Para Sa'yo Ito
Para sa'yo ito
Oo ikaw! Na nakarating sa pahinang ito
Nais kong bumitaw ng pasasalamat
Sa oras na ibinahagi mo
Para sa'yo ito
Tama ikaw! Na nakasalamuha ko sa mundong ito
Lugar na nagmistulang ulap
Dahil nakadaupang-palad ko ang katulad mo
Para sa'yo ito
Syempre ikaw! Ang sarap balikan ng ala-ala mo
Bawat palitan natin ng kuro-kuro
Halos di tayo naubusan ng kwento
Para sa'yo ito
Walang iba kundi ikaw! Nakakamis talaga
Ang mga simpleng idinulot mo sa buhay ko
Nag-iisip ka pa ba kung sino, eh sadyang para sa'yo ito
11/4/2015
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top