Siya Nga'y Siya Nga
Siya nga'y siya nga, ngunit hindi
Ang yuming aking minahal
Mula noong pag-ibig nami'y nasawi
At di natupad aming dasal
Ako'y ako, ako pa rin
Magulang mo'y putik nilang tignan
Sa pag-iirog natin mata nila'y piring
Agad nila itong pinapaslang
Sila'y sila, sila na nga
Ang pinili mong sundin
Humanap ng prinsipeng puno ang banga
At pinatuto sa'yong mahalin
Siya nga'y siya nga, ngunit hindi
Masisisi n'yo ba akong mabanggit
Tuwing makita ko s'yang nakangiti
Tila sa puso niya'y ako'y winaglit
Ako'y ako, ako pa rin
Ang sumisinta sa'yo ng wagas
Ngunit walang magagawa kundi pilitin
Pagmamahal ko sa iyo'y magwakas
Sila'y sila, sila na nga
Mga kaibigang nag-udyok sa'kin
Ibinaling pagtingin ko sa iba
Labag sa kalooba'y, bagay na narapat lang gawin
Siya nga'y siya nga, ngunit hindi
Bakit hindi s'ya tuluyang nagpakasal
Isang sulat sa aki'y nagpaintindi
Nagsasabing.... "Ikaw at ikaw lamang, ang una't huling minahal".
Written: June 7, 2015 @ 12:00 pm
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top