LUHAAN ANG PUSO
Masakit mabigo't umuwi ng luhaan
Dulot nito'y malalim na sugat
Lalo na kung ang sugat ay di pansin ng mata
Kung saan hapdi ramdam lamang ng nagdadala
Mapapawi pa kaya ang dugong umaagos
Sa mata ng pusong sawi sa pag-ibig
Dulot ng mga kababaehang nakilala sa may kadiliman
At tila may gayumang umaakit sa'ting puso
Nais nitong kumawala ngunit pilit hinahawakan
Dahil kaisipan ng dalaga'y di maintindihan
Di mahulaan sa kanyang malambing na anyo
Tila di ko alam kung kailan boses nila'y nagsasabi ng totoo
Babaeng bago sa paningin di natin kaano-ano
Ba't ang puso ni Ada'y baliw sa'yo
At minsan di napigilan ng puso
Ito'y umawit at nag-alay ng tula
Sa dalagang sa kanya'y prinsesa
At biglang si Maria Clara'y nagsalita
Nagsasabing "Ang nagmamahal ay naghihintay."
Lumipas ang araw, bituin at buwan
Siya'y hinintay na buksan ang pintuan
At sa puso'y pinalaki ang kanyang pangalan
Talagang mahirap masaktan, masakit mabigo
Lalo na't dalaga'y pinaasa ka't sa huli....
iiwan ding luhaan ang puso....
written: April, 2000
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top