return call. Narinig mo na ba ang balita?"

"I don't watch news on TV, Attorney. Alam mo iyan."

"Ang Ninong Robert mo na Warden ng Bilibid, missing. Ayon sa isang reliable source, he was last scene at Max's Restaurant in SM Molino. Sa ngayon ay wala pang makakapagsabi kung ano ang nangyari sa kanya. Kung may kinalaman ba ito sa bigtime drug lords na nakapiit ngayon sa kulungan niya o doon sa milyonaryong convicted serial killer."

Napaawang ang mga labi niya sa gulat. Ang ibig sabihin lang no'n hindi na nito masasagot ang katanungan niya tungkol sa kung sino ang binibista ni Lalie sa Bilibid. He should have asked him right away this morning. Kung bakit, nag-hesitate pa siya.

Mauro cleared his throat. "May magagawa ba tayo tungkol dito, Attorney?"

"Naisangguni ko na nga rin ang problemang ito sa Ninong Fernando mo."

"Fernando who?"
"Don Fernando Ferreira. At ang sabi niya sa akin babalaan kita na h'wag mag-attempt na manghimasok dito dahil hindi natin kilala ang culprit. Kung dinukot ng mga masasamang-loob ang Ninong Robert mo at malaman na you are trying to help find him, baka madawit ka raw, iho."

Pinangunutan siya ng noo. Madadawit agad porke tutulong lang siya para matunton ang Ninong niya? Napaka-unsafe naman pala ng Pilipinas kung ganoon. Kakaiba sa Pilipinas na nilisan niya five years ago.

"Let's just say, you need---we need to be careful."

"Kung ganoon ho pala at hindi ko na mahingan ng tulong si Ninong, baka kayo ay may alam tungkol dito. Sino ho ang binibista ni Lalie sa Bilibid?"

Nagkaroon ng katahimikan sa kabilang linya. Siguro mga ilang segundo pa ang lumipas bago nakasagot si Attorney Zamora. Mukhang nagulat ito.

"May binibisita 'kamo sa Bilibid si Lalie?"

"Yes, Attoney. I've seen it with my own eyes. Danilo ang pangalan ng lalaki."

"Walang nabanggit ang dad mo sa akin noong nabubuhay pa ito. I have no idea. Hindi rin nagsasabi sa akin ang madrasta mo. Do you want me to ask her about it?"

"Hell no! Of course not, Attorney!"

Narinig niyang tila napabungisngis ito sa kabilang linya. May kutob si Mauro na parang may kung anong gustong ipahiwatig sa kanya ang abogado. Bago pa dumating sa puntong iyon, iniba na niya ang usapan. Tinanong niya ito tungkol sa kung ano ang magagawa nila sa napakalaking monthly allowance ng madrasta.

Isang malalim na buntong-hininga ang sinagot nI Attorney Zamora. He didn't seem to like the idea he was suggesting.

"Mauro, iho, you've always known that my loyalty is with you. Pero sa kasong ito, patawarin mo ako kung mas pipiliin kong i-honor ang kagustuhan ng iyong ama. I'm sure may rason siya kung bakit niya binibigyan ng ganoon ka laking halaga si Lalie. Let's just accept it wholeheartedly, okay? Bueno. Gabi na at ang aking asawa ay kanina pa pabalik-balik dito sa sala. Alam mo namang hindi iyan makakatulog hangga't hindi ako pumapanhik sa silid namin. Bukas na lang natin ito ipagpatuloy kung gusto mo pang pag-usapan pa, okay? Good night."

Saktong kakababa niya ng phone nang bumukas ang front door. Si Aurora, isa sa mga katulong ang nagbukas niyon.

"Oy, Ma'am Lalie!" ang reaksyon nito agad. Gulat na gulat.

Paglingon ni Mauro nakita niya ang katulong na halos ay matutumba na sa kakasuporta sa lasing na lasing na madrasta. Halos hindi na nito maibuka ang mga mata habang nakayakap kay Aurora. There is no denying she's wasted, but she still manage to look phenomenal. Pinilig-pilig niya ang ulo nang ma-realize kung ano ang iniisip.

"Ser! Ser!" tungayaw ni Aurora. Hindi na nga kaya ang pag-alalay kay Lalie. Ilang segundo na lang at mabubuwal na ito.

Pagkalapit niya, basta na lang binigay ng katulong sa kanya ang madrasta. Nagulat si Mauro pero mabilis nang nakatalilis si Aurora. Napilitan siyang alalayan si Lalie. Napangiwi siya nang maamoy ang cheap na alak sa hininga ng babae.

"What the hell was that!" Kinusut-kusot niya ang ilong.

"Hmmm," ungol ni Lalie. Hahawakan lang sana niya ito sa braso at susuportahan sa pagtayo pero bigla itong yumakap sa kanya at nilingkis pa ang mga braso sa kanyang leeg. "Mmmm, ba---bango ahhh."

Inasiman ito ni Mauro ng tingin at pilit sanang inaalis sa leeg ang mga braso subalit lalo lamang nitong sinisiksik ang ulo sa kanyang dibdib.

