Puso Para Sa Bayan
Kung pag-irog mo sa baya'y tunay
Banaag mo ang nagbabalatkayo
Mga leon na nag-aanimong tupa
Mga puting ikinubli lamang
Ang mga pulang kulay nito
Mga taong muling magtatakda
Ng kasaysayang tinagpi-tagpi
Pipilitin nila tayong maniwala
Na tama, kahit mali
Ididilat ba yaring mata
O kaya'y mas pipiliin nating
Maging bulag
Di nanaising makialam
Hangga't di tayo
Ang nasasaktang nasa bungad
Sandamakmak na kalabisan
Hangga't di tayo ang biktima
Di na tayo papalag
Hangga't di natin kalamnan
Ang nasusugata'y
Magpapabaya na lamang ba?
Ang di makakita ng multo
Sa kanilang balintataw
Ay tanging manhid na lamang
Sino mang di makakarinig at makakaramdam
Nitong nag-iiyakang batingaw
Ay walang puso para sa bayan...
May 31, 2017
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top