Taglagas
Ngayon talaga'y taglagas
Ng maliliit na puting anyong dahon
Medyo tinamaan ng tagmalas
Nawalan ang mayroon
Kung maibabalik ko lamang
Ang alaala ng kahapon
Kung saan ang ngiti nati'y wagas
Ngunit agad ating pusong iginuhit
Sa buhangi'y hinampas ng alon
Pagbati ko sa ating pag-ibig
Ay pasimula pa lamang
Ngunit hirit ng tadhana
Sa ating pagmamahala'y
Pamamalam...
March 2017
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top