#postTULACHALLENGE [Asin]
Tagged by: @BabaingBobosaMATH
Titulo: ASIN
Ang buhay umiikot sa iba-ibang lasa
Sa yakap at halik na kadalasa'y nilalanggam tayo sa tamis
Isiping di lang dila ang bihasang pumili
Nawa'y lasang inaasam ng puso'y matikman
Ang mga mata'y mapungay tuwing makakakita
Samu't saring kakaning nais mapitas
Ihain sana sa akin ang mga minimithi
Nang mahasa muli ang kalawangin nang damdamin
Aanihin ang aral sa bawat matitikmang lasa
Sanhi man ng iba'y mapait, dito matutuklas
Iikot sa katawan, sa ginhawa'y magtatahi
Nanaisin kong pilit na alat ng buhay ay matikman
Aanhin ko ang buhay na puro tamis at ginhawa
Sa panig naman ng iba'y dila nila'y nauupos
Isasabuhay ko ang magbigay ng konting ngiti
Noon pa ma'y ganito ang aking layunin
Asin mang maalat ito'y mahalaga
Sa buhay kung ito'y iisipin ng wagas
Ihain man sa atin itong lasang may hikbi
Nanamnami't tutuklasin, ang aral na idudulot nitong asin
05-18-2015
Note:
Aww medyo sumakit ang ulo ko sa Asin na ito... he he he...
Sana may sense naman...
@BabaingBobosaMATH thanks for tagging...
Medyo mag-iisip pa ako kung sinong itatagged...
Tagging:
@derl028 - Katamtaman
@love_by_God - Mababaw
@misuMei - Malalim
ang hirap mag-isip ng title.... Pasyensya na sa naisip ko...
Mysterious_aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top