381. BTS kapag dumadamoves

BTS kapag dumadamoves.
© SweetlyRandom

+ KNBB First Anniversary Contest +
»FIRST PLACER«

ate park: she won the first place in my contest ❤ yay, dahil nag-enjoy ako basahin itong entry niya, kaya naman ay sana ay mag-enjoy rin kayo 😍

♡♡♡

(Cafeteria)

Lumapit si Jin kay Anj at ibinigay yung dala nyang lunch box. Tinignan muna sya ni Anj saglit at mayamaya lang ay inilipat din ang tingin kay Jin.

Anj: Ano 'to?
Jin: Lunch box...
Anj: Wag mo nga akong pilosopohin.. Ano laman nito?
Jin: Pagkain malamang..

Tinignan ng masama ni Anj si Jin

Anj: Gusto mo mamatay?
Jin: Patay na nga ako eh!
Anj: Patay ka na pala---
Jin: Patay na patay sayo, Anjelyn
Anj: Hala! Ano bang pinagsasasabi---
Jin: Nanliligaw na ako... Tsaka nakita kong wala kang pagkain eh... Pinagluto kita.. Happy? Mahal kita ah, Anjelyn Tan! Mwah! [kiniss ka sa pisngi]
Anj: [Namula]

----

(Rooftop)

Nakita ni Anj na natutulog si Suga at nakahiga sa bench. Lumapit si Anj at tinignan ang mukha ni Suga.

Anj: Eh di ikaw na maputi... Adik sa gluta tsk!

Bigla syang dumilat at tinignan si Anj. Nagulat naman si Anj kaya umayos ito ng tayo.

Suga: Ano ginagawa mo dito?
Anj: Malamang hinanap kita di ba? Hanap ka na ng Marie mo...
Suga: Nagseselos ka ba?
Anj: Hala! Ako? Magseselos? Hindi noh! Ano mo naman ako para magselos ak---

Nagulat si Anj kasi niyakap sya ni Suga. Mayamaya lang ay kumalas na sya at tinignan si Anj sa mata.

Suga: Sige. Tayo na ah.. Wag ka na magselos... Mahal kita, Anj!
Anj: Hala! Nanligaw ka na?
Suga: Oo naman noh! Effortless nga.. kasi tayo na eh.
Anj: Um-oo na ba ako? Hindi pa naman ah.
Suga: Oh.. So, ayaw mo?
Anj: Joke lang. Ito naman di mabiro... Love you, Gluta-- este Suga.

----

(Bahay)

Katext ni Anj ngayon si Jhope. Nasa kwarto sya habang nakaupo sa kama.

-Text-

Jhope: Uy! Ano na? Payag ka bang pumunta ako dyan sa bahay mo?
Anj: Bakit ba? Nandito sina Mama!
Jhope: Kahit na.. Pwede naman akong umakyat dyan... Aakyatin ko ang bahay mo makita ka lang, Anj..
Anj: Hala! Weehh? Gawin mo nga!
Jhope: Mamaya
Anj: Hindi mo naman pala kaya eh hahaha
Jhope: Sagutin mo na kasi ako
Anj: Ha? Nanliligaw ka ba?
Jhope: Oo.
Anj: Hindi kaya halata
Jhope: Manhid ka kasi

-END-

Hindi na sinagot ng dalaga ang message ni Jhope. Hihiga na sana ito sa kama para matulog pero bigla syang may narinig na kalampag. Napatingin sya sa palagid. Wala namang nagbago. Tumayo sya at pumunta sa may terrace. Nakita nya si Jhope na nakatayo na dun.

Anj: Hala! Inakyat mo nga!
Jhope: Syempre. Ako pa.
Anj: Nakakaakyat pala ang kabayo? Pfft..
Jhope: Sama nito.

Lumapit si Jhope kay Anj at hinila palabas ng kwarto. Pinigilan sya ni Anj nung makita nya na nasa sala ang mga magulang nya.

Anj: Nandyan sina Mama.
Jhope: Wag ka mag-alala. Nagpaalam na ako kanina pagdating ko dito na idedate kita.
Anj: Alam nilang nandito ka?!
Jhope: Oo naman. Tsaka pinayagan tayo kasi malakas ako sa kanila syempre [kindat]
Lumabas na sila at nagdate sa amusement park.

