Pagbabalik
Lapis na aking binali muli kong itinasa
Upang bigyang daan ang mga luma kong akda
Isang kapalarang matagpuan ko ang mga ito sa baul
Na tila bangkay na umahon mula sa kanyang ataol
Nawa'y ako'y mapatawad ng aking tagamasid
Tao lamang kasi't kaisipan ko sa aklat na ito'y di pa nasasaid
Nawa'y nariyan pa kayo upang ako'y saluhan
Muli kayong makipiging sa aking saya't kalungkutan
Di pa napupundi ang ilaw ng aking lapis
Kaya asahan ninyo muli ang maya't maya niyang pagtangis
Ang mailahad ang kanyang mga nilakbay
Umaasang kapulutan ninyo ng aral ang kanyang mga isasalaysay
Masalamin ninyo sana ang bawat bitawang letra
Makahanap ng puwang at magkaroon ng halaga
Maraming salamat sa inyong pang-unawa
Mabuhay po kayo at nawa'y pagpalain ng ating Bathala...
Written: April 1, 2015
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top