Minsa'y May Isang Pangarap
Naaalala mo pa ba
Kung pa'no tayo nagsimula
Ating mga binuong mga pangarap
Kay ganda
Ngunit 'di madali
Abutin itong ulap
Dahil marikit at busilak
Nating panaginip
Yumuyuko sa ihip
Ng hanging makulit pa
Sa'ting mga larong
Simple lamang
Ang buhay noon
Di tulad ngayong
Panay ang kayod
Kabayong pagod
Na sa pagtakbo
Ngunit pilit
Inihakhakbang itong paa
Marating lamang ang dulo
Nitong palaisipan
Ang buhay ay
Talaga bang gan'to
Maraming liko-liko
Nagkandahilo na
Sa pagsakay sa tsubibo
Ngunit sige pa
Halika lang pagsubok
Lalampasan kita
Upang pangarap naming dal'way
Matupad
Aking kaibigan
Naaalala mo pa ba
Pangako natin sa isa't isa
Walang iwanan
Iaahon ang nadapa
Tapang nati'y kulay pula
Kahit asul pa
Ang pilit na
Ibinibigay ng tadhana
Ang hirap makawala
Sa tanikala ng kapalaran
Paano ba
Kasi tayong dal'way
Malayo na sa isa't-isa
Ikaw ay napunta
Sa itaas
Ngayo'y parang
Nalimot mo na
Sumpa nating dal'wa
Tutulungan bawat isa
Hindi pala
Ika'y kumawala
Naabot ang iyong pangarap
Ngayon ako'y mag-isa
Sarili kinakausap
Pati mga alitaptap at mga kulisap
Ito ang nalasap
Dulot ng ating pangarap
At muling nakita kita
Pero wala na sa'yong mata
Pangarap nating dal'wa
Natunaw na parang bula
At biglang sinabi mo
"Kung alam mo lang
Kung ano aking hinakbang
Marating ko lang
Ang nasumpungan"
"Mabuti kang kaibigan
Di ko nais na ika'y masaktan
O kaya'y dalhin kita
Sa aking kinahinatnan
Kaluluwa ko'y isinanla
Natutong dayain ang iba"
"Kung maibabalik ko lang
Dahon ng panahon
Oo, naaalala ko pa
Pangarap nating dalawa
Kay ganda"
"Ngunit heto ako
Halos di na
Makaharap sa'yo
Hilong-hilo
Sa pagsakay
Sa maling tsubibo"
"Pitaka ko nga'y napuno
Ngunit buhay na sinira ko'y
Di na makaya ng puso
Mabigat pa sa hirap
Na nadarama mo"
"Oo, nakalaya ako
Sa tanikala ng kahirapan
Ngunit mata ko'y luhaan
Ipinalit ang kaluluwa
Upang naisi'y mapunan"
"Makakaya mo bang
Lunukin ang tulong
Na galing sa masama
Malayo sa panaginip nating
Marikit at busilak"
"Kaibigan ko,
Nawala ako
Sa tamang daan
Sana iyong maunawaan
Dahil ngayo'y pagkakasala ko'y
Handa ko nang pagsisihan
Naparito lamang ako
Upang magpaalam
Sa'yo natatangi kong kaibigan"
"Oo, naaalala ko pa
Kung pa'no tayo nagsimula
Ating mga binuong mga pangarap
Kay ganda"
"Patuloy mong ligawan kaibigan
Alam kong masikap ka
Puso mo'y busilak
Balang araw
Magandang kapalara'y
Sasagutin ka"
"At kung dumating
Yaong araw
Pangarap mo'y matupad
Nawa'y huwag mo akong
Kalimutan"
"Ang iyong kaibigang
Minsang
Kasama mong
Nangarap..."
10-26-2017
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top