CHAPTER EIGHT

Aminin man ni Lalie o hindi may kakaibang karisma ang hinayupak niyang stepson. Habang nagsasalita ito sa harapan nila, kitang-kita niya na hindi lamang ang kanyang mga kaeskwela ang kilig na kilig kundi halos lahat ng guro, mapababae man o binabae. Pati ang ka-close niyang si Lillibeth na inisip niyang inosente at walang kamuwang-muwang sa bagay na ito ay bigla ring tumili, kasama ng iba pa nilang kaklase nang magsalita na si Mauro.

"Potah, ibang klase ka ngang hayop ka," bulong niya.

"May sinasabi po kayo, Ate Lalie?"

"Naku, wala!"

Pagkatapos ng maikling talumpati ng damuho, pinabalik na sila sa kani-kanilang mga silid, pwera lamang sa kanya. Nagulat si Lalie.

"Ako po, ma'am?" pagkokompirma ni Lalie sabay turo sa bandang dibdib niya.

"Yes, iha. C'mon, follow me."

Napatingin si Lalie kay Lillibeth. Ang huli ay tila nagtataka rin kung bakit kinailangan niyang pumunta sa principal's office. Ang alam lang kasi nila, dalawang bagay lang ang makakapagpaunta sa estudyante sa opisina ng principal. Iyon ay kung may ginawa itong masama o may ginawang kahanga-hanga. Parang alam na niya ang dahilan ng pagpapatawag nito. May nakapagsabi rito ng pag-eskapo niya sa klase noong isang araw. Malaman lamang niya kung sino ang nagdaldal no'n, puputulan niya ng dila.

Pagdating ni Lalie sa silid-tanggapan ni Dr. Dorado, ang kanilang matandang dalagang principal, magiliw siya nitong niyakap.

"Naku, iha! It's good of you to drop by."

Good of you? May ginawa akong kabutihan? Gano'n?

"Sige, Doc. Iwan ko na rito si Eulalia, ha? Kahit hindi na iyan umatend sa klase namin sa math, okay lang po."

Nagulat sa narinig si Lalie at bahagya siyang naguluhan. May munting kaba siyang nadama dahil nga alam niyang istrikto ang guro nilang iyon subalit ang tono nito ay parang hindi naman galit o naiinis. Bagkus, naringgan pa niya ito ng kabaitan. Nalilito siya tuloy. Gayunman, ayaw niyang magbigay ng kompyansa rito. Baka ini-etsus lang siya sa harapan ng punong-guro. Hindi kaya ibabagsak siya nito kung kaya....? Nanlamig ng kaunti si Lalie sa kanyang naisip. Ang nagbibigay lamang ng kompyansa sa kanya ay ang pinangako ni Attorney Zamora. Ayon sa matandang abogado, hinding-hindi siya maki-kick out ng eskwelahan sa kahit ano pa mang rason dahil malaki ang donasyon ng kompanya ng yumao niyang asawa rito.

"Sit down," sabi ng principal. Hawak-hawak pa nito ang braso niya at masuyo siyang hinila papunta sa isa sa mga visitor's chair na nasa harapan ng mesa. Nang makaupo na siya'y lumipat ito sa swivel chair at ngumiti sa kanya nang ubod ng tamis.

"Hindi mo sinasabi sa amin na kamag-anak mo pala si Mr. Mauro Dela Paz, ang CEO ng Dela Paz Group of Companies," tila kinikilig na sabi ng principal.

No'n lang napansin ni Lalie ang matingkad na kulay pula nitong lipstick. Parang gumamit pa nga ng liptint para lalo itong maging kapansin-pansin. Kinilabutan si Lalie sa nakitang pagtatangka ng punong-guro na magmukhang kaakit-akit. Parang hindi bagay, sa loob-loob niya.

