Posibilidad (Old Stuff)
Ako ay isang sisidlan at ikaw rin ay ganoon
Isa-isa nating pinulot ang lahat, pinunan ating kahon
At ganun na nga tayo'y naging marunong
Subalit tanto natin na mayroon pang kulang
Sa kasawiang palad tila di ito ipapahintulot ng kapalaran
Ngunit paano nga ba kung talagang wala na sa simula pa lang
Nawaglit na lalangin ang tunay na dahilan
O kayang maging s'yang may likha'y di niya rin masagot
Pagkat siya rin ay lito't sugat niya'y di magamot
Mangyari kayang magkaganon ang pagsara ng ating aklat
Ito'y posible hanggat di sa'tin nalalantad ang lahat...
Written: July 26, 2001
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top