Hustisya Sa Kamay
Paano magtatagumpay ang katotohanan kung bulag ang saksi
Kung ang simbolo mismo ng hustisya'y mata'y tinakpan ng panyo
Tiyak ispadang kanyang dala'y lalata'y lamang sa biktimang sawi
Dahil mas matimbang sa kanyang panukat ang mga may hawak ng ginto
Paano mo igagalang ang hustisyang lantaran ang bulok
Kung pangalan n'ya mismo ay bulgarang nabibili
Mag-uumpisa pa lamang ang kaso alam mo na kung sino ang lunok
Kain at wasak ang mga walang kakayanang bumili
Paano mo bibigyang pugay ang sistemang mali
Kung batas mismo'y pananggalang ng mga kriminal
"Di sapat ang inyong ebidensya" ika ng tagapagtanggol sa mga inapi
Abogado nga nama'y pag nabayaran ng salapi nagiging animal
Paano natin babaguhin ang hustisyang ayaw umandar
Kung tayo mismo'y nakikiangkas sa kanyang sasakyan
Kung kadugo nati'y nanakit tiyak simpatya nati'y sa kanya'y lulugar
Pilit tayong pumapanig sa mali hindi sa wagas na nasaktan
Paano natin pipigilan ang taong ilalagay ang batas sa kanyang kamay
Kung ang simbolo ng hustisya'y sa kanya'y naging maramot
Paano natin sasabihing magpatawad ang taong pinakamamahal ay pinatay
Na mga walang awang krimimal ay sa Diyos na lamang managot
7-08-2015
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top