CHAPTER ONE

If looks could kill nangisay-kisay na sana si Lalie sa mga matatalim na titig sa kanya ni Mauro, ang nag-iisang anak ng kanyang yumaong asawa na si Don Fernando Dela Paz. Grabe ito kung makatingin. Parang gusto siyang sakmalin at ibalibag sa pader.

Well, kung tutuusin ay hindi niya ito masisisi. Kahit siya man sa lugar nito'y ganoon din marahil ang kanyang reaksiyon. Pero kailangan ba talagang ipagsigawan nito sa buong mundo na galit ito sa kanya? Hindi man lamang ba ito makapagkunwari kahit sa harapan lang ng ibang tao?

"Hindi na nahiya kay Atorni Zamora," naibulong ni Lalie.

"What?" angil nito agad at tila may kumawala pang apoy sa mga mata. Lalong tumalim ang mga tingin nito sa kanya. Kinabahan tuloy siya.

"Ang talas naman ng pandinig," sabi uli ni Lalie na sarili lang ang kinausap. Kunwari'y napakamot siya sa mukha para matakpan ng kanyang kamay ang pagkibot ng kanyang bibig. Ganunpaman, napansin pa rin iyon ng aroganteng anak ng don.

"Ehem," sabat ni Attorney Zamora. Tumingin ito sa kanya at sa binata. Tila sinasaway sila nang hindi pinapahalata. "I think nabanggit sa iyo ni pareng Fernando na mayroon siyang anak na nagtatrabaho sa States. Well, heto na siya. Meet Mauro Alvaro Dela Paz." Kay Lalie nakatingin ang abogado. "Mauro, this is your stepmom, Eulalia Masangkay or Lalie for short." Ngayon naman ay kay Mauro.

Inunat agad ni Lalie ang kanyang kanang kamay upang makipagkamay sana sa binata, ngunit tiningnan lamang ito ng huli saka bumaling sa abogado.

"I'd like to see my dad." Tila hindi nakita ni Mauro ang nakaunat na kamay ni Lalie. Makikitang nakasimangot na ang huli ngayon habang nakatingin sa lalaki.

Napalipat-lipat na naman ang tingin ng abogado sa dalawa. Mukha itong naasiwa sa tensyon sa pagitan ng dalawa. Hindi na lamang ito kumibo tungkol doon.

Kahit pinanganak na makapal ang mukha, nakaramdam pa rin ng hiya si Lalie sa hantarang pang-iisnab sa kanya ni Mauro. Sa harap pa mandin ng abogado na kaibigang matalik ng yumao niyang asawa. Diyos ko, ganoon pala ka-suplado ang anak ni Fermando? Hindi niya sukat-akalain na bastos ito. Paano kasi puro papuri ang maririnig sa don patungkol sa anak. Kaya tuloy ang akala ni Lalie ay mabait itong tao. Sayang. Type pa naman sana niya ang damuho.

Hoy, Lalie! Mahiya ka! Anak iyan ng yumao mong asawa! Saka nakaburol pa ang iyong kabiyak!

Napangiti siya sa naisip. Huli na nang ma-realize niyang naipakita pa niya pati iyon sa supladong anak ni Don Fernando. Lalo tuloy naningkit ang mga mata nito nang tumingin uli sa kanya. Natigil pa ang pagbabalitaan nila ng abogado na mukhang close na close sa binata.

"Ano'ng nginingiti-ngiti mo riyan?" asik ni mauro sa kanya.

"Bakit? Bawal na ba'ng ngumiti ngayon?" At lalo pa niyang nilawakan ang pagngiti. Napakagat ng labi si Mauro. Hindi na ito kumibo pero naramdaman ni Lalie ang pagngangalit ng puso nito.

"Let's go, Attorney," yaya ng binata sa mahinang tinig. Nauna na ito sa labasan ng NAIA Terminal 3 habang tulak-tulak ang cart na may laman ng mga bagahe. Imbes na sumunod agad dito ang abogado, nilingon muna ng huli si Lalie at minuwestra na mauna siya't susunod ito.

Kung hindi lang nakatingin si Attorney Zamora, gusto sanang hambalusin ni Lalie ng dalang LV bag ang binata. Hiyang-hiya siya sa inasal nito lalo pa't nakatingin din sa kanila si Mang Carlos, ang kanyang bodyguard.

"H'wag mo nang patulan si Mauro. Nagdadalamhati lang ang batang iyon kung kaya ganoon ang inasal. Hindi siguro naisip na daratnang patay na ang ama."

"Naku, Attorney, h'wag n'yo na hong ipagtanggol.Ganyan naman kasi ang mga mayayaman. Spoiled. Ngayon pa siya magdadalamhati? Ilang beses siyang pinauwi ng kanyang ama para atupagin ang kanilang negosyo, pero ano ang ginawa niya? Lalong nagpirme sa Istets. Bwisit siya!"

Nakapasok na sa limo si Mauro nang dumating sila ng abogado sa harap ng sasakyan. Pagpasok nga niya roon, nakita niyang prenteng-prente na itong nakaupo at bumubutingting ng cell phone.

Umupo si Lalie sa pahabang upuan na kaharap ng inuupuan ni Mauro pero sinigurado niyang hindi talaga sila magkaharap. Sa side niya pinili maupo ni Atoorney Zamora. Ito ang kaharap ng aroganteng si Mauro.

