CHAPTER FOURTEEN
"Ano'ng hindi pwedeng bumisita?" nagtaas na ng tono si Lalie sa kaharap na bagong warden ng Bilibid. "Oy, ser, rigyularr akong bisitor dito, baka hindi nasabi sa iyo?" At namaywang na siya sa harapan nito. Napangiti naman sa kanya ang warden.
"Yes, ma'am. Nakita ko nga po sa file namin. Sa totoo lang po, sa amin ay walang problema. Iyong dalawang dadalawin n'yo po mismo ang nag-special request na h'wag na kayong papuntahin dito."
Inutusan nito ang kararating doong pulis na ipakita kay Lalie ang pirmadong written request ng kanyang ama't kapatid. Pagkakita sa tila kinahig ng manok na sulat-kamay ng ama, may kung anong nakanti sa puso ni Lalie. Nakaramdam siya ng hindi maipapaliwanag na pangungulila. Nang masulyapan ang kaparehong pakiusap ng kuya na may pirma rin nito, hindi na niya napigilan ang pagtulo ng mga luha.
Iilang kataga lang ang nakasulat sa puting papel, pero damang-dama niya ang pagngangalit ng dalawa. Ang sa ama niya'y gets niya kung bakit ganoon ang sulat. Grade two lang ang inabot nito kung kaya halos hindi marunong magtantiya ng laki ng mga titik, subalit ang kuya niya ay nakapag-vocational school. Likas na maganda ang sulat-kamay nito, kung kaya alam niyang nanggigigil ito habang binubuo ang mga iyon dahil kaparehas ng sa ama, parang isinulat din ng paa.
"Pasensya na, Mrs. Dela Paz."
Hindi na sumagot si Lalie. Bago pa tumulo ang isa pang butil ng luha ay naisuot na niya ang itim na sunglasses at dali-dali nang lumabas ng opisina ng warden.
"Madam, itong dala n'yong pagkain?" Hinabol pa siya ng warden.
"Madam, ang dala n'yo raw na pagkain, nakalimutan n'yo," ani ng nakasalubong na pulis.
"Ipakain n'yo sa aso! Wala akong pakialam!"
Dali-dali na siyang sumakay sa naghihintay na taxi pagkalabas sa Bilibid. Tila nagtaka ang driver dahil ang aga niyang lumabas this time. Magsisindi pa sana ito ng sigarilyo habang nakasandal sa sasakyan, pero hindi na natuloy dahil nakita na siya. Pinagbuksan siya agad nito ng pinto sa backseat. Hinintay muna siyang makapasok sa sasakyan bago rin pumuwesto sa driver's seat. Saka lang ito nagtanong.
"Aalis na ba tayo, ma'am?"
"Ay hindi! Uupo lang ako rito at sisinghot sa mabantot at amoy-sigarilyo mong taxi!"
"Ay pasensya na po, ma'am." Dumukwang ito at may kinuha sa glove compartment. Akmang mag-i-ii-spray na ito ng lemon scent na air freshener nang inawat na ni Lalie.
"Ayoko ng amoy-banyo! Paandarin mo na nga ito nang makauwi na ako sa amin!"
"Ay, yes, ma'am! Pasensya na po!"
Itinirik ni Lalie ang mga mata at napahulikipkip pa. Nang malapit na sana sila sa kanila, inutusan niya ang driver na dumeretso na lang at ihatid siya sa SM Southmall. Wala siya sa kondisyon mapag-isa. Kailangan niyang makausap si Rihanna.
"Saan po, ma'am?"
"Bingi ka ba? Sabi ko, ihatid n'yo ako sa Southmall!"
"Opo, ma'am. Pa---,"
Itinaas ni Lalie ang mga kamay at hinuli niya ang mga mata ng driver sa rearview mirror at pinandilatan.
"H'wag ka nang humingi uli ng dispensa! Pinapainit mo lalo ang ulo ko, eh!"