Bago pa makasagot si Lalie sa sinabi ni Dr. Dorado, pumasok si Mauro sa silid. Hinatid ito roon ng bading na department head ng English. Pagkakita sa binata, nag-init ang mukha ni Lalie. Parang gusto niyang tumakbo palayo. Nahihiya siyang napag-alaman agad nitong bumalik siya sa pag-aaral. Ilang taon na siya ngayon, beinte singko na'y nasa second year high school pa lamang! Siguradong maiinsulto na naman siya ng hayop na ito.

Dahil nagsalubong na ang kanilang paningin, sinikap na lamang ni Lalie na magpatay-malisya. Kung magpapakita kasi siya ng kahit katiting na emosyon kagaya ng hiya, baka gamitin nito laban sa kanya at lalo siyang maliitin.

"Oh, you're back, Mr. Dela Paz. Kausap ko na nga pala ang kapatid mo, si Ms. Eulalia Dela Paz."

"Hindi ko po siya kapatid!" mabilis na tanggi ni Lalie sabay tayo. Nangawit agad ang leeg niya sa katitingala kay Mauro na ngayo'y nasa harapan na nila ng principal.

Sinikap ni Lalie na iliyad pa ang dibdib para dumadagdag ng kahit ilang pulgada lang sa taas niya. Mahigit anim na talampakan kasi ang binata at dahil naka-rubber shoes lamang siya ngayon sakto lang siyang umabot sa balikat nito gayong nasa limang talampakan at anim na pulgada naman siya.

"Yes, that's true, Dr. Dorado. Actually, she's my stepmom," walang kagatul-gatol na pahayag ng damuho. Walang kaemo-emosyon ang mukha nito. Ganunpaman, pakiramdam ni Lalie parang kinutya siya gayong tila wala lamang dito ang pagkakabigkas sa salitang 'stepmom'.

"Oh, really?!" Hindi itinago ng principal ang pagkagulat. Inasiman ito ng tingin ni Lalie. Sa isip ng huli, maaari ba namang hindi nito alam kung totoong ilang taon nang nagbibigay doon ng donasyon ang yumao niyang asawa?

Napaka-OA naman nito. Gusto lang yata makasagap ng intriga, eh.

"Oh, I didn't know that, Mr. Dela Paz, Ms. Dela Paz. I thought you were siblings."

Nainis si Lalie. Hindi man niya lubusang naiintindihan ang kanilang principal, hindi niya nagustuhan ang pag-iinarte nito. Saka hindi pa nito sinasabi kung bakit siya naimbitahan doon.

"Ma'am, may klase pa ho ako. Ano po ang pakay ninyo sa akin?" Nagngingitngit man ang kalooban, sinikap pa rin ni Lalie na maging magalang.

Ngumiti na naman nang ubod-tamis sa kanya ang principal at sinabing, "Makakabalik ka na sa iyong klase, Eulalia. Maraming salamat sa pagbisita."

Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ni Lalie. Iyon lang? Gusto lamang siyang gamitin para sa paglalandi nito sa bastos niyang stepson at inantala pa ang pag-attend niya ng klase nila sa math? Pambihira! Gusto niyang magdabog.

Tinapunan na lang ni Lalie ng masamang tingin si Mauro bago walang lingon-likod na bumalik na sa kanilang silid sa math.

**********

Sinundan ni Mauro ng tingin ang madrasta nang palabas ito ng principal's office. Hindi niya namalayang napangiti na pala siya lalo pa sa eksaheradong kembot ng puwet nito habang naglalakad dahil sa init ng ulo. Kulang na lang ay magdabog ito sa harapan ng principal. For a while, inasahan nga niyang magwawala ito roon dahil tila wala naman itong hiya lagi. Medyo nasorpresa nga siya na nakaya nitong supilin ang kung ano mang galit this time. Minsan, nagtataka rin siya sa mga reaksyon ng babaeng ito. Kakaiba sa mga karaniwang babaeng na nakasalamuha na niya.

"Ehem."

Napabaling ng tingin si Mauro kay Dr. Dorado.

