#postTULACHALLENGE (Kili-Kili)
Tagged by: @MaritaClarita
Title: Kili-kili
Naalala ko ang iyong kiliti
Sadyang nakakangiti
Tuwing maharut kong pisilin iyong kili-kili
Sasabay ang iyong nakakabinging tili
Pagsinta ko sayo'y di kailanman nagbawa
Sa ano mang panahon, gabi man o umaga
Dala ko pa rin kung paano ka tumawa
Kahit alam kong pag-ibig mo sa aki'y ngayo'y wala na
Lagi kong binabalikan ang iyong kiliti
Ang pagdampi ng aking kamay sa'yong kili-kili
Pagkatapus nang tawana'y ang paghalik sa'yong pisngi
Hanggang maglapat tayo ng labi sa labi
Mga mata ko'y di maiwasang bumuhos
Sapagkat sadyang minamahal ka ng lubos
Biro ng tadhana'y sadyang kay hirap tanggapin
Ako'y nangibang bayan, bagay na kinailangan kong gawin
Aking ginunita noong muli tayong magkita
Kalung-kalong mo ang iyong kamukha
Ika'y napatingin sa'yong kili-kili
At tinitigan mo ako kasabay nang napakatamis na ngiti
written: May 20, 2015 @ 7:44 pm
@MaritaClarita syensya na sa nakayanan ko...
Tagging:
@BLINTZERO: Title: Pagtangis
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top