Napakamot-kamot ng ulo ang taxi driver, saka hindi na kumibo.
**********
"Mr. Dela Paz?"
Napabaling ng tingin si Mauro sa manager ng SM Southmall at nagpatuloy sa pakikipag-usap na para bang hindi siya na-distract kanina. Hindi niya pinansin ang tila pagsunod ng tingin ng babae sa madrasta niya habang papasok ito sa isang parlor habang kaabrasiyete ang hindi niya nakikilalang mestisuhing lalaki. Hindi kaguwapuhan ang kasama ni Lalie, pero matangkad ito at sakto lang din ang katawan. Siguro sa isang katulad ng stepmother niya'y pupwede na iyon. Nagtagis ang kanyang bagang.
"As I mentioned a while ago, the owner of this store is indebted to your lolo for his generosity when the old man was just a struggling businessman kung kaya para sa inyong produkto, bibigyan namin kayo ng special terms."
Napalingon na naman si Mauro nang marinig ang matinis na tinig ni Lalie na tila nakikipagharutan sa lalaki sa may bandang pintuan ng parlor. Hindi niya namalayan na nangunot na ang kanyang noo dahil sa nasaksihan.
"Is there something wrong, Mr. Dela Paz?"
Mabilis na umiling si Mauro at nauna nang maglakad sa babae. Nang marating nila ang opisina nito'y nagmadali siyang tapusin ang kanilang business deal. Ilang buwan na rin namang napag-usapan ng kanilang food manufacturing company na maglagay ng produkto sa SM supermarket pero nitong huli lang talaga nabigyang-pansin. Sa kakamanman na rin niya iyon kay Lalie. Naisipan niya na bukod sa Puregold at supermarket ng mga Ayala, mainam ding mayroon sila sa SM lalo na sa Alabang-Las Pinas area. Nakausap na niya ang pinaka-pinuno sa head office at ang pagdalaw niya sana sa Southmall ay hindi na kailangan, pero naku-curious siya sa sinabi sa kanya ng kanyang driver na hinihiram ding driver ng madrasta na madalas nga raw magpahatid doon si Lalie.
"I am so happy about this partnership, Mr. Dela Paz. Natikman ko na rin ang hotdog ninyo, este, I mean hotdog nga po ninyo," at humagikhik ito at nagpapungay ng mga mata sa kanya, "and in fairness nakaka-compete sa number one brand, ha?"
Naalibadbaran si Mauro sa halatang paglalandi ng babae dahil tingin niya rito'y middle-aged na at may limang anak. Sinaway niya ang sarili bago pa pagsupladuhan ang manager.
Inulit pa ng babae ang pagiging competitive daw nila sa number one brand. Medyo may pumitik sa kanyang pandinig dahil iniisip niyang naungusan na nila ang purefoods sa lakas ng demand sa kanilang produkto. Sa totoo lang, hindi niya nagugustuhan na pinapamukha sa kanya na may mas lamang pa rin sa produkto ng kanilang kompanya.
"Number one? Really?" sarkastikong sagot ni Mauro.
Tila natunugan ng manager ang inis sa boses niya kung kaya mabilis itong bumawi.
"Of course, your brand is a close second!"
Hindi na siya sumagot doon. Buti na lang tumawag ang taga-head office at kinukumusta ang pagkikita nila ng manager ng Southmall. Sinulyapan niya ang babae. Napahagod ito ng buhok at nginitian siya nang matamis. Tinalikuran niya ito.
"Everything went well. Salamat sa pag-aayos ng meeting namin," sagot niya at nagpaalam na rin agad. Binalingan niya ang babae at kinamayan. "It's nice meeting you. Makakaasa kayo na this will be a good partnership. Ako mismo ang magsu-supervise ng distribution sa mga supermarkets ninyo lalung-lalo na sa branch na hawak n'yo."
Napahagikgik na naman ang babae at napasukbit pa ng imaginary hair sa likuran ng tainga. Umiwas siya agad ng tingin. It was cringey.