"I am happy to see how you've managed the little donations that our company has given your school all these years. Matatapos na pala ang four-story building ninyo para sa mga special science students ninyo. I am happy to hear that," ang sabi niya agad sa punong-guro bago pa man ito makapagbanggit ng tungkol sa madrasta. Mukha kasi itong tsismosa. Pakiramdam nga niya nais nitong makasagap ng tsismis kaya inimbitahan din doon si Lalie dahil alam na idadaan siya roon ng isa sa mga guro bago siya bumalik sa kanyang opisina.

"Ay, oo, Mr. Dela Paz. Sabi ko nga sa mga guro rito, kailangang may maiprisinta kaming project para sa iyong ama. Oo nga pala, my condolences. Hindi kami nakapunta sa libing niya. We didn't know about the funeral arrangements. Hindi kami na-inform."

Of course. Why would we inform you?

Hindi na sinabi ni Mauro ang nasa isipan. Nginitian na lamang niya ang principal na ikinakilig nito lalo. Naka-abrasiyete pa ito sa kanya habang hinahatid siya sa main gate ng eskwelahan. He felt uncomfortable pero hindi niya rin nagawang alisin ang mga kamay nito sa kanyang braso.

"How was your trip to the school?" salubong agad ni Donna sa kanya nang makabalik siya ng opisina. May nilapag itong folder sa harapan ng mesa niya habang nag-aadjust siya ng kurbata.

"Indeed, she was there. She's a second year student. She belonged to the star section."

"Really? Eh di ang talino pala ng madrasta ninyo?"

Nakangisi na sa kanya si Donna. Hindi feel ni Mauro ang Eulalia na iyon, pero hindi rin niya nagustuhan ang tila pangungutya ng empleyada sa babae.

"It's more of Attorney Zamora using the company's influence in the school's decision rather than her efforts in the entrance exam. Alam naman natin pareho ang kanyang kakayahan."

Tumawa si Donna. Ikinatuwa nito ang sinabi niya. Napasulyap si Mauro sa babae bago buksan ang folder. He doesn't like her reactions at all. Parang pagmamataas iyon kay Eulalia.

"Do I have a meeting today?" tanong niya habang pumipirma sa mga memo na nakalatag sa kanyang mesa. Napa-double take siya kay Donna nang bigla na lang itong naupo sa kanang ibabaw ng mesa niya na paharap sa kanya. Nakasuot ito ng maikling paldang itim kung kaya nasilipan niya ito. Nakasuot lamang ito ng itim na lacy panties.

"What are you doing?" Pinaningkitan niya ito ng mga mata.

Biglang bumukaka si Donna sa harapan niya. Naiatras niya ang swivel chair sabay tayo.

"Whoah! What was that for?"

Nakatingin siya sa mukha ni Donna, pero from the corner of his eye, nakita niya na hindi pa rin nakasara ang mga hita nito. Nakabuyangbuyang pa rin ang sugpungan ng mga hita nito paharap sa kanya. Imbes na mahiya, lalo pa itong naging mapangahas. Nilawakan pa ang buka ng mga hita at hinawi ang side ng panties.

Sumulak ang dugo sa ulo ni Mauro nang makita ang ginawa ng babae.

"What the fvck are you doing?!"

"You know what I am doing, big boy!" Dumila pa sa lower lip niya si Donna. Nasuka si Mauro. Not that Donna is not attractive enough. In fact, maganda ito, sexy, fashionable, at mukhang sophisticated. Kaso nga lang ang tingin niya rito'y isang assistant lamang. Kahit minsan ni hindi niya inisip na magkaroon ng kahit munting affair dito. Katunayan, dahil dati itong assistant ng ama at maayos ang naging trabaho sa dad niya, naisip nga sana niyang gawin na lang itong permanente niyang assistant. Pero sa pinakita nito ngayon, natitiyak niya kung saan niya ito ilalagay.

Pagkahubad ni Donna ng black, lacy panties niya dumagundong na ang boses ng binata. "Get out of my office! And DO NOT EVER come back here anymore! Tell HR to prepare your last check for the month! I do not need your services here anymore!"

Noong una parang inisip ni Donna na nagpapakipot lamang siya. Nang makita ang kaseryosohan sa kanyang mukha, napahagulgol ito. Bigla itong bumaba ng mesa niya at dali-daling nagsuot ng panties saka umiiyak na lumabas ng kanyang opisina.