"Hina—hinahantokkk a—akoh!" At tuluyan na nitong binagsak sa kanyang katawan ang buong bigat.

"Lalie! Hey! Ano ba!"

Nakaramdam ng pag-init ng katawan si Mauro nang magkiskis ang kanilang mga balat. And he felt guitly because he shouldn't feel this way. He has to control himself.

Dahil mukhang hindi na makakalakad mag-isa si Lalie paakyat sa kuwarto nito, walang nagawa si Mauro kundi pangkuin na lang ito at iakyat sa silid. Nakasalubong niya si Mamerta na pababa naman ng hagdan. Nagmula ito sa isa sa mga silid doon. Pinalinis niya kasi ang guest room just in case kailangang mag-overnight doon ni Denise habang pinagpaplanuhan nila ang renovations ng bahay.

Pagkakita sa kanila ng katulong, tumikhim-tikhim ito.

"Ehem, Ser. Hindi tao, hindi hayop, ano po iyon?"

"What?" nalilito niyang pakli.

"Eh di bagay!" At humagikhik ito.

Lalong nalito si Mauro sa pinagsasabi ni Mamerta. Nang maunawaan kung ano ang nais nitong ipahiwatig, inasiman niya ito ng mukha.

"Don't be ridiculous, Mamerta! I am just doing her a favor because she cannot walk. She's too wasted! Tumabi ka nga riyan! Dapat nga tumutulong ka pa eh."

"Ser, sa laki ng katawan ninyo at sexy ni Ma'am Lalie tsiken lang po iyang pagbubuhat ninyo sa kanya. If I know, ser, kilig-kilig din po kayo riyan, eh."

Naeskandalo si Mauro sa pinagsasabi ni Mamerta.

"What the fvck are you talking about?"

"Eh di dapak!" At napabungisngis ito lalo.

Natigil lamang sila sa walang kuwentang pag-uusap nang bigla na lang nagsuka si Lalie. Kung bakit sa pagduwal nito'y humarap pa sa kanya at nilabas ang lahat ng laman ng sikmura sa bandang dibdib ng suot niyang signature white polo shirt.

"Ay, Ma'am Lalie! Ba't kayo ganyan!" Nawala na ang himig-pagbibiro ni Mamerta. Napalitan na ito ng gulat at later on ay pag-aalala. "Naku, ser! Baka magmantsa sa puti n'yong polo shirt iyang suka ni Ma'am Lalie. Ikukuha ko po kayo ng basahan."

Bago pa maka-react si Mauro na ngayo'y basang-basa na sa suka, mabilis na nakababa na ng hagdan si Mamerta. Wala siyang nagawa kundi ituloy ang pagbubuhat sa madrasta hanggang sa silid nito. Hindi na lang niya iniisip masyado ang maasim na amoy ng nilabas nito sa kanyang dibdib.

Maingat niyang inihiga sa kama ang babae. Napaungol na naman ito at itinaas ang isang paa.

"No! Oh no!" At mabilis niyang pinigilan si Lalie na maisagawa iyon. Natakot siya dahil naka-casual denim shorts lang ito na medyo maluwang. Umabot lang iyon hanggang kalagitnaan ng hita. Delikado.

Napigilan niya ang unang pagtatangka ni Lalie pero ang sumunod ay hindi. At nasilipan niya ito nang hindi sinasadya. Kulay itim na lacy panties ang suot nitong panloob. The moment he caught a glimpse of her undies, nag-apoy sa init ang kanyang katawan. Pero bago pa may kung ano siyang maisip ay dali-dali na niyang tinungo ang pintuan.

Halos magkabulagaan sila ni Mamerta at Aurora. May dala-dalang palanggana ng maligamgam na tubig at malinis na bimpo ang dalawa.

"O, siya kayo na ang bahala sa Ma'am Lalie n'yo. Maliligo muna ako."

Napangiiwi ang dalawa nang makita ang basa sa sukang polo shirt niya. They even wrinkled their noses as if to tell him na ganoon ka baho ang suka ni Lalie.

Pinangunutan niya lamang ng noo ang dalawa at lumabas na ng kuwarto. Strange. Ni hindi siya nakaramdaman ng pandidiri sa suka ng madrasta. Kailangan na nga niya ng cold shower.

**********

Pagbiling ni Lalie, napakapkap siya sa higaan pati na sa malambot na unang pinapatungan ng ulo. Iginala niya ang tingin sa paligid at nabatid niyang nasa pamilyar na silid na siya sa mansion ng mga dela Paz sa Southvale Ayala na nasa Las Pinas side. Ang huli niyang natatandaan ay nag-uusap sila ni Rihanna at pumayag itong makipag-inuman sa kanya. Ang sama-sama kasi ng kanyang loob na matapos gawan ng paraan na maibalik sa regular prison cell ang Kuya Danilo niya pati na ang kanyang Itay, ni hindi man lamang nila nagawang ipagpasalamat iyon. Bagkus, nagalit pa sila pareho at kulang na lang ay saktan siya ng kapatid sa pag-aakalang isinanla niya ang dignidad bumaba lamang ang kaso nilang dalawa.

