382. Sleepover

Sleepover.
© Yzanna_A

+ KNBB First Anniversary Contest +
»SECOND PLACER«

ate park: this is our second placer hihi ❤ etong entry na ito ay pinakilig ako ng bongga. walang halong biro kaya naman, kiligin sana kayo hahaha 😘

♡♡♡


Naka-upo ako sa sofa ng aking apartment. Hinihintay kong dumating ang 7 dwarfs kong kaibigan, hindi naman sila maliliit pero lagi silang magkakasama tulad ng dwarfs ni snow white. Pero, unlike them gwapo ang 7 dwarfs kong kaibigan.

"Anjelyn! Nandito na kami!" sigaw ng mga kumakatok sa pintuan ng aking apartment na marahil ay ang 7 dwarfs. Tumayo ako saka pumunta sa pintuan upang pagbuksan ang mga kumakatok.

"Mabuti nama--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay agad na silang pumasok na pina-pangunahan ni Namjoon ang leader ng 7 dwarfs, na nakasuot ng ternong pajama na ryan ang design at dala ang malaking stuff toy nyang si Ryan.

"Hi Anjelyn!" bati ni Taehyung sa akin. Nakasuot sya ng beanie, naka-loose T-shirt at loose ding pantalon na gucci ang tatak pati ang tsinelas at may hawak na fox na stuff toy.

Tinapik naman ako ni Jungkook sa balikat na nakasuot ng hoodie at sweatpants na puma lahat ang tatak pati tsinelas.

"Anj! Buti pinayagan mo kaming mag-sleepover dito." sabi ni Jimin na naka- muscle shirt at shorts saka ako niyakap. Bumitaw agad sya sa pagkakayakap sakin, "Tabi tayo ah." hinawakan nya ako sa aking baba gamit ang dalawa nyang daliri habang naka-smirk. Namula ako, dahil sya ang pinaka-gusto ko sa kanilang 7. Oo, gusto ko silang lahat. Sino ba namang hindi?

"Hello sweetie." bati sa akin ni Jin at pinisil ang aking ilong. Nakasuot sya ng hoodie na color pink at pajama na color pink din.

"Yiha!" sabi ni Hoseok na patalong pumasok.

Habang si Yoongi naman ay yakap ang kanyang puting unan at halata mong antok na antok na. Isinara ko na ang pintuan saka dumiretso na sa salas kung saan kami maglalatag at matutulog. Itinutulak na ni Jungkook ang sofa samantalang si Yoongi naman ay nakahiga na roon.

"Kumain muna tayo bago matulog." sabi ko.

"May dala akong pagkain." sabi ni Jungkook at lumapit sa akin upang iabot ang isang supot. Kinuha ko iyon at tinignan ang laman.

"Cup Noodles?"

"Oo, favorite ko yan eh. Guys! Tara na munang kumain!" yaya nya sa anim. Lumapit ang lima pero bumalik si Jimin para gisingin si Yoongi.

"Hyung..? Tara daw munang kumain?" malambing nyang sabi kay Yoongi. Pero walang kibo si Yoongi, kaya sinubukan uli syang gisingin ni Jimin. Pero nainis si Yoongi at pinaghahampas nya ng unan si Jimin. "Mas gusto kong matulog kesa kumain!" sigaw ni Yoongi at nahiga na uli na parang walang nangyari. Lumapit na si Jimin ng nagkakamot sa ulo para kumain ng dala ni Boy  Noodles.

Habang kumakain kami sa counter ng aking kusina ay kung anu-ano ang mga pinaggagagawa ni Taehyung. Inilalagay pa nya ang isang noodle sa isang gilid ng kanyang bibig at isa pang noodle sa kabila.

"Rawr! I'am a vampire!" sabi nya sa amin habang nakataas ang dalawang kamay. Kaya tawa kami ng tawa.

Nagjojoke pa si Jin.

"Bakit hindi nakikipaglaro ng hide and seek ang mga leopard?"

"Bakit?" tanong naming lahat.

"Kasi--" hindi nya maituloy ang sinasabi dahil natatawa sya.

"Kasi lagi silang spotted." at nagpatuloy ang paghagalpak nya. Habang kami ay natawa dahil sobrang corny ng joke nya. Pagkatapos naming kumain ay naglatag na kami ng aming hihigaan. Si Yoongi naman ay humihilik na doon sa sofa na nasa gilid ng salas.

Tulad ng sabi ni Jimin ay magkatabi nga kami, pero nasa kabilang side ko si Tae.

"Kailangan ko ng magbeauty sleep. Baka pumangit ang kutis ko." sabi ni Jin. Ngayon ay nakahiga na sina Jin, Namjoon at Hoseok. Habang kaming apat ay naka-indian sit pa sa aming mga higaan.

"Hindi pa ako inaantok." sabi ni Taehyung.

"Sige, manuod muna tayo ng movie." sabi ko kay Tae at binuksan ang tv para magplay ng movie.

"Ok game!" banggit ni Jungkook.

"Yey! Thank you Anj!" sabi nya at hinalikan ako sa pisngi, na nakita ni Jimin kaya inambaan nya ng suntok si Tae. Kaya agad ko siyang pinigilan.

"Akin ka lang Anj." narindi ang tenga ko sa sinabi nya.

"P-pero wag mo namang sasaktan si Tae." nauutal kong sabi.

"Away ako ni Jimin.." sabi ni Tae na nagpout. "Tama na ha?" sabi ko.

"Tsk. Mga away bata." inis na sabi ni Jungkook. Dahilan para tignan sya ng masama ni Jimin.

