Kabiguan ng Manunulat (Ikalabing-apat na Pahina)
May husay ka sa pagsugat nitong mga papel
Naisalin mo sa letra ang tinig ng mga anghel
Mga sinulat mo'y halatang iyong pinawisan
Inalayan ng puso gintong tunay kung paparisan
Ngunit bakit iyong tagamasid madaling nabagot
Tila tulang iyong hinabi di nila maisuot
Sa iyong lalim tagatangkilik ulo'y napanot
Mga metaporang pinalipad di nila maabut
Mabibilang ang sa panulat mo'y tila nakatiyaga't nakatiis
Ngunit sapat na upang di ka maghapis
Dahil alam mo sa iyong puso ng labis
Sila ang tunay na nakaunawa sa tangis ng iyong lapis...
Sinulat: Enero 11, 2015 @ 7:00 am
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top