Kabiguan Ng Manunulat (Ikaanim Na Pahina)
Niyupi niya muli ang papel sabay tapon
Anong nangyari't nawalang parang bula ang pagkamahinahon
At ang isipan niyang manunulat ay naging punong-puno ng lason
Muling pinalakad ang panulat ng sobrang diin
Tumatagos ang mga letra ng hindi niya pansin
Maliwanag na titik niya tila naging makulimlim
At muli niyang niyupi ang papel dahil walang direksyon
Problema niya sa panulat tila walang solusyon
Dahil gibang-giba ang pananaw niya't isipay puno ng polusyon
Pinapatak nya muli ang tinta ng kanyang panulat
Ilang ulit mang nadapa'y pilit wika'y minumulat
Dahil sa pananaw niya'y sa ganitong paraan maiibsan ang kanyang sugat
At sa wakas di niya ito kinusot
Hugis biyak na puso ang ginawa niya sa panghuli na sana ay tuldok
Pinagtaksilan siya ng taong mamahalin sana hanggang maging alikabok
written: August 22, 2014
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top