CHAPTER FIVE
A/N: Comment-comment din kayo! Salamuch!
**********
Binaba ni Lalie ang binabasang tabloid sa mesa. Kinapa niya ang dibdib na noo'y tumatahip na para bagang tumakbo siya ng kung ilang milya. Hindi niya napigilan ang pag-usbong ng mga luha sa kanyang mga mata. Mabilis niyang pinahiran ang ilang butil na dumaloy sa pisngi bago pa man makarating sa harapan niya ang katulong na si Aurora at tanungin siya kung nais niyang mag-refill ng kape.
"Iwan mo muna ako," utos niya rito. Mahina ang tinig. Medyo nangangarag pa kasi sa galit.
"Ho?" Parang nabigla ito. Nang tapunan niya ng masamang tingin, dali-dali itong tumalikod at bumalik sa loob ng bahay. Iniwan siya sa hardin.
Tumayo si Lalie at naglakad-lakad. Hindi maalis-alis sa kanyang isipan ang mga masasakit na salitang pinukol sa kanya ng mga taong na-interview diumano ng writer na sumulat sa artikulo tungkol sa libing ng yumao niyang asawa kamakailan. May nagsabi roon na nilason daw niya ang matanda dahil atat siyang mahawakan ang mana. Mayroon ding nagparatang na kinakutsaba pa raw niya ang abogado ng pamilya para maisagawa nang maayos ang pagliligpit sa walang kamuwang-muwang na don. Pero ang higit na nagpakulo ng dugo niya ay iyong sabihin nilang ginawa niya lahat ng iyon dahil sa patay-gutom niyang pamilya. Ang papa niya raw kasing traysikel driver ay nakulong dahil sa salang rape at homicide. Iyon daw ang nag-udyok sa kanyang ipagbili ang katawan kapalit ng kalayaan ng ama.
"Hindi reypis ang papa ko! Hindi reypis! Kailanman, hindi magagawa ng papa ko iyon!"
"Ma'am Lalie?" tanong ni Abner, ang hardinero. Natigil ito sa pagti-trim ng mga non-flowering plants nila para tingnan siya. No'n naman parang naalimpungatan si Lalie. Napalakas pala ang kanyang mga sinabi. Mabilis siyang umiling kay Abner at bumalik na rin sa loob ng mansion.
"Kawawang matanda. Ang bait no'n talaga. Iyon lamang ang kilala kong ubod ng yaman na mabait sa mahihirap."
"Bakit gano'n? Kung sino pa ang mabait, siya pa ang nagagawan ng masama? Bakit hindi na lang ang ama ng tusong babaeng iyon ang namatay? Total naman salot lang naman iyon sa lipunan. Rapist! Walang silbi! Pwe!"
"Hindi ba nakonsensya ang higad na iyon? Namatay ang isa sa mga ulirang negosyante ng Pilipinas dahil sa kasakiman niya? Sana pagbayarin siya ng anak ni Don Fernando!"
"Sayang. Kay ganda pa naman sanang babae. Kaso nga lang halang ang kaluluwa. Hindi pa man namamatay ay naaagnas na ang kaluluwa ssa sobrang sama!"
"Tama na! Hindi n'yo alam ang pinagsasabi ninyo! Tama na!" Napahawak pa si Lalie sa magkabilang tainga niya habang sumisigaw sa loob ng kanyang silid. Binagsak niya ang kanyang katawan sa kama at kumukumpas-kumpas sa hangin sa kanyang harapan na tila baga'y binubura niya sa alaala ang mga nabasang masasakit na salita patungkol sa kanya.
"Bwisit na Aurorang iyon! Binigay-bigay pa kasi sa akin ang tabloid na iyon! Lintek!"
Tinawagan niya agad ang bunso niyang kapatid at hiniling dito na makipagkita sa kanya nang umagang iyon mismo. Kailangan niya itong makausap nang masinsinan.
"Sori, Ate. Pupunta kami ngayon ni Nanay sa presinto. Dadalawin namin ang Itay."
"Kahit saglit lang, Dante. May iaabot ako sa inyo. Saka pag-uusapan natin uli ang kaso ni Itay. May nakausap na akong abogado. Papabuksan ko uli ang kaso."
"Sino iyan, Dante?" Narinig ni Lalie na boses ng kanyang ina na parang mula sa malayo. Hindi niya narinig ang sagot ng kapatid, pero naulinigan niya ang mariing tinuran ng ina tungkol sa kanyang plano. "Sinong Ate? Wala naman akong anak na babae, ah. Ibaba mo na iyang telepono at tulungan mo na ako rito. Kanina pa naghihintay ang tatay mo sa atin."
"Ate, sori. Kailangan ko nang ibaba ito."