----

(Beach)

Naglakad si Anjelyn palabas ng resthouse at nakita ang mga kaibigan nya na nasa may dagat. Naglakad sya palapit sa kanila.
Tumayo bigla si Namjoon mula sa pagkakaupo at hinubad yung shirt nya. Binigay nya ito sa dalaga. Tinignan naman sya ng maigi ng dalaga.

Anj: Para san 'to?
Namjoon: Suotin mo.
Anj: Ha? Bakit naman?
Namjoon: Ang dami kayang nakatingin sayo.
Anj: Sexy kasi ako.
Namjoon: Kahit na. Suotin mo yan.
Anj: [Sinuot yung shirt na ang laki]
Namjoon: Much better. Sa susunod kasi wag ka na magtu-two piece. Ako lang dapat makakakita ng katawan mo.
Anj: [Binatukan si Namjoon] Gusto mong ipakain kita sa pating?
Namjoon: Ayoko nga. Sayang kagwapuhan ko noh!
Anj: Oo na lang.
Lalaki sa hindi kalayuan: Ganda nung babae oh!

Tumingin si Namjoon sa lalaki ng masama.

Namjoon: Fuck off, Dude. She's my property. MINE. ONLY.
Lalaki sa hindi kalayuan: [Natakot, umalis]
Namjoon: [Tumingin sa babae] Akin ka lang, Anj. Wag kang lalapit sa mga lalaki ah.
Anj: [Napangiti] Sige po. I love you!
Namjoon: Tayo na?
Anj: [Tumango]
Namjoon: YES! KAMI NA NI ANJELYN TAN!

---

(Classroom)

Anj: [Nakaupo habang nagbabasa ng tahimik]
Jimin: [Biglang umupo sa tabi ng dalaga]
Anj: Ano na namang kailangan mo, Pandak?
Jimin: Kailangan ko ng opinyon mo para sa mga pick-up lines ko...
Anj: Aish! Magpapaka-corny ka na naman?
Jimin: Hala! Corny? Ako?
Anj: Sabihin mo na nga yung pick-up lines mo.
Jimin: Sige. Killer ka ba?
Anj: Hindi.
Jimin: Wag kasi pilosopo!
Anj: Oo na. Bakit?
Jimin: Kasi pinatay mo ang puso ko.
Anj: Jimin, luma na yang pick-up lines mo.
Jimin: Sige ito. Bago. Bulaklak ka ba?
Anj: Bakit?
Jimin: Kasi ang ganda mo, inside and out.
Anj: Aish! Corny mo talaga, Pandak. Tsaka luma na rin yan.
Jimin: Eh di... Ikaw ba si Anjelyn Tan?
Anj: Oo. Bakit?
Jimin: Kasi mahal kita.
Anj: [Tumingin sa kanya] Ako ba pinaglololoko mo, Park Jimin?
Jimin: Mahal nga kita eh. Bakit kita lolokohin? [pout]
Anj: Gusto mo ng sapak?
Jimin: Ayoko [pout]
Anj: Tigilan mo nga 'ko.
Jimin: Eh di titigil na po.
Anj: Jimin, ikaw ba si Pandak Jimin?
Jimin: Naman eh! Aasarin mo na naman---
Anj: Kasi mahal din kita eh.
Jimin: [Ngumiti tapos kiniss ka si Anj sa lips]
Anj: [Namula]

----

(Park)