Pagka-paalam niya rito ay dali-dali na siyang lumabas ng opisina para puntahan ang parlor na mukhang suki ng kanyang madrasta. Magpapanggap siyang customer. Magpapagupit siya ng buhok total naman ay medyo mahaba-haba na rin ang buhok niya. Narinig niyang hinabol pa sana siya ng manager at iniimbitahan sa malapit na kainan, pero mabilis siyang tumanggi. Wala na nga itong nagawa nang halos ay liparin na niya ang basement kung saan naroroon ang parlor.
Tiningala ni Mauro ang nakasulat na pangalan ng parlor nang ilang metro na lang ang layo niya rito. Mabilis niyang sinulyapan ang nakasulat na services nila sa may bandang pintuan. He heaved a sigh of relief nang makita na nagse-serbisyo sila sa lahat---bata, matanda, babae man o lalaki. Nabungaran nga niya ang iilang kalalakihang nakapila na sa visitor's lounge ng parlor. Sa tingin niya, karamihan naman doon ay lalaki. Iyan ay kung lahat na umaaktong macho ay lalaki nga.
"Yes, sir?" nakikilig na salubong sa kanya ng isang baklang tagagupit doon. Iniwan pa mismo ang kinakausap na customer na babae. Mabilis itong siniko ng isang babae, mukhang isa rin sa mga nagtatrabaho roon. Pabulong pang pinagsabihan na unahin daw muna ang naunang customer.
"Hello po, sir," kaagad na bati ng babae. Ang lawak ng ngiti nito. "Magpapa-manicure po kayo, sir? O di kaya pedicure? Ako na po, sir, ang gagawa sa inyo."
Manicure? Pedicure? Napagkamalan yata siyang bading. But then, he didn't feel insulted. Mukha naman kasing ganoon halos ang pakay ng mga napunta roong lalaki.
He smiled at the woman. Bago siya sumagot, mabilis niyang inikot ng tingin ang kabuuan ng parlor. Wala na roon ang maingay niyang madrasta. Sayang. Kaso nahiya na rin siyang lumabas nang wala man lang ginawa roon.
"I want a hair cut," sabi niya to no one in particular.
Pagkasabi niya ng ganoon, halos magtulakan na ang mga bading sa likuran ng babae. No'n niya lang napansin ang tatlo bukod sa naunang bading na sumalubong sa kanya.
"Sir, ako na. Sanay akong gumupit sa guwapo. Kapag ako ang gugupit sa inyo, sir, lalo kayong popogi!"
"No, sir! Ako na po! Ako kaya ang pinagkakatiwalaan ng mga hombre rito. Ang mga iyan, sir, manyakis mga iyan. Baka kung ano ang gawin sa inyo!" sabi naman ng isa pa.
Sasabat pa sana ang isa, pero naunahan na ng bagong dating. He came from a room covered by a pink curtain. Ito ang lalaki na nakita niya kaninang kaabrasiyete ni Lalie.
"Anong kaguluhan ito, mga bakla?"
Pinangunutan ng noo si Mauro nang marinig ang tinig nito. Mayroon ding tono. Nakahinga siya nang maluwag sa hindi maipaliwanag na dahilan, tapos ay gumaan ang kanyang pakiramdam.
"Mami, ako na ang pagupitin n'yo kay pogi!" sabi ng baklang sumalubong sa kanya kanina.
No'n lang napatingin sa kanya ang lalaking kaabrasiyete ni Lalie kani-kanina lang. He looked at him from head to foot. Tapos tumitig sa kanya uli. Makaraan ang ilang segundo ay napangiti na ito sa kanya. Tumikhim-tikhim pa.
"I think I know you," ang sabi pa.
Napa-ooohhh ang mga baklang naroroon pati na ang babaeng kanina pa nagprisintang magmama-manicure at pedicure sa kanya.