"Kailan n'yo ba ako mapapatawad? Ang prinsesa n'yo ay prinsesa pa rin! Wala pa rin namang nababawas sa akin maliban sa timbang at umbok ng puson!"

Nagulat si Lalie nang makitang nakasuot na siya ng kulay puting cotton panties at puti ring sleep shirt na may nakaimprentang larawan ni Mickey Mouse sa harap.

Paano kaya ako nakarating ng kuwarto ko?

Nag-flash sa isipan niya ang malabong larawan ni Aurora na sumalubong sa kanya sa front door.

"Baka nga si Aurora ang nagdala sa akin dito." Pinaalalahan niya ang sarili na bigyan ito ng tip na kahit two thousand pesos lang.

Dahan-dahan siyang bumaba ng kama. Pagkatayo niya, nahilo siya agad. Parang umiinog ang buong silid. Dapak! Anyare?

No'n naman bumukas ang pintuan at niluwa si Aurora. May dala itong tray ng pagkain. Pagkalanghap sa mabangong kape, kaagad na kumulo ang tiyan ni Lalie.

"Pwedeng pakilapit dito sa kama, Aurora?"

Ipapatong lang sana kasi ito ng katulong sa center table na kaharap ng couch na nasa bandang gilid naman ng kuwarto. Ito ang visitor's area niya. Malapit ito sa sliding door na patungo sa balkonahe.

"Ay opo, Ma'am Lalie. I mean Madam Lalie."

Sinimangutan niya ito. Naalala pa ang sinabi niya rito noon na iyon ang gusto niyang pantawag sa kanya.

"Tigilan mo ako. Kung Ma'am Lalie eh di Ma'am Lalie."

Kiming ngumiti ang katulong habang nililipat nito ang tray sa kama sa harap ng nakaupong amo.

"Paano ako nakapanhik dito kagabi?" tanong niya rito habang inaayos nito ang pagkakaposisyon ng tray sa kandungan niya. Buti na lang may stand ang tray kung kaya maaari niya itong patayuin. Nakapasok sa ilalim nito ang kanyang mga hita.

"Binuhat ho kayo ni Ser Mauro, Ma'am Lalie," kaswal na sagot ni Aurora habang inaayos ang mga unan niya sa kanyang likuran.

Nagulat siya. "Ano?! Binuhat ako ni----"

Nag-init ang kanyang mukha.

"Opo, Ma'am. Nagsuka pa nga kayo sa dibdib ni Ser Mauro. Naligo po sa suka n'yo si Ser." At napabungisngis ito. Na bigla namang sinupil nang makita ang ekspresyon sa mukha niya. "Naku, ma'am. H'wag n'yo nang isipin iyon. Hindi naman galit si Ser sa inyo eh."

Matagal nang nakaalis ng silid niya si Aurora pero hindi pa rin siya makasubo sa dinala nitong breakfast. Nag-aanalisa pa rin kasi siya sa pangyayari. Hiyang-hiya pa siya na hindi mawari. Kahit hindi niya ito kaharap ngayon, nag-init pa rin ang kanyang mukha. Sa lahat ng tao sa mundo, bakit ang hinayupak pa na iyon ang nagawan niya ng gano'n? Naku! Wala na siyang mukhang maihaharap sa lalaking iyon! Lalo lamang niyang binigyan ang damuho ng maipipintas sa pagkatao niya.

"Eulalia Masangkay bakit ang engot-engot mo?!"

May narinig siyang pagkatok sa pintuan. Nang mapatingin siya sa pinto, nasa loob na ng silid ang taong iniisip niya ngayun-ngayon lang. Nakasuot ito ng faded maong jeans at white T-shirt. Clean shaven na ang lalaki at tila ang bangu-bango pa.

"Good morning. Kumusta?" At napahalukipkip ito. Mukhang hindi naman interesado sa lagay niya ang bwisit. Parang pinuntahan lang siya para siya'y inisin. Palagay niya nasabi na ni Aurora rito na alam na niya ang nangyari noong nagdaang gabi. Baka gusto lamang siyang ipahiya pa lalo.

"Pakialam mo?"

"Is that what I get for what I did for you last night? Pasalamat ka kamo at nasa good mood ako dahil na-close ko ang pinakamalaking business deal with a Malaysian investor kahapon kung kaya nagmagandang loob ako sa iyo."

"Sige, tenk yu po, Kamahalan!"

Nagsalubong ang mga kilay ni Mauro, pero hindi na ito nagsalita pa. Tumalikod na lamang ang damuho at binuksan na ang pintuan. Pero bago ito tuluyang lumabas ng pinto, nilingon siya one more time at sinabihan ng, "Oo nga, Eulalia Masangkay. Bakit ang engot-engot mo?"

Nanlaki ang mga mata ni Lalie nang ma-realize na narinig iyon ni Mauro kanina. Bago siya makasagot ng pambanat doon, nakalabas na ng silid ang damuho. Naiwan siyang nanggigil sa inis dito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top