Kabiguan Ng Manunulat (Ikalimang Pahina)
Sa iyong panulat doon mo inilahad
Mga kamalasang hinampas sa'yong palad
Mga kasagutan kung bakit kusa mong kikitlin
Ang buhay na hiram sa panitik dali-daling lalagutin
Kaya Ilang ulit mo nang ginamit ang lapis
Hinasa nang mabuti sinadyang pinatulis
Itinarak sa papel ginawang punyal at ginawang baril
Sa pulso'y pinanakal sa sariling bungo'y pinamaril
Masalimuot ang buhay at puno ng dagok
Walang kwenta ang lahat at babalik din sa alabok
Kaya sa matatalinghagang pananalita sinulat mong muli
Tumalon sa bangin at sinabit ang leeg ng walang pagsisisi
Kaya sa sulatin mo maraming humanga
Damang-dama nila ang bawat nakapintang mga letra
Mga sawi sa pag-ibig at mga bigo sa buhay
Talagang maraming yumakap sa iyong salaysay
Sa kabilang pangyayaring malayo sa panulat lamang
Si Pepe natagpuang nakahandusay sa may parang
Sa kanan n'yang kamay di nalalayo'y duguang baril
Sa kaliwa nama'y ang iyong akdang duguang papel
Pinasayaw mo muli ang iyong mga kamay
Gumagawa ng tulang ika'y nagpapakamatay
Ang di mo lang alam sumisindi ka ng mitsa
Mitsang maaring pumutok at kumitil sa buhay ng iba...
written: july 21, 1014
para sa ating mga sumusulat ng suicidal writing...
Actually isa ako doon...
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top