"Pasensya na, mga bakla. Ako na ang gagawa ng pinagagawa ni Sir." Tapos binalingan siya nito. "Mauro, right?" At ngumiti na naman sa kanya.
Medyo nagulat si Mauro. "How did you know my name?"
"Si Sir naman. Pa-humble pa kayo. Eh di ba na-feature kayo noong isang buwan sa The Hunk? Sino pa kaya ang hindi nakakakilala sa inyo?"
The Hunk. Right. Isa iyong magazine na nagpe-feature ng mga eligible bachelors in Manila. Usually, mga batang negosyante ang pinipili nilang sulatan ng artikulo. Ayaw niya sanang lumahok sa mga ganoong magazine kaso ang sabi ng kanilang publicist, he must do it para mabaling naman sa kanya ang atensyon ng mga tao at hindi puro na lang sa bad publicity tungkol sa diumanong 'foul play' na nangyari sa kanyang ama. True to what the publicist said, umani ng papuri ang mga photos niya na ginawa ng official photographer ng magazine at tumaas pa ang stock price ng kanilang kompanya.
"Hali kayo, sir. Please have a seat. I'm Rihanna, by the way."
Rihanna? Muntik na niya iyong ulitin sa gulat. Paano ba naman kasi, may bigote at goatee tapos Rihanna pala ang pangalan.
Ginugupitan na siya ng nagpakilalang Rihanna nang may tila bagyong dumating sa hindi kalayuan.
"Bakla! Nasaan ka na?!"
Napadilat si Mauro at napatingin sa pinanggalingan ng boses. Tila nagmula ang babae sa silid na tinatakpan ng pink curtain. Nasa gilid iyon ng isang estante na pinaglalagyan ng mga produkto sa buhok na tinitinda rin ng parlor.
"Mauro? Mauro! Wat da pak are yu doweng hir?"
Napakislot nang bahagya si Rihanna na tila nabingi. Prente namang napatingin lang sa babae si Mauro na tila tinatamad pa. After seeing it was only his stepmother, he closed his eyes again.
"Obviously, I am having a hair cut," malumanay niyang sagot sa madrasta.
"Rihanna, dapak! Ob ol pipol? Ikaw pa? Ikaw pa ang gumugupit sa hinayupak na ito?"
"Ano ba, Eulalia! Halika nga! Petra, tapusin mo ito!"
Mauro opened one of his eyes to peek at what was happening. Nakita niya ang madrasta na kinakaladkad na ni Rihanna pabalik sa 'pink room'. Ang baklang unang sumalubong sa kanya ang nagpatuloy ng paggupit sa kanya.
Natuwa ang lahat ng magbigay siya ng tip para sa lahat. Lahat ng nagtatrabaho roon pati na manicurista ay binigyan niya ng tig-iisang libong piso. Bale, kinse mil ang nagastos niya bukod sa seven hundred pesos na bayad sa kanyang gupit. Nagmukha tuloy siyang sundalo na ngayon sa ikli ng kanyang buhok.
Hindi na hinintay ni Mauro na lumabas pa't mag-eskandalo na naman ang madrasta. Sapat na sa kanyang malaman na doon pala nagpupunta lagi ang stepmother. Nalaman din tuloy niya kung sino ang sisisihin niya sa mga kakaiba nitong hairstyle at hair color.
**********
Pasado alas otso na ng gabi nang makauwi ng bahay si Lalie. Napaatras pa sa gulat sina Aurora at Mamerta nang mapagbuksan siya ng front door at makita ang bago niyang hairstyle. Naka-pixie bob hair cut siya ngayon at kulay orange na ang buhok.
"Good evening, Ma'am---este Madame Lalie," ani Aurora.
"Ay, ang ganda n'yo, ma'am---madame! May hawig kayong artista," bungad naman ni Mamerta saka palihim na sinulyapan si Aurora at napatirik kunwari ang mga mata.