Nalipat na ang aming atensyon sa movie na nag-uumpisa na. Ngayon ko pa lang mapapanuod ang movie na ito, pero ang alam ko ay may pagka-action ito. Sa bandang gitna ng movie ay may r-rated scenes na hindi ko inaasahan.

"Waah! My innocent eyes!" sabay takip ni Jungkook sa kanyang mata.

Nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Jimin, kaya napatingin ako sa kanya pero half-open ang kanyang bibig at nakatutok parin sya sa movie. Tumingin naman ako kay Tae na napapalunok at tutok na tutok parin ang atensyon sa movie, pero napatingin ako sa kanyang kamay na nakahawak sa kanyang stuff toy at idinidiin ito sa kanyang maselang parte.

"Ok! Tama na, matutulog na tayo." may autoridad kong sabi. Kinuha ko ang remote at pinatay na ang tv. Ngayon ay ang stand lamp na lang ang nag- sisilbing ilaw namin.

"Phew! Salamat, Noona." sabi ni Jungkook.

"Goodnight." sabi pa nya.

"Bakit mo pinatay? gumaganda na eh.." napakamot sa ulo si Jimin at inalis ang pagkaka-akbay sa akin saka humiga.

"Matulog na nga tayo." sabi ni Tae sa kanyang stuff toy at humiga na. Humiga na rin ako at pumikit, pero may nararamdaman akong malikot sa katabi ko kaya binuksan ko ang aking mata at nakita ko si Jimin dahil nakaharap ako sa kanya at ganon din sya. Nakita nya akong nakatingin sa kanya kaya nag-smirk sya.

"Akin ka lang.." bulong nya sa akin at kinuha ang aking kamay mula sa loob ng kumot ko. Pinagsalikop nya ang aming mga kamay na lagi nyang ginagawa tuwing magkasama kaming dalawa sa school na para bang girlfriend nya ako at boyfriend ko siya, pero hindi. Hindi rin nya ako nililigawan, pinaparamdam nya lang na may gusto siya sa akin. At ganun din ako sa kanya, ngunit hindi nya alam. Kaya ngayon ay kilig na kilig ako, nakakaramdam ako ng mga paro-paro sa loob ng aking tyan. Pinipigilan kong ngumiti pero hindi ko magawa.

"Bakit ganyan ka kung makangiti?" bulong nyang tanong sakin.

"Wala." nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Kinikilig ka noh?" nang-aasar nyang tanong sa akin at sinundot-sundot ang aking tyan. Dahilan para mas lumawak ang aking ngiti. Lumingon ako para tignan ang anim na mahimbing na palang natutulog.

"Wag kang ma-ingay magigising sila." saway ko sa kanya.

"Bakit may balak ka bang gawin natin? At ayaw mong magising sila?" sabi nya. Ibinaling kong muli ang aking tingin sa kanya. At ngayon ay kitang-kita ko ang napakalawak nyang ngisi.

"Tumigil ka." pigil ko sa kanya. At agad naman syang tumigil.

"Sorry." sabi nya at humiga sya ng diretso na nakatingin sa ceiling, ngunit magkahawak parin ang aming mga kamay.

"Anj..alam mo naman yung nararamdaman ko para sayo, hindi ba?" seryoso nyang sabi, nakatingin sa ceiling.

"Hmm.." pagsang-ayon ko. Dahilan para iharap nya sa akin ang kanyang ulo. Inilagay nya ang aming magkahawak na kamay sa kanyang dibdib.

"Sobrang tagal ko nang pinaparamdam sayo na gusto kita. Kaya..pwede na ba akong manligaw?sayo?" tanong nya habang seryosong nakatingin sa aking mga mata. Totoo na ba ito?!Teka! baka nananaginip na ako ngayon?

"Seryoso ka ba, Jimin?" tanong ko.

"Matagal na akong seryoso sayo, Anj." seryoso nyang sagot. Matagal ko na itong pinag-isipan. Na paano kung tanungin nya ako ng ganitong bagay.

"O-Oo naman." tipid kong sagot dahil kilig na kilig na ako sa mga nangyayari. Nakita ko ang napakalapad nyang ngiti. Napatayo sya sa sobrang saya at nagtatalon. Napabangon din tuloy ako dahil sa ginawa nya.

"Shh! Magigising sila, ang ingay mo!" pabulong kong sigaw.

"Sabi mo yan ha?" lumapit sya sakin at hinawakan ang aking kamay. Tumango ako nang nakangiti dahil sa mga pinaggagagawa nya. Umupo sya sa aking harap, nakita kong tinititigan nya ang aking labi. Napalunok ako.

Ito na ba? Ang first kiss ko? Ang pinakahihintay ko?

Ilang segundo ang lumipas at tahimik parin ang paligid hindi kami gumagalaw. Nang biglang lumapit ng dahan-dahan si Jimin sa aking mukha or specifically sa aking labi! Ito na, ilang inch na lang ang layo. Ipinikit ko na ang aking mga mata. At hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang kanyang labi sa akin. Naramdaman ko rin ang kanyang kamay sa aking pisngi. Sinusundan ko ang bawat galaw ng kanyang labi. Hanggang sa maramdaman ko na ang dila nya sa loob ng aking bibig. Bumitaw na ako, dahil baka kung hindi ay kung saan na mapunta iyon.

"I'm sorry Anj, I should've control myself from kissing you." paghingi nya ng tawad.

"Ok lang.."

"Matulog na tayo ah?" sabi ko pa. Humiga na uli kami sa aming higaan.

"Goodnight, Anj ko. You didn't know how you made me so happy tonight." sabi nya saka pinagsalikop uli ang aming mga daliri at inilagay nya sa kanyang dibdib. Hinalikan nya ako sa aking noo.

"I love you. Anj." bulong nya.

I love you too.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top