Pagkaalis ng babae, kinuha niya ang disinfectant sa banyo at ini-spray-an ang buong mesa. Napakuyom siya ng mga palad. Hindi niya sukat-akalin na magagawa iyon ng babae. Ang pinagtataka niya bakit siya nagkaroon ng ganoong lakas ng loob?

**********

Katatapos lang maghapunan ni Lalie sa kumedor nang mga bandang alas siyete y medya nang dumating si Mauro. Sambakol ang mukha nito. Tila hindi nga nito nakita ang katulong na si Mamerta nang salubungin ito't tanungin kung maghahanda na ba sila ng dinner nito.

"Daig pa ang may period. Gosh!" naibulalas ni Lalie nang makapasok sa study room ang binata at iwan sila sa foyer ni Mamerta. Napangiti siya nang mapasulyap sa kanya ang katulong na tila gulat na gulat sa binanggit niyang Ingles na salita. Natutunan lamang niya iyon sa kaklaseng si Lillibeth. Sosyal daw kasi para sa isang babae ang magsabi ng, "Gosh!" with matching eye roll paminsan-minsan. Mukhang effective naman dahil na-impress niya si Mamerta.

"Gusto ninyong mag-dessert, ma'am? Padadalhan ko kayo ng cheese cake sa kuwarto ninyo?"

Lumingon nga agad ito sa personal maid niyang si Aurora at uutusan sana itong kunin na ang cake nang sumagot si Lalie.

"Cheese cake?" For a while ay natukso si Lalie pero nang mahawakan ang tila papalaking usli ng tiyan dahil sa kakalamon niya nitong mga nakaraang linggo, agad siyang tumanggi.

"Naku, ma'am, totoo po ba?"

Nagulat si Lalie. "Ang alin?" nagugulumihanang tanong niya kay Mamerta. "Ang alin nga?" ulit niya rito nang hindi ito sumagot bagkus kinilig lang nang kinilig.

"Buntis na po kayo! Naku, matutuwa nito si ser! May kapatid na si ser!"

"Ano'ng nangyayari rito?" tanong ni Aling Inday, ang mayordoma. Nasa likuran na pala nila ang matanda. Naintriga ito sa pagtititili ni Mamerta at sa pinakitang excitement din ni Aurora.

Bago pa makasagot si Lalie, biglang napasigaw sa tuwa si Mamerta. "Buntis na si Ma'am Lalie, Aling Inday!"

"Buntis? Ako?" gulat na gulat na balik-tanong ni Lalie. Iyon ang eksenang nadatnan ni Mauro paglabas sa study room niya.

"Sinong buntis, Mamerta, Aling Inday?"

"Si Ma'am Lalie po, ser! May kapatid na po kayo, ser!"

"Hoy, ano ka ba! Ano ba'ng pinagsasabi mo riyan?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Mauro. Kitang-kita ni Lalie na tila may gumuhit na galit sa mukha nito na kaagad din namang nawala. Tiningnan siya nito nang matiim.

"Buntis ka?"

"Hindi nga!" halos ay isigaw dito ni Lalie. Tapos, binalingan nito si Mamerta at pinandilatan. Pati si Aurora na nakitili lang, inasiman din niya ng tingin. Natahimik ang huli. Kaagad silang hinila ng mayordoma at nagpaalam ang mga ito na babalik na ng kusina.

"You are pregnant? Buntis ka?"

"Ang kulit mo! Hindi nga! Bakit naman ako mabubuntis?" asik niya rito.

Tinitigan siya ni Mauro na tila baga hindi naniniwala sa kanyang sinabi saka tinalikuran agad. Dumeretso ito sa kumedor.

"Hindi nga ako buntis! Guni-guni lang ni Mamerta iyon!"

"I don't care!" sagot nito nang pabalang.

