Kabiguan Ng Manunulat (Ikalawang Pahina)
Letrang tinagpi mo ay sadyang dalisay
Dalisay tiningala’t pinalakpakan sa husay
Husay na maaaring dalhin sa hukay
Hukay may marating patuloy na isasabuhay
Isasabuhay ng iba tutularan ang kulay
Kulay ng tinta mo’y mananalaytay
Mananalaytay sana ngunit hindi ka tunay
Tunay sa panitik sa gaway pasaway
Pasaway at mapang-api malayo sa salaysay
Salaysay magaling ma’y sulatin ay walang saysay
written: July 2, 2014
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top