Minsan Nagmahal Ako ng Labis
Masisisi mo ba ako hangin kung mapamahal siya sa akin
Ang ibigin ang kanyang galaw
Ang mahalin ang kanyang lambing
Na kung ilang ulit ng naitaga sa bato
Na umibig sa maling pagkakataon ay rehas na di na papasukin
Subalit masdan ako't muling nakukulong
Nalalasing sa mga bagay na tila daraan lang na parang hangin
Mga sandaling tila nagaganap lamang sa aking panaginip
Tama na, sana ito ay tunay at isang magpakailanman
Sana'y pag-ibig na ito'y wala ng katapusan
Subalit kung mangyaring pag-ibig na ito'y lumisan
Ang muling maganap ang isang bagay na masakit
Mga sandaling ilang ulit na akong nasaktan
Pakadinggin mo ito aking sinta
Aalalahanin ko lagi na may minsang
Labis na minahal kita.....
written: Dec. 23, 2000
15 years ago... A love at the wrong situation and time...
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top