Paalam Daddy
Paalam daddy
Sadyang ikaw saki'y natatangi
Patawad sa gabuhangin kong mga pagkakamali
Sa lahat ng kahihiyang ako ang sanhi
Daddy naalala ko pa ang kwento
Sobrang saya mo raw noong unang nabanggit ko'y pangalan mo
Noong ako'y bata pa ikaw lagi ang kasama
Katabi sa pagtulog, kalaro sa umaga
Ngunit dumating ang panahong lumago aking bigote
Kasabay tumubo aking sungay noong mapadpad ako sa kalye
Natuto sa mga bagay na mali
Inom, sugal, usok at babae
Paalam daddy
Sadyang ika'y napakabuti
Pilit mong tinutuwid aking pagkakamali
Ngunit bato sa tigas ang utak kong di mawari
Ang di makapagpaalam sa iyo'y sadyang anong saklap
Napakasama ko sa pinakahuli nating pag-uusap
Nagmura ako't alam kong nasaktan kita ng labis
Namasid ko sa iyong mata ang nagbabadyang tangis
Daddy naririnig mo pa ba ako
Ang aking pagsisisi umiikot ng walang hinto
Ngunit huli na ang lahat alam ko
Di ko na maibabalik ang natapus na yugto
Paalam daddy
Ang oras ay sadyang nagmamadali
Narito na ang aking sundo upang walang hanggang managhoy
Dahil alam kong sa ginawa ko'y dadalhin n'ya na ako sa dagatang apoy
Written: July 1, 2015 @ 10:20 pm
Totoo kaya na ang nagpapakamatay ay napupunta sa impyerno...
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top