Bago pa makasagot si Lalie naibaba na ni Dante ang telepono. Lalo siyang nanlupaypay. Ang isang bagay na naging rason kung bakit siya napapayag ni Don Fernando noon na magpakasal dito ay hindi naman niya naisakatuparan. Nahabag siya tuloy sa sarili.
**********
Nagulat si Mauro sa binalita sa kanya ni Donna, ang dating sekretarya ng ama. Kamakailan daw ay may mga pinatawag na criminal defense lawyers ang kanyang madrasta. Napag-alaman niya tuloy na ang ama nito ay na-convict sa salang rape with homicide.
"Hmm. That means to say it runs in the family," naibulong niya sa sarili. Lumakas tuloy ang kanyang paniniwala na may ginawang kamalamalahan ang babae para mamatay nang maaga ang dad niya. "Oras na mapatunayan kong ginawan mo nang masama si Dad, makikita mo!"
Napalingon si Mauro sa direksyon ng pintuan nang makarinig nang sunud-sunod na katok. Medyo umasim ang kanyang mukha nang makita ang kaibigang abogado ng dad niya. Dati-rati tinuturing niya itong kakampi, pero lately he seemed to have changed loyalties. Mas may simpatiya na ito sa stepmother niya kaysa sa kanya. Isang bagay na hindi niya lubos maintindihan. Halata namang niloko ng Lalie na iyon ang dad niya, ang best friend nito, subalit tila wala lang dito. Baka nga totoo rin ang balitang nakinabang ito sa pagkamatay ng ama niya.
"Attorney Zamora. To what do I owe this early morning visit?"
Alas siyete pa lang kasi ng umaga pero heto't nasa harapan na ng dating opisina ng ama na office na rin niya ngayon ang matandang abogado. He was not known for being an early bird, kaya natitiyak ni Mauro na urgent ang pakay nito.
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, iho. I came in Lalie's behalf. Nag-refuse ka raw bayaran ang mga bills niyang hindi pa bayad sa mga high end stores dito sa atin?"
Napaupo nang matuwid si Mauro pagkarinig dito. Naramdaman niya ang pag-igting ng panga sa pagpipigil na kumawala ang iritasyon.
"Yes, Attorney. She had incurred a total of ten million pesos in expenses for the last four months. Imagine that. The last four months! Nang tingnan ko ang mga pinagkakagastahan puro mga walang kwentang bagay lamang! Who would pay for a bag worth more than a million pesos? Sabihin n'yo nga sa akin. Why would someone buy such useless things?"
Napahinga nang malalim si Attorney Zamora. "I have already talked to Lalie about these and I made her promise me not to spend on outrageously expensive girly things. Nangako siya na mabayaran lamang ang mga ito'y maging matalino na siya sa paggasta ng pera. But first, we need to settle the debts, Mauro. Lumaki na ang utang dahil sa patung-patong na penalty. Tumalbog kasi ang mga tsekeng in-issue niya rito. Hindi na niya magamit ang credit cards to pay for them dahil you have them cancelled. Bukod doon ay pina-freeze mo pa ang kanyang checking account."
"Bakit kasi binayaran niya ito ng tseke? May cards naman siya noon. Dapat sana ay bayad na ito before I had her cards cancelled."
Napahinga nang malalim si Attorney Zamora. Parang ayaw sanang magsalita pa pero napilitan din.
"Binayaran niya ito ng tseke. Na-max out niya raw kasi ang mga cards niya no'n."
Napakagat-labi na rito si Mauro. "Attorney, she came from a very poor family. How come ganito siya gumastos ng pera? Baka ang mga gamit na ito ay nire-resell niya para buhayin ang isang barangay niyang pamilya?"
"Her parents disowned her for marrying your dad. The entire family---especially her eldest brother is angry at her," malungkot na sagot ni Attorney Zamora.
Natigilan si Mauro. Hindi na siya nakapagsalita pa.
**********
Natigil si Lalie ilang metro ang layo sa nitso ng yumao niyang asawa. Paano kasi ang lalaking iniiwasan niyang makita ay nandoon at nakaluhod sa harapan ng puntod. Yumuyugyog pa ang balikat nito kaya natitiyak niyang umiiyak ito.
Biglang tumayo si Mauro at napasinghap si Lalie nang mapaharap na ito sa kanya. He was wearing dark sunglasses, naka-T-shirt ng kulay puti at kupasing maong. Ngayong sanay nang kumilatis ang mga mata niya sa mamahaling bagay, nasisiguro niyang ganoon lang kasimple ang mga iyon pero lahat ay branded. Lalo na ang rubber shoes na tingin niya isa sa mga limited edition ng Nike. Subalit, hindi siya sa presyo ng mga suut-suot nitong gamit napasinghap kundi sa kung gaano ito ka-guwapo at kakisig sa simpleng get up na iyon. Pakiramdam ni Lalie isang Turkish movie star ang kanyang kaharap. Hot na hot kahit na hindi nag-e-effort. Bonus na ang ganda ng pangagatawan nito at tangkad. Sa mukha pa lang, malulunod na ang kahit sinong babae o binabae.