Jungkook: Break na tayo
Anj: Ha? Bakit, Jungkook? Hindi ba ako sapat para sayo? May mali ba akong ginawa? Masyado na ba akong nakakairita sa tingin mo? Sagutin mo mga tanong ko, Jungkook. Please, wag mo 'kong iwan.
Jungkook: Hindi ko na kaya ang relasyon na 'to, Anj.
Anj: [Nagsimulang umiyak]
Jungkook: Sawa na ako na girlfriend kita. Sorry pero ayoko na talaga. [Tumalikod at naglakad palayo]
Jimin: Wala daw kasi talagang poreber! [Sabay lapit kay Anj]
Jungkook: Tangina naman, Hyung eh! Wag mong agawin! Akin yan eh! [Lapit kay Anj]
Jimin: Break na kayo di ba?
Jungkook: Tinetesting ko lang kasi, Hyung.
Anj: [Hinampas si Jungkook sa balikat]
Jungkook: Sorry, Anj. Sorry talaga.
Anj: Walang hiya ka, Jungkook. Huhu! Pinaiyak mo 'ko!
Jungkook: Alam ko, umiiyak ka nga eh.
Anj: Hmp!
Jimin: Sige. Um-extra lang ako. Alis na ko. [Umalis na]
Jungkook: [Niyakap ka] Sorry...
Anj: Bakit mo ginawa yun?
Jungkook: Kasi kung hindi lang sana dumating si Hyung, babalikan kita tapos yayakapin tapos magpopropose ako sayo.
Anj: Propose?
Jungkook: Will you marry me? [Sabay labas ng hairclip]
Anj: Hala! Hairclip? Jungkook, seryoso? Hairclip?
Jungkook: Masyadong common yung singsing eh. Hairclip na lang, mas maganda ka pa.
Anj: [Namula] Sige. Payag na 'ko.
Jin: JUNGKOOK! ABA! BATA KA PA AH! PASOK SA LOOB NG BAHAY! PAPADEDEHIN PA KITA ABA!

---

(Pet Shop)

Anj: Bakit ba tayo nandito, Taehyung?
Taehyung: Bibili tayo ng corcodile.
Anj: Crocodile? Walang ganun dito, Taehyung.
Taehyung: Hala! Wala ba?
Anj: Oo. Iba na lang.
Taehyung: Agila na lang.
Anj: Agila? Taehyung, walang ganun dito. Sa zoo meron yata.
Taehyung: Eh di koala na lang.
Anj: Taehyung, bakit ka ba bibili ng alagang hayop?
Taehyung: Papakatay ko tapos ibebenta ko sa palengke. Sasabihin ko "new and improve pork"
Anj: Hala? Pork? Kelan pa naging baboy ang mga yun?
Taehyung: Hindi ba pwede?
Anj: Hindi
Taehyung: Sayang.
Anj: Bakit?
Taehyung: Hindi ko sila pwedeng ibenta.
Anj: Aish! Ang yaman yaman mo na ah!
Taehyung: Eh di dog na lang bilhin natin.
Anj: Sige.

-Pagkatapos bilhin yung dog-

Anj: Ano ba gagawin mo dyan sa aso na yan?
Taehyung: Papakatay tapos lulutuin para maging ulam.
Anj: Hala! Binili mo pa yung aso, papakatay mo naman pala. Bad yun!
Taehyung: Eh ano dapat gawin?
Anj: Bigay mo na lang yan sa taong mahal mo.
Taehyung: Oh! [Binigay kay Anj yung aso]
Anj: Oh? Mahal mo 'ko?
Taehyung: Hindi noh! Asa ka pa! Wala akong mahal eh. Iniwan ako.
Anj: Si Jungkook ba?
Taehyung: Oo.
Anj: Aish! Lampo talaga.
Taehyung: Meron kaya.
Anj: Wala kaya.
Taehyung: Tayo kaya may poreber! Akala mo naman! Mahal kita noh!
Anj: Seryoso?
Taehyung: OO! MAHAL KITA, ANJELYN TAN!
Anj: [Kilig]
Taehyung: Kaya tayo na ah?
Anj: Sige sige
Taehyung: [Niyakap si Anj]
Anj: [Niyakap din sya] Akin na lang talaga yung aso?
Taehyung: Oo. Sayo ko naman talaga ibibigay yan eh. [Kumalas ng yakap]
Anj: [Niyakap yung aso]
Taehyung: Hmp! Daya! [pout]
Anj: Oh? Bakit?
Taehyung: Bakit sweet ka sa kanya?
Anj: Pati ba naman aso, pagseselosan mo?
Taehyung: Syempre!
Anj: [Kiniss sya sa lips] Love you, Taehyung! Ikaw lang mahal ko wala nang iba.
Taehyung: Ayiiee!! Stahb it! Kinikilig ako!
Anj: Hala?
Taehyung: De joke lang. Love you too! [Kiss sa lips]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top