Nagsalubong ang mga kilay ni Lalie. I don't care, panggagagad niya sa lalaki at inambahan ng suntok. No'n naman lumingon si Mauro. Inasiman siya ng tingin, pero wala rin namang sinabi.

Bwisit kang Mamerta ka! Kagigil!

Bumalik sa kuwarto niya si Lalie na imbyernang-imbyerna sa katulong. Kung alam n'yo lang. Naku! Paano ako mabubuntis kung hindi nga naka-first base ang matandang iyon? Ni hindi nga iyon nagtangka na hipuin siya sa sekswal na pamamaraan. Palaisipan nga sa kanya hanggang ngayon kung bakit siya nito inalok ng kasal. Halata naman kasing hindi ito attracted sa kanya gaya ng mga DOM na humahabol sa mga bata-batang kababaihan. Gayunman, nang gabing ma-stroke ito, tingin niya mayroon siyang kontribusyon. Wala siyang pinagsabihan no'n kahit ang abogado na alam niyang nakikisimpatya na sa kanya. Mahirap na. Baka gawan siya ng kaso.

May binabasang mga dokumento sa study room niya si Don Fernando nang dumating siya roon. Inisip niyang akitin ito at nang may mangyari man lamang sa kanila. Hindi sa dahil gusto niya ito kundi nais lamang niyang magbayad ng utang na loob. Naging mabait ito nang sobra sa kanya kung kaya pakiramdam niya kailangan niya itong bayaran sa paraang inisip niyang magugustuhan nito. Humihilot-hilot na ito ng dibdib nang datnan niya sa study room. Pagkakita niya rito, maarte niya itong nilapitan at nagboluntryo pang masahehin ang mga balikat at batok nito.

"Lalie, hija," tila protesta noon ni Don Fernando sabay tayo. Pinigilan pa ang kanyang kamay. Hinalikan niya ito sa batok at sa gilid ng pisngi. Inakala niyang matutuwa ang don.

"What are you doing, Eulalia?!" Tila nagalit ang matanda. Naningkit ang mga mata nito habang tinatabig ang kanyang mga kamay na nakalingkis na sa leeg nito. Mayamaya pa'y nakita niya itong ngumiwi na hawak-hawak ang dibdib saka tumirik pa ang mga mata. No'n siya nag-panic. Tinawagan niya agad ang dating mayordoma sa pamamagitan ng intercom. Pagdating nito, naka-upo na sa swivel chair niya si Don Fernando habang hawak-hawak ang dibdib. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa at dahil nakasuot lamang siya ng pekpek shorts at hapit na hapit na puting crop top na nakabakat pa ang utong, nag-isip agad ito ng masama. Dahil ni hindi siya itinuring na amo, right there and then ay sinabi nito sa kanya ang iniisip. Inakala pala ng bruhang mayordoma na nag-anuhan sila ng matanda at hindi kinaya ng huli.

"Hoy, ang dumi ng isip mo!" naisigaw nga niya rito. "Imbes na mang-intriga ka riyan, bakit hindi ka tumawag ng ambulansya?!"

Natigil sa pagmumuni-muni si Lalie nang may marinig na malalakas na katok sa kanyang pintuan. Bumaba siya ng kama at binuksan nang bahagya ang pinto. Nakita niya si Mauro. Hindi na ito galit, pero hindi rin natutuwa. Parang malungkot lang.

"Kailangan mong magpa-check up na bukas. Tinawagan ko ang kakilang kong ob-gyne."

"Ha? Bakit ako magpapa-check up?"

"You're pregnant."

"Sinabi ko na ngang hindi ako buntis! Hindi! Paano ako mabubuntis, aber? Sino naman ang ama kung sakali? Ang mga daliri ko?!"

Napatakip si Lalie sa bunganga nang ma-realize ang huli niyang sinabi.

Tila napakurap naman si Mauro na parang nagulat sa narinig. Napaawang pa nang bahagya ang mga labi nito. Tumingin ito kay Lalie in a weird way, pero hindi na nagsalita pa. Marahang pininid ni Lalie ang pintuan at napasandal doon. Hiyang-hiya siya sa mga sinabi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top