Nang ma-realize ni Lalie na lihim na niyang pinupuri ang damuho kinutusan niya agad ang sarili. Tatalilis sana siya para iwasan ito, pero napatingin na ito sa direksiyon niya. Tinaas pa nito ang sunglasses kung kaya nakita niya ang paniningkit ng mga mata ng hinayupak. Bukod sa ganda ng pilik-mata at kilay, napansin agad ni Lalie ang pamumula nito. Tila galing sa pag-iyak.
"Umiyak ka," komento niya.
"Alangan namang humagalpak ako ng tawa sa harapan ng puntod ng dad ko."
"Pilosopo..." naibulong ni Lalie.
Lalong naningkit ang mga mata ni Mauro. "Why are you here? Do you wanna dig his remains sakaling may pinabon kaming ginto o mamahaling bato?" Gumalaw-galaw pa ang ugat sa gilid ng panga nito.
Nabatid ni Lalie na nagpipigil ng galit si Mauro. Nainsulto siya sa sinabi ng hinayupak, pero siya na ang nag-adjust. Tinandaan niya ang bilin sa kanya ni Attorney Zamora. Dapat niyang habaan pa ang pasensya sa hinayupak na ito. Kailangan. Baka kasi lalo siyang pagkaitan ng panggastos.
Hindi na siya sumagot sa sinabi ng hudas. Baka bawiin pa ang grasyang pinagkaloob nito noong isang araw. Hindi niya pwedeng sagarin ang galit ng damuho. Kahit tumambling siya at mag-split, hindi mababago ang last will and testament ni Don Fernando na ito ang mamahala ng finances niya habang hindi pa siya financially literate.
"Mabuti't naisipan mo ring laanan ng oras ang iyong ama. Alam mo, noong nabubuhay pa si Fernando, wala iyong bukambibig kundi ikaw. Kung gaano ka kabait at mapagmahal na anak. Sinabi niya ring matalino ka raw kung kaya nakapag-aral pa sa Merika. Pero --," tinitigan niya muna ito nang matiim saka pinakunot ang noo bago nagpatuloy, "mukhang opinyon lang iyon ng isang amang nangulila nang labis sa katangi-tanging anak na mas piniling magtrabaho sa ibang kompanya kaysa palaguin ang sariling negosyo." Nginitian niya ito nang ubod-tamis. Nakita ni Lalie na napalunok ito at napakagat-labi pa. Nagtagumpay siyang inisin ito lalo sa maayos na paraan. Ngunit nang ma-realize na hindi niya napanindigan ang pangako kay Attorney Zamora, natakot siya bigla. Tinalikuran niya ito agad bago may masabi pang iba.
Biglang nahinto sa paglalakad si Lalie nang may humatak sa braso niya. Nang siya'y tumingala, nagkatitigan sila ng galit na galit na si Mauro.
"You do not know me, so stop judging me." Mahinang-mahina ang tinig nito. Halos dumikit pa ang mga labi sa kanang pisngi ni Lalie. Naramdaman nga ng huli ang mainit nitong hininga roon.
Awtomatikong nakaramdam ng kakaibang excitement si Lalie sa pagdaiti ng kanilang mga balat. Bigla pang lumakas ang tahip ng kanyang dibdib. Para siyang nahahapo ngayon na hindi maintindihan. Napasinghap siya nang wala sa oras.
Bago pa makapagsalita si Lalie, nabitawan na siya ni Mauro na tila diring-diri pa sa kanya. Pinagkiskis pa nito ang mga palad na parang gustong ipagpag o alisin ang germs na napulot sa paghawak sa braso niya. Dahil sa nakita, nakalimutan na niya nang tuluyan ang bilin ni Attorney Zamora.
"Hoy! Akala mo naman kung sino ka! Ano ang tingin mo sa akin? Pugad ng mikrobyo? Kung makapagpag ka ng mga kamay mo akala mo kung sino kang malinis! Tse! Bwisit ka! Kung hindi ka lang guwapo, mukha kang dyablo!"
Natigil sa paglakad si Mauro. Napakagat-labi naman si Lalie sa sinabi.
Punyeta! Bakit sinabi kong ang guwapo niya? At sa harap pa man din ng puntod ng kanyang ama! Ano ba ang pinag-iisip ko? Shit na malagkit!
Hindi na hinintay pa ni Lalie na bumalik si Mauro at makipagbangayan muli sa kanya. Dali-dali siyang nag-kurus sa harapan ng puntod ni Don Fernando saka tumakbo na palabas ng memorial park. Inunahan na niya si Mauro palabas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top