Tanggap Ko Na (Old Stuff)
Muling nagdaraan ang bagyo ng buhay
Kailangang limutin na ang iyong alaala
Giliw masakit sa’kin ang mangyayari
Ngunit kailangan nating tanggapin
Minahal mo ako alam ko yan
At alam kong ikaw ay masasaktan
Pareho lang tayong mahihirapan
Ngunit kailangan nating tanggapin
Nadarama natin ay walang pag-asa
Wala pa ito sa panahon
At kalagayan nati’y di ko makaya
Sana’y bukas tanggap ko na
Huwag mong isiping ika’y niloko lang
Pagkat halik at yakap ko’y tunay
Galing ito sa puso ko’t buhay
Ngunit kailangan talaga natin ng kalayaan
Salamat muli sa mga alaala
Sana’y dumating ang panahong tanggap na natin
Na tayo’y walang pag-asa sa isat-isa
Sana’y bukas tanggap ko na…
Written: Aug. 2, 1999 @ 9:00 am
To a girl name Irish…
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top