KULAY NG PAG-ASA
Labing anim na milyon,
Ang s'yang nakakita't naniwala.
Na ikaw nga't ikaw nga,
Ang magpapaapuhap sa kulay ng pag-asa.
Ngunit sa nagaganap ngayon,
Saan mo dadalhin ang tatlong bituin?
Itong bawat sikat ng araw,
Ano ang iyong gagawin?
Kukulayan mo ba ng puti
Itong mga ginintuang dilaw?
O kaya'y kukulayan mo ng ginintuang dilaw
Ang kinalalagyan niyang puti?
Babaliktarin ang asul at malapulang kulay.
O kaya'y lalasunin mo ang bawat bahid,
Nang kulay na higit pa sa karimlan ng gabi.
O kaya'y pupunitin na lang,
Dahil wala na sa'yong silbi.
Tama pa ba ang tinatahak natin?
Mukhang patungo si Juan,
Sa mabalasik na batas ni Marcial.
Gumagaling ba ang sakit,
O kaya'y mas lumalala?
Ito ba ang tamang daan
Patungo sa bahag-haring nais maapuhap?
O mananatili na lamang pangarap
Itong kulay ng pag-asa'y
Sa'yong panunungkulan
Di kailanman malalasap...
May 28, 2017
Mysterious_aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top