"Nakita ko iyon, bruha ka!" asik ni Lalie kay Mamerta. "H'wag mo nga akong pinagloloko riyan!"
"Madame, may kamukha talaga kayong artista! Si ano nga ba iyon? Si ano!"
"Si Iscarlet, madame!" sabat ni Aurora.
"Tama! Si Iskarlet ano nga ba iyon?"
"Iskarlet Johanson!" agad namang sagot ni Aurora.
Napatitig si Lalie sa dalawa. Mukha namang nagsasabi nang totoo ang mga tsimiaa niya, pero wala siyang kaalam-alam kung sino ang pinagsasabi nila. Tinandaan na lamang niya ang pangalan at inisip na itatawag niya kay Rihanna iyon.
"Pag ako pinagloloko n'yo, lagot kayo sa akin." Malumanay na ang tinig niya dahil parang ang ganda-ganda ng sinasabi nilang Iskarlet. "Ang Sir Mauro ninyo? Nasaan ang diyablo n'yong amo?"
"Naku, lagot na naman si ser!" bulongan nilang dalawa.
"Ano?" asik niya kay Mamerta.
"Ay ma'am, nasa istadi niya po," sagot din agad ni Aurora.
Hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Nagdadabog na pinuntahan niya agad ang lalaki sa study room. Kabuntot naman niya ang dalawang katulong na tanong nang tanong kung ipaghahain na siya ng hapunan. Inangilan niya ang dalawa at itinaboy ng mga mata. Nagkandaripas naman ng takbo sa kusina ang dalawa at doon na naghagikhikan.
Binugbog ni Lalie ang pinto ng study room. Nakailang kalampag siya sa pinto nang makarinig ng tila tinatamad na, "Come in," mula sa stepson.
"Sinusundan mo ba akong hayop ka?" ang bungad niya agad kay Mauro.
Nagtaas lang ng kilay sa kanya si Mauro at pinagpatuloy na ang pagsusulat ng kung anu-ano sa papel na nasa harapan.
"Sa lahat ng parlor na pupuntahan, bakit doon pa sa parlor ng kaibigan ko? Sinundan mo ako, ano?"
Binaba ni Mauro ang sign pen at hinarap ang babae.
"Much as I do not want to disappoint you but---hindi iyon ang dahilan. Bakit naman kita susundan eh makita ko lang ang weird na kulay ng iyong buhok at baduy mong hair style nasisira na ang araw ko?"
Napahawak sa buhok si Lalie. Kanina nang tingnan niya sa salamin ang hitsura matapos gawin ni Rihanna ang pag-style at kulay ng kanyang buhok, gandang-ganda siya sa sarili. Pero ngayong ininsulto siya ng walanghiya niyang stepson, napingasan agad ang kompyansa niya sa sarili. Ganunpaman, sinikap niyang hindi magpaapekto doon, lalung-lalo na ang ipakita sa hayop niyang stepson na apektado siya sa pang-iinsulto nito.
"Hoy, ang ganda ko sa buhok ko ngayon! Ikaw? Nanalamin ka na ba? Mukha kang engot! Mukha kang naluging Intsik! Ampanget ng gupit mo! Ampanget mo na nga, nagpapanget ka pa!"
Imbes na mainsulto at mainis sa kanya si Mauro, bigla itong natawa.
"What?" sabi nito sa pagitan ng pagtitimpi sa pagtawa.
"Panget!" sigaw niya rito at dali-dali nang lumabas ng study room. Pagkapinid sa pinto, napahawak sa dibdib niya si Lalie para pakalmahin ang sarili. Aminado siyang lalong pumogi ang hinayupak niyang stepson sa maikli nitong gupit. Bumagay ang gupit-sundalo sa pangahan nitong mukha. Naging mas lalaking tingnan tuloy. Pero aamin ba naman siyang napopogihan dito?
Nang maramdaman ang paggalaw ng seradura, tumakbo na siya palayo sa study room.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top