May Bukas Pa
Ilang ulit na ngang naranasang
Mapagod
Oo mapagod
Yung tipong gusto ng kumawala
Nitong kaluluwa mula sa katawan
Ngunit hindi pa
May parte pa ng pandamdam
Ang lumalaban at pilit
Nagpapakapit, ayaw pa ring paliparin
Itong ibo'y pilit hinahawla sa kalamnan
Dahil may rason pa rin upang
Ipagpatuloy ang paglanghap ng hangin
May mga mukha pa ring
Pilit gumigising tuwing tayo'y
Tila tuluyan nang mabibitag ng bangungut
Ang mga mahal natin sa buhay
Magulang, kapatid, asawa, anak at kaibigan
Sila ang dahilan kung bakit
Di tayo lubusang nagpapalunod sa lalim ng kawalan
Kung bakit patuloy pa rin tayong umaasa
Na ang bukas ay magiging mas
Mainam sa ngayon...
March 2017
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top