NGITI
Kalungkuta'y binihag nitong aking pagkasawi
Mukha'y sinaplutan ng manipis na ngiti
Umaasang sapat na upang di nila masalamin
Ang maya't mayang pagkirot nitong sugatan kong damdamin.
Hinihimay mga nagawa kung saan ako nagkamali
Sa pagmamahalan nating ang akala ko'y langit ang tumahi
Dahil kung alam mo lamang kung ga'no kasakit
Ang biglaan kong malamang sa isang idlap ako'y iyong pinagpalit.
Ito bang aking ilong na medyo pango?
O kaya'y ang di ko kahiligang magpabango
Kaya'y ang bulsa ko na matagal nang butas
Kaya't ipinagpalit mo ako kay kumpareng Kulas.
Sa kabila ng lahat pilit akong ngumingiti
Bagamat alam ko na mundo'y humahagikhik sa sinapit kong pagkasawi
Mahirap magkunwaring parang walang bagyong dumaan
Mahirap pa sa pulubing nanglilimos sa may daan.
Ngunit kailangang limutin ka't tibayan itong damdamin
Magpatuloy sa buhay, mag-usal ng dalangin
Para sa dalawang anghel na iniwan mo
Oo, kakayanin ko ang lahat para sa mga anak ko.
Mapapawi rin ang ulap sa tamang panahon
Paang nasa putika'y unti-unti kong iaahon
Ganito man ang kapalarang sa aki'y itinahi
Unti-unti't magiging tunay na ang aking pagngiti...
August 16, 2017
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top