Papel
Mga tulang hinulma'y di ginawa ng papilit
Papilit itong kumatok sa isip ay nangulit
Nangulit na maisulat sa papel magmantsa
Magmantsa at dumampi sa diwa ng iba
Iba ma'y matanaw ito't dumudugo ang ilong
Ilong nila'y di masinghok ang aral na bumubulong
Bumubulong na salita'y anong halaga kung di maririnig
Maririnig sana ngunit puso yata nila'y sadyang nakapinid
Nakapinid marahil dahil marami na ang nakasilid
Nakasilid na mga bagay na wala namang pintig
Pintig nang puso'y di magawang maangkin
Maangkin sana nila ang nilalaman nitong dibdib
Dibdib man ay minsa'y pagod na sa lahat
Lahat ay nagmistulang bingi sa pag-iyak
Pag-iyak ng mga letrang hinabi rito sa papel
Papel sana'y nagampanang mabuti bago ako maging anghel
11/4/2015
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top