OBRA
Sa pinaghalo-halong kulay
Napahanga niya ang mga mananangkilik
Ginamit niya ang asul simbolo ng ulap at dagat
Dahil labis ang kalungkutang sa kanya'y kumagat
Inihampas niya ang pula dahil halatang siya'y may galit
Para sa mga taong madalas mandaya't manugat
Inihaplos niya ang puti sapagkat mula pa noon siya ay busilak
Kung mag-alay siya ng damdamin ay wagas
Pinatingkad n'ya ito gamit ang samu't saring kulay
Sapagkat sa pagtagpi-tagpi nagkaroon siya ng pananalig sa pag-asa
Subalit sadyang may kulang pa
Binuhusan niya ng pag-ibig
At mula noo'y tinawag ito na OBRA
FB posted June 29, 2011 at 8:51am
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top