Nahuli ni Lalie ang makahulugang tingin ni Attorney Zamora sa kanya. Tila nagsusumamong huwag patulan ang pag-iinarte ng anak ng don. Bahagyang tumaas ang kanyang kilay. Naisip niya, bakit siya ang mag-a-adjust? Pero nang tingnan uli siya ng abogado na parang nagmamakaawa na'y napahinuhod siya. Kahit papaano'y naging malapit na rin ang loob niya sa matandang ito. Sa lahat kasi ng kaibigan ng yumaong don ito lang ang nagpakita ng respeto sa kanya. Ngunit hindi iyon nangangahulugan na palagi silang magkakampi. Sa simula, tulad ng iba, siniraan din siya nito sa don. Humadlang din ito nang sinabi rito ng yumao na balak siyang pakasalan. Kaso nga lang nang lumaon ay lumambot din ang puso nito sa kanya. Ngayo'y tinatrato na siyang parang anak nito.

"Please take us to the funeral homes where my dad is right now, Mang Simon," mando ni Mauro sa driver nang umusad na ang sasakyan palayo sa airport.

Kahit hindi gaano ang alam ni Lalie sa Ingles, alam niyang hindi sa mansion nila sa Dasmarinas Village nais magpahatid ni Mauro. Nagsawalang-kibo na lang siya kahit na ayaw niya sanang pumunta ngayon sa pinagburulan sa don. Hindi siya handa. Ang suot niyang blusa ay kulay asul at paekis ang style nito sa harap. Kung itataas niya ang mga kamay makikitang bahagya lamang natatakpan ang kanyang gilid. Kahit na hindi naman kita ang kanyang bra o cleavage, dahil medyo daring ang korte nito natitiyak niyang pag-uusapan siya sa lamay. Idagdag pa roon ang square pants niya na tila humulma ng maumbok niyang pang-upo. Kahit saang tingnan, ang seksi ng kanyang dating. Pansinin, 'ika nga. Natitiyak niyang ang daming pag-uusapan ang mga matatabil ang dila sakaling sumama siya kay Mauro sa pinagburulan sa ama nito.

Pagdating sa harap ng funeral homes, kaagad na umibis ng sasakyan si Mauro nang walang pasabi. Si Attorney Zamora ang nagyaya kay Lalie na bumaba na rin.

"Dito lang ho ako, Attorney. Alam n'yo na." At minuwestra niya ang suot.

Napangiti ang matandang abogado at tumangu-tango. Hindi na nga ito namilit pa. Hindi na rin kasi lingid dito ang mga usap-usapan tungkol sa pagkamatay ng don. Maraming tsismosa sa alta sosyedad ang naninisi sa kanya. Napaka-swapang daw kasi niya kung kaya minadali niyang mabiyuda. Si Attorney Zamora lang ang hindi nagsalita sa kanya ng masasakit. Kahit sabihin niyang okay lang sa kanya ang lahat, may pagkakataong naaapektuhan din siya. Kinukumbinse lang niya ang sariling masaya pa rin. At least natupad nang mas maaga sa inaasahan ang pangarap niyang maging donya.

Donya Eulalia Masangkay Dela Paz! Kinilig siya sa bagong pangalan.

"Ma'am Lalie gusto n'yo bang mauna na sa mansion? Maaari ko kayong ihatid doon at babalikan ko na lang dito si Sir Mauro."

Napaisip siya sa suhestyon ni Mang Simon. Napatingin muna siya sa relos at nang makitang almost twelve noon na napa-oo siya sa matanda. Uusad na sana ang sasakyan nang biglang lumitaw sa bukana ng funeral homes si Mauro. Magkasalubong ang mga kilay nito. Halatang galit na galit. Nakabuntot dito ang medyo nag-aalalang abogado.

Napahinto si Mang Simon agad at pinagbuksan ng pinto ng limo ang amo. Si Lalie nama'y medyo nalito. Ni wala pang twenty minutes sa loob ang dalawa. Inakala niyang magtatagal doon ang damuho kaya nagtaka siya't bumalik na ito agad sa sasakyan at mukhang susunugin nito ang karagatan sa galit. Anyare?!

"What did you do to Dad?" Umiigting na ang mga bagang ni Mauro. Halatang nagpipigil sa galit pero kitang-kita ni Lalie na tila nanginginig sa galit ang buo nitong katawan. Nalito siya. Hindi niya naintindihan ang tinatanong nito sa kanya.

"Hijo, let's talk about this later, okay?"

"I want to talk about it now!" sagot ni Mauro sa mahinang tinig. Nakatutok pa rin kay Lalie ang mga mata. Napatingin na ang huli sa abogado. Humihingi ng paliwanag.

"May mga narinig si Mauro sa loob. Sinisisi ka sa pagkamatay ni Fernando," malungkot na sabi ng abogado.

"I cannot believe my dad fell for an uneducated woman! Maybe, they're right after all! You killed my dad because this is the only way you can get rich! But I am warning you. You can't have our money just like that! Sisiguraduhin kong wala kang makukuha ni singkong duling!"

Iyong huling pangungusap lang ang naintindihan ni Lalie. Naguluhan siya sa mga pingasasabi nitong Ingles at nainis na rin sa paraan ng pagsasalita nito kung kaya sinagot na niya.

"Hoy! Hindi ako interesado sa singkong duling! Bakit ako maghahangad niyon? Singko na nga lang, duling pa? No, no, no, no!"

Napakurap-kurap si Mauro sa narinig. Napahawak naman sa mukha ang abogado at tila nagpipigil mangiti. Si Mang Simon lang ang hindi nakatiis. Natawa ito nang malakas. Na-realize siguro na sobrang seryoso ng usapan sa likuran niya kung kaya bigla ring tumigil sabay hingi ng dispensa.

Nakatingin na lang ngayon si Mauro kay Lalie. Nakakunot ang noo nito. Si Lali naman ay naka-pout habang nakakurus ang mga braso sa dibdib. Bubulung-bulong pa ito ng kung anu-ano.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top