Sukatan Ng Manunulat
Itong Alab ng damdami'y di na mapigilan
Naghahanap ng sukatan na siyang titimbang
Na kung saan dito ay walang labis at kulang
Walang sigaw ng pandaraya't may kapantayan
Sa simula'y pumatak na ang mga luhang letra
Na sa bawat isa rito ay may halong lupit
Upang ipadama ang nakatagong masakit
At maipatupad and hustisyang nais kamtin
Subalit higit pa sa pauli-ulit lamang
Dalangin na inaasam-asam ay di madaling kamtam
Ngunit hindi ito kailanman naging hadlang
Umaasa pa rin na sa tunay na sukatan maitimtimbang
Mangyari kayang marami rin ang tulad ko
Oo, totoo, nabasa ko ang kanilang kwento
Ngunit bakit ibang tao'y di maintindihan
Ang mensahing idinaan sa panitik na tula kung tawagin
Ibang nilalang ma'y di man nagsulat ng wika
Nabasa ko sa bituin ang kanilang hiling
Naglaho man sila'y mithi nila'y gintong kinang
Nais nila itong sa sukatan at itimbang
Himalang kailangan ng malalim na isip
Na walang buhay na letra ay nakakasakit
Nagbibigay saya minsan tila nangingiliti
Subalit letra ng tulad ko ay pumapatay
Mangyaring sa batong puso't isip di tumalab
Dahil di man sa tunay mata nila ay bulag
Kung di makakain ng lason di makikita
Iyong mukhang lumalaman sa puso ng iba
At isang kamay muli ang siyang nangungulit
Na itimbang ang sakit na sa puso'y lumaman
Sa bawat taong umuha noong isinilang
Ng bawat taong sa mundo ay nabuhay minsan....
written: sept. 13, 2000 @ 2:45 pm
sharing my old stuff...
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top